Share

GAME OF LOVE: Olivia Reid
GAME OF LOVE: Olivia Reid
Author: Michelle Vito

Prologue

Ipinikit ni Olivia ang kanyang mga mata.  Ramdam niya ang pangangatal ng kanyang buong kalamnan dala ng matinding takot na nararamdaman.  Diring-diri siya habang hinihipo ng kanyang step-father ang kanyang katawan.  Actually gusto niyang masuka.  Gusto niyang sumigaw at umiyak. 

            “Tito Roman, wag po. Maawa na po kayo sa akin,”aniya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi.  Nasaan  ka ba mommy?  Bakit mo ako hinayaan ditong mag-isa sa bago mong asawa? 

            “Ang ganda mong bata, Liv, parang hindi pang nine years old ang katawan mo,” tila naglalaway na sabi ni Roman, kitang-kita ang pagkahayok sa mga mata nito habang hinahaplos ang maseselang bahagi ng katawan ni Olivia.

            Hindi maintindihan ni Olivia kung bakit siya ginaganito ng Tito Roman niya.  Hindi ba dapat ang matatanda ang nagproprotekta sa mga bata?  Hindi ba dapat parang anak ang turing nito sa kanya since asawa na ito ng mommy niya? Pero bakit bad sa kanya ang Tito Roman niya? Hindi niya maintindihan.

            Sana mamatay na lang si Tito Roman. Bad ang ginagawa niya sa akin.  Iyong mga kaibigan ko, masayang naglalaro sa labas. . .pero ako. . .

            Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari ito sa kanya.

 Nakakadiri.  Nakakasuka.  At wala siyang kalaban-laban.

            Galit na galit siya.

            Galit siya sa mommy niya.

            Pero mas lalong galit siya sa daddy niya.

            Kung hindi siguro sila iniwan ng daddy niya nuong five years old pa lamang siya, hindi muling mag-aasawa ang mommy niya.  Hindi sana niya mararanasan ang ganito.

            Tumayo si Roman, hinubad ang suot na shorts at brief saka naupo sa silya isang dipa ang layo sa hinihigaan niyang kama.

            Tuluyan na siyang napaiyak.  Mukha itong demonyo.

            “Come to papa, baby,” waring naglalaway sa pananabik na sabi sa kanya ni Roman.

            Hindi siya gumagalaw sa kanyang kinahihigaan.  Iyak lang siya ng iyak.  Ayaw na niyang maulit ang mga nakakasukang ipinapagawa nito sa kanya.

            Nag-init na naman ang ulo ni Roman.  Alam niya, sasaktan na naman siya nito kapag hindi niya sinunod ang gusto nitong mangyari.  Pero ayaw na niyang sumunod.

            “Ginagalit mo ba ako, ha?” yamot nang sabi nito sa kanya, “Kapag hindi mo itinigil yang pag-iyak mo dyan, talagang papatayin ko kayong mag-ina!!!”

            Hindi pa rin siya gumagalaw.

            Hindi talaga niya mapigilan ang hindi umiyak.

            Tumayo si Roman at kinuha ang makapal na sinturon sa drawer.

            “Bakit ba gustong-gusto mong pinahihirapan pa kita, ha?” bulyaw nito sa kanya, nanlilisik ang mga mata.

            Hindi pa rin siya tumatahan.

            Dumapo ang sinturon sa katawan niya.  Malakas na malakas.  Parang sumagad iyon hanggang sa kanyang mga buto.  Pero hindi siya nagpatinag.  Pakiramdam niya ay may kung anong malakas na pwersang sumanib sa kanya, tumayo siya at sinipa ng ubod lakas si Roman sa bayag nito.

            Nagulat si Roman. Hindi nito inaasahan na manlalaban siya this time.  Napahawak ito sa bayag sa sobrang sakit.  Nakakuha ng pagkakataon si Olivia para makalabas ng kuwarto.  Akmang susunggaban siya nito pero mabilis niyang nadampot ang flower vase at ibinato sa mukha nito.  Nang mga sandaling iyon ay wala siyang nasa isip kundi ang makawala, makatakas sa mapang-abusong kamay ng kanyang step father kaya kahit walang suot na salawal ay tumakbo siyang palabas ng bahay.

            Ang bilis-bilis ng takbo niya.

            Bahala na kung saan siya makarating.

            Basta hinding-hindi na siya babalik.  Ewan kung saan siya dadalhin ng kanyang pagtakas.  Isa lang ang tiyak niya.  Hinding-hindi na niya hahayaang may tumarantado pang muli sa kanya.  Punong-puno siya ng galit habang kumakaripas ng takbo.  Hinding-hindi niya mapapatawad ang

            Mas lalong hindi niya mapapatawad ang kahayupan ng demonyong  Roman na iyon!

            Isinusumpa niya.  Hinding-hindi na ito muling mangyayari pa sa kanya.

            Huminto siya sa pagtakbo ng mapansing malayo na ang narating niya.  Humihingal na nagpalinga-linga siya.  May nakita siyang nakasampay na shorts sa tapat ng isang lumang bahay.

            Bahala na. . .

            Nagmamadali niyang hinablot ang shorts at nangangatal ang mga tuhod na isinuot iyon.  Nahuli siya ng isang batang lalaki na sumungaw sa bintana ng bahay.

            “Nay, ‘nay may nagnanakaw ng sinampay oh!!!” dinig niyang sigaw nito.

            Kinakabahang tumakbo siya ng napakatulin.  Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas niya.  Ang tanging nasa utak lamang niya ay ang maka-survive.

            Ni hindi nga niya namalayang nagawa niyang sumabit sa isang pampasaherong jeep na dumaan sa tapat niya.

            Animo’y may isang matapang na kaluluwang sumasapi sa kanyang munting katawan ng mga sandaling iyon.

            She has to survive.

            And she is going to survive!

            Madilim na nang maisipang magpahinga ni Olivia.  Ramdam na niya ang sobrang pagod sa maghapong pagtatago.  Kumakalam na ang sikmura niya.  Takam na takam siya sa naamoy na mga pagkain sa daan pero wala siyang perang pambili.

            Pumikit siya at umusal ng panalangin.  Papa Jesus, alam ko pong kasalanan ang gagawin ko pero sana po maintindihan ninyo na gutom na gutom na po ako.  Sana po love nyo pa rin ako pagkatapos kong gawin ito.  Di po ba mas magagalit kayo kung hahayaan ko si Tito Roman sa ginagawa nya? Naiintindihan nyo po ba ako, Papa Jesus?  Kung talagang totoo kayo, huwag nyo po akong pabayaan. . .hindi ko po alam kung pano ko mabubuhay. . .

            Iyak siya ng iyak.  Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa kanya.

            “Psst, bata, gabing-gabi na bakit nasa daan ka pa?”

            Natakot siya.

            Naisip niyang baka kagaya rin ito ng kanyang Tito Roman kaya umatras siya palayo rito.

            “Huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao.  Sa simbahan ako nagtratrabaho,” pagbibigay assurance ng matandang lalaki sa kanya.

            Namumutla ang kanyang mukha.  Kahit ang Tito Roman niya ay madalas maglagi sa simbahan pero demonyo pa rin.  Hindi siya dapat na magtiwala kahit na kanino.

            “Umuwi ka na.  Delikadong tumambay dito sa Quiapo lalo na ganitong oras ng gabi. Hindi k aba hinahanap sa inyo?”

            “Patay na po mga magulang ko,” pagsisinungaling niya.

            “Wala ka bang kamag-anak?”

            Umiling siya.

            “Halika, sumama ka sakin, dadalhin kita sa kamag-anak ko, baka sakaling matulungan ka.”

            Rumihistro ang takot sa kanyang mukha.

            Wala na siyang tiwala kahit na kaninong lalaki.  Sunod-sunod ang iling niya, “Ayoko po, salamat na lang po.  K-kung talagang gusto nyo akong tulungan, bigyan nyo na lang po ako ng pera, nagugutom na po kasi ako.”

            “Ganun ba? Halika, sasamahan kitang bumili ng pagkain.”

            “Pera na lang po ang ibigay nyo!”

            “Hindi pwede.  Baka mamaya ibili mo lang ng rugby yung perang ibibili ko saiyo.”

            “Aanhin ko naman po ang rugby eh hindi naman sira ang tsinelas ko?” inosenteng sagot niya.

            Bahagyang natawa ang lalaki, “Bago ka lang ba dito?” Napabuntong hininga ito ng malalim, dumukot ng pera sa bulsa.  “Eto two hundred pesos.  Pasensya na, ito lang laman ng bulsa ko. Iyong fifty pesos, ipapamasahe ko na.”

            Mabikis niyang hinablot sa matanda ang pera.  Ni ayaw niyang madait man lang ang kamay niya sa kamay nito.  Mas mabuti na ang nag-iingat.

            Tumakbo na siyang palayo pagkakuha sa pera.

            “Thank you po!” sigaw niya sa matanda nang matiyak na safe na siya dito.  Napapakamot na lang ang lalaki habang sinusundan siya ng tingin.

            Tumingala siya sa langit bilang pasasalamat.

            Papa Jesus, totoo ka bang talaga?

            Two hundred pesos.  Dahil first time niyang makahawak ng ganuon kalaking pera, feeling niya ay ang yaman-yaman na niya.  Ang kailangan naman niyang diskartehan ay ang matutulugan niya.

            Pero kailangan muna niyang tugunan ang kanyang kumakalam na sikmura.

            Huminto siya sa lugawan at um-order ng lugaw na may kasamang nilagang itlog.  Bumili rin siya ng softdrinks.  Takam na takam na nilantakan niya ang pagkain.  Ang gulat niya nang trenta pesos ang singilin sa kanya ng ale.

            Napa-compute siyang bigla.  Hindi naman pala ganuon kalaki ang perang hawak niya.

            Habang daan ay iniisip niya kung paano siyang muli mabubuhay pag naubos na ang one hundred seventy pesos na natitira sa kanya.

            “Psst bata, akina yung pera mo!” sigaw ng isang batang lalaki sa kanya.

            “Wala akong pera!”  Mataray na sagot niya.

“ Nakita kitang binigyan ng sukli ni Aling Bebang,” anang bata habang palapit sa kanya.  Gusgusin rin itong gaya niya pero tantiya niya ay mas mabaho at mas matagal na ang inilalagi nito sa kalsada.

“At bakit ko naman ibibigay ang pera ko saiyo?” sungit niya dito.

            Kinipkip niyang mabuti ang tangan na pera.

            Magkamatayan na pero hinding-hindi niya iyon ibibigay sa bata.

            May nakita siyang mahabang stick sa daan, dinampot niya iyon bilang paghahanda.

            Napangisi ang bata.  Gustong ipamalas sa kanya na hindi niya ito madadaan sa pananakot.  Kumulimlim ang kanyang mukha.

            Gusto rin niyang iparating sa bata na hindi rin siya nito kayang sindakin.

            Itinago niya ang kanyang pera sa kanyang tshirt saka ibinuhol iyon ng ubod higpit para masiguradong hindi iyon malaglag sa oras na mapasabak siya ng away sa bata.

            Hindi niya uurungan ang bata.

            “Tapang mo ah, di mo ba alam na ako ang siga dito?” sigaw nito sa kanya.

            “Pwes, hindi na ngayon!” sagot naman niya.

            Dumampot ito ng bato at ibinato sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang nakailag.  Dumapot rin siya ng maliit na bato.  Akmang babatuhin na niya ito ng may marinig silang malakas na wang wang ng mga pulis.  Nakita niyang mabilis na kumaripas ng takbo ang bata para magtago.  Nataranta siya.

            Magtatago rin ba siya?

            Pero wala naman siyang ginagawang masama, bakit kailangan niyang magtago sa pulis?

            Nalilito siya.

            Gulong-gulo ang utak niya.  Hindi niya alam kung kakampi ba niya ang mga pulis o kalaban?  Pero sa panaho ngayon, wala siyang dapat na pagtiwalaan kahit na sino!

            Siguro nga ay dapat na siyang magtago.

            Ngunit huli na ang lahat.

            Nahablot na ng matabang pulis ang isang kamay niya.

            “Gabing-gabi na nasa daan pa kayo. . .nagnanakaw na naman kayo. . .”

            “Hindi po. . .” takot na takot siya.  Hinila siya ng pulis papalapit sa isang babae na nakapalda.  Ngumiti ang babae sa kanya.

            “Huwag kang matakot iha.  Taga DSWD ako. . .anong pangalan mo? Nasaan ang mga magulang mo? Dis-oras na ng gabi nasa kalsada ka pa.”

            Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

            Kapag nagsabi siya ng totoo, baka ibalik siya ng mga ito sa kanyang ina.

            Ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha ng kanyang Tito Roman.

            “P-patay na po ang nanay at tatay ko. . .” halos paanas lamang na sabi niya, para na siyang maiiyak sa pinaghalo-halong takot at pagod.  Hindi niya tiyak kung kakampi nga ba niya ang mga ito.

            Ayaw na niyang bumalik pa sa kanila.

            Isinusumpa niya.

            Hinding-hindi na niya papayagang magkita pa silang muli ng Tito Roman niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status