Share

XXV. Decision

Author: Gwaeniii
last update Last Updated: 2021-03-29 22:55:36

Tatlong oras na ang lumipas matapos ang balita tungkol sa limang bangkay na natagpuan kanina. At ngayon naman ay bali-balita ang dalawang tao na umamin sa ilang pagpatay noong mga nakaraang araw.

Sabi ko na nga ba, gawa ito ng killer. He pushes people to kill others. He pushes them to commit crime. Dahil dito, lumalabas ang mga tunay na ugali at ang mga tinatago nilang galit sa kapuwa nila. At may mga lumalabas din na mga sikreto. Tulad na lang ng nangyari kina Macey, Jayson, at Sofia.

Ang kinakatakot ko ay si mommy, nasa kaniya pa ang kutsilyo at hindi ko alam kung nasabi niya na ba iyon kay daddy. Wala naman siguro siyang tinatago o nakaaway?

Tumayo ako at nagtungo sa hagdan para bumalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan ang number ng killer. Panay lang ang pag ring no'n at hindi sinasagot.

I dial his number for the third time. Sakto naman ay napadaan ako sa kwarto ni kuya. Bukas ang pinto pero hindi ko siya nakita. Ngunit natigilan ako nang marinig ang malakas na pag ring ng cellphone niya. Nakatapat pa rin sa tainga ko ang cellphone at hindi pa rin sinasagot ng killer ang tawag ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ni kuya. Naririnig ko ang ingay ng shower mula sa loob ng CR, malamang ay nandoon siya. Kasabay ng ingay ng shower, patuloy pa rin ang pag ring ng cellphone ni kuya. Hanggang sa makita ko iyon sa ibabaw ng kama niya.

Habang papalapit ay pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa cellphone ko na nakalapat pa rin sa tainga ko. Sa bawat hakbang ko ay binabalot ako ng kaba.

Nang makalapit ako sa kama ni kuya ay mas malinaw kong nakita ang cellphone niya na nakataob at patuloy pa rin sa pag ring. Hindi ko tuloy alam kung sino ang tumatawag at hindi ko rin alam kung kakayanin ko ba kapag nakita ko na kung sino iyon.

Sana naman ay mali ang kutob ko.

Kukunin ko na sana ang cellphone ni kuya ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR.

"Demi, what are you doing here?" tanong ni kuya at nagmamadaling lumapit sa kama niya at dinampot ang cellphone.

"K-kuya...sino 'yong tumatawag?" tanong ko. Diretso ang tingin ko sa kaniya. Napalunok pa siya at napansin ko rin ang malikot na paggalaw ng mata niya.

"Kuya..." tawag ko ulit sa kaniya.

Tinignan niya ang cellphone niya at biglang ngumiti. "Si Bianca. We have a date kaya mabuti pa bumalik ka na sa kwarto mo para makapag bihis na ako." Hinawakan niya pa ang balikat ko at marahan akong tinulak palabas ng kwarto niya.

Ilang minuto pa akong tumayo sa labas ng kwarto niya habang nakatingin sa pintong nakasara na ngayon.

Napakurap ako nang may magsalita sa kabilang linya.

"Happy New Year, honey!"

***

January 5, 10:00 AM

I texted Macey a while ago and asked her is she wants to come with us. Magba-basketball daw sina Brix at Jayson ngayon. At sabi nila ayain ko daw si Macey na sumama para na rin makapag-usap silang dalawa ni Jayson.

Gusto rin sana naming kausapin si Sofia pero hindi namin siya ma-contact. Ang sabi naman ni daddy, kasama niya si Mayor kahapon at ayos lang naman daw si Sofia.

From: Macey

Sure, sure. Sunduin na lang kita.

Napakagat ako sa labi ko. Buti na lang ay pumayag si Macey. Hindi ko kasi sinabi na kasama si Jayson. Bahala na kung anong mangyari mamaya.

"Sa covered court tayo," sabi ko kay Macey. Magkasama na kami ngayon. Ang alam niya ay sa mall kami pupunta kaya naman nagulat siya nang sabihin ko 'yon.

"Akala ko ba sa mall tayo pupunta?" tanong niya.

"Ano kasi...gusto raw ni Brix mag basketball. Doon na lang muna tayo," palusot ko na lang.

Narinig ko pa ang pag-angal ni Macey bago niya iniliko ang sasakyan patungo sa covered court.

"The fuck?!" bulalas ni Macey nang makarating kami sa court. Nakita ko sina Brix at Jayson na naglalaro na.

"Sorry, Demi, but I want to go home. Kung magpapaiwan ka dito, go," sabi ni Macey.

"Macey," tawag ko sa kaniya. "You need to talk to Jayson. Pag-usapan niyo muna 'yang problema niyo."

Napabuga siya ng hangin bago niya ako hinarap. "Demi, wala na kaming dapat pang pag-usapan. Puro kasinungalingan lang naman ang maririnig ko kapag nag usap kami."

Magsasalita na sana ako kaso naagaw ang atensyon ko ng mga motor na sunod-sunod na nagdatingan. Bale lima ang motor na 'yon at dala-dalawa pa ang sakay.

"Who are those guys?" kunot-noong tanong ni Macey. Kahit siya ay napatingin doon sa mga dumating.

Naningkit ang mata ko habang pinapanood ang pagtanggal nila sa mga helmet nila.

"Shit!" Sila Troy 'yon! Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan ni Macey at lumabas.

"Macey, bilisan mo! Baka mapano sina Brix," utos ko kay Macey. Tinignan ko ulit si Troy pati na rin ang mga kasama niya. Papalapit na sila ngayon kila Brix at Jayson.

Agad kaming tumakbo ni Macey pero hindi pa man kami nakakalapit ay nagsimula nang magsuntukan sina Brix pati na rin ang grupo ni Troy.

Gusto sana naming lumapit ni Macey ngunit napaatras kami nang bigla silang maglabas ng mga patalim.

"Brix!" sigaw ko. Napapapikit na lang ako sa tuwing natatamaan siya ng suntok. Ano ba kasing ginagawa nila Troy dito?

"Fuck, Troy! Stop it!" sigaw ni Macey. Napatingin si Troy sa gawi namin habang ang paa niya ay nakapatong sa sikmura ni Jayson.

"Ano?! Nag-aalala ka pa rin sa lalaking 'to? Pagkatapos ka niyang saktan at lokohin? Tangina!" sigaw ni Troy, matatalim ang kaniyang mata at nagngingitngit sa galit.

Hindi na ako nagulat kung paano niya nalaman ang tungkol kina Macey at Jayson, malamang ay nalaman niya iyon sa leader nila – ang killer.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala manlang katao-tao. Sarado ang mga bahay na malapit dito kaya walang mahihingan ng tulong.

Kinapa ko ang bulsa ng pants na suot ko para hanapin ang cellphone ko, ngunit wala roon.

Napapikit na lang muli ako dahil sa inis.

"Macey, 'wag kang aalis dito. Kukunin ko lang ang cellphone ko," sabi ko sa kaniya at nagmadaling bumalik sa sasakyan niya. Mabuti na lang ay mabilis kong nakita ang cellphone ko roon.

"H-hello, dad."

"Hello, Demi? Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni daddy sa kabilang linya.

"Meron, dad. We need your help. Nandito kami sa covered court at may dumating na gang at sinugod sina Brix at Jayson," sabi ko sa kaniya.

"Sige, sige. Papunta na kami d'yan. Mag-ingat ka, Demi."

Pagkababa ng tawag ay binalikan ko si Macey na umiiyak na ngayon.

"Papunta na ang mga pulis," sabi ko at niyakap siya.

Muli akong napatingin kay Troy. Dumako ang tingin ko sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang maalala ang mga mata noong killer at medyo hawig 'yon sa mga mata ni Troy.

Bakit ngayon ko lang 'to napansin?

Napatigil sila sa pag atake nang marinig ang sirena ng mga pulis. Kaniya-kaniya silang takbo ngunit ang iba ay naabutan pa ng mga pulis.

Nanatili ang tingin ko kay Troy na tumatakbo na palayo. Walang pagdadalawang-isip akong tumakbo at sinundan si Troy.

Doble ang bilis niya kaysa sa akin kaya naman hirap na hirap akong habulin siya. Muntik pa akong mapatid sa malaking bato na nadaanan ko.

"Troy!" tawag ko sa kaniya. Malayo na kami sa court at nakarating na kami sa tagong lugar.

Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap ako.

"Sino ka?" tanong ko, sinubukan ko pang pigilan ang panginginig ng boses ko.

Saglit na kumunot ang noo niya pero agad din siyang ngumisi. Pinunasan niya ang dugong nasa gilid ng labi niya at dahan-dahan na lumapit sa akin.

"Napag-isipan mo na ba, Demi?" tanong niya. Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"I need to hear your decision, now!" aniya habang patuloy pa rin sa paglapit sa akin.

Tinitigan ko siya at saglit na napaisip. Tinitigan kong mabuti ang mga mata niya.

"Payag na ako. Sasali ako sa gang niyo."

---

Related chapters

  • Greenville: The Homecoming    XXVI. Troy Capistrano

    "Demi, bakit mo sinabi 'yon?" tanong ni Brix. Itinigil ko ang pag dampi ng bulak sa sugat niya sa mukha at diretsong tumingin sa kaniya."Hindi naman talaga ako sasali. Sinabi ko lang 'yon para mas mapalapit sa killer," sabi ko sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya kanina ang napag-usapan namin ni Troy at ngayon ay nagagalit siya dahil sa naging desisyon ko.Napapikit siya at napahawak sa sentido niya. "Gusto mo ba talagang mamatay, Demi? Sa pakikipag-usap mo pa lang sa killer na 'yan, delikado na ang buhay mo. Tapos ang gusto mo pa ay sumugod sa lungga niya?""Ayun na nga eh! Ako lang ang tinatawagan no'ng killer kaya ako ang mas may kakayahan na---"Nagulat ako nang biglang hampasin ni Brix ang mesang nasa tabi namin. "Ikaw na ang nagsabi na walang sasali sa gang na 'yan para lang malaman natin kung sino talaga ang killer. At isa pa, hindi mo kailangan gawin ang lahat ng 'to!"Oo sinabi ko nga iyon

    Last Updated : 2021-03-29
  • Greenville: The Homecoming    XXVII. Behind Closed Doors

    Tumawa si Troy at diretsong tumingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin? Para namang hindi mo ako kilala.""Kilala nga ba talaga kita?" tanong ko. "Hindi na ikaw ang Troy na kilala ko dati. Alam kong may tinatago ka."Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Malamang ay tumatawag na si Brix.Muli kong idiniin ang pagsakal kay Troy habang nakatutok pa rin ang hawak kong kutsilyo.Tumawa siya pero ramdam ko ang paghihirap niya dahil sa pagsakal ko sa kaniya. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Itigil mo na 'to Demi kung ayaw mong...sa 'yo ko mismo gamitin 'yang hawak mong kutsilyo.""Demi! Demi!" nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Brix."Boss, nakita namin 'tong nagmamasid sa labas." napaligon ako sa dalawang matangkad na lalaki na kakapasok lang. Lumuwag ang pagsakal ko kay Troy nang makitang hawak-hawak nila si Brix."Brix..." tawag ko sa ka

    Last Updated : 2021-03-30
  • Greenville: The Homecoming    XXVIII. Spilling Tea

    Kinuha ko lahat ang mga envelopes na nakatago sa drawer. Inilusot ko 'yon sa bag ko at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.May pasok na ulit kami ngayon at makakapagkita na ulit kami ni Macey. Ibibigay ko sa kaniya 'yong bagong envelope na natanggap ko. Medyo nag-aalala rin ako sa magiging reaksyon ni Macey dahil may litrato ang daddy niya rito.Pagkababa ko ay nakita ko na si kuya na nag-aabang sa akin. Ihahatid niya raw kasi ako. Si Brix naman ay nasa school na dahil sumabay sa kaniya si Tita Mirasol."Nakaalis na ba sila mommy?" tanong ko sa kaniya."Oo, kaaalis lang," sagot niya at tumayo na.Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya."Baka naman may mangyari na naman sa 'yo ngayon. Ilang beses ka ng napapahamak," sabi ni kuya habang nagmamaneho.Napabuntong-hininga na lang ako. Simula nang tawagan ako ng killer, nasa panganib na ang buhay ko. At

    Last Updated : 2021-03-30
  • Greenville: The Homecoming    XXIX. Caught In The Act

    Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.

    Last Updated : 2021-04-01
  • Greenville: The Homecoming    XXIX. Caught In The Act

    Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.

    Last Updated : 2021-04-01
  • Greenville: The Homecoming    XXX. Start

    Sofia's POVI want to sleep but I can't.I checked the time and it's already 12 in the midnight. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya naman gising na gising pa rin ang diwa ko.Tumingin ako sa side table ko. I quickly grab my mother's picture."Mom, I'm sorry," bulong ko habang tinitignan ang litrato niya. Ang dami kong nagawang mali, at alam kung hindi 'yon magugustuhan ni mommy.I remember what my classmate told me earlier. Hindi nagkulang si mommy sa akin. Ilang taon ko siyang hindi nakasama pero hindi siya nagkulang sa akin. Siguro, ako talaga mismo ang may mali.Ngayon, naiisip ko, maling-mali ang nagawa ko. Falling in love to Jayson is wrong. Boyfriend siya ng bestfriend ko. At ngayon, nagsisisi na ako. Nasisira ang pagkakaibigan namin dahil sa akin. I still love Jayson, but I also love my friends. They're my family.At mas gusto ko silang

    Last Updated : 2021-04-02
  • Greenville: The Homecoming    XXXI. Secrets

    "Mom?" Agad akong bumaba sa sala namin para hanapin si mommy. Dumiretso pa ako sa kusina para tignan kung nandoon siya ngunit hindi ko siya nakita."Mommy!" sigaw ko habang papaakyat ulit. I entered dad's office pero wala rin si mommy doon.Nagpunta na ako sa kwarto nila. Wala rin siya doon pero napansin kong bukas ang closet niya.Mabilis akong lumapit doon. Sinimulan kong tignan ang bawat sulok ng closet niya. Inangat ko ang mga damit pati na rin ang ilang gamit niya roon.Dalawa lang ang pwedeng rason para magpadala ang killer ng picture ni mommy. Una, maaaring may masamang mangyari sa kaniya. Pangalawa...posibleng may tinatago siyang sikreto.Hinalughog ko ang pinakataas ng closet niya kung saan nakalagay ang ilan sa mga bags niya. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Until I saw her favorite bag, nasa pinakatago iyon nakalagay. Tumingkayad pa ako par

    Last Updated : 2021-04-04
  • Greenville: The Homecoming    XXXII. Deathbed

    "I'll go now. Kayo na ang bahala rito," sabi ni mommy. Katatapos lang rin namin mag dinner. Bago siya tumayo ay tumingin muna siya sa akin. Ngumiti pa siya pero halata naman na pilit 'yon."Ok mom. Ingat," sabi ni kuya.Tumayo na rin ako."Hey, hey, hey! Where are you going?" tanong ni kuya."Inaantok na ako, kuya. Aakyat na ako," sabi ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin."Ikaw maghuhugas ng pinagkainan natin ngayon," saad niya.Napahawak ako sa ulo ko. "Inaantok na talaga ako. Ang sakit din ng ulo ko." Hindi ko na inantay pa ang susunod niyang sasabihin, umakyat na agad ako sa kwarto ko.Kinuha ko ang hoodie ko sa closet ko at sinuot iyon. Nilagay ko naman sa bulsa ko ang kutsilyong binigay sa akin no'ng killer.Kailangan kong sundan si mommy. Ewan ko ba pero masama ang kutob ko. Feeling ko ay may mangyayari ngayong gabi.

    Last Updated : 2021-04-04

Latest chapter

  • Greenville: The Homecoming    EPILOGUE

    Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi

  • Greenville: The Homecoming    XL. Perilous Love

    Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa

  • Greenville: The Homecoming    XXXIX. The Face Behind The Mask

    Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."

  • Greenville: The Homecoming    XXXVIII. The Devil's Den

    "Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n

  • Greenville: The Homecoming    XXXVII. Greenville's Nightmare

    Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na

  • Greenville: The Homecoming    XXXVI. Mayor Javier Is Missing

    Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.

  • Greenville: The Homecoming    XXXV. Wicked Town

    Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa

  • Greenville: The Homecoming    XXXIV. The Watcher

    "Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip

  • Greenville: The Homecoming    XXXIII. Prom Night

    We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a

DMCA.com Protection Status