“What the f&*k!?” Tili ni Olivia nang maramdamang may tumapak sa suot niyang mamahaling sapatos. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong nadudumihan ang suot niya. Nanggigigil siya, “Excuse me?” tawag niya sa lalaki pero ni hindi siya nito nilingon,dire-diretso lang ito sa men’s toilet. “Hey, are you dumb?”
Deadma pa rin ito kaya napatili siya ng malakas, “Hey, bastard!!!!”
Ni hindi siya nito nilingon.
Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit.
“Olive, ‘wag ka ditong mag-eskandalo, ano ba? Nakakahiya,” bulong sa kanya ni Pamela, hinila nito ang braso niya papalayo ngunit yamot na ipiniksi lamang niya iyon, “’Wag ka ngang makialam, dapat mabigyan ng leksyon ang lalaking iyon!”
Nagmartsa siya pasunod sa kinaroroonan ng lalaki.
Kasehodang nasa men’s room pa ito. Wala siyang paki.
Galit siya.
At ayaw niya ng ginagalit siya ng kahit na sino lalo na ng mga lalaki. Hinding-hindi siya makapayag na maagrabyado.
Si Pam naman ay tila hiyang-hiya at pinagtatakhan ang sarili kung bakit ito napasunod sa kanya.
“Hey, mister,” nakataas ang kilay niya ng kalabitin ang lalaking sa kanyang palagay ay tumapak sa kanyang mamahaling sapatos. Mapapatawad pa sana niya kung humingi man lang ito ng sorry sa kanya.
Pero iyong dedmahin siya?
No way.
Anumang klase ng kabastusan ay hindi niya pinapatawad.
Hah.
Pinatigas at pinatapang na siya ng mga pinagdaanan niya sa buhay.
Lumingon ang lalaki, kunot ang noo. Bahagya siyang natigilan, mala-greek god ito sa kaguwapuhan. Twenty years na siya sa mundong ibabaw pero ngayon lang siya nakaharap ng ganito kaguwapong nilalang. Pansamantalang tila nakalimutan niya ang yamot na nararamdaman. Waring may kung anong kuryenteng dumadaloy sa kanyang balat habang tinitingnan ang napakaguwapo nitong mukha.
Hey, Olivia Reid.
Naramdaman niya ang pagkurot ni Pam sa kanyang tagiliran, habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking ngayon ay nakatingin rin sa kanya.
O nakatitig sa mas tamang salita.
Muli siyang huminga ng malalim para duon humugot ng lakas at tapang.
I am Olivia Reid. . .paalala niya sa sarili.
“Hey mister, alam mo ba kung anong ginawa mo? Ni hindi ka man lang ba magso-sorry?” balik sa katarayang sabi niya.
Sinipat niya ang lalaki saka naka-chin up na sinalubong ang tingin nito, I am Olivia Reid, pagkumbinsi niya sa kanyang sarili sa kabila ng itinatagong kaba na nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit parang ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa mukha nito. Dala ba ito ng labis kong kalasingan?
Pero never pa akong nalasing. . .saka nakailangang shots lang naman ako pero bakit parang nanghihina na ako?
Si Pam ay hindi mawari ang gagawin, obvious na kilig na kilig ito sa napakaguwapong lalaki. Gusto niyang kutusan ang kaibigan.
“Excuse me? Are you talking to me?” anang lalaki halatang nagtataka sa kanya.
Shit.
Bakit ba para akong tinitunaw ng mga titig nito?
Ewan ba niya ngunit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Para siyang kinukuryente na ewan.
No!!! Tili niya sa sarili. Huminga siya ng malalim para mapaglabanan ang kung anong gayuma na bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon. May sa impakto yata ang lalaking ito.
Shit.
Compose yourself, Olivia Reid. . .inhale, exhale. . .
“Yes, I am talking to you stupid!” pagtataray niyang muli nang mahabi ang sarili. “Natapakan mo ang sapatos ko at ni hindi ka man lang nag-sorry! Alam mo bang hindi basta-basta makakabili ng ganitong pares ng sapatos? Alam mo ba kung magkano ito, ha?”
“No, I have no idea how much are they at wala akong interes na malaman,” naiiling na sabi nito, parang gusto siyang pagtawanan ng malakas.
Muling nabalik ang galit nararamdaman niya.
“Damn you, bastard! I want you to apologise, now! Or else, ipadadampot kita sa mga pulis! Manyak!”
Kitang-kitang nagpanting ang tenga ng lalaki. Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang kakaiba nitong kaguwapuhan.
“You crazy bitch! Sa sobrang kalasingan mo, hindi mo na alam ang pinagsasabi mo!” nailing na sabi ng lalaki sa kanya. “You’re impossible. Bakit ba hinahayaan ka ng parents mong magpakalat-kalat sa ganitong oras ng gabi? Ilang taon ka lang ba?” Sita nito sa kanya.
Naningkit ang kanyang mga mata.
Siya si Olivia Reid. Lahat ng lalaki, diyosa ang turing sa kanya kaya ‘wag na ‘wag siyang matawag tawag na crazy bitch ng lalaking ito. Siya lang ang may karapatang magmaldita sa mga lalaki. Pero no way na papayagan niya ang sariling insultuhin ng kung sino!
Kahit ang president ng bansa, hindi niya uurungan!
“Yes, nakainom ako pero alam ko kung anong sinasabi ko. May cctv dito, let’s call the manager para magkaalaman kung sino sa atin ang baliw!”hamon pa niya sa lalaki.
Parang gusto lang siya nitong pagtawanan. Tiningnan siya nito na parang gustong sabihin na: Miss wala akong oras para pag-aksayahan ang mga taong kagaya mo!
Pero desidido siya. Kaya parang isang batang hinila niya ito palabas ng men’s room. Si Pam ay pulang-pula na ang mukha sa sobrang kahihiyan dahil sa ginagawa niya pero hindi naman siya nito maawat.
Ngayon pa ba siya uurong? Nandito na rin lang siya, paninindigan na niya ang katarayan niyang ito! Isa pa, hindi niya papayagang bastusin ng kahit na sino. Kahit pa nuknukan ito ng guwapo ay hindi uubra sa kanya ang kayabangan nito.
But then, ayaw man niyang aminin ay nakakapagpakilig sa kanya ang halimuyak ng pabango nito na parang ang sarap-sarap sa ilong. Sa totoo lang, gustong-gusto niya itong singhutin.
“SEE?” natatawang naiinis na sabi ni Gabriel Craig sa masungit na babae nang mapatunayan niya base sa cctv na hindi siya ang nakatapak sa sapatos nito kundi ang isang matandang lalaki na nakasalubong rin nito kanina.
Sobrang ganda nga pero may deprensya naman, sa loob-loob niya habang minamasdan ang mukha nito. Ni hindi niya nabanaag sa expression nito ang pagsisisi, sa halip ay naka-chin up pa rin ito na parang nagmamalaki pa. Ibang level rin talaga ang pride ng babaeng ito, sayang at pagkaganda pa naman.
“Now, if you will excuse me,” paismid na sabi Garbriel. Akmang tatalikuran na niya ito kaya ang gulat niya nang hilahin nito ang kwelyo niya at sampalin siya ng ubod lakas.
Hindi niya inaasahan iyon kaya hindi man lang siya nakailag.
Ouch, ito ang unang beses na nasampal siya. At ng hindi man lang niya nakikilalang babae!
Napahawak siya sa kaliwang pisngi na sinampal nito. Kung hindi lang ito babae, malamang nasapak na niya.
Yamot na tiningnan niya ito, damn she’s really gorgeous. But crazy. . .
“Hey, what was that all about?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
“For insulting me!” bulyaw nito sa kanya saka nagmartsang palayo.
“Hey. . .”
Lumingon ang babae at nag-swearing sign ng daliri sa kanya bago tuluyang umalis.
“Unbelievable!” hindi pa rin makapaniwalang d***g niya habang sinusundan ito ng tingin palayo. Although hindi niya maipagkakailang napakaganda ng hubog ng katawan nito.
But damn!
Malas ng lalaking mapapangasawa ng babaeng iyon!
I wonder kung ilan pang babae ang ganito.
Sana naman ay wala ng babaeng katulad ng isang yun!
“GURL, pahiya tayo dun ah,” napapatawang sabi ni Pam, nakaupo ito sa front seat ng minamaneho niyang red mustang. Regalo ito ng sugar daddy niyang si Don Miguel two years ago, on her eighteenth birthday. Daddy ang tawag niya sa matanda. Mabait si Don Miguel. Tinulungan siya nitong makapag-aral. Binigyan ng kotse at two- bedroom condominium unit sa Makati.
Gusto niya si Don Miguel.
Wala kasing halong ‘sex’ang relasyon nila.
Kailangan lang niyang sumama sa mga lakad nito kapag gusto nito. Pang display kumbaga. Kaya safe siya kay Don Miguel. Alam kasi niyang hindi babae ang hanap ng matanda. Ginagamit lang siya nito para pagtakpan ang totoong pagkatao nito.
Pero kapag nasa ibang bansa ito, para itong ibon na nakawala sa hawla. Nagwawala at kung sino-sinong mga batang lalaking foreigner ang ikinakwarto. Ang paalala lang niya palagi kay Don Miguel, ingatan ang health. Wag kalilimutang gumamit ng proteksyon para hindi magkasakit.
Simula nang makatakas siya sa Tito Roman niya, ang dami nang nangyari sa buhay niya. Hindi madali ang lahat ng pinagdaanan niya.
Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan. Ilang beses na kinuha ng DSDW pero ilang beses ring nakatakas.
Naging snatcher. Naging runner.
Hanggang kupkupin siya ni Aling Rebecca, “Anak, alam mo bang pwede mong gamitin ang ganda at katawan mo para makuha ang gusto mo?”
“Ayoko pong maging kagaya ng mga kaibigan nyo. . .ayoko po ng hinihipuan, ayoko pong binabastos, nandidiri po ako, nasusuka ako kapag naiisip kong babastusin ako ng mga lalaki,” maktol niya kay Aling Rebecca, “Aalis na lang po ako kung pipilitin nyo akong maging ganun!”
“Engot! May mga babaeng magaling dumiskarte, hindi naman kailangang magpagalaw. Tingnan mo si Tonet,” sabi ni Aling Rebecca na ang tinutukoy ay ang kagaya rin niyang ampon na si Antonia. Medyo titibo-tibo si Tonet pero napansin niyang palagi itong maraming uwing pera para kay Aling Rebecca. Isang beses pa nga ay ipinamili siya nito ng magagarang damit. Blow out daw nito sa kanya dahil marami-rami ang nakuha nitong tip mula sa raket. Limang taon ang tanda sa kanya ni Tonet, mestisahin ito dahil anak raw ito sa kano ng kaibigan ni Aling Rebecca na prostitute. Nang mamatay raw sa pulmunya ang nanay nito ay si Aling Rebecca na ang nag-alaga dito.
Mabait naman si Aling Rebecca. Matulungin sa mga bata, iyon nga lang ay may pagkabungangera.
“Tuturuan kitang magpole dancing. . .”
“Pole dancing?”
“Oo, expert ako jan. . .”kinikiling pang kwento ni Aling Rebecca, “ Ako kaya ang highest paid pole dancer nung kabataan ko.”
“Talaga po?”
“Oo. . .saka hahanap tayo ng magagatasan online. Daming foreigner na pakitaan mo lang ng u***g at balakang adik na adik na. Di naman nila makukuha, hanggang tingin lang sila kaya okay lang,” bumubungisngis pang sabi nito.
At sa tulong nga ni Aling Rebecca ay natutunan niya ang pole dancing. Pati na rin ang ‘online prostitution.’ Hanggang makilala niya si Don Miguel. Hesitant pa siya nuong una nang alukin siya ni Don Miguel na “ibahay”.Pero gusto talaga niyang makapag-aral kaya tinanggap na rin niya ang offer ni Don Miguel na maging sugar baby siya nito.
And the rest is history.
At isa ito sa pinakatago-tago niyang lihim sa kanyang mga kaibigan.
“Bakit ako mapapahiya sa kanya?” sagot niya kay Pam, naiinis pa rin siya magpahanggang ngayon sa lalaki sa club kanina kaya sa pagamamaneho niya ibinunton ang pagkainis. Ewan kung bakit hindi maalis sa isipan niya ang mukha ng lalaki.
Gosh, bakit ko pa sya napagbintangang natapakan ang sapatos ko?
“Hey, calm down, ayoko pang mamatay, pasaway ka talaga. Mamaya mahuli na naman tayo ng overspeeding! Saka lasing ka. . .”
“Will you please shut up!” bulyaw niya kay Pam. Nanggagalaiti pa rin siya hanggang ngayon. Ayaw man niyang aminin ay nakakahiya talaga ang ginawa niya kanina. Ang tapang-tapang pa niyang hamunin itong tingnan nila ang cctv.
Shit!
Nagmukha siyang tanga at sa lahat ng ayaw niya ay ang nagmumukha siyang tanga sa harapan ng mga lalaki.
Pero hindi iyon ang mas higit niyang ikinaiinis kundi ang reaction nito na para bang hindi man lang ito naapektuhan sa mala-Diyosa niyang kagandahan. Nasaktan nang husto ang pride niya duon.
Siya si Olivia Reid.
Siya ang pinakasikat sa campus dahil sa taglay niyang kagandahan. Wala yatang lalaki ang hindi nahuhumaling sa kanya. At ang isang iyun, ganun-ganun na lang kung umasta kanina. And he even called her crazy bitch?
Damn.
I hate him!
“Pero gurl, aminin mo, napakaguwapo nya!” hirit pa rin ni Pam. Hindi na lamang siya umimik. Classmate niya si Pam sa mamahaling eskwelahan na pinapasukan niya. In fairness, matataas lahat ng grades niya. Pinagsisikapan talaga niyang mag-aral ng mabuti. Hindi naman kasi habang buhay, ganito siya.
Maski si Don Miguel, hindi pa name-meet ng mga kaibigan niya. Sinisigurado niyang wala ito kapag binibisita siya ng mga kaibigan sa condo unit na tinutuluyan niya.
Kaya akala ng lahat ng mga kaibigan niya, anak mayaman siya.
Spoiled brat, rich kid. Iyun kasi ang image na ipino-project niya kapag kasama ang mga ito. Maski ang pagiging m*****a niya, sinasadya niya. Iyun ang alam niyang mabisang pananggala para hindi siya api-apihin ng kung sinu-sino. This is her defense mechanism.
Hindi pwede ang lalampa-lampa.
Hindi pwedeng maging mahina.
Or else kakainin siya ng mga halimaw sa paligid niya.
“By the way, pinuntahan mo ba iyong modelling agency ng tito ko? Kulit ng kulit sakin, gusto ka talaga niyang. . .”
“Pam, ilang ulit ko bang kailangang ipaintindi saiyo na hindi ako interesado!” nakukulitang sabi niya sa kaibigan. Marami ng talent scout ang nag-alok sa kanyang maging model or maging artista ngunit iyon ang isa sa kinatatakutan niyang trabaho. Takot siyang may ma-expose ang kanyang nakaraan.
Tuluyan na niyang ibinaon sa limot ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya sa buhay. Ayaw na niyang mahalugkat pa iyon ng kung sino kaya mas mainam na ang ganitong low profile lamang siya.
ABALA si Gabriel Craig sa pagbabasa ng mga documents na iniabot sa kanya ng kanyang secretary para pirmahan. Mas dumami ang obligasyon niya sa kanilang mga negosyo ngayong nagretire na ang kanyang mga magulang sa pagpapatkbo ng mga iyon at ipagkatiwala na lamang ang lahat sa kanya. Sabagay, it’s about time na e-enjoy naman ng parents niya ang lahat ng pinaghirapan at magtravel na lamang ang mga ito abroad. Ang kaisa-isa naman niyang kapatid na si Javier ay hindi pa niya maasahan dahil abala pa ito sa pag-aaral lalo pa at next semester ay graduating na ito. Hopefully. Hindi niya alam kung kanino nagmana ang kapatid niyang iyon dahil bukod sa napaka-immature ay parang walang ambisyon sa buhay. Palibhasay pinalaking spoiled n
“OLIVIA. . .” parang naiiyak na nagagalit ang pakiramdam ni Javier habang sinusundan ng tingin si Olivia. Pinagsisipa niya ang mga mesa saka mabilis na hinablot ang kwelyo ng isang estudyanteng nakita niyang tila natatawa sa ginawang pambabasted sa kanya ni Olivia. Namutla ang estudyante, waring maiihi na hindi maintindihan, gumitli ang pawis sa nuo. ”Pinagtatawanan mo ba ‘ko?” Nanggagalaiti sa galit na tanong niya. Sunod-sunod ang iling nito. Kumpara sa katawan niya, nagmistula itong isang bubuwit sa harapan niya. Sikat rin naman siya dito sa campus dahil isa siya sa mga varsity player ng basketball. Kilala rin siya sa pagiging mainitin ang ulo at marami na rin siyang nasapak na mga kalabang player.&nbs
“PAKISABI hindi ako nagpapaligaw,” may kasamang pag-irap na sabi ni Olivia kay Gary nang ibalik niya rito ang mga bulaklak at chocolates na ipinabibigay raw ni Javier. “Ako ang mapapagalitan nun kapag hindi mo ‘to tinanggap, Olive,” nagsusumamo ang anyong sabi nito sa kanya, “Saka patay na patay saiyo yong kaibigan ko, sana naman hayaan mo na lang syang mag-express ng feelings nya saiyo. Seryoso naman sya saiyo eh.” Tinaasan lang niya ito ng isang kilay. “Please Olive, ‘wag mo namang ipahiya iyong kaibigan ko.” “Bakit ka ba pumapayag na maging sunod-sunuran sa kaibigan mo, ha?” tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, &l
“What a beautiful ass.. .what a body. . . The most beautiful body I have ever seen in my entire life!!!” bulalas naman ni Daniel na pinsan ni Edward na tila hindi na nakatiis, dumukot ito ng lilibuhin sa wallet at ipinatong sa paanan ng babae sabay hipo sa nakakagigil nitong mga hita. Napabuntong hininga siya ng malalim. Hindi niya alam kung bakit parang may naramdaman siyang galit sa inasal na iyon ni Daniel. Bastos. . . Gusto niyang itong sitahin pero alam naman niya ang dahilan kung bakit nagpo-pole dancing sa harapan nila ang babaeng iyon. Hindi ba para bastusin? Oo malinaw ang paalala s
Dinampot ni Olivia ang kulay blue na jacket na may initial na GC. It’s been two weeks at pinagtatakhan niyang hindi mawala sa isip niya ang insedenteng iyon. Inamoy niya ang jacket. Hindi niya ito nilabhan kaya hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ang scent ng lalaki sa jacket. What is wrong with me? Pinakitaan lang ako ng kabutihan ay nagkakaganito na kaagad ako. Pare-pareho lang ang mga lalaki! Sex lang ang hanap ng mga iyon! Gusto lang magpasiklab ng lalaking iyon kaya kunwaý nagpaka-gentleman. Pero wala siyang pinagkaiba. And yet hindi mawala sa isipan
Napalunok si Olivia. Gabriel Craig. Wow, pati pangalan guwapo. . . Nataranta siya nang ilahad nito ang kamay sa kanya, “Finally, na-meet ko na rin ang ipinagmamalaki ninyong girlfriend, Don Miguel,” ewan kung bakit pakiramdam niya ay may bahid na galit ang tono ng pananalita nito. At waring tumagos iyon sa kanyang mga kalamnan. Easy, Olivia. Sino ba ang lalaking ito para paapekto ka? Hinga ng malalim. Balik sa dating gawi. You are Olivia Reid. Matapang at walang inuurungang laban. Wow, gusto niyang matawa sa sarili. Ano bang kalokohan itong nangyayari sa kanya?
“Let me go, bastos!” galit na sigaw niya rito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito pero mas lalo naman itong humigpit ng hawak, this time nakayakap na ito sa bewang niya. “Oh come on!” napaismid ito, “Hindi ba binabayaran ka naman para bastusin?” nakakalokong sabi nito sa kanya. “Kaya nga kahit kasing tanda ni Don Miguel pinapatos mo, hindi ba?” Nangatal ang kanyang buong katawan. Nagdidilim ang kanyang paningin. “Let me go, hayup ka,” galit na galit na pinagpapalo niya ito sa dibdib. Mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanya, nagulat pa si
DAIG pa ni Olivia ang nasampal. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nagbago ang isip ni Gabriel. Galit na galit siya higit ay sa kanyang sarili. Ngayon lamang nangyaring handang-handa niyang ibigay ang kanyang pagkababae ng ganun-ganun na lamang and yet pinagmukha lang siyang tanga. Para siyang isang bata na pinasabik sa lollipop pero hindi naman pala niya matitkman. But she can’t deny the connection between them. Sigurado siya, naramdaman niya iyon kanina. Kaya takang-taka siya nang bigla na lamang siya nitong iniwan sa gitna ng laban! Kagaya ba ito ni Don Miguel? Pero imposibleng bakla ito. Hindi maipagkakaila ang nakita niyang pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kahit na kailan