NATIGILAN sa pagpasok sa kuwarto si Amanda nang madatnan niya si Arnel na may hawak na baril, nakatutok iyon sa sentido nito.
Nanlamig ang kanyang mga talampakan. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Dahan-dahan siyang lumapit dito saka lumuhod sa harapan nito.
“Please Arnel,” umiiyak na sabi pakiusap niya rito, “Huwag mong gawin kung anuman ang iniisip mo. Aaminin ko, kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito sa pamilya natin. Pero hindi ýan ang sagot,” nagsusumamong sabi niya.
Hindi umiimik si Arnel.
“Mahal kita. Patawarin mo ako k-kung nagawa kong pagtaksilan ka. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang ngayon, pau
NAGULAT si Tonet nang madatnan niya si Anika sa salas. Hindi niya alam kung aatras ba siyang palabas o magtatago sa paningin nito. “Buti naman dumating ka na, san ka ba kasi nagsuot? Kala ko ba may bibilhin ka lang sa grocery?” Si Olivia. “Dyan lang, m-may kinita lang,” sagot niya saka bahagyang tiningnan si Anika, “Musta?” kaswal lang na bati niya dito. Matagal-tagal na rin since ng huli nilang usap. Araw-araw pa rin niya itong ini-stalk sa Instagram account nito kaya alam niyang kadarating lamang nito galing Germany. Nagkibit balikat lang si Anika, obvious na ayaw makipag-usap sa kanya. Talaga nga sigurong binura na siya nito sa buhay nito. Bahala ka, umayos siya ng upo, “Ano bang ma
“NAKAUSAP ko na sina Anika at Tonet. Willing silang makipagtulungan sa atin.” Balita ni Gabriel kay Olivia nang sunduin siya nito para makipagtagpo kay Randell. Palagay kasi niya ay ito ang bukod tanging lawyer na maaring pagkatiwalaan ni Gabriel tungkol sa pamilya nito. “Good.” Sabi nito habang abala sa pagmamaneho, bahagya siya nitong nilingon, “Pumayag na rin ba si Tonet na maging bodyguard/ assistant ko?” “Excited na nga eh. Gusto nan yang magamit ang pagiging black belter nya,” aniya dito, “Saka, mas panatag ang loob ko kung siya ang kasama mo. Sa panahon ngayon, mahirap basta-basta magtiwala. By the way, ano nga palang sabi ni Javier?” “Siya ang tumutulong sakin pa
“THANK YOU,” sabi ni Arlyn kay Gabriel nang alalayan siya nito papasok sa kanilang bahay, “Salamat at naisipan mo nang makipagbalikan sakin. Promise, gagawin ko ang lahat para mabalik muli ang tiwala mo sakin.” Hindi nagsalita si Gabriel. Pero okay na siya sa ganito. Ang mahalaga ay magkasama sila ni Gabriel at bumalik na itong muli sa kanya. Hindi na niya pinansin ang nararamdaman kahit na alam naman niyang ginagawa lamang ito ni Gabriel para mailigtas sa kahihiyan ang pamilya nito. Alam rin niyang may plinaplano ito. Hindi siya tanga para maniwalang basta na lamang ito pumayag na bumalik sa kanya. Pero hindi siya nito mauutakan. Makikipaglaro siya sa mga ito kagaya ng dati. At titiyakin niyang sa larong ito, s
“IBIGAY MO SA AKIN ANG CELLPHONE MO!” Nanlilisik ang mga matang utos niya kay Tonet. Huling-huli niyang nagulat ito na makita siya duon, “Akina ang cellphone mo. . .” Walang imik na iniabot nito sa kanya ang hawak na telepono. “Hello? Olivia!!!” “Hello?” boses ng matanda ang narinig niyang nagsalita, “Nanay ito ni Tonet. Sino ba ‘to?” “Nasaan si Olivia?” Sigaw niya dito. “Gusto kong makausap si Olivia. Tawagin mo si Olivia!” “Aba, teka, bakit si Olivia ang hinahanap mo? Sino ka ba? Cellphone ng anak ko ang g
“NGAYON pa lang, binabalaan na kita, Mama Amanda,” sabi ni Arlyn nang puntahan niya ang matanda sa bahay nito, “Oras na malaman kong may masama kayong binabalak ni Gabriel laban sa kin, hindi ako mangingiming ibunyag sa media ang lahat ng nalalaman ko!” “Pwede bang ‘wag na ‘wag mo na kong matawag tawag na Mama. Nangingilabot ako kapag naririnig ko yan saiyo!” nakaismid na sabi nito sa kanya, “At saka pwede ba ‘wag ka ng makapunta-punta pa dito. Nasusuka ako sa pagmumukha mo.” “At least effective akong kontrabida. Kita mo, apektadong apektado ka sakin,” Sabi niya para lalong dagdagan ang inis na nararamdaman nito para sa kanya, “Anyway, hindi ko naman hinihingi ang simpatya mo. Actually, wala na kong pakialam sa nararamdaman mo.&nbs
NAGHINANG ang kanilang mga labi. Halatang pareho silang sabik sa isa’t-isa dahil halos dalawang linggo rin silang hindi nagkita ni Gabriel. May mga sandaling natutukso na siyang tawagan ito at hilingin na magkita sila kahit sandali lang. Pero kapag naiisip niyang baka pumalpak ang lahat ng mga plano nila, natatauhan siya. Kaya ang saya-saya niya nang tawagan siya kaninang umaga ni Gabriel at sabihing pupuntahan siya nito saglit bago dumiretso sa meeting nito. “Damn, I missed you so much,” bulong nito sa kanya habang pinipisil ang likuran niya, ramdam na ramdam niya ang paninigas ng nasa pagitan ng mga hita nito. “Namiss rin kita,” sabi niya dito. 
“I LOVE YOU,” sabi ni Gabriel kay Olivia, hinalikan siya nito sa nuo saka nagmamadali nang sumakay sa kotse nito. Nakasunod siya ng tingin dito. Nag-aalala siya sa tuwing hindi niya ito kasama pero kailangan niyang magtiwala. Kailangan niyang umasa na magiging okay rin ang lahat at maayos rin ang gulong ito. Tumunog ang kanyang cellphone. Nangunot ang nuo niya dahil hindi pamilyar ang numerong nagregister sa screen. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag na iyon o hindi. Sa huli ay nagpasya siyang sagutin iyon. “Hello?” May naulinigan siyang maingay na background, “Hello?” Walang sumasagot, tanging maingay na background lang ang naririnig niya. “Wala kang magawa sa buhay m
PAGLINGON niya ay nakita niya si Danny. Nakangiti ito sa kanya at mukhang mas lalong gumwapo. “Oh my god, Danny. Tinakot mo ako,” aniya dito. “Mabuti naman at napasyal ka dito, tagal na rin kitang di nakikita ah,” masayang sabi ni Nanay Becca, saka tumayo na, “Maiwan ko muna kayo dito, maghahanda ako ng pananghalian, dito ka na kumain, ha Danny?” “Sinadya ko talagang ganitong oras pumasyal para makaabot ako sa pananghalian nyo,” biro ni Danny sa matanda. Natawa si Nanay Becca dito. “Kumusta ka na?” Tanong niya sa binate nang makaalis na si Nan