Share

III. THE STRANGER'S CALL

Author: Gwaeniii
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Sofia, we're so happy for you! Makakasama mo na si Tita Serenity pati na rin ang mga kapatid mo," masayang sabi ni Macey.

Nandito kami ngayon sa cafeteria.

Ngumiti si Sofia. "Ako rin. I can't wait to see them."

"Bukas na daw mag-uumpisa ang preparation for the homecoming?" tanong ni Jayson.

"Yeah. Busy ang mga tao ni dad ngayon tapos sumabay pa 'yung nangyari kahapon," sagot ni Sofia.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "If you need some help for the preparation, just tell us. We're gonna help you." Tinignan ko ang ibang kaibigan namin at tumango naman sila.

"Actually, aayain ko nga sana kayo mamaya sa Belle's Cafe para mapag-usapan sana natin nang maayos 'yung preparation. Gusto ko rin kasi tumulong kila dad," aniya.

"Sige ba!" saad ni Brix.

"Thank you, guys!"

Tumango ako at nginitian siya.

Belle's Cafe

Pagdating namin sa coffee shop ay agad kaming sinalubong ng may-ari nito na si Ms. Belle.

"Good afternoon po, Ms. Belle," bati namin.

"Good afternoon. Anong gusto niyo?" nakangiting tanong niya.

"Libre po ba?" tanong ni Jayson. Natawa naman si Ms. Belle.

"Naku! Ikaw talaga, Jayson, puro libre gusto mo." Natatawang saad ni Ms. Belle.

"Joke lang po!"

"Sige na, maupo na kayo."

Naupo kami sa favorite spot namin, malapit sa bintana. Buti na lang din ay walang masyadong tao. Nag order na rin kami ng drinks namin at ng makakain.

Pagkadating ng order namin ay nag start na kami sa pag-uusap tungkol sa preparation.

"Jayson, kumakanta ka pa rin naman hanggang ngayon diba? Pwede ka bang mag-perform sa event?" tanong ni Sofia.

"Why not? Pero pwede ko bang isama si Brix?" saad ni Jayson na ikinagulat ng katabi ko.

"Bro, kaya mo ng mag-isa 'yan," wika ni Brix.

"Pero kailangan ko ng gitarista. Sa ating lima, ikaw lang ang marunong gumamit ng gitara."

"Please, Brix. Pumayag ka na," saad naman ni Sofia. Tinignan ko si Brix na pilit ang ngiti.

"Demi, hiwalayan mo na nga 'to!" Pang-aasar ni Macey.

"Hindi pa nga sila, eh," pang-aasar din ni Jayson at tumawa pa.

"Shut up, guys! Sige, payag na ako," seryosong saad ni Brix.

"'Yon naman pala, eh!"

"Thank you, Brix!"

Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Ang sabi ni Sofia ay kami raw ang tutulong sa pag de-design ng stage.

"Kami na lang ni Demi ang bahala sa decorations," sabi ni Brix.

"Ayos lang ba, Dems?" tanong ni Sofia.

"Oo naman," sagot ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag.

"Oh my God! Is that Kuya Derrick?!" masayang tanong ni Macey nang silipin niya kung sino ang tumatawag. Tumango naman ako bago sagutin 'yung tawag.

"Hi, kuya!" nakangiting bati ko. Kumaway pa kami sa kaniya.

"Hey, lil sis! How are you?" tanong niya.

"Ayos lang naman," sagot ko.

"Hi, Kuya Derrick!" sigaw nila Macey at Sofia. Kinawayan naman sila ni Kuya.

"Wait, si Brix ba 'yang nasa tabi mo?" kunot-noong tanong niya.

"Uh...oo." Umayos ako ng upo para makita silang lahat.

"Brix, konting distansya naman sa kapatid ko, sobrang lapit mo na." Tinignan ko si Brix at napalunok ito.

Bigla namang tumawa nang malakas si Jayson, "Minsan nga 'di lang ganyan kalapit, eh!" pang-aasar nito kaya mas lalong sumeryoso si kuya.

"Kuya, 'wag kang maniwala d'yan."

"He's a liar!"

Sabay pa kaming nagsalita ni Brix kaya mas lalong natawa ang mga kasama ko.

"By the way, Brix. How's your sister Bianca?" tanong ni kuya kaya ako naman ang napangiti.

Ate Bianca was Kuya Derrick's ex-girlfriend. Three years na pero 'di pa rin pala siya nakaka move-on sa first love niya.

"Ate Bianca's fine. She's busy with her new business," sagot ni Brix. Napangiti naman si kuya.

"Miss mo na? 'Yan kasi pinakawalan mo pa!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Jayson. Lagot talaga 'to kay kuya.

"Tumahimik ka, Jayson! Susupalpalin ko 'yang bunganga mo pagbalik ko."

Gulat akong napatingin kay kuya dahil sa sinabi niya.

"Babalik ka na?" tanong ko. He's in US right now. 3 years na nga siyang nandoon, eh.

"Yup! Be ready. Pag-uwi ko mag-uusap kami niyang manliligaw mo, pati na rin ikaw Jayson."

Napapalakpak ako dahil sa tuwa.

"Alam na ba 'to nila mommy?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Wag mo munang sabihin. Sige na. I'll call you again later or tomorrow."

"Bye, kuya!"

Pagkatapos magpaalam ay pinatay na ni kuya ang tawag.

"Madami pala ang babalik ngayon!" masayang saad ni Sofia.

"Wait, may sasabihin din pala ako," nakangiting saad ni Jayson.

"What's that, babe?" tanong ni Macey.

"Babalik na ulit si dad! Tapos na ang project niya sa Singapore."

Wow! May instant reunion yata na mangyayari this month. Nakakatuwa!

"I can't wait to see them. Siguradong magiging masaya ang homecoming dahil kumpleto tayo," wika ko.

Biglang tumunog ulit ang cellphone ko.

"Si Kuya Derrick ba ulit 'yan?" tanong ni Sofia.

Tinignan ko ang tumatawag pero isa itong unregistered number.

"Hello."

"How's the preparation, Demi?"

Sino 'to? Tinignan ko ulit 'yung number at wala talaga akong maalala na tumawag na ito sa akin dati. 

"I can't wait to see you and all the people of Greenville. Be ready!"

Kinilabutan ako dahil sa malaking boses niya at nakakatakot na tawa niya.

Magsasalita pa sana ako pero namatay na ang tawag.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko.

"Sino 'yon, Demi?" tanong ni Brix.

"Wrong number, I guess." Binalik ko nalang ang phone ko sa bag at ininom ko yung frappe ko. Muntik pa nga itong matapon dahil sa panginginig ng kamay ko. Buti na lang ay agad itong nahawakan ni Brix.

"Are you okay, Dems?" tanong ni Macey, halata ang pag-aalala sa mukha niya. 

Pilit akong ngumiti at tumango.

"Pupunta lang ako sa CR saglit," paalam ko at tumayo.

Pagkapasok ko sa CR ay tumingin ako sa salamin. Ilang segundo ako tumingin sa itsura ko. Napansin ko agad ang pamumutla ko.

Napahilamos na lang ako ng mukha para kahit papaano ay mahimasmasan ako. 

Nakakatakot! Sino naman kaya 'yung tumawag? Paano niya ako nakilala at bakit gano'n ang tono ng boses niya? Ngayon ko lang narinig ang boses na iyon. Parang may halong pagbabanta.

Related chapters

  • Greenville: The Homecoming    IV. UNMASKED

    "Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko."Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson."Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?""Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit."Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.Bigla siyang tumigil sa harapan namin."Miss, anong problema?" tanong ni Jayson."M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya."Oh my God!" sigaw ni Macey."Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae

  • Greenville: The Homecoming    V. DEVIL'S HOUR

    "Hindi ka pa ba uuwi, Brix?" tanong ni Ate Bianca sa kapatid. Nandito pa rin kami sa town hall. Ang ibang mga tao ay nasa likod ng town hall para hanapin kung sino man ang pumatay doon sa aso. Pinakita ko rin sa kanila ang papel na napulot ko."Ihahatid ko muna si Demi," sagot ni Brix."Sige, mauuna na ako. Dadaanan ko pa si mommy sa school. Mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Ate Bianca."Ingat, Ate Bianca," sabi ko. Hinatid namin siya sa labas ng town hall.Pagkaalis niya ay nagpaalam na rin kami sa mga kaibigan namin."Ihahatid ko na si Demi sa bahay nila. Magkita na lang ulit tayo bukas," paalam ni Brix."Uuwi na rin ako. May pupuntahan pa kasi kami ni dad," sabi naman ni Macey.Tinignan siya ni Jayson. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya kay Macey."No need, babe. Padating na rin 'yung driver namin para sunduin ako," saad ni Macey.

  • Greenville: The Homecoming    VI. STRANGE

    November 24 10:30 AMFriday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko."Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey."Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya."Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya."Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami."Libre mo?" tanong ni Jayson.

  • Greenville: The Homecoming    VII. THE HOMECOMING

    November 25, 6:30 PMHabang nagsusuklay ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag."Hello," sagot ko."Hello, Demi, are you ready? Papunta na ako d'yan," sabi ni Brix."Yup, patapos na rin,""Okay," Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na agad ang tawag. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at lumabas ng kwarto."Demi, gusto mo bang sumabay?" tanong ni kuya.Umiling ako, "Papunta na rin si Brix dito. Sabay na kami," sagot ko."Okay, mauuna na ako doon," sabi ni kuya."Nasaan pala sila mommy?" tanong ko."Nandoon na rin sila. Bilisan niyo dahil malapit na mag start yung event," sabi niya. Tumango nalang ako.Pagkaalis ni kuya ay bigla namang dumating si Brix."Tara na?" tanong niya."Let's go. Nauna na sila mommy do

  • Greenville: The Homecoming    VIII. PAYBACK TIME

    Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan."Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya."Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan."Demi!"Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok."Tara na," sabi ko.***November 26, 8:00 AMMaaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak."Mom, what happened?" tanong ko.

  • Greenville: The Homecoming    IX. PLANS

    November 27, 8:00 AMAng buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon."Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon."Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti."Inaantay mo si Brix?" tanong niya."Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko."Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumu

  • Greenville: The Homecoming    X. RED

    November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.

  • Greenville: The Homecoming    XI. THE KILLER

    December 1 8:30 AMNandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok."Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap."Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya."Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya."Okay ka na ba?" tanong ko."Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya."Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lou

Latest chapter

  • Greenville: The Homecoming    EPILOGUE

    Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi

  • Greenville: The Homecoming    XL. Perilous Love

    Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa

  • Greenville: The Homecoming    XXXIX. The Face Behind The Mask

    Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."

  • Greenville: The Homecoming    XXXVIII. The Devil's Den

    "Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n

  • Greenville: The Homecoming    XXXVII. Greenville's Nightmare

    Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na

  • Greenville: The Homecoming    XXXVI. Mayor Javier Is Missing

    Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.

  • Greenville: The Homecoming    XXXV. Wicked Town

    Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa

  • Greenville: The Homecoming    XXXIV. The Watcher

    "Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay.Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko.Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya?At sa dinami-rami ng tao, iniisip

  • Greenville: The Homecoming    XXXIII. Prom Night

    We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a

DMCA.com Protection Status