GALIT na binitiwan ni Olivia ang braso ni Arlyn saka bahagya itong tinabig para pumuwesto sa harap ng salamin.
Subukan lang ng babaeng ito na awayin siya, hinding-hindi niya ito uurungan, sa isip-isip niya habang nagreretouch ng kanyang make up. Mula sa salamin ay nakita niyang pairap itong lumabas ng powder room. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa inasal nito.
Alam niyang nagalit ito nang husto nang yayain siyang sumayaw ni Gabriel.
Sabagay, maski naman siya ay nagulat sa ginawang iyon ni Gabriel.
Bakit nga ba siya ang niyaya nitong sumayaw at hindi si Arlyn? Muli ay naalala niya ang napakabango nitong scent. Kanina habang nakapatong ang kamay niya sa balikat
“MASAYA ako para sa inyo,” tuwang-tuwang sabi ni Randell nang tawagan ito ni Danny para ibalita dito na official na silang dalawa. “Thank you,” masayang sabi ni Danny, ginagap nito ang isang kamay niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela, “I am the luckiest man in the world!” “Yes you are. And Olivia is the luckiest woman in the world to have you,” sagot naman ni Randell dito. Naiiling na lamang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi niya alam kung nabigla nga ba siya nang mapapayag siya ni Danny na maging girlfriend nito. Gayunpaman ay alam niyang madali lamang naman itong matutunang mahalin. Pasasaan ba at mah
INISMIRAN ni Olivia si Gabriel saka niyaya si Danny sa may veranda para makapag-usap sila ng maayos. Gusto rin niyang bigyan ng moment sina Gabriel at si Stacey na magkalapit sa isa’t-isa. Nagulat nga siya kay Stacey dahil hindi man lamang ito nangilag nang kargahin ni Gabriel, usually kasi ay mailap si Stacey kapag bago lang nitong nakikilala ang tao. Imposible namang naalala pa nito ang mukha ng daddy nito dahil two and a half-year old lang si Stacey nuong bigla na lamang mawala si Gabriel sa buhay nilang mag-ina. “I’m glad to see them happy,” sabi ni Danny sa kanya. Tumango siya. “It’s about time na tayo naman ang maging masaya,” sabi nitong hinawakan ang isang kamay niya, at hindi niya alam kung bakit
“NAKAKAPIKON ka na!” Yamot na sabi ni Olivia kay Gabriel nang mapansin niyang palagi na lang itong nanadya asarin siya sa tuwing madadatnan nito sa bahay si Danny. At saka bakit inaaraw-araw naman yata nito ang pagbisita kay Stacey? Sabagay, matagal rin itong nawalay sa kanilang anak, baka gustong bumawi. “Nakakapikon, bakit naman?” Maang-maangan na tanong ni Gabriel sa kanya, kita niya ang amusement sa mga mata nito habang tinitingnan siya. Umiwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay nakukuryente siya sa mga titig na iyon ni Gabriel. “Basta, naiinis ako. P-Parang sinasadya mo kasing harangin iyong relasyon namin ni Danny?” “Reall
“PAPATAYIN na muna kita bago ka mapunta sa iba!” Parang nasisiraan ng bait na sigaw ni Arlyn habang nakatitig sa natutulog na asawa saka tiningnan ang hawak na gunting. Napahikbi siya. “I’m sorry. . .mahal na mahal kita. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” naupo siya sa tabi nito at tuluyang napaiyak. Hindi niya maipaliwanag kung ano itong nararamdaman niyang obsesyon para kay Gabriel but she is willing to do everything, mapanatili lang ito sa buhay niya. Ibinalik niyang muli sa drawer ang hawak na gunting. God, kung anu-ano na talagang kabaliwan itong naiisip ko. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki. Pero bakit kay Gabriel, sobra-sobra iyong nararamdaman ko?&n
KUNOT-NUONG nilingon ni Gabriel ang pamilyar na babae at ang batang kasama nito. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. May kaugnayan ba siya sa mga ito? Damn. Gusto na niyang mapikon sa sarili niya dahil wala talaga siyang maalala, wala siyang matandaan. Blangko ang lahat sa kanya. Tiningnan niya si Arlyn. Hindi niya alam kung masaya nga ba siya o hindi sa piling ng babaeng ito. Pati ba pakiramdam niya, nagkaamnesia na rin? Sa totoo lang, wala siyang maramdamang kung ano kay Arlyn. And yet magkakaanak na sila. Himigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. “I love you so much, Gabriel,” sabi nito sa malambing na tinig. 
KANINA pa niya pinagduduhan ang mga kilos ni Arlyn nang mapansin niyang tila nagsasakit-sakitan lamang ito kaninang makita nila si Carlo. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Arlyn. Pero may hinala siyang may gusto itong itago sa kanya kaya naman siniguro niyang nasa short na suot ang calling card na ibinigay sa kanya ni Carlo. Kailangan niyang makausap si Carlo. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayaring ito sa kanya. Pakiramdam niya ay minamanipulate na ni Arlyn ang buhay niya. Baka may kinalaman rin ito sa madalas na pananakit ng ulo niya. What if nilalason na pala siya nito ng hindi niya alam? Kailangang maging maingat siya. From now on ay hindi
MAAGA pa lang ay nakabihis na si Gabriel. Ang balak sana niya ay makipagkita muna kay Carlo bago pumasok sa opisina kaya nagulat siya nang nagbihis rin si Arlyn at nagpapasama sa kanya papunta sa OB-gyne nito. Wala siyang nagawa kundi samahan itong magpa-check up. Siiguro ay ihahatid na lang niya ito pauwi ng bahay pagkatapos. Ayaw niyang marinig nito ang lahat ng mga itatanong niya kay Carlo. Ewan pero pakiramdam niya ay hindi para dito ang engagement ring na ipinagawa niya. At bagaman kumbinsido na siya na nag-aalala lamang ito sa kanya kaya gusto nitong ma-check kung sino talaga si Carlo, gusto pa rin niyang makausap si Carlo nang hindi nito alam. Napakaraming gumugulo sa utak niya.&
ALAM ni Arlyn, hindi titigil si Gabriel hangga’t hindi nito nakakausap ang Carlo na iyon. Kailangang gumawa siya ng paraan para hindi makapag-usap ang mga ito kung kaya’t palihim siyang nagmessage sa Uncle Jaypee niya at sa mother-in-law niya. Kaya naman pagkagaling nila sa kanyang OB-gyne ay kaagad silang dumiretso sa bahay ng mother-in-law niya. Dinatnan niya duon ang Uncle Jaypee niya kausap ang mother-in-law at father-in-law niya. “Ano ba iyong importante ninyong sasabihin at minamadali nyo pa kami?” Tanong kaagad ni Gabriel sa mga ito, hindi maitago ang impatience sa boses nito. “Iho, kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa mga negosyo. . .” anang Uncle Jaypee niya, nagpalitan pa sila ng tingin nito na p