Macey's POV
"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.
I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.
Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.
Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya.
"Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.
Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.
Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa.
"Macey, I'm sorry."
Napalunok ako nang marinig 'yon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. My eyes widened when I saw her crying.
"I'm sorry. I'm really sorry. It's all my fault, ako ang unang lumapit, ako ang unang umamin kay Jayson. At pinagsisisihan ko na 'yon," aniya habang umiiyak. "Nadala lang ako sa nararamdaman ko at hindi ko agad naisip ang mangyayari sa pagkakaibigan natin," dagdag niya pa.
Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Naaalala ko na naman 'yong gabing nahuli ko silang dalawa ni Jayson. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi at pinapakita niya ngayon.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Napatakip ako ng bibig nang bigla siyang lumuhod sa gilid ko.
"Sana mapatawad mo ako, Macey. Kung kailangang lumayo ako sa inyo, gagawin ko 'yon. Pagkatapos ng lahat ng 'to, lalayo na ako sa inyo basta mapatawad mo lang ako. Alam kong mahirap, kasi kahit ako naiinis sa sarili ko. Noong mga panahon na 'yon, hindi ko rin makilala ang sarili ko. Pero sana...sana mapatawad mo ako."
Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero nabigo akong pigilan ang mga 'to.
Napansin kong pinagtitinginan na kami rito. Binalik ko ang tingin ko kay Sofia na nakaluhod pa rin.
"Tumayo ka d'yan," utos ko sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim.
Kumunot ang noo ko dahil hindi pa rin tumatayo si Sofia.
"Sofia, tumayo ka d'yan, or else hindi kita patatawarin kailanman," seryosong saad ko.
Mas lalong napahagulgol si Sofia pero dahan-dahan din siyang tumayo at bumalik sa upuan niya.
"Salamat, Macey. Salamat," aniya.
"Hindi pa kita pinapatawad...sa ngayon. Pero susubukan ko," sabi ko sa kaniya. Tumayo ako at naglakad papunta sa restroom.
***
Pagkalabas ko ay nakita ko na si Jayson. Nakapwesto siya malapit sa table namin ni Sofia. Seryoso siyang nakatutok sa cellphone niya.
"Hindi pa ba tumatawag si Brix?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "Wala pa pero nandoon na ata sila."
Tinignan ko ulit 'yung mga pictures na nasa table.
"Ano bang maitutulong namin d'yan?" tanong ni Sofia habang nakaturo roon sa mga pictures.
Kumuha ako ng notebook at ballpen sa bag ko.
"Sabihin mo sa akin isa-isa 'yung mga letters na nasa likod. Isusulat ko ang mga 'yon dito," sabi ko sa kaniya.
Sinunod naman niya ang sinabi ko.
"N, R, F, Q, I, V, E, R, W, N, A, and E." Nilista ko lahat ng sinabi niya.
Tinitigan kong mabuti ang bawat letra. Siguro ita-try ko na lang muna ulit 'yung ROT13.
Sinulat ko ulit ang mga 'yon pero gamit na ang ROT13.
A, E, S, D, V, I, R, E, J, A, N, R
"Tignan niyo 'to." Pinakita ko sa kanila ang mga sinulat ko. "May naiisip ba kayong word na pwedeng mabuo rito?" tanong ko sa kanila.
"Puta, ang dami naman niyan!"
Sinamaan ko ng tingin si Jayson.
"Hmm...Die?" tanong ni Sofia. Sinulat ko naman 'yon. Pero masyado ngang madaming letters tapos 'Die' lang naman ang mabubuo. Paniguradong may iba pang mabubuo rito.
Napatingin kami kay Jayson nang mag ring ang cellphone nito.
"Si Brix," sabi niya at sinagot ang tawag.
"Hello---ano?!"
Bigla akong kinabahan sa naging reaksyon ni Jayson.
"Sige, sige. Papunta na kami d'yan," sabi ni Jayson at binaba ang tawag.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Nawawala raw si Demi."
Napatayo ako bigla dahil sa sinabi niya.
"P-paanong---nasaan si Brix ngayon?" tanong ko.
"Sa dating park daw sila pinapunta no'ng killer," sagot niya.
"Shit! Tara na!" Mabilis kong nilagay ang mga envelope sa bag ko. Lumabas kami ng coffee shop at agad na sumakay sa kotse ni Jayson.
"Paanong nawala si Demi eh magkasama lang naman silang dalawa?" nag-aalalang tanong ni Sofia.
"Basta ang sabi lang ni Brix sa akin ay nawawala daw si Demi. Please call the police, kailangan na natin ng tulong nila," sabi niya habang nagda-drive.
Kinuha ko ulit 'yung notebook sa bag ko at tinignan ang mga sinulat ko kanina. Kailangan na naming malaman kung anong ibig sabihin ng mga 'to.
Unti-unti ay may nabubuo sa isipan ko.
"S, A, D, J...mali!" Inis akong napasabunot sa buhok ko. Paulit-ulit kong binasa yung mga letra.
"S, A, N, D---shit! Shit! Shit!" Nanlaki ang mata ko habang binubuo sa isip ko ang isang pangalan. "Alam ko na ang ibig sabihin ng mga letrang 'to!" sigaw ko.
"Ano?" tanong ni Sofia.
Tinignan ko muli 'yung mga letters.
A, E, S, D, V, I, R, E, J, A, N, R
Kapag in-arrange, magiging...
S, A, N, D, E, R, J, A, V, I, E, R
"Sander Javier."
***
Pagkarating namin sa dating park ay nakita namin si Brix sa labas ng isang bahay.
"Papunta na ang mga pulis," sabi ni Sofia.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Brix.
"Naghiwalay kami saglit ni Demi. Pumunta ako sa isang bodega at siya naman ay umakyat. I saw Troy. Nandoon siya sa loob ng bodega at duguan at ilang sandali lang nakarinig kami ng putok ng baril," kwento niya. Kumunot ang noo ko nang malaman na nandito si Troy. Anong ginagawa niya rito? "Umakyat ako at pumasok sa isang kwarto, at nakita ko 'tong cellphone ni Demi. Hindi lang 'yon, may nakita rin akong gamit ng mga killer."
"What?! Are there any clues na makakapagsabi kung sino ang killer?" tanong ni Jayson.
"Wait! Wait! Doon sa mga pictures na pinadala ng killer, nabuo ko ang pangalan ni Kuya Sander sa mga letrang nakasulat doon. Baka siya na ang isunod ng killer!" sabi ko sa kanila.
"No! Nasa panganib na si dad, wag naman sanang pati si Kuya Sander," sabi ni Sofia.
"Sander is not the next target." Naguguluhan kaming tumingin kay Brix.
"What do you mean, bro?" tanong ni Jayson.
"Sumunod kayo sa 'kin," utos ni Brix. Pumasok siya roon sa loob ng bahay kaya naman sumunod kami. Nakarating kami sa second floor at nakita agad namin ang isang kwarto na bukas.
"A-ano 'to?" tanong ni Sofia pagkapasok namin sa kwarto. Napatakip naman ako ng bibig nang makita ang mga pictures namin noong mga bata pa kami.
Sunod kong nakita ang nakabukas na drawer. Nilapitan ko iyon at nakita ko roon ang mga rastaclat na katulad din ng mga binibigay samin ni Kuya Sander noon. Mayroon ding mga pictures ni Demi.
"Sander is not the next target because he's the real killer. Siya ang may kagagawan ng lahat," sabi ni Brix.
Tumulo na lang ang mga luha ko sa mga nalaman namin. Hindi ako makapaniwala. Talaga bang si Kuya Sander ang killer? Bakit niya nagawa 'yon.
"You're lying, Brix. Hindi magagawa ni Kuya Sander 'yon!" sigaw ni Sofia.
Magsasalita pa sana si Brix pero biglang tumunog ang cellphone ni Demi.
Binasa niya ang text. "I'll give you 20 minutes to go here at the town hall. Kapag na-late kayo, isa kina Demi at Mayor Solomon ang magpapaalam."
"Tara na!" sigaw ni Jayson.
Habang papalabas ng bahay ay wala akong ibang maisip kundi si Kuya Sander – kung paano niya nagawang pumatay ng napakaraming tao, kung paano niya sinira ang Greenville, at kung ano ang pumasok sa isip niya para gawin ang lahat ng 'to.
Talaga nga namang mapanlinlang ang itsura ng mga tao. Literal man 'tong nakasuot ng maskara o hindi, hindi mo pa rin makikita ang tunay na pagkatao nila. Napakaraming sikretong tinatago.
At kung sino pa ang mga taong hindi mo inaasahan na magagawa ang mga bagay na kinakatakot mo, sa huli, magugulat ka na lang dahil kaya pala nilang gawin ang mga bagay na iyon.
---
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Welcome back, Javier Family! Isang malaking tarpaulin ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa town hall. Maingay, masayang nagku-kuwentuhan ang mga bisita, at napalilibutan ng makukulay na ilaw ang buong paligid. "Good evening, my beloved people of Greenville." Nagpalapakan ang lahat nang magsalita si Mayor Solomon Javier. "I am so glad to see you here tonight! Alam kong pati kayo ay hindi na makapaghintay na makita ang asawa't mga anak ko," sabi niya, malapad ang ngiti. "It's been five years. Limang taon ko ring hindi nakasama ang pamilya ko, but tonight is very special dahil sa wakas ay nandito na sila, magkakasama na kami ulit."Muli kaming nagpalakpakan.
Demi"Bye, mom. Bye, dad." Pagkatapos kong magpaalam sa parents ko ay lumabas na ako ng bahay. Bumungad agad sakin ang masayang umaga ng Greenville. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas na nagtatawanan at nag-uusap. Ang ilan naman ay naghahanda para sa pagpasok nila sa kanilang mga trabaho at eskwelahan. "Magandang umaga, Demi!" I smiled when I saw Mang Isko. Payat ito, maputi na ang buhok, at kapansin-pansin na rin ang kulubot nitong balat. Isa siya sa mga kapit-bahay namin na malapit din sa pamilya namin. Minsan na siyang naging pasyente ni mommy nang maaksidente siya dati. Tinigil niya an
Nandito pa rin kami ngayon sa student lounge. Kalmado na si Sofia ngayon at dumating na rin si Mr. Francisco, ang principal ng school namin. "Hindi mo ba talaga nakilala 'yung lalaking nakita mo sa loob ng CR?" tanong ni Mr. Francisco kay Sofia. "Hindi po. Nakasuot po kasi siya ng maskara," sagot ni Sofia. Kumunot ang noo ni Mr. Francisco na tila ba naguguluhan din. Nakita ko ang isang janitor na may dala-dalang trash bag kung saan nakalagay ang kahon na may nakalagay na patay na pusa. "Hindi kaya estudyante lang din ang gumawa niyan?" tanong ni Mrs. Mariano, ang nanay ni Brix at teacher rin dito sa Greenville University.
"Sofia, we're so happy for you! Makakasama mo na si Tita Serenity pati na rin ang mga kapatid mo," masayang sabi ni Macey.Nandito kami ngayon sa cafeteria.Ngumiti si Sofia. "Ako rin. I can't wait to see them.""Bukas na daw mag-uumpisa ang preparation for the homecoming?" tanong ni Jayson."Yeah. Busy ang mga tao ni dad ngayon tapos sumabay pa 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sofia.Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "If you need some help for the preparation, just tell us. We're gonna help you." Tinignan ko ang ibang kaibigan namin at tumango naman sila."Actually, aayain ko nga sana kayo mamaya sa Belle's Cafe para mapag-usapan sana natin nang maayos 'yung preparation. Gusto ko rin kasi tumulong kila dad," aniya."Sige ba!" saad ni Brix."Thank you, guys!"Tumango ako at nginitian siya.
"Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko."Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson."Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?""Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit."Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.Bigla siyang tumigil sa harapan namin."Miss, anong problema?" tanong ni Jayson."M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya."Oh my God!" sigaw ni Macey."Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae
"Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko."Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix."Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca."Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin."Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix."Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey."No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a