"Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko.
"Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix.
"Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca.
"Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.
Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin.
"Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix.
"Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.
Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey.
"No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.
"Ikaw, Sofia, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Sofia na tahimik na naman. Mukhang pagod na siya dahil ang dami niya ring ginawa ngayong araw.
"Uuwi na rin ako maya-maya," sagot niya.
"Samahan na kita. Tutulong-tulong muna ako dito," sabi ni Jayson.
Ngumiti naman si Sofia. "Salamat."
"Babe, aalis na ako. Nand'yan na 'yung sundo ko," paalam ni Macey.
"Ingat. Call me 'pag naka uwi ka na," saad ni Jayson.
"Ingat ka, Macey," sabi ko sa kaniya.
"Tara na," aya ni Brix sa 'kin.
Iniwan na namin sina Jayson at Macey sa loob.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Brix. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang maiilaw na bahay na nadadaanan namin.
"May problema ba?" tanong ni Brix sa 'kin.
"Natatakot ako, Brix," sagot ko. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. "Ang dami na namang hindi magagandang nangyayari sa Greenville," dagdag ko.
Kung kailan naman malapit na ang Homecoming at ang Pasko, saka naman may nangyayaring mga krimen dito sa lugar namin.
"Don't be scared. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo," sabi niya.
"Naaalala ko na naman ang mga nangyari five years ago, ayokong mangyari ulit 'yon," sabi ko.
"Hindi na mauulit 'yon. Nandyan sina Tito Alfred at ang ibang kapulisan. At alam kong hindi rin tayo pababayaan ni Mayor Javier," saad niya.
Sana nga hindi na maulit.
"Demi, buti naman at nakauwi ka na. Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa town hall. Ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni mommy pagdating namin sa bahay.
"Ayos lang kami, mom. Wala namang nasaktan," sagot ko. Tumingin si mommy kay Brix at ngumiti.
"Brix, thank you sa paghatid sa anak ko," sabi ni mom. "Pumasok na muna kayo sa loob."
Pagpasok namin sa loob ay tumambad agad sa harapan ko ang lalaking kausap ko lang kahapon. Agad na lumawak ang ngiti ko.
"Kuya Derrick!" masayang sigaw ko at niyakap siya.
"Long time no see, lil sis," aniya at niyakap ako pabalik.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya. Mas lalong tumangkad si kuya at mas naging manly ang itsura kumpara noong huling kita namin.
"Kausap lang kita kahapon, ah. Ang bilis mo naman makauwi," sabi ko sa kaniya.
"Bakit, ayaw mo ba?" tanong niya.
"Hindi naman, Kuya. Nagulat lang talaga ako," sagot ko. Tumingin naman si kuya kay Brix na nasa likuran ko.
"Bro, welcome back," bati ni Brix sa kaniya.
"Lagi mo bang hinahatid 'tong kapatid ko?" tanong ni kuya. Napailing na lang ako. Wala manlang siyang pagbati pabalik kay Brix.
"Oo, hatid sundo ko siya araw-araw," sagot ni Brix.
Biglang lumabas si mommy galing sa kusina.
"Kumain muna kayo. May hinanda akong merienda," aya niya sa 'min.
"Naku, ginulat ako nito ng kuya mo. Bigla na lang ako pinuntahan sa ospital, 'di manlang nagsabi na uuwi na siya," kwento ni mama habang kumakain kami.
"Mom, surprise nga eh," sabi naman ni kuya.
"Kahapon nga lang kausap ko siya eh, tapos ngayon nandito na," saad ko.
Kunot-noo kaming tinignan ni Kuya Derrick.
"Ayaw niyo bang nandito ako?" tanong niya.
"Hindi ah! Miss na miss ka na nga namin, eh. Buti nga at nakabalik ka na," sabi ni mommy. Ngumiti naman si kuya.
"Ano pala 'yung nabalitaan ko na may nangyari daw sa school ninyo?" tanong ni kuya.
Si Brix ang sumagot, "You know the Dela Cerna family, right? Nahuli kanina si Jude, pumapasok siya sa CR ng girls at tinatakot ang mga babae. 2 days ago, nag-iwan siya ng patay na pusa sa isang cubicle."
Ano na kayang balita ngayon kay Jude?
Napailing-iling si kuya at tumingin sakin, "Ikaw, Demi, mag ingat-ingat ka."
Ngumiti na lang ako at tumango.
"Don't worry, lagi naman akong kasama ni Demi at hindi ko hahayaan na mapahamak siya," saad ni Brix.
"Siguraduhin mo lang," saad ni kuya at nagpatuloy na sa pagkain.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tinignan ko ang orasan na nasa side table ko.
2:50 AM
Naalimpungatan ako.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Tahimik akong bumaba papunta sa kusina para hindi ko na magising ang iba.
Nasa kusina na ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok.
"Kuya Derrick? Dad?" tawag ko. Baka isa lang sa kanila ang kumakatok.
Natigilan ako sa paglapit sa pinto nang mahagip ng mata ko ang susi ng sasakyan ni kuya at ni dad. Ibig-sabihin ay nandito na sila at malamang ay tulog na.
Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib ko habang papalapit sa pinto. Hindi pa rin tumitigil 'yung pagkatok.
Napapikit ako sa gulat nang biglang tumunog ang orasan namin. Tinignan ko iyon.
3:00 AM
Sino naman kaya ang kakatok ng ganitong oras?
Tuluyan na akong nakalapit sa pinto nang sa wakas ay tumigil na rin ang pagkatok. Dahan-dahan kong binuksan iyon ngunit wala akong nakita sa labas na kahit sino maliban na lang sa envelope na nasa paanan ko.
Nanginginig ang kamay ko habang dinadampot 'yon.
To: Demi
Ayan lang ang nakasulat sa envelope.
Seryoso? Ganitong oras may magpapadala ng ganito rito? At para sa 'kin daw.
Agad kong sinara ang pinto namin.
"Demi?" Mabilis kong tinago ang envelope sa likod ko at tinignan ang tumawag sakin.
Nakatayo si kuya malapit sa hagdan habang kinukusot-kusot pa ang mata.
"Kuya Derrick, kanina ka pa ba nandyan?" tanong ko.
Umiling siya. "Anong ginagawa mo diyan? Bakit gising ka pa?" tanong niya.
"Naalimpungatan kasi ako, uminom lang ako ng tubig," sagot ko.
"Kailan pa naging kitchen ang pintuan natin, Demi?" tanong niya ulit.
"Ano kasi... n-naglalakad-lakad lang ako para antukin ulit. Sige na kuya, aakyat na ulit ako," sabi ko at nagmamadaling umakyat.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang ilaw para tignan ang nasa loob ng envelope.
May nakita akong tatlong pictures. Nilabas ko iyon at halos mabitawan ko ang mga pictures nang makita ang mga nandoon.
Sa unang picture, nandoon ako kasama ang mga kaibigan ko habang nag-aayos sa town hall. Ibig sabihin bagong kuha lang ang picture na ito.
Sa pangalawa naman ay noong nasa likod kami ng town hall kung saan nakita ang patay na aso.
Sa pangatlo naman ay isang close-up picture ko habang binabasa ang napulot kong maliit na papel.
May nahulog na punit na papel kaya agad kong pinulot 'yon.
Pagkabasa ko sa nakasulat ay mas lalo akong kinilabutan.
Keep safe, Demi. The devil is just in the corner.
At sa baba ng papel ay parang may isang logo, sungay ng isang demonyo.
November 24 10:30 AMFriday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko."Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey."Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya."Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya."Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami."Libre mo?" tanong ni Jayson.
November 25, 6:30 PMHabang nagsusuklay ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag."Hello," sagot ko."Hello, Demi, are you ready? Papunta na ako d'yan," sabi ni Brix."Yup, patapos na rin,""Okay," Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na agad ang tawag. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at lumabas ng kwarto."Demi, gusto mo bang sumabay?" tanong ni kuya.Umiling ako, "Papunta na rin si Brix dito. Sabay na kami," sagot ko."Okay, mauuna na ako doon," sabi ni kuya."Nasaan pala sila mommy?" tanong ko."Nandoon na rin sila. Bilisan niyo dahil malapit na mag start yung event," sabi niya. Tumango nalang ako.Pagkaalis ni kuya ay bigla namang dumating si Brix."Tara na?" tanong niya."Let's go. Nauna na sila mommy do
Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan."Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya."Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan."Demi!"Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok."Tara na," sabi ko.***November 26, 8:00 AMMaaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak."Mom, what happened?" tanong ko.
November 27, 8:00 AMAng buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon."Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon."Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti."Inaantay mo si Brix?" tanong niya."Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko."Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumu
November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.
December 1 8:30 AMNandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok."Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap."Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya."Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya."Okay ka na ba?" tanong ko."Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya."Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lou
"M-maniwala kayo sa...akin. Wala akong k-kasalanan," nauutal na sabi ni Mang Isko. Tinignan ko siyang mabuti at punong-puno ng dugo ang damit at ang kamay niyang nanginginig.Napailing nalang ako."Demi...bata palang kayo, kilala niyo na ako. Alam niyong hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. Tulungan niyo ako, napag-utusan lang ako."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napag-utusan? Nino?"Sino ang lalaking 'yan, Mang Isko? At sino ang nag utos sayo?" tanong ni Brix."Hindi ko siya kilala, nakita ko nalang ang katawan niya likod ng bahay namin," sagot ni Mang Isko.Tinignan ko ang lalaki. Puno ng dugo ang mukha niya kaya hindi ko rin ito makilala. Ang dami niyang tama ng baril sa katawan."Nang makita ko siya kanina, may bigla nalang tumawag sakin, sabi niya dalhin ko daw ang katawan na 'to dito sa bahay ng mga Dela Cerna. Kapag hindi ko daw 'yon ginawa, makuk
Lalapit na sana si Troy sa pwesto namin ngunit agad na hinawakan ni Jayson ang braso nito at sinapak sa mukha.Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik.Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik."Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik.Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao."Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a