“NAKA-SCHEDULE na kayong dalawa ni Arlyn patungong Amerika next week. Gusto namin ng Papa mo na duon manganak si Arlyn. Anyway kailangan mo rin namang bumalik duon para sa check up mo, mas mabuting bumalik na kayo ng mas maaga.”
“Ma. . .”
“Naka-book na ang ticket ninyo,” Sabi ni Donya Amanda, napabuntong hininga na lamang ng malalim si Gabriel. Hindi na siya nakipagtalo pa sa ina tutal ay ito rin naman ang masusunod sa huli.
“Okay, if that’s what you want,” tipid na sagot na lamang niya.
Lihim na napangiti si Arlyn. Ang dami ng plano sa isip nito at kung ito lamang ang masusunod ay hindi na nito gugustuhin pang umuw
“KUYA, POSITIVE, may halong propranolol ang tsaa na ito, ang sabi ng chemist, ginagamit raw ang gamot na ito sa mga pasyenteng naging biktima ng rape, iyong may mga unpleasant memories, may PTSD. . .ito marahil ang cause kung bakit lumalala ang amnesia mo sa halip na gumaling ka na.” Balita ni Javier kay Gabriel nang tawagan siya nito after three days matapos niyang ibigay dito ang sample ng tsaa na ipinapainom sa kanya ni Arlyn. Hindi siya makapaniwalang magagawa sa kanya ni Arlyn ang ganun, pero bakit? “Pero bakit naman nya gagawin sakin ito?” Nagtatakang tanong niya sa kapatid. “Palagay mo, gusto niya akong unti-unting patayin?” “I don’t think so. Although delikado ang gamot nay an kapag nasobrahan,&nbs
HINDI makapaniwala si Donya Amanda sa ibinalita ng anak. “God, I can’t believe, Arlyn can do that to you,” Napapailing na sabi niya. Bigla tuloy siyang na-guilty. Sila ang nagpilit kay Gabriel na pakasalan nito si Arlyn. Never namang sumagi sa isip niya na magagawa ng babaeng iyon ang mga ganuong bagay para lang makuha ang buong atensyon ng anak nila. Tiningnan siya ng matiim ni Gabriel, “Are you sure wala kang kinalaman dito?” Tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napaatras. Siguradong hindi siya nito mapapatawad kapag nalaman nitong siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ito ni Olivia. “B-Bakit naman ako makikipagsabwatan kay Arlyn? Anak kita. Sa palagay mo, gagawa ako ng ikasasama mo?&rdquo
NAPAHAWAK sa kanyang ulo si Gabriel. Unti-unting nagbabalik ang mga alaala niya kay Olivia, “God,” mahinang usal niya nang marealize kung sino ito sa buhay niya. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Nagring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Arlyn sa kanya. Napatiim bagang siya. “Gabriel, saan ka pupunta? Ngayon ang presentation para sa. . .” “I’m sorry Ninong pero may kailangan akong asikasuhin,” aniya sa Ninong Jaypee niya, binilisan niya ang paglalakad. “Gabriel. . .” Parang walang naririnig na nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan, binuksan niya iyon at pinaandar.
“GABRIEL. . .” Yumakap sa likod niya si Arlyn ngunit nayayamot na ipiniksi lamang niya ang mga braso nito saka kinuha ang mga gamit sa cabinet. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya. “What are you doing?” Nagtatakang tanong ni Arlyn nang buksan niya ang kanyang closet at ilabas mula duon ang kanyang mga damit. “Ano pa ba sa palagay mo?” Aniyang kinuha ang kanyang malaking maleta at inilagay duon ang ilan niyang mga gamit. Para siyang nasasakal sa loob ng bahay na ito. Hindi na niya kakayaning magtagal pa siya dito. “No!!!” Sigaw nito, kumapit ito ng mahigpit sa kanya, “You can’t do this to me. Hindi mo ako pwedeng iwan!”
“ANO bang dapat sabihin ni Arlyn sakin? May dapat ba akong malaman?” Kunot-nuong tanong ni Don Arnel sa asawa. “I mean. . .sinabi na ba niyang umalis sa bahay nila si Gabriel?” Tumango siya saka tinalikuran na ang asawa. “Arnel. . .” Lumingon siya, “May sasabihin ka ba?” Nakita niya ang pagkabalisa sa mukha nito. “W-Wala naman. N-nag-aalala lang ako para kay Gabriel.” Huminga siya ng malalim, “Palagay ko, it’s about time na aminin nating nagkamali tayo sa pakikialam sa b
NAAALALA na niya. Nagpagawa siya ng engagement ring sa kaibigan niyang si Carlo para magpropose kay Olivia ngunit nangyari ang aksidente. Ngayon niya narealize kung gaano kasakit para kay Olivia na bigla na lamang siyang nawala. Alam niya ang pakiramdam na iyon dahil naranasan rin niya iyon nuong biglang nawala si Olivia. And then he found out na pamilya pala niya ang dahilan. Nagsakripisyo ito at nagpakalayo-layo dahil sa kahilingan ng pamilya niya. At ngayon, pamilya na naman niya ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Tinawagan niya si Carlo, “Pare, nasaan ang engagement na ipinagawa ko saiyo?” “Gab?” “Pupuntahan kita after two hours. Ihanda mo ang engagement ring na ipinagawa ko saiyo,” sabi niya rito saka nagmamadaling pinuntahan si Olivia
“I LOVE YOU TOO,” Walang pagsidlan ng kaligayahan na sagot ni Olivia kay Gabriel nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Pero kailangan ko nang umuwi at kanina pa ako hinahanap ng anak natin.” “Kung magsama na kaya tayo?” “Ayusin mo muna ang lahat ng dapat ayusin. Ayokong magsama tayo nang maraming gulo at illegal, ‘no?” Paalala niya sa lalaki. “Yeah, I know. Pero siguraduhin mong hihiwalayan mo na ang Danny na iyon?” Paniniyak nito, ramdam niya ang selos sa tono ng pananalita nito. Napangisi siya, “Oo na. Bilisan mo na dyan, magbihis ka na para mahatid mo na ko,” natatawang sabi niya dito.
“Hindi ko sinasabing gawin mo syang reserba. Ang sa akin lang, ituloy mo pa rin sana iyong friendship na nasimulan ninyo. Napakabuting tao ni Danny kaya nanghihinayang ako kung pakakawalan mo sya.” “’Nay, mabuting tao rin si Gabriel. . .” “Pero ilang beses ka nang sinaktan ng pamilya nya,” nakangusong sabi nito sa kanya, “Samantalang si Danny, tanggap na tanggap ka. Pati kami, tanggap ng pamilya nya. San ka pa?” Anitong halatang si Danny ang bet nito para sa kanya. Sabagay, may katwiran din naman ito. Ang dami na talaga niyang nailuha simula nang matuto siyang umibig kay Gabriel. Pero si Gabriel rin naman ang nagbibigay ng pinakamasayang pakiramdam sa kanya. Bumigat ang