“IBIGAY MO SA AKIN ANG CELLPHONE MO!” Nanlilisik ang mga matang utos niya kay Tonet. Huling-huli niyang nagulat ito na makita siya duon, “Akina ang cellphone mo. . .”
Walang imik na iniabot nito sa kanya ang hawak na telepono.
“Hello? Olivia!!!”
“Hello?” boses ng matanda ang narinig niyang nagsalita, “Nanay ito ni Tonet. Sino ba ‘to?”
“Nasaan si Olivia?” Sigaw niya dito. “Gusto kong makausap si Olivia. Tawagin mo si Olivia!”
“Aba, teka, bakit si Olivia ang hinahanap mo? Sino ka ba? Cellphone ng anak ko ang g
“NGAYON pa lang, binabalaan na kita, Mama Amanda,” sabi ni Arlyn nang puntahan niya ang matanda sa bahay nito, “Oras na malaman kong may masama kayong binabalak ni Gabriel laban sa kin, hindi ako mangingiming ibunyag sa media ang lahat ng nalalaman ko!” “Pwede bang ‘wag na ‘wag mo na kong matawag tawag na Mama. Nangingilabot ako kapag naririnig ko yan saiyo!” nakaismid na sabi nito sa kanya, “At saka pwede ba ‘wag ka ng makapunta-punta pa dito. Nasusuka ako sa pagmumukha mo.” “At least effective akong kontrabida. Kita mo, apektadong apektado ka sakin,” Sabi niya para lalong dagdagan ang inis na nararamdaman nito para sa kanya, “Anyway, hindi ko naman hinihingi ang simpatya mo. Actually, wala na kong pakialam sa nararamdaman mo.&nbs
NAGHINANG ang kanilang mga labi. Halatang pareho silang sabik sa isa’t-isa dahil halos dalawang linggo rin silang hindi nagkita ni Gabriel. May mga sandaling natutukso na siyang tawagan ito at hilingin na magkita sila kahit sandali lang. Pero kapag naiisip niyang baka pumalpak ang lahat ng mga plano nila, natatauhan siya. Kaya ang saya-saya niya nang tawagan siya kaninang umaga ni Gabriel at sabihing pupuntahan siya nito saglit bago dumiretso sa meeting nito. “Damn, I missed you so much,” bulong nito sa kanya habang pinipisil ang likuran niya, ramdam na ramdam niya ang paninigas ng nasa pagitan ng mga hita nito. “Namiss rin kita,” sabi niya dito. 
“I LOVE YOU,” sabi ni Gabriel kay Olivia, hinalikan siya nito sa nuo saka nagmamadali nang sumakay sa kotse nito. Nakasunod siya ng tingin dito. Nag-aalala siya sa tuwing hindi niya ito kasama pero kailangan niyang magtiwala. Kailangan niyang umasa na magiging okay rin ang lahat at maayos rin ang gulong ito. Tumunog ang kanyang cellphone. Nangunot ang nuo niya dahil hindi pamilyar ang numerong nagregister sa screen. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag na iyon o hindi. Sa huli ay nagpasya siyang sagutin iyon. “Hello?” May naulinigan siyang maingay na background, “Hello?” Walang sumasagot, tanging maingay na background lang ang naririnig niya. “Wala kang magawa sa buhay m
PAGLINGON niya ay nakita niya si Danny. Nakangiti ito sa kanya at mukhang mas lalong gumwapo. “Oh my god, Danny. Tinakot mo ako,” aniya dito. “Mabuti naman at napasyal ka dito, tagal na rin kitang di nakikita ah,” masayang sabi ni Nanay Becca, saka tumayo na, “Maiwan ko muna kayo dito, maghahanda ako ng pananghalian, dito ka na kumain, ha Danny?” “Sinadya ko talagang ganitong oras pumasyal para makaabot ako sa pananghalian nyo,” biro ni Danny sa matanda. Natawa si Nanay Becca dito. “Kumusta ka na?” Tanong niya sa binate nang makaalis na si Nan
NAPAGKASUNDUAN nina Tonet at Olivia na huwag nang ipaalam kay Gabriel ang tungkol sa mystery caller niya dahil baka mag-alala lamang ito sa kanya. Ayaw na niyang makadagdag pa sa mga iniisip nito. Dobleng pag-iingat na lamang ang kailangan niyang gawin dahil hindi niya pwedeng basta na lamang balewalain ang mystery caller lalo pa at marami siyang naiisip na pwedeng paghinalaan. Maaring isa ito sa mga naging kakompetisyon niya sa bagong kompanya na binuksan niya. Pwede ring isa sa mga binayaran ni Arlyn para takutin siya. Kung anu-anong tumatakbo sa isip niya. Kailangan niya ng ibayong pag-iingat lalo. Muli niyang naalala ang panaginip ni Nanay Becca. Si Arlyn talaga ang numero unong pinaghihinalaan niya na gumagawa ng ganito sa kanya.&
“JESTONI? Oh, even your name is sexy,” Very flirty na sabi ni Randell habang nakikipagpalitan ng mga malalagkit na tiningin kay Jestoni. “Hindi ba masyadong maingay ang lugar na ito para makilala kita ng mabuti?” Na-e-excite siya. Matagal-tagal na rin namang hindi siya nakakain ng buhay na karne. At kung isang pagkain si Jestoni, isa itong mamahaling pagkain. Mas mahal pa sa Matsusaka wagyu, natitiyak niya. Ngayon pa lamang ay natatakam na siya. Parang gustong-gusto na niya itong masolo lalo pa at nagpahiwatig na ito. “So, saan mo gustong pumunta?” Tanong ni Randell dito.&
PINAKIKIRAMDAMAN ni Olivia si Danny habang kumakain sila ng dinner. Pinagtatakhan niyang parehong-pareho ng ingay sa background ng mystery caller niya ang ingay sa background nito kapag tinatawagan siya. “Olive, are you with us?” Tanong ni Randell nang mapansing malayo ang itinatakbo ng isip niya. “I’m sorry. May naisip lang ako,” Aniya dito saka biglang napaisip. How about Randell, dapat ba talaga niya itong pagkatiwalaan? Napailing siya, maling pag-isipan niya nang hindi maganda si Randell. Ano naman ang mapapala nito sa pagtawag-tawag nito sa kanya nang hindi nagpapakilala? Masyadong busy si Randell para pag-aksayahan pa nito ng oras ang gayun.&nbs
“HELLO?” Nakailang beses nagsalita si Gabriel ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa tumatawag. Dinig na dinig niya ang maingay na tunog ng isang makina sa background nito. Damn, napipikon siya dahil wala siyang ideya kung sino itong nanloloko kay Olivia. Nilingon niya si Olivia. “I guess we have to report this to the authorities,” aniya dito, “Hindi na nakakatuwa ito.” “Gab, hindi kaya nag-oover reacting lang tayo dito?” “What if may balak talagang gumawa ng masama kung sino man ang sira ulong ‘yan na tumatawag saiyo? Sa mga nangyayaring ito satin, hindi pwedeng ipagwalang bahala lang natin gano pa &lsqu