MAGKAHINANG ang kanilang mga labi, buong puso, buong pagmamahal niyang inaangkin ang katawan ni Olivia, hindi yata niya pagsasawaan ang alindog ng babaeng ito kahit na kailan.
“Olivia,” mahinang sambit niya habang tinataas baba niya ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan nito, ang kanyang isang kamay ay abala sa paglalaro sa suso nito. Bumaba ang kanyang labi para paglaruan ang dungot niyon.
Napasabunot sa kanya si Olivia.
“Gabriel. . .” Animo’y musika sa kanyang pandinig na marinig mula dito ang pagbanggit nito ng kanyang pangalan.
Napasigaw siya nang maramdamang tila sasabog na siya, “Olivia. . .Olivia!!!!” Kasabay niyon ay napamulat siya ng
“ARLYN, pwede ba, you are overthinking!” “No, Tito Jaypee. I saw it with my own eyes, ramdam ko. Alam kong kahit na anong gawin ko, wala akong laban sa babaeng iyon sa puso ni Gabriel,” umiiyak na sabi niya sa kanyang Uncle Jaypee nang makipagkita siya rito dahil parang sasabog na ang utak niya sa nerbiyos. “Ano pa ba ang kinakatakot mo? Magkakaanak na kayo ni Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka family oriented si Gabriel. Sa palagay mo sisirain nya ang maganda ninyong pamilya para lang sa babaeng iyon?” “Pero may anak rin sila, Tito. In the first place, ako ang sumira ng pamilya nila.” “So, nagi-guilty ka, ganun b
UMIWAS si Olivia ng tingin kay Gabriel dahil pakiramdam niya ay ipagkakanulo siya ng kanyang mga mata, “I’m sorry pero wala na tayong dapat pag-usapan, Gabriel. Matagal mo nang tinapos ang lahat sa atin, simula nang magdesisyon kang. . .umalis nang walang paalam,” Muli niyang naalala ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya. Wala yatang gabing hindi siya umiiyak sa labis na paghihinagpis. Ayaw na niyang maulit pa iyong muli. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang ibinabaon ng buhay sa hukay. Kung hindi dahil kay Stacey, malamang ay nagpakamatay na siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Mas lalo na nang malaman niyang nagpakasal na ito kay Arlyn. God, hindi niya kayang pangalanan ang sakit na naramdaman niya nuon. Actually, hindi naman nawala ang sakit na iyon. Hanggang ngayon na
“GABRIEL, bumalik na tayo sa Amerika. Mas okay na iyong buhay natin dun, hindi ba?” Nagmamakaawang sabi ni Arlyn, kailangang makumbinsi niya si Gabriel na bumalik na sila sa Amerika. Hindi na talaga siya kampante sa mga nangyayaring ito. What if bumalik na lahat ng mga alaala nito? Kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya saka waring gulong-gulo ang isipang lumabas ng kuwarto. Sinundan niya ito. “San ka pupunta?” Hindi ito sumasagot sa halip ay mabilis na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Tinangka niyang pumasok sa loob ng kotse nito ngunit mabilis nito iyong ini-lock. &ld
AS much as possible ay gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya kaya naman minabuti ni Gabriel na ituon na lamang ang kanyang pansin sa kanilang mga negosyo para hindi sumasagi sa isipan niya si Olivia. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana. Ang balak lang naman sana niya ay magtake out ng maipapasalubong niya para kay Arlyn pauwi nang hindi sinasadyang makita niya duon si Olivia kasama ng isang mestisong lalaki. At ewan ba niya kung bakit nakaramdam siya ng selos pagkakita sa lalaking kasama nito. Ngunit syempre pa ay hindi siya nagpahalata. Pilit pa ang kanyang ngiti nang lapitan ang dalawa. “Hi. . .” bati niya sa mga ito. “Gabriel,” kaswal na bati sa kanya ni Olivia pero ramdam niyang
“KANINA habang tinititigan ko si Rocco, bigla kong narealize, God, sasayangin ko ba iyong natitirang buhay ko sa piling ng taong hindi ko naman talaga mahal? Aaminin ko, sumama ako sa kanya sa takot na baka tumanda akong mag-isa. Ngayon ko narealize na napaka-stupido pala ng mga dahilan ko nun. . .pero mas gugustuhin ko pa palang tumandang mag-isa kesa naman hindi naman ako masaya sa piling nya.” Hindi umiimik si Olivia. Nakatingin lang siya kay Tonet na nakakailang shots na ng whisky at naidetalye na yata sa kanya ang buong kwento ng buhay nito. Pinili nyang mag-juice na lang dahil as much as possible ay ayaw na niyang uminom lalo pa at katabi niya sa pagtulog si Stacey. Ayaw niyang makasanayan nitong amoy alak siya. Gusto niyang maging mabuting huwaran para sa kanyang anak.&
“YOU LOOK STUNNING,” Sabi ni Gabriel habang nakatitig kay Olivia. God, kung wala lang ibang tao marahil ay hinalikan na niya ito. Halata niyang kabadong-kabado ito habang isinasayaw niya. Umiiwas rin itong makipagtitigan sa kanya but he can’t help it. Nangako siya sa sariling magpofocus na lamang sa pamilya niya ngunit kaninang makita niya ito ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Para siyang sinisindihan na hindi niya maintindihan sa init na nararamdaman. “Boyfriend mo na ba ang lalaking iyon?” Tanong niya, damn, he really wanted to kiss her. “What’s between me and Danny is none of your business,” sagot nito sa kanya, hindi pa rin nito magawang salubungin ang tingin niya.&n
GALIT na binitiwan ni Olivia ang braso ni Arlyn saka bahagya itong tinabig para pumuwesto sa harap ng salamin. Subukan lang ng babaeng ito na awayin siya, hinding-hindi niya ito uurungan, sa isip-isip niya habang nagreretouch ng kanyang make up. Mula sa salamin ay nakita niyang pairap itong lumabas ng powder room. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa inasal nito. Alam niyang nagalit ito nang husto nang yayain siyang sumayaw ni Gabriel. Sabagay, maski naman siya ay nagulat sa ginawang iyon ni Gabriel. Bakit nga ba siya ang niyaya nitong sumayaw at hindi si Arlyn? Muli ay naalala niya ang napakabango nitong scent. Kanina habang nakapatong ang kamay niya sa balikat
“MASAYA ako para sa inyo,” tuwang-tuwang sabi ni Randell nang tawagan ito ni Danny para ibalita dito na official na silang dalawa. “Thank you,” masayang sabi ni Danny, ginagap nito ang isang kamay niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela, “I am the luckiest man in the world!” “Yes you are. And Olivia is the luckiest woman in the world to have you,” sagot naman ni Randell dito. Naiiling na lamang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi niya alam kung nabigla nga ba siya nang mapapayag siya ni Danny na maging girlfriend nito. Gayunpaman ay alam niyang madali lamang naman itong matutunang mahalin. Pasasaan ba at mah
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila