NAGHIHINTAY na sa kanya si Donya Amanda nang dumating si Olivia sa kanilang tagpuan na coffee shop. Nakiusap itong huwag niyang ipaalam kay Gabriel ang tungkol dito. Kahit naman hindi naging maganda ang trato ng mga magulang ni Gabriel sa kanya, hindi pa rin nawawala ang respeto niya sa mga ito, after all, magulang pa rin ito ng lalaking pinakamamahal niya.
“Thank you sa pagpapaunlak mo sa paanyaya ko,” sabi nitong ibang-iba ang tono ng pagsasalita, hindi kagaya nuong una niya itong nakaharap.
Kinakabahan siya. Ano naman kaya this time ang pakulo nito?
Ngunit willing siyang makinig alang-alang kay Gabriel. “Ano po bang mahalagang pag-uusapan natin?”
&n
“MAY PROBLEMA BA?” Nag-aalalang tanong ni Olivia kay Gabriel nang mapansin niyang parang balisa ito. “There’s something wrong with the company, malaki na ang nawawalang pera ng kompanya. Hindi ko ata kakayaning makitang unti-unting bumabagsak ang pinaghirapan ng mga magulang ko.” Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Gabriel habang binabanggit iyon sa kanya. Bigla niyang naalala ang pakiusap ng ina nito. Nagugulumihanan siya. Alam niya kung gaano kadedicated si Gabriel para sa kompanya at sa pamilya nito. At gaya nga ng sinabi nito, hindi nito kakayanin kapag may nangyaring masama sa kompanya nito. “Gabriel, I think kailangan m
PAKIRAMDAM ni Gabriel ay gumuho ang lahat sa kanya sa rebelasyong sumambulat sa kanya. Iniisip pa lamang niya na makukulong ang ama ay nanlalata na siya. Hindi niya ito masisisi kung sakaling totoo man ang ginawa nito. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang Mama. Siguro, ng mga panahong iyon ay nawala sa katinuan ang Papa niya. Tiningnan niya ang ina, “Paano mo nagawang pagtaksilan si Papa?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Punong-puno ng galit ang dibdib niya. Parang hindi pa rin siya makapaniwalang ang inaakala niyang perfect niyang pamilya ay napakarami palang bahong itinatago. “Anak, patawarin mo ko,” Umiiyak na sabi ng Mama niya, hinawakan siya nito sa balikat pero pinalis niya iyon at mabilis na pi
NATIGILAN sa pagpasok sa kuwarto si Amanda nang madatnan niya si Arnel na may hawak na baril, nakatutok iyon sa sentido nito. Nanlamig ang kanyang mga talampakan. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Dahan-dahan siyang lumapit dito saka lumuhod sa harapan nito. “Please Arnel,” umiiyak na sabi pakiusap niya rito, “Huwag mong gawin kung anuman ang iniisip mo. Aaminin ko, kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito sa pamilya natin. Pero hindi ýan ang sagot,” nagsusumamong sabi niya. Hindi umiimik si Arnel. “Mahal kita. Patawarin mo ako k-kung nagawa kong pagtaksilan ka. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang ngayon, pau
NAGULAT si Tonet nang madatnan niya si Anika sa salas. Hindi niya alam kung aatras ba siyang palabas o magtatago sa paningin nito. “Buti naman dumating ka na, san ka ba kasi nagsuot? Kala ko ba may bibilhin ka lang sa grocery?” Si Olivia. “Dyan lang, m-may kinita lang,” sagot niya saka bahagyang tiningnan si Anika, “Musta?” kaswal lang na bati niya dito. Matagal-tagal na rin since ng huli nilang usap. Araw-araw pa rin niya itong ini-stalk sa Instagram account nito kaya alam niyang kadarating lamang nito galing Germany. Nagkibit balikat lang si Anika, obvious na ayaw makipag-usap sa kanya. Talaga nga sigurong binura na siya nito sa buhay nito. Bahala ka, umayos siya ng upo, “Ano bang ma
“NAKAUSAP ko na sina Anika at Tonet. Willing silang makipagtulungan sa atin.” Balita ni Gabriel kay Olivia nang sunduin siya nito para makipagtagpo kay Randell. Palagay kasi niya ay ito ang bukod tanging lawyer na maaring pagkatiwalaan ni Gabriel tungkol sa pamilya nito. “Good.” Sabi nito habang abala sa pagmamaneho, bahagya siya nitong nilingon, “Pumayag na rin ba si Tonet na maging bodyguard/ assistant ko?” “Excited na nga eh. Gusto nan yang magamit ang pagiging black belter nya,” aniya dito, “Saka, mas panatag ang loob ko kung siya ang kasama mo. Sa panahon ngayon, mahirap basta-basta magtiwala. By the way, ano nga palang sabi ni Javier?” “Siya ang tumutulong sakin pa
“THANK YOU,” sabi ni Arlyn kay Gabriel nang alalayan siya nito papasok sa kanilang bahay, “Salamat at naisipan mo nang makipagbalikan sakin. Promise, gagawin ko ang lahat para mabalik muli ang tiwala mo sakin.” Hindi nagsalita si Gabriel. Pero okay na siya sa ganito. Ang mahalaga ay magkasama sila ni Gabriel at bumalik na itong muli sa kanya. Hindi na niya pinansin ang nararamdaman kahit na alam naman niyang ginagawa lamang ito ni Gabriel para mailigtas sa kahihiyan ang pamilya nito. Alam rin niyang may plinaplano ito. Hindi siya tanga para maniwalang basta na lamang ito pumayag na bumalik sa kanya. Pero hindi siya nito mauutakan. Makikipaglaro siya sa mga ito kagaya ng dati. At titiyakin niyang sa larong ito, s
“IBIGAY MO SA AKIN ANG CELLPHONE MO!” Nanlilisik ang mga matang utos niya kay Tonet. Huling-huli niyang nagulat ito na makita siya duon, “Akina ang cellphone mo. . .” Walang imik na iniabot nito sa kanya ang hawak na telepono. “Hello? Olivia!!!” “Hello?” boses ng matanda ang narinig niyang nagsalita, “Nanay ito ni Tonet. Sino ba ‘to?” “Nasaan si Olivia?” Sigaw niya dito. “Gusto kong makausap si Olivia. Tawagin mo si Olivia!” “Aba, teka, bakit si Olivia ang hinahanap mo? Sino ka ba? Cellphone ng anak ko ang g
“NGAYON pa lang, binabalaan na kita, Mama Amanda,” sabi ni Arlyn nang puntahan niya ang matanda sa bahay nito, “Oras na malaman kong may masama kayong binabalak ni Gabriel laban sa kin, hindi ako mangingiming ibunyag sa media ang lahat ng nalalaman ko!” “Pwede bang ‘wag na ‘wag mo na kong matawag tawag na Mama. Nangingilabot ako kapag naririnig ko yan saiyo!” nakaismid na sabi nito sa kanya, “At saka pwede ba ‘wag ka ng makapunta-punta pa dito. Nasusuka ako sa pagmumukha mo.” “At least effective akong kontrabida. Kita mo, apektadong apektado ka sakin,” Sabi niya para lalong dagdagan ang inis na nararamdaman nito para sa kanya, “Anyway, hindi ko naman hinihingi ang simpatya mo. Actually, wala na kong pakialam sa nararamdaman mo.&nbs