Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.
Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik.
Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik.
"Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik.
Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao.
"Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama ni Troy. Matangkad si Brix ngunit mas matangkad ang kalaban niya.
Muntik na siyang masapak nito sa mukha pero buti nalang ay naka ilag siya. Tinignan ko ang iba. May ilang lumalabas na ng cafeteria pero ang iba naman ay nakisali sa rambulan.
What the hell?! Bakit walang tumatawag manlang ng teacher o kaya ng guard?
Narinig ko si Macey na umiiyak dito sa tabi ko. Tinignan ko si Jayson at nagulat ako nang makitang duguan ang mukha niya. Ganun din kay Troy pero mas mukhang napuruhan si Jayson. Ibinalik ko ang tingin ko kay Brix at nakita kong dumudugo ang pisngi niya.
Nakita kong may hinugot ang kalaban niya mula sa bulsa ng pantalon at bigla akong kinabahan nang makita ang kutsilyo.
Dahil sa sobrang inis at takot, kusa nalang kumilos ang kamay ko at binasag ang isang bote. Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit ako doon sa likod ng kalaban ni Brix at sinaksak siya sa braso ng hawak kong basag na bote bago niya pa masaksak si Brix.
"Hayop ka!" sigaw ko.
May nakita pa akong tray kaya hinampas-hampas ko iyon sa ulo niya. Sinuntok naman siya ni Brix hanggang sa matumba ito dahil sa sobrang hilo.
"Jayson!" narinig namin ang sigaw ni Macey. Nakita namin siyang papalapit kay Jayson na nakahiga na ngayon sa sahig.
Agad kaming sumunod sa kaniya. Tinignan ko ang nagdurugo at magang mukha ni Jayson. Iyak nang iyak si Macey habang nakaupo sa tabi ni Jayson.
Tinignan ko si Troy. Nakangisi ito pero bakas pa rin ang galit sa kaniyang mga mata. Parang wala siya sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang nakaagaw ng pansin ko. Napatingin ako sa kanang braso niya. Punit ang manggas ng damit niya dahilan para makita ko ang naglalakihang tattoo niya at isa na doon ang isang sungay ng demonyo.
Naningkit ang mata ko habang tinitignan iyon nang mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali. Kaparehas na kaparehas iyon ng simbolo na nakalagay doon sa envelope na pinapadala sakin nung killer.
Biglang gumapang ang magkahalong takot at galit sa buong katawan ko. Gusto ko siyang sugurin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
"Demi, anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ni Brix. Hindi ako sumagot, nanatili ang atensyon ko sa tattoo ni Troy.
"WHAT'S HAPPENING HERE?!" nangibabaw sa loob ng cafeteria ang nakakatakot na sigaw ni Mr. Francisco.
Nawala ang ngisi sa mukha ni Troy at nagkatinginan sila ng mga kasama niyang adik. Maya-maya lang ay mabilis silang nagtakbuhan palabas ng cafeteria.
***
"Mr. Capistrano, what are you doing here? Hindi ba't napagsabihan ka na namin dati na huwag na huwag ka ng babalik dito?" tanong ni Mr. Francisco.
Nandito kami ngayon sa office niya. Hindi nakatakas ang grupo ni Troy kaya maging sila ay nandito pati na rin ang ibang estudyante na nakisali sa gulo kanina.
Si Jayson ay wala dito dahil dinala siya sa clinic, sinamahan siya doon ni Macey.
Nakaupo ako dito sa tabi ni Brix at nasa tapat ko lang si Troy. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na sugurin siya.
Kanina habang papunta dito sa office ng principal, naisip ko na posibleng hindi siya ang killer. Ganoon din ang naisip ko kay Jude. May mga simbolo sila ng sungay ng demonyo pero maaaring tau-tauhan lang sila ng killer. Pwedeng ginagamit lang sila ng killer.
"I'm here to get my girl," maangas na tugon ni Troy sa principal.
Ang kapal. Matagal na siyang hiniwalayan ni Macey dahil sa ugali niya. Limang taon na ang lumipas pero naghahabol pa rin siya kay Macey?
***
"A-aray!" sigaw ni Brix habang ginagamot ko ang sugat niya. Nandito kami sa clinic. Sa katabing kama ay mahimbing na natutulog si Jayson. Binabantayan pa rin siya ni Macey. Bigla namang dumating si Sofia na may dala-dalang mga pagkain.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Brix, hindi ko mapigilang mainis sa pagmumukha niya, "Muntik ka ng masaksak kanina."
"I know," aniya at ngumiti.
"May gana ka pa talagang ngumit ng ganiyan?"
"Thank you, Demi. Thank you for saving me," sabi nito at tinignan ako. "Ngayon, nalaman ko na mahal mo talaga ako."
Bigla akong naubo sa sinabi niya. Tinigil ko ang pag gamot sa kaniya at lumayo.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.
"Kitang-kita ko 'yang mukha mo kanina. Halos maiyak ka na habang lumalapit sakin."
Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
"You're so cute. Kailan ka kaya magiging akin?" tanong niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin bago naglakad palayo at lumapit sa puwesto nila Macey.
Napahawak ako sa pisngi ko at sobrang init nito. What the hell!
***
5pm na nang makalabas kami sa school. Inantay pa namin na magising si Jayson.
"Ayaw niyo bang sumabay nalang samin?" tanong ni Brix kina Jayson at Macey. Baka kasi hindi pa makapag drive si Jayson dahil sa lagay niya ngayon.
Si Sofia naman ay nakauwi na kanina pa dahil pinauwi siya nang maaga ni Mayor Javier.
"Salamat, pare. Kaya ko na 'to. Mauna na kayong dalawa ni Demi," sabi ni Jayson.
"Sure ka?" tanong ulit ni Brix.
Tumango naman si Jayson at binigyan kami ng ngiti na para bang sinasabi na kaya niya talaga.
Wala na kaming nagawa. Imbis na maunang umalis ay pinauna nalang namin silang dalawa ni Macey.
Nang tuluyan na silang makaalis ay pinaandar naman ni Brix ang sasakyan niya.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nakaramdam tuloy ako ng pagod at antok. Naalala ko wala nga pala akong masyadong tulog kagabi dahil sa kakaisip doon sa mga letrang nakasulat doon sa mga litratong pinadala sakin ng killer.
"Anong nangyayari doon?" napadilat agad ako dahil sa tanong ni Brix. Malapit na kami sa bahay namin pero naagaw ang pansin namin dahil sa mga nagkakagulong tao sa labas ng bahay nila Mang Isko.
"Baka may nangyari kay Mang Isko," kinakabahang wika ko.
Bumaba agad ako ng sasakyan nang itigil ito ni Brix sa tapat mismo ng bahay ni Mang Isko.
"Makikiraan po," pilit akong nakisiksik sa mga tao para lang makalapit ng husto sa bahay.
"Tulong! Tulungan niyo ang tatay ko!"
Bigla akong napaatras nang makita ang katawan ni Mang Isko, nakahandusay ito sa lupa, may mga tama siya ng baril sa dibdib at basag naman ang kaniyang mukha.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Malapit sa amin si Mang Isko at ang sakit para sakin na makita ang lagay niya ngayon.
Muntik na akong matumba pero naramdaman ko ang pagsalo sakin ni Brix.
"Nagsisimula na siya, Brix. Nagsisimula na siyang umatake."
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang pamilya na ang turing namin kay Mang Isko. He's like my lolo. And now, he's dead."Demi," napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si Kuya Derrick.Agad niya akong nilapitan at niyakap."Shh, stop crying."Umiling-iling lang ako.Kahapon ay kasama lang namin si Mang Isko. Akala namin okay na ang lahat matapos ng ginawa namin kahapon pero hindi pala. May balak pa pala ang killer para sa kaniya. Pero bakit siya?"Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa taong hindi naman natin kaano-ano."Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Kuya."What are you saying, Kuya? Bakit ganiyan ka mag salita?""What? I'm just saying the truth," saad niya."Parang pamilya na natin si Mang Isko. He's been with us since we were kids. He's our family, okay?!" sigaw ko sa
December 4, 2:00 PM"Demi, are you done?" rinig kong tanong ni Mommy sa labas ng kwarto ko.Nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha ko na ang bag ko, "Yes, mom. Palabas na po ako."Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko at binuksan 'yon. Bumungad sakin si Mommy na nakangiti."Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako.Papunta kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Isko. Pinalibing agad siya dahil wala naman na daw pupuntang pamilya niya dahil hindi na mahagilap ang mga ito. Tanging ang nag-iisang anak niya nalang ang kasama niya sa buhay.***"Si tatay...hindi siya masamang tao. Hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kaniya," umiiyak na sabi ni Ate Aurelia, ang anak ni Mang Isko. "Magmula ng mamatay ang nanay ko, si tatay lang ang laging nandiyan para sakin. Siya ang nagpalaki sa akin kaya masasabi kong isa talaga siyang mabait na
December 5, 6:30 PM"You look so pretty, anak," sabi ni mommy habang inaayusan ako ng buhok. "By the way, where did you get this dress?" bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red dress - the red dress that I received from the killer. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na sa isang killer galing ang damit na 'to."Binili ko po sa mall," sagot ko nalang."Oh, okay. Susunduin ka ba ni Brix dito?" tanong niya ulit."Yes, mom. Nasan pala si Kuya Derrick?" inayos ko na yung mga dadalhin ko at nilagay sa pouch."Kakaalis lang. Pupuntahan daw niya si Bianca. Sila na ba ulit?" tanong ni mommy na para bang kinikilig pa.Nagkibit-balikat nalang ako. I looked at my wristwatch and it says it's already 6:30 PM. 7 PM ang start ng Christmas Party namin sa school.
Natapos ang party nang maayos. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o mas kakabahan pa ako dahil hindi naman nagparamdam ang killer ngayon. I checked my phone if there are some missed calls or texts from the killer but there is none.It is already 9PM. Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Halos lahat ng estudyante ay nandito rin."Demi!" tumingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Akira, isa sa mga kaklase namin."Bakit, Akira?" tanong ko sa kaniya."Congrats sa inyo ni Brix," ngumiti ako. "By the way, gusto niyo bang sumama? May after party pa kasi, eh."Tinignan ko si Brix na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. Bigla namang lumapit sina Macey, Jayson, at Sofia."We're going. Sama na rin kayo, Dems!" sabi ni Macey.Tinignan ko si Sofia, "Sasama ka?"Tumango naman siya at tinuro si Sander na nakasandal sa sasakyan niya, "P
December 7, 2:30 PMNilapag ko sa table ang envelope na kakapadala pa lang kahapon ng killer. Nandito kami ngayon sa Belle's Cafe para muling mag-usap tungkol sa killer.Si Brix naman ay naglabas ng mga dyaryo. Luma na ang mga iyon at ang iba ay punit-punit na. Nakuha niya ito sa office ng daddy niya. Mga natirang dyaryo na naglalaman ng mga nangyari five years ago."Shocks! Ibig sabihin, pakalat-kalat lang 'yong killer doon sa party noong isang gabi?!" gulat na tanong ni Macey. Nanlalaki ang mata niya habang tinitignan ang mga litrato.Bigla namang inagaw ni Sofia 'yong isang litrato, "A-anong ibig sabihin nito? Bakit may kuha ako rito?"Uminom muna ako sa kape ko bago mag salita. "Hindi ko rin alam---""Malamang ay may masama siyang balak sayo," sabat ni Jayson."Jayson, ano ba!" sita sa kaniya ni Macey."Bakit? Nagsasabi lang naman ako
In a small notebook, I wrote down all the informations we gathered from the old newspapers."Ang creepy niya. Kung ang killer ngayon at ang killer dati ay iisa lang, pwedeng mangyari ulit ang mga nangyari dati." Muling kinuha ni Macey ang isang dyaryo at tinignan iyon. "Oh my God! Nai-imagine ko tuloy 'yong lalaking pinagtatataga niya. Gross!"Sumandal ako sa upuan at tinignan sila isa-isa. "Sa tingin ko ay iisa lang nga talaga sila."The white mask and the hoodie. The killer's still using those things to hide his identity. Just like what he did before. Isa pa, bigla siyang nawala dati kaya posible talagang bumalik siya."Pero bakit naman siya bumalik?" kunot-noong tanong ni Jayson.Bigla kong naalala noong minsan na tumawag 'yong killer. Tumingin muna ako kay Sofia bago mag salita."Ang sabi niya ay may kasalanan daw ang Mayor sa kaniya. Pati na rin daw ang lahat ng tao dit
December 11, 9AMDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nanonood sa 'kin.Napaupo ako bigla sa kama ko at gulat na tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo at bulong nang bulong."Kuya Derrick?" tanong ko. Napahimas din ako sa noo ko nang makaramdam ng sakit. Tumama lang naman ang noo namin sa isa't-isa.Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa kaniya. "Bakit may suot kang mask?" tanong ko sa kaniya. He's wearing a white mask, dahilan para bigla akong mapaupo kanina. Kinabahan ako, akala ko nakapasok na rito sa kwarto ko ang killer. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagpapakita niya sa 'kin kagabi.Tumayo siya kaya napa atras na lamang ako. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niya at pilit inaalala k
December 24, 6PM"Hello, Brix?" sagot ko sa tawag. Naglalagay ako ng mga regalo ngayon dito sa ilalim ng Christmas tree nang biglang tumawag si Brix."Demi, pwede ba tayo magkita mamaya? I'll just give you something," aniya. Napatingin ako sa wall clock namin at ala-sais pa lang. Madami pang oras bago mag Noche Buena."Sure. Anong oras?" nakangiting tanong ko."8PM. Ako na lang ang pupunta d'yan.""Sige," sabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ay hinanap ko ang regalo ko kay Brix. Kinuha ko 'yon at umakyat muna ako sa kwarto ko.I took a half bath. Naligo na rin naman ako kanina kaso pinagpawisan na rin ako dahil sa paghahanda para sa Noche Buena.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ulit ako. It is already 7PM. Nagluluto pa rin si mommy ngayon.Naririnig ko naman si Kuya Derrick na may kausap sa phone habang nakaupo sa sof
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a