Macey's POV
Kasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.
***
Demi's POV
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.
Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.
Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa siya para mapantayan ako.
Doon ko nakita nang malinaw ang mga mata niya. Nagkamali ako na napagbintangan ko si Troy na siya ang killer. Kaya naman pala pamilyar ang mga mata dahil si Sander ang nagma-may-ari ng mga 'yon.
Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na pagdudahan siya. Hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya palang gawin ang lahat ng 'to. Napakagaling niya magtago...pero paano niya napatay ang sarili niyang pamilya?
Pilit kong inilayo ang mukha ko nang subukan niyang hawakan ang pisngi ko.
"Are you surprised, honey?" Gusto kong masuka sa pagtawag niya sa akin ng 'honey.'
"Bakit mo 'to ginagawa Sander? Anong kasalanan namin sayo?" naiiyak kong tanong. Gusto ko ng malaman lahat ngayon.
Magsasalita pa sana siya pero sunod-sunod naming narinig ang sirena ng mga pulis.
"They're here. Let's start the show," bulong niya.
Napatingin ako sa entrance ng town hall nang sunod-sunod na magpasukan ang mga kaibigan ko. Nandoon din sila mommy pati ang mga magulang ng mga kaibigan ko. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang gulat.
"Subukan niyong lumapit, hindi ako magkakamaling iputok 'tong hawak ko sa mga bungo nila!" sigaw ni Sander habang hawak-hawak ang baril niya.
Ilang saglit lang ay bigla siyang tumawa. Nangibabaw ang mala-demonyong tawa niya sa buong town hall.
Lumapit siya sa Mayor at tinanggal ang busal sa bibig.
"A-anak..." nanghihinang tawag ni Mayor kay Sander.
"Tutal naman nandito na kayong lahat bakit hindi pa natin simulan 'to. Unang-una, gusto kong malaman niyo kung sino ba talaga si Mayor Solomon Javier, ang ama ng Greenville," sabi ni Sander habang nakatingin sa lahat.
"Kilala niyo siya bilang isang mabait na Mayor at mapagmahal na asawa at ama, pero nagkamali kayo roon. He killed my mother! Mamamatay tao ang Mayor niyo!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? E, siya nga ang pumatay kina Tita Serenity.
"Kuya..." Tumingin ako kay Sofia na umiiyak.
"I'm not your brother. Kahit kailan hindi tayo naging pamilya, Sofia. Isa lang ang tinuturing kong pamilya...ang nanay ko. Ang nanay ko na pinatay ng hayop na 'to!" Itinutok niya ang baril sa sentido ni Mayor.
Hindi namin maintindihan ang mga sinasabi ni Sander.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang mga tumutulong luha ni Sander. Bigla na lang siyang humagulgol.
"Bunga ako ng pagkakamali at pagtataksil. Anak lang ako sa labas," sabi nito na ikinagulat naming lahat.
"Anak, kahit kailan hindi ko inisip na pagkakamali ka---"
"Tumahimik ka!" Napapikit ako sa sigaw ni Sander.
Humarap ulit si Sander sa mga pulis, sa mga kaibigan ko, pati sa mga magulang namin na nandito.
"Nabuntis niya ang nanay ko, iniwan niya at pinapatay! Ito ba ang Mayor na mahal na mahal ninyong lahat?!" galit na tanong ni Sander.
Kumikirot ang puso ko habang tinitignan si Sander. Bigla akong nakaramdam ng awa.
So, ayon ang dahilan kung bakit niya nagawang pumatay? Gumaganti siya.
Bigla siyang tumingin sa akin. "At alam niyo ba kung sino ang inutusan niya para patayin ang nanay ko?" Muli siyang tumingin sa harapan. Sinundan ko ang tingin ng mga mata niya.
"Walang iba kundi si Felicidad San Diego," diretsong sabi niya.
Napahagulgol ako lalo. Tinignan ko si mommy na nakayuko at umiiyak na rin.
"Mom, hindi 'yon totoo, diba?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya magagawa 'yon.
"My mother could still survive but money is too powerful. Hindi ko alam kung magkano ang binayad sa kaniya ni Solomon, pero dahil sa kaniya tuluyang nawala ang nanay ko."
Durog na durog na ang puso ko. Hindi manlang umapela si mommy o itinanggi ang sinabi ni Sander.
Ayoko na...parang ayoko ng marinig pa ang iba pang katotohanan. Masyado nang masakit.
"Kayo namang mga kaibigan ko, itinuring ko kayong pamilya. Nawala lang ako ng ilang taon pero parang kinalimutan niyo agad ako.
"Sander, hindi 'yan totoo," sabi ni Kuya Derrick.
Natawa si Sander. "Hindi nga ba? Pero bakit gano'n ang naramdaman ko? At ikaw, Demi..." Tumingin siya sa akin.
"Binuhos ko rin ang buong pagmamahal ko sayo. Ilang beses kong inamin at pinakita 'yon sayo...pero binalewala mo lang ang lahat. Tangina!"
Napapikit na lang ako. "I'm s-sorry..."
Saglit na natahimik ang buong town hall. Lahat ay walang imik, pare-parehas kaming gulat sa mga inamin ni Sander.
Nang i-angat ko ang ulo ko, napabuka ako ng bibig nang itutok ni Sander ang baril sa sarili niya.
"Sander, ibaba mo 'yan," pagmamakaawa ni Mayor Javier.
"Alam niyo kung bakit ako pumapatay?" tanong niya habang nakatingin sa malayo. "Dahil 'yon sa inyo. Naiwan akong mag-isa habang kayo nagsasaya. Ayokong nakikita kayong masaya. Hindi kayo nararapat na sumaya..."
Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan si Sander. Isang kalabit lang sa gatilyo, tiyak na mamamatay siya.
"Pero ngayong gabi, pagbibigyan ko kayo. Gusto niyong sumaya? Sige, ibibigay ko sa inyo ang kasiyahan na gusto niyo, pero sisiguraduhin kong babaon sa mga utak niyo ang gabing ito," aniya at pumikit.
"Kuya Sander, itigil mo na 'to." Nanlaki ang mata ko nang dahan-dahan na lumapit si Sofia.
"Sofia!" sabay-sabay kaming sumigaw pero nagpatuloy pa rin siya paglapit kay Sander.
"SANDER!"
Napapikit na lang ako nang marinig ang malakas na putok ng baril. Napahawak ako sa dalawang tainga ko, tila ba ay nabingi ako.
Pagdilat ko ng mga mata ko, tumatakbo ng ang mga pulis papalapit. Nagsisigawan ang lahat pero pakiramdam ko ay tumahimik ang buong paligid ko.
Napatulala na lang ako kay Sander na nakahandusay sa lapag, katabi niya ang Mayor na may tama sa binti.
"Demi! Demi!" Napaigtad ako nang maramdaman ang yakap ni Brix sa akin. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang sa balikat niya.
"Shh...okay na Demi. Tapos na ang lahat. Buhay pa si Sander at nahuli na siya. Nadaplisan lang din ang Mayor," anito. Humiwalay siya sa 'kin at nagtungo sa likuran ko para kalasin ang pagkakatali ko sa upuan.
Tinignan ko ang paligid. Hawak na ng mga pulis si Sander. Si Mayor Javier ay nilalabas na rin sa town hall. Ngunit, labis akong nasaktan nang makita si mommy na hawak na rin ng mga pulis. Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin at kay daddy.
Lumapit ang mga kaibigan ko. Yumakap sa akin si Sofia at si Macey kaya napayakap na lang din ako pabalik.
"Tapos na. Magiging okay na rin ang lahat," sabi ni Macey.
Sabay-sabay kaming lumabas ng town hall. Sinalubong ako ni daddy at ni kuya ng yakap.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na marami rin pa lang tao rito sa labas.
Nakita ko si Sander na tulala habang may tumutulong luha sa mga mata niya.
Ngayong gabi, mas naliwanagan ako sa sitwasyon ni Sander.
Hindi niya piniling pumatay dahil gusto niya lang o may sira siya sa utak. Naging biktima rin siya at nadala sa mga emosyon.
Masyadong delikado ang pagmamahal. Hindi lang puro saya ang binibigay nito sa mga tao. Nagdudulot rin ito ng poot at galit sa mga taong nasaktan at ito ang nagtutulak sa kanila para gumawa ng mga bagay na hindi rin naman nila gusto gawin.
At ganoon ang nangyari kay Sander, poot at galit ang naidulot sa kaniya ng pagmamahal sa pamilya at sa kaibigan na nagtulak sa kaniya para pumatay ng ibang tao.
---
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Welcome back, Javier Family! Isang malaking tarpaulin ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa town hall. Maingay, masayang nagku-kuwentuhan ang mga bisita, at napalilibutan ng makukulay na ilaw ang buong paligid. "Good evening, my beloved people of Greenville." Nagpalapakan ang lahat nang magsalita si Mayor Solomon Javier. "I am so glad to see you here tonight! Alam kong pati kayo ay hindi na makapaghintay na makita ang asawa't mga anak ko," sabi niya, malapad ang ngiti. "It's been five years. Limang taon ko ring hindi nakasama ang pamilya ko, but tonight is very special dahil sa wakas ay nandito na sila, magkakasama na kami ulit."Muli kaming nagpalakpakan.
Demi"Bye, mom. Bye, dad." Pagkatapos kong magpaalam sa parents ko ay lumabas na ako ng bahay. Bumungad agad sakin ang masayang umaga ng Greenville. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas na nagtatawanan at nag-uusap. Ang ilan naman ay naghahanda para sa pagpasok nila sa kanilang mga trabaho at eskwelahan. "Magandang umaga, Demi!" I smiled when I saw Mang Isko. Payat ito, maputi na ang buhok, at kapansin-pansin na rin ang kulubot nitong balat. Isa siya sa mga kapit-bahay namin na malapit din sa pamilya namin. Minsan na siyang naging pasyente ni mommy nang maaksidente siya dati. Tinigil niya an
Nandito pa rin kami ngayon sa student lounge. Kalmado na si Sofia ngayon at dumating na rin si Mr. Francisco, ang principal ng school namin. "Hindi mo ba talaga nakilala 'yung lalaking nakita mo sa loob ng CR?" tanong ni Mr. Francisco kay Sofia. "Hindi po. Nakasuot po kasi siya ng maskara," sagot ni Sofia. Kumunot ang noo ni Mr. Francisco na tila ba naguguluhan din. Nakita ko ang isang janitor na may dala-dalang trash bag kung saan nakalagay ang kahon na may nakalagay na patay na pusa. "Hindi kaya estudyante lang din ang gumawa niyan?" tanong ni Mrs. Mariano, ang nanay ni Brix at teacher rin dito sa Greenville University.
"Sofia, we're so happy for you! Makakasama mo na si Tita Serenity pati na rin ang mga kapatid mo," masayang sabi ni Macey.Nandito kami ngayon sa cafeteria.Ngumiti si Sofia. "Ako rin. I can't wait to see them.""Bukas na daw mag-uumpisa ang preparation for the homecoming?" tanong ni Jayson."Yeah. Busy ang mga tao ni dad ngayon tapos sumabay pa 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sofia.Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "If you need some help for the preparation, just tell us. We're gonna help you." Tinignan ko ang ibang kaibigan namin at tumango naman sila."Actually, aayain ko nga sana kayo mamaya sa Belle's Cafe para mapag-usapan sana natin nang maayos 'yung preparation. Gusto ko rin kasi tumulong kila dad," aniya."Sige ba!" saad ni Brix."Thank you, guys!"Tumango ako at nginitian siya.
"Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko."Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson."Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?""Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit."Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.Bigla siyang tumigil sa harapan namin."Miss, anong problema?" tanong ni Jayson."M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya."Oh my God!" sigaw ni Macey."Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae
"Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko."Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix."Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca."Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin."Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix."Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey."No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.
November 24 10:30 AMFriday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko."Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey."Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya."Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya."Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami."Libre mo?" tanong ni Jayson.
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a