December 7, 2:30 PM
Nilapag ko sa table ang envelope na kakapadala pa lang kahapon ng killer. Nandito kami ngayon sa Belle's Cafe para muling mag-usap tungkol sa killer.
Si Brix naman ay naglabas ng mga dyaryo. Luma na ang mga iyon at ang iba ay punit-punit na. Nakuha niya ito sa office ng daddy niya. Mga natirang dyaryo na naglalaman ng mga nangyari five years ago.
"Shocks! Ibig sabihin, pakalat-kalat lang 'yong killer doon sa party noong isang gabi?!" gulat na tanong ni Macey. Nanlalaki ang mata niya habang tinitignan ang mga litrato.
Bigla namang inagaw ni Sofia 'yong isang litrato, "A-anong ibig sabihin nito? Bakit may kuha ako rito?"
Uminom muna ako sa kape ko bago mag salita. "Hindi ko rin alam---"
"Malamang ay may masama siyang balak sayo," sabat ni Jayson.
"Jayson, ano ba!" sita sa kaniya ni Macey.
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng posibleng mangyari," giit niya.
"Well, may point si Jayson," pag sang-ayon ko. Pwede ngang may binabalak na masama ang killer kay Sofia.
Napalunok ako nang maalala ang nangyari sa bahay nila Akira. Kinuha ko ang litrato kung saan kuha ang pinto ng CR nila Akira.
"Ito, sa bahay 'to nila Akira." Ipinakita ko sa kanila ang pinto. "Nasa loob ako ng CR ng mga oras na 'yan. Biglang tumawag 'yong killer pero wala siyang sinabi. Nalaman kong nandoon din siya dahil sa background music na narinig ko noong tinawagan niya ako. Ilang beses din siyang kumatok no'n sa CR."
"Teka, bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'to noong gabing 'yon?" Tanong ni Brix ngunit hindi ako naka sagot.
Litong-lito na rin kasi ako no'n paglabas ko sa CR. Ang tanging naiisip ko na lang ay ang killer dahil alam kong isa sa mga kasama namin noong gabing 'yon ay ang killer.
"So, it is possible that one of the students that night is the...killer. Gosh!" Napabuga na lamang ng hangin si Macey at sumandal sa upuan niya.
Tinignan ko si Sofia na panay ang pagkutkot sa kuko niya. Tahimik lamang siya at tulala. Malamang ay iniisip nito ang sinabi ni Jayson kanina.
"Shit! Ang tindi. Estudyante pa lang pero ang galing mag tago. Matalino!" sabi ni Jayson, parang bilib na bilib pa ito.
Kumuha ako ng isang dyaryo. Medyo malabo na ang ilang letra kaya naman ang hirap basahin. Malabo man ang ilan, basang-basa ko pa rin ang headline ng dyaryo.
'The Dark Side of Greenville'
***
Third Person's POV
Five years ago...
Gabi na at ang ibang tao ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay. Ang iba naman ay pauwi pa lamang mula sa kanilang mga trabaho.
"Demi, kumain na tayo," sabi ng isang babae habang nilalapag ang mga pinggan sa mesa. Siya si Felicidad San Diego, isa sa mga magagaling na doktor sa Greenville. Lumapit naman ang anak nito na si Demi.
"Mommy, hindi pa po ba uuwi si Daddy?" tanong ng batanga babae sa kaniyang ina.
"Anak, pulis ang daddy mo at narinig mo naman na siguro ang tungkol doon sa killer. Hindi pa makakauwi ang daddy mo dahil pinaghahanap pa nila 'yon," paliwanag ni Dra. Felicidad.
Sumimangot naman ang batang si Demi. "Nakakatakot, mommy. Baka mapahamak si daddy."
"Demi, don't say that. Magiging safe ang daddy mo." Nilagyan niya na lamang ng pagkain sa pinggan ang bata para makapagsimula na itong kumain.
Sa labas naman ay may ilang naglalakad pauwi ng bahay, nagmamadali ang mga ito na para bang may iniiwasan.
At nangyari na nga ang kanilang iniiwasan at kinatatakutan.
Ang tahimik na gabi ng Greenville ay bigla nalang binalot ng malalakas na putok ng baril.
"Mommy, ano po 'yon?" takot na tanong ni Demi. Lumapit sa kaniya si Dra. Felicidad at niyakap siya.
"Wag mong pakinggan 'yon, anak. Halika, ihahatid na kita sa kwarto mo," sabi nito at hinawakan ang kamay ni Demi papuntang kwarto.
Sa kabilang banda, may lalaking naglalakad, may hawak itong baril sa kanang kamay at kaliwang kamay naman ay may itak.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ng isang babae na naka upo na sa kalsada at umiiyak.
"Tulong---" hindi na natuloy pa ang pag sigaw ng babae. Bigla na lamang siya binaril n'ong lalaki. Limang putok. Limang putok ng baril ang bumawi sa buhay ng babae.
Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki. Sa ilalim ng maskara nito ay ang isang malaking ngisi. Ang suot niyang damit ay puno na rin ng mga tilamsik ng dugo.
"Greenville...this town will never be the same again. Hindi ko hahayaan na mapuno na naman ng kasiyahan ang lugar na 'to. Ang lahat ng tao dito ay makasalanan at wala silang karapatan na sumaya," bulong ng lalaki sa kaniyang sarili.
Nagtago ang lalaki sa isang poste habang pinagmamasdan ang susunod niyang target. Sa 'di kalayuan, nakatayo ang isang lalaking may kausap pa sa cellphone nito.
"Hindi pwedeng malaman ni Andrea ang relasyon natin! Tumigil ka na. Hindi naman talaga kita mahal eh."
Napangisi na lamang ulit ang killer. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit doon sa lalaki.
Hawak-hawak ang itak, tumayo sa likuran n'ong lalaki. Walang pag-aalinlangan niyang inangat ang itak at tinapat ito sa ulo ng lalaki.
Hindi na nakasigaw pa ang lalaki. Walang ginawa ang killer kundi tagain ang lalaki. Basag na ang ulo nito. Ang dalawang kamay naman ay halos matanggal na. Ang ibang dugo nito ay tumatalsik sa damit at maskara n'ong killer.
Wala ng makakatumbas pa sa tuwang nararamdaman ngayon ng killer habang tinitignan ang lalaking pinagtataga niya.
"Ayan ang napapala ng mga taong katulad mo."
Nagpatuloy sa paglalakad ang killer. Tulad ng mga ginawa niya sa mga nauna niyang biktima, pinagbabaril niya ito at pinagtataga.
Ilang buhay ang nasawi noong gabing 'yon. Tuluyang nawala ang dating sigla ng mga tao sa Greenville. Ang simpleng paglabas ng bahay ay kinatatakutan nila. Takot na baka isang gabi ay makasalubong nalang nila ang killer sa daan.
"Sabihin mo sa amin kung ano ang nakita mo noong gabing 'yon," sabi ni Alfred San Diego, isang police detective ng Greenville at ang tatay ni Demi.
Katapat nito ang isang matanda. Nanginginig ang kamay nito na nakapatong sa mesa.
"Mang Isko, 'wag kang matakot. Sabihin mo lang ang nakita mo noong gabing 'yon."
Huminga nang malalim ang matanda bago nag salita.
"Galing ako sa town hall n'on. Naglalakad na ako pauwi pero nag tago ako sa isang bakanteng bahay nang masaksihan ko ang pagpatay ng isang lalaki sa mga nakakasalubong niya," panimula ng matanda. Seryoso namang nakatingin at nakikinig ang pulis sa sinasabi ng matanda. "Naka itim siyang jacket, may puting maskara na nababalot na ng dugo. Tapos may hawak pa siyang itak at baril na ginagamit niya sa pagpatay."
Yumuko ang matanda. "Hindi na ako nakahingi pa ng tulong dahil inunahan na ako ng takot at kaba ko."
Ilang buwan ang lumipas, sinubukan nilang hanapin ang killer pero bigo silang magawa ito. Hindi na muli nagpakita ito.
Ang paniniwala ng iba ay namatay na ito.
---
In a small notebook, I wrote down all the informations we gathered from the old newspapers."Ang creepy niya. Kung ang killer ngayon at ang killer dati ay iisa lang, pwedeng mangyari ulit ang mga nangyari dati." Muling kinuha ni Macey ang isang dyaryo at tinignan iyon. "Oh my God! Nai-imagine ko tuloy 'yong lalaking pinagtatataga niya. Gross!"Sumandal ako sa upuan at tinignan sila isa-isa. "Sa tingin ko ay iisa lang nga talaga sila."The white mask and the hoodie. The killer's still using those things to hide his identity. Just like what he did before. Isa pa, bigla siyang nawala dati kaya posible talagang bumalik siya."Pero bakit naman siya bumalik?" kunot-noong tanong ni Jayson.Bigla kong naalala noong minsan na tumawag 'yong killer. Tumingin muna ako kay Sofia bago mag salita."Ang sabi niya ay may kasalanan daw ang Mayor sa kaniya. Pati na rin daw ang lahat ng tao dit
December 11, 9AMDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nanonood sa 'kin.Napaupo ako bigla sa kama ko at gulat na tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo at bulong nang bulong."Kuya Derrick?" tanong ko. Napahimas din ako sa noo ko nang makaramdam ng sakit. Tumama lang naman ang noo namin sa isa't-isa.Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa kaniya. "Bakit may suot kang mask?" tanong ko sa kaniya. He's wearing a white mask, dahilan para bigla akong mapaupo kanina. Kinabahan ako, akala ko nakapasok na rito sa kwarto ko ang killer. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagpapakita niya sa 'kin kagabi.Tumayo siya kaya napa atras na lamang ako. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niya at pilit inaalala k
December 24, 6PM"Hello, Brix?" sagot ko sa tawag. Naglalagay ako ng mga regalo ngayon dito sa ilalim ng Christmas tree nang biglang tumawag si Brix."Demi, pwede ba tayo magkita mamaya? I'll just give you something," aniya. Napatingin ako sa wall clock namin at ala-sais pa lang. Madami pang oras bago mag Noche Buena."Sure. Anong oras?" nakangiting tanong ko."8PM. Ako na lang ang pupunta d'yan.""Sige," sabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ay hinanap ko ang regalo ko kay Brix. Kinuha ko 'yon at umakyat muna ako sa kwarto ko.I took a half bath. Naligo na rin naman ako kanina kaso pinagpawisan na rin ako dahil sa paghahanda para sa Noche Buena.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ulit ako. It is already 7PM. Nagluluto pa rin si mommy ngayon.Naririnig ko naman si Kuya Derrick na may kausap sa phone habang nakaupo sa sof
Macey's POVDecember 25, 6PMI was applying my red lipstick when my brother knocked on my door."Just a minute!" sigaw ko."Ate, kanina mo pa sinasabi 'yan. Dad is waiting downstairs," aniya gamit ang iritadong boses.Alam kong inis na inis na siya sa 'kin dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko. Pero this time, tapos na talaga ako mag-ayos.For the last time, I looked at my mirror to see my whole outfit. I'm wearing a red plaid tweed dress together with a black high heeled boots. Kinuha ko na ang pouch ko sa side table ko at lumabas ng kwarto.Pagkababa ko ay nag-aantay na si daddy sa sala. Ang kapatid ko namang si Arkin ay nakapangalumbaba habang nakasimangot."Sorry, bro," I smiled at him and made a peace sign."Psh! Stop it, ate," aniya at naglakad na palabas ng bahay. What's wrong with hi
Demi's POVSabay-sabay na nag-alisan sina Macey, Jayson, at Sofia kaya kaming dalawa na lang ni Brix ang naiwan dito sa poolside."Ang bilis ng araw 'no? Ilang araw na lang, papasok na naman ang bagong taon," sabi ni Brix. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya."Oo, ang bilis nga. Sobrang bilis at ang daming nangyari. Sa mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang namatay---" May sasabihin pa sana ako pinutol ni Brix ang pagsasalita ko."Shh...Demi. Kahit pasko 'yan pa rin iniisip mo?"Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."Simula nang mangyari 'yong homecoming, pare-parehas na lang ang naiisip ko – 'yong mga patayan at pati na rin ang pakikipag-usap sa 'kin n'ong killer."Bakit hindi na lang natin pag-usapan 'yong sa 'tin? You know, I'm excited to enter the new year lalo na't kasama kita,"
December 28, 9:00 AMLumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa pintuan ng mini office ni daddy. Kumatok muna ako sa pinto bago buksan iyon."Dad," tawag ko at lumapit sa kaniya. Nahagip ng mata ko si mommy na nakaupo sa couch, tulala at tila malalim ang iniisip."Bakit, Demi?" tanong niya sa 'kin habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa dyaryo na hawak niya.Huminga muna ako nang malalim bago mag salita. "Narinig ko na iba pala ang pumatay kay Mang Isko. Ibig sabihin ay posibleng buhay pa ang pumatay sa pamilya ni Mayor Javier?" tanong ko. Alam ko naman ang totoo, pero gusto ko pa rin makakuha ng sagot mula kay daddy.Sa puntong iyon ay tumingin na siya sa akin. Inayos niya muna ang salamin niya bago mag salita. "Yes. There's a possibility. At baka nga nandito pa rin siya sa Greenville." Nandito pa talaga."How about the cases these past two days? Tatlo ang na
Tatlong oras na ang lumipas matapos ang balita tungkol sa limang bangkay na natagpuan kanina. At ngayon naman ay bali-balita ang dalawang tao na umamin sa ilang pagpatay noong mga nakaraang araw.Sabi ko na nga ba, gawa ito ng killer. He pushes people to kill others. He pushes them to commit crime. Dahil dito, lumalabas ang mga tunay na ugali at ang mga tinatago nilang galit sa kapuwa nila. At may mga lumalabas din na mga sikreto. Tulad na lang ng nangyari kina Macey, Jayson, at Sofia.Ang kinakatakot ko ay si mommy, nasa kaniya pa ang kutsilyo at hindi ko alam kung nasabi niya na ba iyon kay daddy. Wala naman siguro siyang tinatago o nakaaway?Tumayo ako at nagtungo sa hagdan para bumalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan ang number ng killer. Panay lang ang pag ring no'n at hindi sinasagot.I dial his number for the third time. Sakto naman ay napadaan ako sa kwarto ni kuya. Bukas ang
"Demi, bakit mo sinabi 'yon?" tanong ni Brix. Itinigil ko ang pag dampi ng bulak sa sugat niya sa mukha at diretsong tumingin sa kaniya."Hindi naman talaga ako sasali. Sinabi ko lang 'yon para mas mapalapit sa killer," sabi ko sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya kanina ang napag-usapan namin ni Troy at ngayon ay nagagalit siya dahil sa naging desisyon ko.Napapikit siya at napahawak sa sentido niya. "Gusto mo ba talagang mamatay, Demi? Sa pakikipag-usap mo pa lang sa killer na 'yan, delikado na ang buhay mo. Tapos ang gusto mo pa ay sumugod sa lungga niya?""Ayun na nga eh! Ako lang ang tinatawagan no'ng killer kaya ako ang mas may kakayahan na---"Nagulat ako nang biglang hampasin ni Brix ang mesang nasa tabi namin. "Ikaw na ang nagsabi na walang sasali sa gang na 'yan para lang malaman natin kung sino talaga ang killer. At isa pa, hindi mo kailangan gawin ang lahat ng 'to!"Oo sinabi ko nga iyon
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a