PAGLINGON niya ay nakita niya si Danny. Nakangiti ito sa kanya at mukhang mas lalong gumwapo.
“Oh my god, Danny. Tinakot mo ako,” aniya dito.
“Mabuti naman at napasyal ka dito, tagal na rin kitang di nakikita ah,” masayang sabi ni Nanay Becca, saka tumayo na, “Maiwan ko muna kayo dito, maghahanda ako ng pananghalian, dito ka na kumain, ha Danny?”
“Sinadya ko talagang ganitong oras pumasyal para makaabot ako sa pananghalian nyo,” biro ni Danny sa matanda.
Natawa si Nanay Becca dito.
“Kumusta ka na?” Tanong niya sa binate nang makaalis na si Nan
NAPAGKASUNDUAN nina Tonet at Olivia na huwag nang ipaalam kay Gabriel ang tungkol sa mystery caller niya dahil baka mag-alala lamang ito sa kanya. Ayaw na niyang makadagdag pa sa mga iniisip nito. Dobleng pag-iingat na lamang ang kailangan niyang gawin dahil hindi niya pwedeng basta na lamang balewalain ang mystery caller lalo pa at marami siyang naiisip na pwedeng paghinalaan. Maaring isa ito sa mga naging kakompetisyon niya sa bagong kompanya na binuksan niya. Pwede ring isa sa mga binayaran ni Arlyn para takutin siya. Kung anu-anong tumatakbo sa isip niya. Kailangan niya ng ibayong pag-iingat lalo. Muli niyang naalala ang panaginip ni Nanay Becca. Si Arlyn talaga ang numero unong pinaghihinalaan niya na gumagawa ng ganito sa kanya.&
“JESTONI? Oh, even your name is sexy,” Very flirty na sabi ni Randell habang nakikipagpalitan ng mga malalagkit na tiningin kay Jestoni. “Hindi ba masyadong maingay ang lugar na ito para makilala kita ng mabuti?” Na-e-excite siya. Matagal-tagal na rin namang hindi siya nakakain ng buhay na karne. At kung isang pagkain si Jestoni, isa itong mamahaling pagkain. Mas mahal pa sa Matsusaka wagyu, natitiyak niya. Ngayon pa lamang ay natatakam na siya. Parang gustong-gusto na niya itong masolo lalo pa at nagpahiwatig na ito. “So, saan mo gustong pumunta?” Tanong ni Randell dito.&
PINAKIKIRAMDAMAN ni Olivia si Danny habang kumakain sila ng dinner. Pinagtatakhan niyang parehong-pareho ng ingay sa background ng mystery caller niya ang ingay sa background nito kapag tinatawagan siya. “Olive, are you with us?” Tanong ni Randell nang mapansing malayo ang itinatakbo ng isip niya. “I’m sorry. May naisip lang ako,” Aniya dito saka biglang napaisip. How about Randell, dapat ba talaga niya itong pagkatiwalaan? Napailing siya, maling pag-isipan niya nang hindi maganda si Randell. Ano naman ang mapapala nito sa pagtawag-tawag nito sa kanya nang hindi nagpapakilala? Masyadong busy si Randell para pag-aksayahan pa nito ng oras ang gayun.&nbs
“HELLO?” Nakailang beses nagsalita si Gabriel ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa tumatawag. Dinig na dinig niya ang maingay na tunog ng isang makina sa background nito. Damn, napipikon siya dahil wala siyang ideya kung sino itong nanloloko kay Olivia. Nilingon niya si Olivia. “I guess we have to report this to the authorities,” aniya dito, “Hindi na nakakatuwa ito.” “Gab, hindi kaya nag-oover reacting lang tayo dito?” “What if may balak talagang gumawa ng masama kung sino man ang sira ulong ‘yan na tumatawag saiyo? Sa mga nangyayaring ito satin, hindi pwedeng ipagwalang bahala lang natin gano pa &lsqu
“HINDI ko sya pinagtataguan. Nagkataon lang na naging busy ako!” “Tito, alam ko at alam mo ang totoo. Pati ba naman tayo, magbobolahan pa?” Sabi ni Arlyn sa matanda. Ayaw na niyang galitin ito. Mas mabuting intindihin na lamang niya ito, “Hindi mo ako kalaban, Tito. Kaya kapag ako ang kausap mo, magsabi ka na lang ng totoo, okay?” Dinig niya ang malalim nitong pagbuntong hininga. “Okay, okay. Nga pala, ba’t napatawag ka na naman? Di ba magkikita naman tayo bukas?” “Gusto ko lang magbigay ng warning. Alam kong iniimbestigahan nila ang lahat ng mga naging transactions mo sa kompanya.”
“H-HINDI, n-napuwing lang ako,” sagot ni Tonet. Hiyang-hiya siyang makita nitong umiiyak siya. “Wala namang masama kung aminin mong umiiyak ka. Maski ako, umiiyak. Anyway, hindi kita pipilitin kong ayaw mong magsabi sakin. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ako.” Tumango siya dito saka napakamot, “Eh, wag mo na sanang makwento kay Niks na nahuli mo kong umiiyak,” hiling niya dito. “Areglado. Kaw pa, malakas ka sakin!” “Salamat Gab. Nga pala, may iuutos ka ba?” “Aalis tayo,” anito sa kanya, “Ilabas mo iyong
“KAPAG NAWALA si Olivia, mas madali na para sa aking makuha ang buong atensyon ni Gabriel, Tito Jaypee. And once makuha ko na ang buong atensyon nya, may pag-asa ng mapaibig ko sya!” Aniya sa tiyuhin, “Kung hindi man, at least magstay sya sa akin dahil may anak kami. Tama, hindi ba?” Isang malalim na buntong hininga lang ang narinig niyang sagot nito. “Tito, I need your help. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ang tulong ninyo,” nakikiusap na sabi niya dito. Ito lang ang paraan na naiisip niya, ang mawala sa landas niya si Olivia para makuha niya si Gabriel. “Maski nuong nawala sa buhay ni Gabriel si Olivia dahil nga nagkaroon siya ng amnesia, hindi mo naman nagawang makuha ng buo ang atensyon ni
“NAKAHANDA na akong sumuko.” “Sigurado ka na ba dyan, Papa?” Paniniyak niya sa ama. Tumango ito. “No!!!” Giit ni ng kanyang ina na hindi nila namalayan na nakikinig pala sa usapan nilang dalawa. “Hindi ka susuko, Arnel. Hindi mo sisirain ang reputasyon ng ating pamilya. Hindi mo sisirain ang pangalan nating dalawa. Alam mo ba kung ano ang impact nyan sa ating mga negosyo? We worked so hard for this, Arnel. Lahat ng tinatamasa natin ngayon ay dahil sa puyat at pagpupunyagi natin, pagkatapos, hahayaan mo lang masayang ng ganun ganun na lang? Hindi ako papayag!” “Hindi sana mangyayari ito kung d