“GABRIEL. . .” Yumakap sa likod niya si Arlyn ngunit nayayamot na ipiniksi lamang niya ang mga braso nito saka kinuha ang mga gamit sa cabinet. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya.
“What are you doing?” Nagtatakang tanong ni Arlyn nang buksan niya ang kanyang closet at ilabas mula duon ang kanyang mga damit.
“Ano pa ba sa palagay mo?” Aniyang kinuha ang kanyang malaking maleta at inilagay duon ang ilan niyang mga gamit. Para siyang nasasakal sa loob ng bahay na ito. Hindi na niya kakayaning magtagal pa siya dito.
“No!!!” Sigaw nito, kumapit ito ng mahigpit sa kanya, “You can’t do this to me. Hindi mo ako pwedeng iwan!”
“ANO bang dapat sabihin ni Arlyn sakin? May dapat ba akong malaman?” Kunot-nuong tanong ni Don Arnel sa asawa. “I mean. . .sinabi na ba niyang umalis sa bahay nila si Gabriel?” Tumango siya saka tinalikuran na ang asawa. “Arnel. . .” Lumingon siya, “May sasabihin ka ba?” Nakita niya ang pagkabalisa sa mukha nito. “W-Wala naman. N-nag-aalala lang ako para kay Gabriel.” Huminga siya ng malalim, “Palagay ko, it’s about time na aminin nating nagkamali tayo sa pakikialam sa b
NAAALALA na niya. Nagpagawa siya ng engagement ring sa kaibigan niyang si Carlo para magpropose kay Olivia ngunit nangyari ang aksidente. Ngayon niya narealize kung gaano kasakit para kay Olivia na bigla na lamang siyang nawala. Alam niya ang pakiramdam na iyon dahil naranasan rin niya iyon nuong biglang nawala si Olivia. And then he found out na pamilya pala niya ang dahilan. Nagsakripisyo ito at nagpakalayo-layo dahil sa kahilingan ng pamilya niya. At ngayon, pamilya na naman niya ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Tinawagan niya si Carlo, “Pare, nasaan ang engagement na ipinagawa ko saiyo?” “Gab?” “Pupuntahan kita after two hours. Ihanda mo ang engagement ring na ipinagawa ko saiyo,” sabi niya rito saka nagmamadaling pinuntahan si Olivia
“I LOVE YOU TOO,” Walang pagsidlan ng kaligayahan na sagot ni Olivia kay Gabriel nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Pero kailangan ko nang umuwi at kanina pa ako hinahanap ng anak natin.” “Kung magsama na kaya tayo?” “Ayusin mo muna ang lahat ng dapat ayusin. Ayokong magsama tayo nang maraming gulo at illegal, ‘no?” Paalala niya sa lalaki. “Yeah, I know. Pero siguraduhin mong hihiwalayan mo na ang Danny na iyon?” Paniniyak nito, ramdam niya ang selos sa tono ng pananalita nito. Napangisi siya, “Oo na. Bilisan mo na dyan, magbihis ka na para mahatid mo na ko,” natatawang sabi niya dito.
“Hindi ko sinasabing gawin mo syang reserba. Ang sa akin lang, ituloy mo pa rin sana iyong friendship na nasimulan ninyo. Napakabuting tao ni Danny kaya nanghihinayang ako kung pakakawalan mo sya.” “’Nay, mabuting tao rin si Gabriel. . .” “Pero ilang beses ka nang sinaktan ng pamilya nya,” nakangusong sabi nito sa kanya, “Samantalang si Danny, tanggap na tanggap ka. Pati kami, tanggap ng pamilya nya. San ka pa?” Anitong halatang si Danny ang bet nito para sa kanya. Sabagay, may katwiran din naman ito. Ang dami na talaga niyang nailuha simula nang matuto siyang umibig kay Gabriel. Pero si Gabriel rin naman ang nagbibigay ng pinakamasayang pakiramdam sa kanya. Bumigat ang
GINISING si Olivia nang pambubulabog ni Arlyn sa labas ng gate. Napatakbo tuloy siya palabas ng kanyang kuwarto. Tanaw niya ito mula duon, kinakalampag ang kanilang gate at binabato. Umpisa pa lang ito ng mga pagdadaanan ko sa oras na magdesisyon akong tanggapin sa buhay ko si Gabriel. Worth it ba lahat ng ito? Fuck, walang isinisigaw ang puso at kaluluwa ko kundi ang pangalan lamang ni Gabriel at handa akong tanggapin ang lahat ng magiging consequences niyon. Handang-handa na akong ipaglaban ang pagmamahalan naming ito. “Olivia, lumabas ka dyan, walanghiya kang babae ka! Kabit! Ang lakas ng loob mo, hindi ka na nahiyang pumatol sa asawa ng me asawa!” Dinig niyang sigaw nito mula sa la
HINDI MAPAKALI si Donya Amanda. Alam niyang nanganganib ang reputasyon niya kapag hindi niya ginawan ng paraan na makipagbalikan si Gabriel kay Arlyn. Ngunit kilala niya ang anak niya. Alam niyang pagdating kay Olivia, handa nitong suwayin maski ang sariling magulang. Ngayon lang niya nakitang magmahal ng ganito ang anak niya. Manang-mana ito sa asawa niya. Napakagat labi siya nang maisip kung ano ang gagawin sa kanya ni Arnel oras na mabunyag dito ang pinakatago-tago niyang lihim. Napapikit siya. Parang nakikinikinita na niya ang asawa. Bibihira itong magalit pero alam niyang ibang klase kapag nagalit ito. Matagal na panahon na niyang pinagsisihan ang bagay na iyon. God, bakit hanggang ngayon ay hindi niya matakasan ang mu
“PAANONG nangyari ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa kanyang Ninong Jaypee nang malamang maraming clients nila ang nagrereklamo dahil may mga defect ang mga supplies na nakarating sa mga ito “Ano bang ginagawa ng quality control natin?” Napabuntong hininga siya ng malalim habang pinag-aaralan ang lahat ng accounts na hawak nila. “I don’t know what are you talking about, Gabriel. So far, malinis ang lahat ng records ng kompanya simula ng pamahalaan ko pansamantala ang kompanya.” “Ninong, I guess kailangan nating mag-meeting,” aniya sa kabilang linya bago ito pagbabaan ng telepono, “Miss Albufera, paki-print lahat ng reports. At pakisabi sa finance department kailangan ko ng data nila.” Utos niya sa kanyang sekretarya.
“SIRA ULO,” Napapatawang sagot ni Danny sa kanya. “Bah, mura na lang magpatumba ng tao ngayon,” Nagpapatawang sabi niya dito. Napailing sa kanya si Danny, “Puros ka kalokohan.” Muli itong nagsalin ng alak at coke sa baso, “Pero seryoso, illegal pa rin naman ang ginagawang iyon ni Gabriel. Hanggang hindi legal ang paghihiwalay nila ng asawa nya, huwag nyang paasahin si Olivia.” “Eh gusto rin naman ni Olivia yun eh,” Kibit balikat na sagot niya. “Magmumukha ka lang pushy kapag ipinilit mo yan. Kung ako saiyo, maghahanap na lang ako ng ibang babae. May irereto ako saiyo. Siguradong magugustuhan mo.”&n