Share

XIX. His Eyes

In a small notebook, I wrote down all the informations we gathered from the old newspapers.

"Ang creepy niya. Kung ang killer ngayon at ang killer dati ay iisa lang, pwedeng mangyari ulit ang mga nangyari dati." Muling kinuha ni Macey ang isang dyaryo at tinignan iyon. "Oh my God! Nai-imagine ko tuloy 'yong lalaking pinagtatataga niya. Gross!"

Sumandal ako sa upuan at tinignan sila isa-isa. "Sa tingin ko ay iisa lang nga talaga sila."

The white mask and the hoodie. The killer's still using those things to hide his identity. Just like what he did before. Isa pa, bigla siyang nawala dati kaya posible talagang bumalik siya.

"Pero bakit naman siya bumalik?" kunot-noong tanong ni Jayson.

Bigla kong naalala noong minsan na tumawag 'yong killer. Tumingin muna ako kay Sofia bago mag salita.

"Ang sabi niya ay may kasalanan daw ang Mayor sa kaniya. Pati na rin daw ang lahat ng tao dito sa Greenville," sabi ko sa kanila.

Nagulat ako nang biglang hinampas ni Sofia ang mesa. Tumingin siya sa 'kin na parang naguguluhan. "Si daddy? May kasalanan sa kaniya? Eh, siya nga ang may kasalanan. My mother and sister died because of him!" sigaw niya.

Ngayon ko nalang ulit nakita si Sofia na magalit ng ganito. Buti nalang ay konti ang tao ngayon dito sa cafe at malayo kami sa kanila. Pero napansin ko pa rin ang pagtingin ni Ms. Belle dito sa pwesto namin.

Inalo-alo ni Macey si Sofia nang bigla itong umiyak.

"Calm down, Sofia."

Tumayo ako at tumabi sa pwesto nila. Niyakap ko si Sofia.

I'm worried about her. Sofia is very vulnerable. Sa aming lahat, siya ang pinakamalambot. When we are down, she's always there to comfort us. Pero pagdating sa sarili niyang problema, hindi niya na kinakaya.

***

"Macey, ano na palang nangyari d'on sa mga naunang letters na pinakita ko sa 'yo? May nabubuo na bang mga words or clues na pwedeng mag turo kung sino talaga ang killer?" tanong ko kay Macey.

Binuksan niya ang bag niya at may kinuha siya roon na isang papel.

"Last time, diba sinubukan natin ang ROT13. Then, I also tried other ciphers. Pero wala pa rin talagang nabubuo," aniya. Tinignan ko 'yong papel na nilabas niya. Punong-puno ito ng mga letra.

"Baka may kulang pa. Kung patuloy siyang magpapadala ng mga litrato na may mga ganiyang letters, pwedeng ang mga 'yon ang bumuo dito," saad ni Brix. Napa isip naman ako. Posible 'yon. Malamang ay may mga ipapadala pang litrato ang killer.

"Is that a school project?"

Sabay-sabay kaming nag angat ng tingin sa nag salita. It was Sander. Anong ginagawa niya dito?

Kumuha siya ng isang dyaryo sa mesa at tinignan iyon. Kinuha rin niya 'yong papel na inilabas ni Macey kanina.

"I guess, it's not." Nilapag niya na ang mga kinuha niya at tumingin samin. "So, you're playing detectives today?" natatawang tanong niya.

"Kuya, hindi ko alam na dadating ka agad," sabi ni Sofia sa kapatid.

"Wala akong magawa sa bahay kaya pumunta na agad ako dito. Kung hindi ka pa uuwi, I can wait here."

Nagulat ako nang biglang umupo si Sander sa tabi ko. Tinignan ko si Brix na napatingin din kay Sander na prenteng naka upo na sa tabi ko.

Tumingin ako sa harapan namin. Magkakatabi sina Sofia, Macey, at Jayson. Sa tabi ko na lang ang natitirang space kaya doon naupo si Sander.

Sinara ko ang mini notebook ko at nilagay 'yon sa bag ko. "Pag-usapan na lang ulit natin 'to sa susunod," sabi ko sa kanila. We can't talk about this investigation while Sander is here.

***

December 10, 9PM

I don't know what pushed me to walk here outside at this hour. I can already feel the cold breeze, but thanks to my red hoodie, nakakaya ko pa ang lamig. Ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa mukha ko ay parang nagsasabi na malapit na talaga ang pasko.

Ang bawat bahay na nadadaanan ko ay napalilibutan ng makukulay na Christmas lights.

Natigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Mang Isko. I miss him already. Madalas, kapag naglalakad ako dito, nakikita ko lang na nakatambay si Mang Isko sa bakuran nila, at 'pag nakita niya ako ay babatiin niya ako.

"Demi, ikaw ba 'yan?" ngumiti ako at lumapit sa gate nila. Nakatayo roon si Ate Aurelia na nagtatapon ng basura.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na, ah," tanong niya.

"Naglalakad-lakad lang po ako," sagot ko. Tinignan ko ang bahay nila na kakaunti pa lang ang dekorasyon. Wala na si Mang Isko. Siya ang naglalagay ng mga dekorasyon sa bahay nila.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ate Aurelia. Inaayos niya pa rin ang basurahan nila.

"Kamusta ka na, Ate Aurelia?" tanong ko sa kaniya.

Tumigil siya at tumingin sakin at ngumiti. "Ilang araw pa lang ang lumilipas, sinasanay ko pa lang ang sarili ko na wala si tatay dito. Masakit pero 'yon ang kailangan, eh."

Bakas pa rin nga ang lungkot at pangungulila sa mata niya.

"Unti-unti, masasanay tayo na wala siya dito pero hinding-hindi natin siya malilimutan," sabi ko. Gan'on naman talaga. Mahirap kalimutan ang taong napakalapit at napaka importante sa buhay mo.

"Tama ka, Demi. Salamat nga pala. Pakisabi kay Dra. Felicidad na salamat ulit sa trabahong binigay niya sa 'kin," sabi ni Ate Aurelia. Hindi ko pa nakakausap si mommy tungkol sa trabahong ibinigay niya kay Ate Aurelia. Kung ano man 'yon, masaya ako dahil makakatulong din 'yon sa kaniya at para may pagkaabalahan siya.

"Sige po. Sasabihin ko."

"O sige, papasok na ako. Bumalik ka na rin sa inyo," aniya. Tumango ako at nag paalam na sa kaniya. Ngunit, imbis na bumalik sa bahay, naglakad-lakad pa ulit ako hanggang sa makarating ako sa lumang playground ng Greenville.

Naupo ako sa isang swing at tumingin sa paligid.

Hindi ko maiwasang isipin kung paano 'pag lumabas na ulit 'yong killer. Paano kung gawin niya ulit 'yong dati? Kung ngayon pa lang, nakakatakot na ang mga pinaggagagawa niya, paano pa kaya kung gawin niya ulit ang brutal na pagpatay niya sa mga inosenteng tao.

Biglang nag ring ang cellphone ko.

Speaking of the devil...

"You're too brave. You're just camly sitting there, at this hour, knowing that there's a killer lurking in your town, and might attack you anytime."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Agad akong napatayo sa swing at nilibot ang paningin ko sa buong playground.

"Where are you?" kinakabahang tanong ko kahit na may hint na ako na nandito siya. Alam niyang naka upo ako sa isang swing, ibig sabihin ay nakamasid lang siya sa 'kin.

Narinig ko na naman ang mala demonyong tawa niya. "Don't worry, gusto pa kitang mabuhay nang matagal. I won't kill you, honey."

Dahan-dahan akong naglakad habang nakamasid pa rin sa paligid.

"I want to see you." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon. Takot ako pero hinahamon ko siyang magpakita sakin. What the hell, Demi!

Ilang sandali lang, nakarinig na ako ng ingay mula sa mga tuyong dahon na nasa lapag. Ramdam ko na may naglalakad na malapit sa 'kin.

"As you wish, Demi..."

Ibinaba ko mula sa tainga ko ang hawak kong cellphone. Naririnig ko ang maingay na paggalaw ng puro kalawang na kadena ng swing.

Dahan-dahan akong lumingon. And there, I saw a man sitting on a swing. He's wearing his white mask, only showing his hooded eyes.

His eyes. I think I already saw those eyes before. Hindi ko lang matandaan kung kanino.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status