“Hindi ko sinasabing gawin mo syang reserba. Ang sa akin lang, ituloy mo pa rin sana iyong friendship na nasimulan ninyo. Napakabuting tao ni Danny kaya nanghihinayang ako kung pakakawalan mo sya.”
“’Nay, mabuting tao rin si Gabriel. . .”
“Pero ilang beses ka nang sinaktan ng pamilya nya,” nakangusong sabi nito sa kanya, “Samantalang si Danny, tanggap na tanggap ka. Pati kami, tanggap ng pamilya nya. San ka pa?” Anitong halatang si Danny ang bet nito para sa kanya. Sabagay, may katwiran din naman ito. Ang dami na talaga niyang nailuha simula nang matuto siyang umibig kay Gabriel.
Pero si Gabriel rin naman ang nagbibigay ng pinakamasayang pakiramdam sa kanya. Bumigat ang
GINISING si Olivia nang pambubulabog ni Arlyn sa labas ng gate. Napatakbo tuloy siya palabas ng kanyang kuwarto. Tanaw niya ito mula duon, kinakalampag ang kanilang gate at binabato. Umpisa pa lang ito ng mga pagdadaanan ko sa oras na magdesisyon akong tanggapin sa buhay ko si Gabriel. Worth it ba lahat ng ito? Fuck, walang isinisigaw ang puso at kaluluwa ko kundi ang pangalan lamang ni Gabriel at handa akong tanggapin ang lahat ng magiging consequences niyon. Handang-handa na akong ipaglaban ang pagmamahalan naming ito. “Olivia, lumabas ka dyan, walanghiya kang babae ka! Kabit! Ang lakas ng loob mo, hindi ka na nahiyang pumatol sa asawa ng me asawa!” Dinig niyang sigaw nito mula sa la
HINDI MAPAKALI si Donya Amanda. Alam niyang nanganganib ang reputasyon niya kapag hindi niya ginawan ng paraan na makipagbalikan si Gabriel kay Arlyn. Ngunit kilala niya ang anak niya. Alam niyang pagdating kay Olivia, handa nitong suwayin maski ang sariling magulang. Ngayon lang niya nakitang magmahal ng ganito ang anak niya. Manang-mana ito sa asawa niya. Napakagat labi siya nang maisip kung ano ang gagawin sa kanya ni Arnel oras na mabunyag dito ang pinakatago-tago niyang lihim. Napapikit siya. Parang nakikinikinita na niya ang asawa. Bibihira itong magalit pero alam niyang ibang klase kapag nagalit ito. Matagal na panahon na niyang pinagsisihan ang bagay na iyon. God, bakit hanggang ngayon ay hindi niya matakasan ang mu
“PAANONG nangyari ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa kanyang Ninong Jaypee nang malamang maraming clients nila ang nagrereklamo dahil may mga defect ang mga supplies na nakarating sa mga ito “Ano bang ginagawa ng quality control natin?” Napabuntong hininga siya ng malalim habang pinag-aaralan ang lahat ng accounts na hawak nila. “I don’t know what are you talking about, Gabriel. So far, malinis ang lahat ng records ng kompanya simula ng pamahalaan ko pansamantala ang kompanya.” “Ninong, I guess kailangan nating mag-meeting,” aniya sa kabilang linya bago ito pagbabaan ng telepono, “Miss Albufera, paki-print lahat ng reports. At pakisabi sa finance department kailangan ko ng data nila.” Utos niya sa kanyang sekretarya.
“SIRA ULO,” Napapatawang sagot ni Danny sa kanya. “Bah, mura na lang magpatumba ng tao ngayon,” Nagpapatawang sabi niya dito. Napailing sa kanya si Danny, “Puros ka kalokohan.” Muli itong nagsalin ng alak at coke sa baso, “Pero seryoso, illegal pa rin naman ang ginagawang iyon ni Gabriel. Hanggang hindi legal ang paghihiwalay nila ng asawa nya, huwag nyang paasahin si Olivia.” “Eh gusto rin naman ni Olivia yun eh,” Kibit balikat na sagot niya. “Magmumukha ka lang pushy kapag ipinilit mo yan. Kung ako saiyo, maghahanap na lang ako ng ibang babae. May irereto ako saiyo. Siguradong magugustuhan mo.”&n
NAPABALIKWAS mula sa kanyang hinihigaan si Olivia. Ang pangit ng panaginip niya. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. Bumangon siya para kumuha ng tubig. Alas-dose na ng gabi, nag-alala siya dahil hindi sumasagot sa message o tawag niya si Gabriel. Ni hindi ito dumaan sa bahay niya. Usually pagkagaling nito sa trabaho ay binibisita sila nitong mag-ina. Madalas pa nga ay dito ito nagdi-dinner. Ngunit ngayong araw na ito ay hindi ito nagpakita sa kanila at ewan ba niya kung bakit kung anu-ano na naman ang naiisip niya. Huling nangyari ito, bigla na lamang niyang nabalitaang nasa Amerika na pala ito at nagpakasal kay Arlyn. Wala po sanang masamang nangyari sa kanya. Maya-maya ay tumunog a
NAGHIHINTAY na sa kanya si Donya Amanda nang dumating si Olivia sa kanilang tagpuan na coffee shop. Nakiusap itong huwag niyang ipaalam kay Gabriel ang tungkol dito. Kahit naman hindi naging maganda ang trato ng mga magulang ni Gabriel sa kanya, hindi pa rin nawawala ang respeto niya sa mga ito, after all, magulang pa rin ito ng lalaking pinakamamahal niya. “Thank you sa pagpapaunlak mo sa paanyaya ko,” sabi nitong ibang-iba ang tono ng pagsasalita, hindi kagaya nuong una niya itong nakaharap. Kinakabahan siya. Ano naman kaya this time ang pakulo nito? Ngunit willing siyang makinig alang-alang kay Gabriel. “Ano po bang mahalagang pag-uusapan natin?”&n
“MAY PROBLEMA BA?” Nag-aalalang tanong ni Olivia kay Gabriel nang mapansin niyang parang balisa ito. “There’s something wrong with the company, malaki na ang nawawalang pera ng kompanya. Hindi ko ata kakayaning makitang unti-unting bumabagsak ang pinaghirapan ng mga magulang ko.” Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Gabriel habang binabanggit iyon sa kanya. Bigla niyang naalala ang pakiusap ng ina nito. Nagugulumihanan siya. Alam niya kung gaano kadedicated si Gabriel para sa kompanya at sa pamilya nito. At gaya nga ng sinabi nito, hindi nito kakayanin kapag may nangyaring masama sa kompanya nito. “Gabriel, I think kailangan m
PAKIRAMDAM ni Gabriel ay gumuho ang lahat sa kanya sa rebelasyong sumambulat sa kanya. Iniisip pa lamang niya na makukulong ang ama ay nanlalata na siya. Hindi niya ito masisisi kung sakaling totoo man ang ginawa nito. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang Mama. Siguro, ng mga panahong iyon ay nawala sa katinuan ang Papa niya. Tiningnan niya ang ina, “Paano mo nagawang pagtaksilan si Papa?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Punong-puno ng galit ang dibdib niya. Parang hindi pa rin siya makapaniwalang ang inaakala niyang perfect niyang pamilya ay napakarami palang bahong itinatago. “Anak, patawarin mo ko,” Umiiyak na sabi ng Mama niya, hinawakan siya nito sa balikat pero pinalis niya iyon at mabilis na pi