December 24, 6PM
"Hello, Brix?" sagot ko sa tawag. Naglalagay ako ng mga regalo ngayon dito sa ilalim ng Christmas tree nang biglang tumawag si Brix.
"Demi, pwede ba tayo magkita mamaya? I'll just give you something," aniya. Napatingin ako sa wall clock namin at ala-sais pa lang. Madami pang oras bago mag Noche Buena.
"Sure. Anong oras?" nakangiting tanong ko.
"8PM. Ako na lang ang pupunta d'yan."
"Sige," sabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ay hinanap ko ang regalo ko kay Brix. Kinuha ko 'yon at umakyat muna ako sa kwarto ko.
I took a half bath. Naligo na rin naman ako kanina kaso pinagpawisan na rin ako dahil sa paghahanda para sa Noche Buena.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ulit ako. It is already 7PM. Nagluluto pa rin si mommy ngayon.
Naririnig ko naman si Kuya Derrick na may kausap sa phone habang nakaupo sa sofa. Malamang ay si Ate Bianca ang kausap nito. Abot tainga pa ang ngiti, eh.
Naupo na lang din muna ako sa sofa. I logged in to my Facebook account at halos sumabog ang notif at messenger ko dahil sa mga Christmas greetings. Those were from my classmates, friends, and relatives.
Isa-isa ko silang ni-replyan hanggang sa may nag pop ulit sa messenger ko. It was a message from Brix.
Brix:
Can I call you?Napangiti na lang ako. Para namang hindi kami magkikita mamaya. Pati nga bukas ay magkikita kami para mag celebrate ng pasko kasama ang mga pamilya namin. Ang alam ko ay sa bahay nila Sofia gagawin ang party dahil si Mayor Javier ang nag-aya.
You:
Magkikita naman tayo mamaya.Nag scroll ulit ako sa Facebook habang inaantay ang reply niya.
Brix:
Okay. I'm just excited to see you. I love you, Demi.Mag re-reply na sana ako kaso biglang nag ring ang cellphone ko. Napa-iling na lang ako. Ang kulit talaga.
Sinagot ko na lang ang tawag ni Brix. Tumagal din ang pag-uusap namin ng 45 minutes. Binaba niya lang ang tawag dahil pupunta na raw siya dito sa 'min.
At exactly 8PM, our doorbell rang. Si Brix na siguro 'yon. Sabay pa kaming tumayo ni Kuya Derrick kaya hinawakan ko siya sa braso.
"Kuya, ako na lalabas. Baka si Brix na 'yon," sabi ko sa kaniya.
"Huh?" kunot-noong tanong niya. "Lalabas ako hindi para pagbuksan si Brix. Pupuntahan ko si Bianca sa bahay nila," aniya at nauna ng lumabas.
Oh, okay. May usapan din pala sila ni Ate Bianca.
I followed him outside. I mentally rolled my eyes when I saw how my brother smiled at Brix and he also tapped my boyfriend's shoulders.
"Merry Christmas, bro." Psh! Napaka plastic ni kuya. Palibhasa kapatid ni Brix si Ate Bianca. At dahil nanliligaw pa lang si kuya, panigurado ay nagpapa good shot lang siya.
Umalis na si kuya kaya ako naman ang lumapit kay Brix.
"Hi. Merry Christmas!" nakangiting bati niya.
Natawa ako. "Maaga pa pero sige, Merry Christmas!"
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Pasok muna tayo sa loob. Nandoon sila mommy."
Sabay kaming pumasok sa loob at sinalubong kami ng kabababa lang na si daddy.
"Oh, nand'yan ka na pala. Merry Christmas, Brix!" bati ni daddy sa kaniya.
Ngumiti si Brix at sumaludo pa kay daddy. "Merry Christmas, tito!"
Naupo kami sa sofa at saka ko lang napansin ang isang maliit na paper bag na hawak niya.
"Ay, wait! May kukunin lang ako," paalam ko sa kaniya. Lumapit ako sa Christmas tree namin at kinuha ang isang regalo na para kay Brix.
"Woah! Bumili ka pa talaga ng regalo para sa 'kin?" gulat na tanong niya. "Sabi ko naman sayo diba best Christmas gift mo na sa 'kin 'yong pagsagot mo sa 'kin ng oo."
Tumabi ulit ako sa kaniya at tinignan ko ang hawak kong regalo. "Ayaw mo ba? Sayang naman. Alam ko paborito mo 'to." Nakasimangot akong tumingin sa kaniya.
"H-hindi naman sa gan'on---" pinutol ko na ang sasabihin niya at agad na ngumiti.
"Ayos lang. Paborito ko rin 'to, eh. Kung ayaw mo, sa 'kin na lang."
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Wait, wait. What do you mean? Paborito na 'ting dalawa? D-don't tell me..." nanlalaki ang mata niya kaya napangisi na lang ako.
Natawa ako nang kunin niya sa 'kin ang hawak kong regalo na para sa kaniya. Mabilis niyang binuksan iyon. Bakas na bakas ang gulat at saya sa mukha niya.
"Kakalabas lang nito, ah," aniya. "Kailan mo 'to binili?"
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa album na hawak niya. Album iyon ng paborito naming banda at gaya ng sabi niya, bagong labas ang album na iyon.
"Three days ago. Ang bilis nga, eh. Ayan na lang ang natitira kaya binili ko na agad," sabi ko sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Thank you, Demi," pagkasabi niya n'on ay humiwalay siya sa yakap at tinignan ako. "Let's listen to this together."
Tumango naman ako.
Nilapag niya ang hawak na album at inabot naman ang hawak niya kanina na paper bag.
"This is my gift for you," aniya at inabot sa 'kin ang regalo niya para sa 'kin. "Open it," utos niya.
"Ang aga pala nating magbukas ng regalo," natatawang sambit ko habang binubuksan ang bigay niya sa 'kin.
Nang mabuksan ko ang paper bag, nakita ko roon ang isang maliit na box. Kinuha ko iyon at binuksan.
"Wow!" namangha ako sa ganda ng laman n'on. Isang gold bracelet na may charm na infinity.
"You like it?" tanong ni Brix. I love it!
Abot tainga ang ngiti ko nang tinignan ko si Brix. "Ang ganda. Thank you, Brix."
He slowly grabbed my wrist and he took out the gold bracelet from its small box.
Lalong lumapad ang ngiti ko nang isinuot niya na sa 'kin iyon. It really looks beautiful.
Muli akong niyakap ni Brix para sa isang mahigpit na yakap. "Thank you ulit, Demi. I love your gift but I love you the most. You're still the best gift ever for me."
Napapikit na lang ako habang dinadama ang yakap niya. "Thank you rin, Brix."
"I love you, Demi."
***
"Merry Christmas, honey!" nakangiting lumapit sa 'kin si mommy at hinalikan ako sa pisngi. Gan'on din ang ginawa ni dad.
Alas-dose na ng gabi at sumapit na nga ang araw na pinaka inaabangan ng lahat – ang Pasko.
Inakbayan ako ni kuya at ginulo pa ang buhok ko. "Merry Christmas!"
"Merry Christmas, Kuya Derrick," bati ko rin sa kaniya.
Binati namin ang isa't-isa at sabay-sabay na nag tungo sa dining area namin para pagsaluhan ang mga niluto ni mommy kanina.
We just enjoyed our foods while sharing some good and funny stories. It's been a while since this kind of scene happened. And I just love watching it. Ang sarap lang panoorin na magkakasama at masaya ang pamilya namin sa espesyal na gabing ito.
"The last gift is for Demi," sabi ni mommy habang hawak-hawak ang natitirang regalo. "It's from your Kuya Derrick," tinanggap ko ang regalo at tumingin kay kuya.
"Open it. Hirap na hirap ako sa paghahanap niyan," sabi niya kaya naman mas lalo akong na-excite buksan ang regalo niya.
My smile suddenly vanished when I saw his gift for me. Napaka galing talaga ng kuya ko. Mahal na mahal niya talaga ako.
Tinignan ko siya, ngiting-ngiti pa siya at tila nag-aantay sa sasabihin ko.
"I want to cry," ayon na lang ang nasabi ko.
"Oh! Tamang-tama magagamit mo 'yan," natatawang sabi niya habang itinuturo ang regalo niya sa 'king panyo. Oo, panyo! Limang panyo na magkakaiba ang kulay.
"Thank you, Kuya! Thank you!"
***
Busy sa pagkanta si daddy at si kuya. Samantalang kami naman ni mommy ay nandito sa kusina para kumuha ng dessert.
I was about to open our refrigerator when our doorbell rang. Sino naman kaya 'yon?
Sinilip ko sina daddy at kuya na kumakanta pa rin, animo'y walang narinig.
"Busy pa ang mag-ama, ako na lang ang lalabas," sabi ni mommy at umalis sa kusina. Ako na lang ang naghatid ng dessert sa sala namin.
Nang hindi pa nakabalik si mommy ay lumabas na rin ako.
"Mom, sino 'yong---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapansin na tulala si mommy sa pintuan. Siya lang mag-isa roon.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya at doon ay mas nakita ko ang hawak niya. Isa iyong itim na box at pahaba. Sa kabilang kamay naman niya ay may card.
"Kanino galing 'yan, mom?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.
Anong nangyari sa kaniya?
Nagulat na lang ako nang mahulog ang hawak na card ni mommy kaya agad ko 'yong dinampot.
Nang mabasa ko ang nakasulat ag bigla akong kinilabutan.
In a place where everything is a lie,
Sinners must die. All you have to do is to stab and kill that sinner. But, be careful,It's either you're the one who will kill or you're the one who will be killed.PS. I know your dirty little secret.
Inagaw ko ang box na hawak ni mommy at binuksan iyon. Tama nga ang naisip ko – isang kutsilyo.
Kutsilyo na katulad mismo n'ong binigay sa akin ng killer. Malinis naman ito kumpara sa kutsilyong natanggap ko. Ngunit, sigurado akong sa killer din galing ito dahil sa simbolong naka ukit doon sa kahon.
Sungay ng demonyo.
---
Macey's POVDecember 25, 6PMI was applying my red lipstick when my brother knocked on my door."Just a minute!" sigaw ko."Ate, kanina mo pa sinasabi 'yan. Dad is waiting downstairs," aniya gamit ang iritadong boses.Alam kong inis na inis na siya sa 'kin dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko. Pero this time, tapos na talaga ako mag-ayos.For the last time, I looked at my mirror to see my whole outfit. I'm wearing a red plaid tweed dress together with a black high heeled boots. Kinuha ko na ang pouch ko sa side table ko at lumabas ng kwarto.Pagkababa ko ay nag-aantay na si daddy sa sala. Ang kapatid ko namang si Arkin ay nakapangalumbaba habang nakasimangot."Sorry, bro," I smiled at him and made a peace sign."Psh! Stop it, ate," aniya at naglakad na palabas ng bahay. What's wrong with hi
Demi's POVSabay-sabay na nag-alisan sina Macey, Jayson, at Sofia kaya kaming dalawa na lang ni Brix ang naiwan dito sa poolside."Ang bilis ng araw 'no? Ilang araw na lang, papasok na naman ang bagong taon," sabi ni Brix. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya."Oo, ang bilis nga. Sobrang bilis at ang daming nangyari. Sa mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang namatay---" May sasabihin pa sana ako pinutol ni Brix ang pagsasalita ko."Shh...Demi. Kahit pasko 'yan pa rin iniisip mo?"Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."Simula nang mangyari 'yong homecoming, pare-parehas na lang ang naiisip ko – 'yong mga patayan at pati na rin ang pakikipag-usap sa 'kin n'ong killer."Bakit hindi na lang natin pag-usapan 'yong sa 'tin? You know, I'm excited to enter the new year lalo na't kasama kita,"
December 28, 9:00 AMLumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa pintuan ng mini office ni daddy. Kumatok muna ako sa pinto bago buksan iyon."Dad," tawag ko at lumapit sa kaniya. Nahagip ng mata ko si mommy na nakaupo sa couch, tulala at tila malalim ang iniisip."Bakit, Demi?" tanong niya sa 'kin habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa dyaryo na hawak niya.Huminga muna ako nang malalim bago mag salita. "Narinig ko na iba pala ang pumatay kay Mang Isko. Ibig sabihin ay posibleng buhay pa ang pumatay sa pamilya ni Mayor Javier?" tanong ko. Alam ko naman ang totoo, pero gusto ko pa rin makakuha ng sagot mula kay daddy.Sa puntong iyon ay tumingin na siya sa akin. Inayos niya muna ang salamin niya bago mag salita. "Yes. There's a possibility. At baka nga nandito pa rin siya sa Greenville." Nandito pa talaga."How about the cases these past two days? Tatlo ang na
Tatlong oras na ang lumipas matapos ang balita tungkol sa limang bangkay na natagpuan kanina. At ngayon naman ay bali-balita ang dalawang tao na umamin sa ilang pagpatay noong mga nakaraang araw.Sabi ko na nga ba, gawa ito ng killer. He pushes people to kill others. He pushes them to commit crime. Dahil dito, lumalabas ang mga tunay na ugali at ang mga tinatago nilang galit sa kapuwa nila. At may mga lumalabas din na mga sikreto. Tulad na lang ng nangyari kina Macey, Jayson, at Sofia.Ang kinakatakot ko ay si mommy, nasa kaniya pa ang kutsilyo at hindi ko alam kung nasabi niya na ba iyon kay daddy. Wala naman siguro siyang tinatago o nakaaway?Tumayo ako at nagtungo sa hagdan para bumalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan ang number ng killer. Panay lang ang pag ring no'n at hindi sinasagot.I dial his number for the third time. Sakto naman ay napadaan ako sa kwarto ni kuya. Bukas ang
"Demi, bakit mo sinabi 'yon?" tanong ni Brix. Itinigil ko ang pag dampi ng bulak sa sugat niya sa mukha at diretsong tumingin sa kaniya."Hindi naman talaga ako sasali. Sinabi ko lang 'yon para mas mapalapit sa killer," sabi ko sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya kanina ang napag-usapan namin ni Troy at ngayon ay nagagalit siya dahil sa naging desisyon ko.Napapikit siya at napahawak sa sentido niya. "Gusto mo ba talagang mamatay, Demi? Sa pakikipag-usap mo pa lang sa killer na 'yan, delikado na ang buhay mo. Tapos ang gusto mo pa ay sumugod sa lungga niya?""Ayun na nga eh! Ako lang ang tinatawagan no'ng killer kaya ako ang mas may kakayahan na---"Nagulat ako nang biglang hampasin ni Brix ang mesang nasa tabi namin. "Ikaw na ang nagsabi na walang sasali sa gang na 'yan para lang malaman natin kung sino talaga ang killer. At isa pa, hindi mo kailangan gawin ang lahat ng 'to!"Oo sinabi ko nga iyon
Tumawa si Troy at diretsong tumingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin? Para namang hindi mo ako kilala.""Kilala nga ba talaga kita?" tanong ko. "Hindi na ikaw ang Troy na kilala ko dati. Alam kong may tinatago ka."Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Malamang ay tumatawag na si Brix.Muli kong idiniin ang pagsakal kay Troy habang nakatutok pa rin ang hawak kong kutsilyo.Tumawa siya pero ramdam ko ang paghihirap niya dahil sa pagsakal ko sa kaniya. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Itigil mo na 'to Demi kung ayaw mong...sa 'yo ko mismo gamitin 'yang hawak mong kutsilyo.""Demi! Demi!" nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Brix."Boss, nakita namin 'tong nagmamasid sa labas." napaligon ako sa dalawang matangkad na lalaki na kakapasok lang. Lumuwag ang pagsakal ko kay Troy nang makitang hawak-hawak nila si Brix."Brix..." tawag ko sa ka
Kinuha ko lahat ang mga envelopes na nakatago sa drawer. Inilusot ko 'yon sa bag ko at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.May pasok na ulit kami ngayon at makakapagkita na ulit kami ni Macey. Ibibigay ko sa kaniya 'yong bagong envelope na natanggap ko. Medyo nag-aalala rin ako sa magiging reaksyon ni Macey dahil may litrato ang daddy niya rito.Pagkababa ko ay nakita ko na si kuya na nag-aabang sa akin. Ihahatid niya raw kasi ako. Si Brix naman ay nasa school na dahil sumabay sa kaniya si Tita Mirasol."Nakaalis na ba sila mommy?" tanong ko sa kaniya."Oo, kaaalis lang," sagot niya at tumayo na.Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya."Baka naman may mangyari na naman sa 'yo ngayon. Ilang beses ka ng napapahamak," sabi ni kuya habang nagmamaneho.Napabuntong-hininga na lang ako. Simula nang tawagan ako ng killer, nasa panganib na ang buhay ko. At
Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.