“PAPATAYIN na muna kita bago ka mapunta sa iba!” Parang nasisiraan ng bait na sigaw ni Arlyn habang nakatitig sa natutulog na asawa saka tiningnan ang hawak na gunting. Napahikbi siya. “I’m sorry. . .mahal na mahal kita. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,” naupo siya sa tabi nito at tuluyang napaiyak.
Hindi niya maipaliwanag kung ano itong nararamdaman niyang obsesyon para kay Gabriel but she is willing to do everything, mapanatili lang ito sa buhay niya.
Ibinalik niyang muli sa drawer ang hawak na gunting.
God, kung anu-ano na talagang kabaliwan itong naiisip ko. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki. Pero bakit kay Gabriel, sobra-sobra iyong nararamdaman ko?
&n
KUNOT-NUONG nilingon ni Gabriel ang pamilyar na babae at ang batang kasama nito. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. May kaugnayan ba siya sa mga ito? Damn. Gusto na niyang mapikon sa sarili niya dahil wala talaga siyang maalala, wala siyang matandaan. Blangko ang lahat sa kanya. Tiningnan niya si Arlyn. Hindi niya alam kung masaya nga ba siya o hindi sa piling ng babaeng ito. Pati ba pakiramdam niya, nagkaamnesia na rin? Sa totoo lang, wala siyang maramdamang kung ano kay Arlyn. And yet magkakaanak na sila. Himigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. “I love you so much, Gabriel,” sabi nito sa malambing na tinig. 
KANINA pa niya pinagduduhan ang mga kilos ni Arlyn nang mapansin niyang tila nagsasakit-sakitan lamang ito kaninang makita nila si Carlo. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Arlyn. Pero may hinala siyang may gusto itong itago sa kanya kaya naman siniguro niyang nasa short na suot ang calling card na ibinigay sa kanya ni Carlo. Kailangan niyang makausap si Carlo. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayaring ito sa kanya. Pakiramdam niya ay minamanipulate na ni Arlyn ang buhay niya. Baka may kinalaman rin ito sa madalas na pananakit ng ulo niya. What if nilalason na pala siya nito ng hindi niya alam? Kailangang maging maingat siya. From now on ay hindi
MAAGA pa lang ay nakabihis na si Gabriel. Ang balak sana niya ay makipagkita muna kay Carlo bago pumasok sa opisina kaya nagulat siya nang nagbihis rin si Arlyn at nagpapasama sa kanya papunta sa OB-gyne nito. Wala siyang nagawa kundi samahan itong magpa-check up. Siiguro ay ihahatid na lang niya ito pauwi ng bahay pagkatapos. Ayaw niyang marinig nito ang lahat ng mga itatanong niya kay Carlo. Ewan pero pakiramdam niya ay hindi para dito ang engagement ring na ipinagawa niya. At bagaman kumbinsido na siya na nag-aalala lamang ito sa kanya kaya gusto nitong ma-check kung sino talaga si Carlo, gusto pa rin niyang makausap si Carlo nang hindi nito alam. Napakaraming gumugulo sa utak niya.&
ALAM ni Arlyn, hindi titigil si Gabriel hangga’t hindi nito nakakausap ang Carlo na iyon. Kailangang gumawa siya ng paraan para hindi makapag-usap ang mga ito kung kaya’t palihim siyang nagmessage sa Uncle Jaypee niya at sa mother-in-law niya. Kaya naman pagkagaling nila sa kanyang OB-gyne ay kaagad silang dumiretso sa bahay ng mother-in-law niya. Dinatnan niya duon ang Uncle Jaypee niya kausap ang mother-in-law at father-in-law niya. “Ano ba iyong importante ninyong sasabihin at minamadali nyo pa kami?” Tanong kaagad ni Gabriel sa mga ito, hindi maitago ang impatience sa boses nito. “Iho, kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa mga negosyo. . .” anang Uncle Jaypee niya, nagpalitan pa sila ng tingin nito na p
“NAKA-SCHEDULE na kayong dalawa ni Arlyn patungong Amerika next week. Gusto namin ng Papa mo na duon manganak si Arlyn. Anyway kailangan mo rin namang bumalik duon para sa check up mo, mas mabuting bumalik na kayo ng mas maaga.” “Ma. . .” “Naka-book na ang ticket ninyo,” Sabi ni Donya Amanda, napabuntong hininga na lamang ng malalim si Gabriel. Hindi na siya nakipagtalo pa sa ina tutal ay ito rin naman ang masusunod sa huli. “Okay, if that’s what you want,” tipid na sagot na lamang niya. Lihim na napangiti si Arlyn. Ang dami ng plano sa isip nito at kung ito lamang ang masusunod ay hindi na nito gugustuhin pang umuw
“KUYA, POSITIVE, may halong propranolol ang tsaa na ito, ang sabi ng chemist, ginagamit raw ang gamot na ito sa mga pasyenteng naging biktima ng rape, iyong may mga unpleasant memories, may PTSD. . .ito marahil ang cause kung bakit lumalala ang amnesia mo sa halip na gumaling ka na.” Balita ni Javier kay Gabriel nang tawagan siya nito after three days matapos niyang ibigay dito ang sample ng tsaa na ipinapainom sa kanya ni Arlyn. Hindi siya makapaniwalang magagawa sa kanya ni Arlyn ang ganun, pero bakit? “Pero bakit naman nya gagawin sakin ito?” Nagtatakang tanong niya sa kapatid. “Palagay mo, gusto niya akong unti-unting patayin?” “I don’t think so. Although delikado ang gamot nay an kapag nasobrahan,&nbs
HINDI makapaniwala si Donya Amanda sa ibinalita ng anak. “God, I can’t believe, Arlyn can do that to you,” Napapailing na sabi niya. Bigla tuloy siyang na-guilty. Sila ang nagpilit kay Gabriel na pakasalan nito si Arlyn. Never namang sumagi sa isip niya na magagawa ng babaeng iyon ang mga ganuong bagay para lang makuha ang buong atensyon ng anak nila. Tiningnan siya ng matiim ni Gabriel, “Are you sure wala kang kinalaman dito?” Tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napaatras. Siguradong hindi siya nito mapapatawad kapag nalaman nitong siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ito ni Olivia. “B-Bakit naman ako makikipagsabwatan kay Arlyn? Anak kita. Sa palagay mo, gagawa ako ng ikasasama mo?&rdquo
NAPAHAWAK sa kanyang ulo si Gabriel. Unti-unting nagbabalik ang mga alaala niya kay Olivia, “God,” mahinang usal niya nang marealize kung sino ito sa buhay niya. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Nagring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Arlyn sa kanya. Napatiim bagang siya. “Gabriel, saan ka pupunta? Ngayon ang presentation para sa. . .” “I’m sorry Ninong pero may kailangan akong asikasuhin,” aniya sa Ninong Jaypee niya, binilisan niya ang paglalakad. “Gabriel. . .” Parang walang naririnig na nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan, binuksan niya iyon at pinaandar.