December 28, 9:00 AM
Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa pintuan ng mini office ni daddy. Kumatok muna ako sa pinto bago buksan iyon.
"Dad," tawag ko at lumapit sa kaniya. Nahagip ng mata ko si mommy na nakaupo sa couch, tulala at tila malalim ang iniisip.
"Bakit, Demi?" tanong niya sa 'kin habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa dyaryo na hawak niya.
Huminga muna ako nang malalim bago mag salita. "Narinig ko na iba pala ang pumatay kay Mang Isko. Ibig sabihin ay posibleng buhay pa ang pumatay sa pamilya ni Mayor Javier?" tanong ko. Alam ko naman ang totoo, pero gusto ko pa rin makakuha ng sagot mula kay daddy.
Sa puntong iyon ay tumingin na siya sa akin. Inayos niya muna ang salamin niya bago mag salita. "Yes. There's a possibility. At baka nga nandito pa rin siya sa Greenville." Nandito pa talaga.
"How about the cases these past two days? Tatlo ang namatay, dad. Paano kung iisa lang ang pumapatay," sabi ko. Noong isang araw, may dalawang natagpuang patay, kahapon naman ay isa. Ang tatlong biktima ay natagpuang tadtad ng saksak.
"Na-imbestigahan na namin 'yan. Iba't-ibang fingerprints, iba't-ibang motibo ng pagpatay," sagot ni daddy.
I still have one question. "Dad, five years ago diba---"
"Demi, let's not talk about these things. Go to your room, magpahinga ka. At hangga't maaari, iwas-iwasan niyo muna ang paglabas ngayon," seryosong sabi ni dad. Okay, wala akong makukuhang sagot niya.
Tumayo na lang ako at ngumiti. "Sige, dad."
Nilingon ko muna si mommy. "Mom, ayos ka lang?" tanong ko. Bahagya naman siyang nagulat pero ngumiti rin agad.
"Y-yes...I'm fine, honey." Tumango na lang ako at lumabas na.
Malamang ay iniisip na naman ni mommy ang tungkol sa kutsilyong natanggap namin, at mayroon din si Macey n'on. And speaking of Macey, hindi pa rin namin siya nakakausap hanggang ngayon, maging si Sofia. Si Jayson naman ay nakausap namin kahapon. He confessed everything. Pati na rin ang dahilan kung bakit gusto niya ng itigil ang relasyon nila ni Sofia. May natanggap daw siyang...
Teka!
Nakatanggap si mommy ng kutsilyo mula sa killer, meron din si Macey, pati si Jayson. Pati ako na unang nakatanggap.
Hindi ko alam kung posible ba 'tong naiisip ko. Dalawang araw nang may namamatay dito sa Greenville. Lahat ay dahil sa saksak ng kutsilyo. Hindi kaya hindi lang kami ang nakatanggap ng regalong 'yon mula sa killer?
At sa naaalala ko...nakasulat sa letter na kailangan daw patayin ang mga makasalanan. It's either na ikaw ang papatay o ikaw ang papatayin.
Shit!
Agad kong tinawagan si Brix.
***
"Balikan muna natin 'yong homecoming. Nagsimulang tumawag sa 'yo 'yong killer ilang araw bago ang homecoming, diba?" tanong ni Brix habang nagsusulat sa isang papel.
Tinawagan ko siya kanina pati na rin si Jayson. At ngayon ay nandito ulit kami sa Belle's Cafe, sa pwesto namin lagi kung saan tago at malayo sa mga tao para makapag-usap kami nang maayos.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Brix. "Sabi niya pa n'on ay pabalik na siya," sabi ko.
Napahawak si Brix sa baba niya na tila may iniisip. "Pabalik? Possible reason 'yon para isipin natin na siya rin ang killer 5 years ago at nagbabalik ngayon. Ang tanong, sino ba ang mga umalis dati at bumalik ngayon?"
Napa-isip din tuloy ako sa sinabi ni Brix. Madaming bumalik dito sa Greenville. Halos sabay-sabay sila at nagkataon pa sa mismong araw ng homecoming ng pamilya ni Mayor Javier.
"Sina Tita Serenity, Ate Sandy, at si Sander. Si Kuya Derrick bumalik din pati na rin si Tito Aries," sabi ko. Nilista naman iyon ni Brix sa papel.
"Let's remove Tita Serenity and Ate Sandy on the list. So, these are the possible---"
"Isali mo na rin si Troy," putol ni Jayson sa pagsasalita ni Brix. Kunot ang noo niya habang nilalaro ang basong nasa harapan niya. Mukhang bad trip pa rin ang isang 'to hanggang ngayon.
Binalik ko naman ang tingin ko kay Brix. "Pero hindi lang naman sila ang bumalik. Pwedeng meron din sa ibang---"
"Yes, pero diba ang sabi mo nga ay malapit lang sa atin ang killer. 'Yong kuya mo, si Sander..." tumingin siya kay Jayson. "and Tito Aries, sila ang pinakamalapit sa atin," sabi ni Brix.
"I don't think my father could do that, he's too busy with his work," wika naman ni Jayson.
Hindi ko rin kayang isipin na magagawa ng kapatid ko 'yon. Last time, I found him suspicious pero parang hindi naman sapat na rason 'yon para paghinalaan namin siya.
Si Sander naman...
"Sa bahay nila Akira, nandoon si Sander. Kasama natin siya at nalaman natin na nandoon din ang killer noong gabing 'yon," dagdag ni Brix.
Ang gulo. Napakagulo. Naghahalo-halo na sa utak ko ang lahat ng impormasyon at posibilidad na nakalap namin.
"Teka!"
Napatingin kami kay Jayson nang mag salita ito.
"Sa dinami-rami ng tao dito sa Greenville, bakit si Demi ang napili ng killer? Bakit si Demi ang kinakausap niya?" naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin mas malapit kay Demi 'yong killer."
Nalipat ang tingin ni Brix sa akin. Silang dalawa ni Jayson ay seryoso nang nakatingin sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag...si Kuya Derrick.
Kuya Derrick
Kapatid ko siya, ayaw ko mang isipin na posibleng siya ang killer, pero sa tingin ko kailangan ko ng pagmasdan nang mabuti ang bawat kilos niya.
***
December 31, 11:30 AM
Nangingibabaw sa buong paligid ang ingay mula sa mga paputok, torotot, at fireworks. Tumingala ako para makita ang nagkalat na makukulay at kumikislap na fireworks. 30 minutes na lang ay bagong taon na. Panibagong taon na naman para sa bawat isang nandito sa Greenville.
"Barbecue?" napalingon ako at nakita ko si Kuya Derrick, may hawak siyang dalawang stick ng barbecue, inaabot niya sa akin ang isa pero umiling ako.
"Mamaya na lang, kuya. Busog pa ako," sabi ko sa kaniya.
"Okay," aniya at tumingala na lang din habang nginunguya ang hawak niyang barbecue.
"Nakakamiss 'to. Buti na lang talaga at nakauwi ako at makakasama ko kayo sa pagpasok ng bagong taon," sabi ni kuya. Abot-tainga pa ang ngiti niya kaya masasabi talagang masaya siya.
Mas lalong umingay ang paligid. Medyo mausok dahil sa mga paputok pero kitang-kita pa rin ang makukulay na fireworks.
10 minutes
Sa bawat minuto, mas lumalakas ang mga paputok. Mas dumadami ang tao sa labas ng mga kaniya-kaniyang bahay, at mas nagliliwanag ang paligid at ang kalangitan.
10 seconds
Sa bawat segundong nababalot ang paligid ng ingay at kasiyahan, hindi namin namamalayan, may iba pa palang nangyayari sa mga oras na 'to.
"Happy New Year!"
Niyakap kami nila mommy at daddy at binati ang isa't-isa. Maging ang mga taong nasa paligid namin ay ganoon ang ginawa, bati dito, bati doon.
Sa kabila ng masasayang batian, hindi namin alam, may ilang tao na pala ang umiiyak, sumisigaw, at nagmamakaawa ng mga oras na 'yon.
"Ilang oras pa lang ang lumilipas matapos ng maingay na selebrasyon ng pagpasok ng bagong taon, ngunit masamang balita agad ang bumalot sa buong Greenville."
Nakaupo ako sa sofa habang diretsong nakatutok ang aking atensyon sa TV kung saan ipinapakita ang mga katawan na duguan at walang malay.
"Limang bangkay ang natagpuan ngayon lang sa iba't-ibang parte ng Greenville. Duguan ang mga ito at ayon sa mga pulis ay ilang oras ng walang buhay ang mga ito. Sinasabing kasabay ng selebrasyon ay maaaring naganap ang mga pagpatay na ito."
Bagong taon, ngunit karumal-dumal na balita ang gumising sa mga tao dito sa Greenville.
Bagong taon at marami na naman nabiktima ang killer. At alam kong hindi pa siya rito nagtatapos...malamang ay madadagdagan pa ito.
---
Tatlong oras na ang lumipas matapos ang balita tungkol sa limang bangkay na natagpuan kanina. At ngayon naman ay bali-balita ang dalawang tao na umamin sa ilang pagpatay noong mga nakaraang araw.Sabi ko na nga ba, gawa ito ng killer. He pushes people to kill others. He pushes them to commit crime. Dahil dito, lumalabas ang mga tunay na ugali at ang mga tinatago nilang galit sa kapuwa nila. At may mga lumalabas din na mga sikreto. Tulad na lang ng nangyari kina Macey, Jayson, at Sofia.Ang kinakatakot ko ay si mommy, nasa kaniya pa ang kutsilyo at hindi ko alam kung nasabi niya na ba iyon kay daddy. Wala naman siguro siyang tinatago o nakaaway?Tumayo ako at nagtungo sa hagdan para bumalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan ang number ng killer. Panay lang ang pag ring no'n at hindi sinasagot.I dial his number for the third time. Sakto naman ay napadaan ako sa kwarto ni kuya. Bukas ang
"Demi, bakit mo sinabi 'yon?" tanong ni Brix. Itinigil ko ang pag dampi ng bulak sa sugat niya sa mukha at diretsong tumingin sa kaniya."Hindi naman talaga ako sasali. Sinabi ko lang 'yon para mas mapalapit sa killer," sabi ko sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya kanina ang napag-usapan namin ni Troy at ngayon ay nagagalit siya dahil sa naging desisyon ko.Napapikit siya at napahawak sa sentido niya. "Gusto mo ba talagang mamatay, Demi? Sa pakikipag-usap mo pa lang sa killer na 'yan, delikado na ang buhay mo. Tapos ang gusto mo pa ay sumugod sa lungga niya?""Ayun na nga eh! Ako lang ang tinatawagan no'ng killer kaya ako ang mas may kakayahan na---"Nagulat ako nang biglang hampasin ni Brix ang mesang nasa tabi namin. "Ikaw na ang nagsabi na walang sasali sa gang na 'yan para lang malaman natin kung sino talaga ang killer. At isa pa, hindi mo kailangan gawin ang lahat ng 'to!"Oo sinabi ko nga iyon
Tumawa si Troy at diretsong tumingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin? Para namang hindi mo ako kilala.""Kilala nga ba talaga kita?" tanong ko. "Hindi na ikaw ang Troy na kilala ko dati. Alam kong may tinatago ka."Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Malamang ay tumatawag na si Brix.Muli kong idiniin ang pagsakal kay Troy habang nakatutok pa rin ang hawak kong kutsilyo.Tumawa siya pero ramdam ko ang paghihirap niya dahil sa pagsakal ko sa kaniya. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Itigil mo na 'to Demi kung ayaw mong...sa 'yo ko mismo gamitin 'yang hawak mong kutsilyo.""Demi! Demi!" nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Brix."Boss, nakita namin 'tong nagmamasid sa labas." napaligon ako sa dalawang matangkad na lalaki na kakapasok lang. Lumuwag ang pagsakal ko kay Troy nang makitang hawak-hawak nila si Brix."Brix..." tawag ko sa ka
Kinuha ko lahat ang mga envelopes na nakatago sa drawer. Inilusot ko 'yon sa bag ko at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.May pasok na ulit kami ngayon at makakapagkita na ulit kami ni Macey. Ibibigay ko sa kaniya 'yong bagong envelope na natanggap ko. Medyo nag-aalala rin ako sa magiging reaksyon ni Macey dahil may litrato ang daddy niya rito.Pagkababa ko ay nakita ko na si kuya na nag-aabang sa akin. Ihahatid niya raw kasi ako. Si Brix naman ay nasa school na dahil sumabay sa kaniya si Tita Mirasol."Nakaalis na ba sila mommy?" tanong ko sa kaniya."Oo, kaaalis lang," sagot niya at tumayo na.Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya."Baka naman may mangyari na naman sa 'yo ngayon. Ilang beses ka ng napapahamak," sabi ni kuya habang nagmamaneho.Napabuntong-hininga na lang ako. Simula nang tawagan ako ng killer, nasa panganib na ang buhay ko. At
Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.
Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.
Sofia's POVI want to sleep but I can't.I checked the time and it's already 12 in the midnight. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya naman gising na gising pa rin ang diwa ko.Tumingin ako sa side table ko. I quickly grab my mother's picture."Mom, I'm sorry," bulong ko habang tinitignan ang litrato niya. Ang dami kong nagawang mali, at alam kung hindi 'yon magugustuhan ni mommy.I remember what my classmate told me earlier. Hindi nagkulang si mommy sa akin. Ilang taon ko siyang hindi nakasama pero hindi siya nagkulang sa akin. Siguro, ako talaga mismo ang may mali.Ngayon, naiisip ko, maling-mali ang nagawa ko. Falling in love to Jayson is wrong. Boyfriend siya ng bestfriend ko. At ngayon, nagsisisi na ako. Nasisira ang pagkakaibigan namin dahil sa akin. I still love Jayson, but I also love my friends. They're my family.At mas gusto ko silang
"Mom?" Agad akong bumaba sa sala namin para hanapin si mommy. Dumiretso pa ako sa kusina para tignan kung nandoon siya ngunit hindi ko siya nakita."Mommy!" sigaw ko habang papaakyat ulit. I entered dad's office pero wala rin si mommy doon.Nagpunta na ako sa kwarto nila. Wala rin siya doon pero napansin kong bukas ang closet niya.Mabilis akong lumapit doon. Sinimulan kong tignan ang bawat sulok ng closet niya. Inangat ko ang mga damit pati na rin ang ilang gamit niya roon.Dalawa lang ang pwedeng rason para magpadala ang killer ng picture ni mommy. Una, maaaring may masamang mangyari sa kaniya. Pangalawa...posibleng may tinatago siyang sikreto.Hinalughog ko ang pinakataas ng closet niya kung saan nakalagay ang ilan sa mga bags niya. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Until I saw her favorite bag, nasa pinakatago iyon nakalagay. Tumingkayad pa ako par