HINDI alam ni Olivia kung paano haharapin si Gabriel ng gabing iyon. God, bakit pakiramdam niya ay nagbabago lahat ng plano niya sa tuwing magkakaharap sila ng lalaking ito? Bakit lahat ng galit parang nalulusaw, wala siyang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi ang makulong sa mga bisig nito?
Malamig ang simoy ng hangin and yet para siyang pinagpapawisan ng mga oras na iyon. Waring namamanhid ang kayang mga binti, para siyang maduduwal na hindi niya maintindihan mas lalo na nang magtama ang kanilang mga paningin.
“Hi,” halos paanas lamang na bati nito sa kanya as if first time lamang nilang nagkita. God, bakit kung makaasta ang lalaking ito ay parang wala silang nakaraan? O talagang tuluyan na siya nitong ibinaon sa limot?
May pai
MAGKAHINANG ang kanilang mga labi, buong puso, buong pagmamahal niyang inaangkin ang katawan ni Olivia, hindi yata niya pagsasawaan ang alindog ng babaeng ito kahit na kailan. “Olivia,” mahinang sambit niya habang tinataas baba niya ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan nito, ang kanyang isang kamay ay abala sa paglalaro sa suso nito. Bumaba ang kanyang labi para paglaruan ang dungot niyon. Napasabunot sa kanya si Olivia. “Gabriel. . .” Animo’y musika sa kanyang pandinig na marinig mula dito ang pagbanggit nito ng kanyang pangalan. Napasigaw siya nang maramdamang tila sasabog na siya, “Olivia. . .Olivia!!!!” Kasabay niyon ay napamulat siya ng
“ARLYN, pwede ba, you are overthinking!” “No, Tito Jaypee. I saw it with my own eyes, ramdam ko. Alam kong kahit na anong gawin ko, wala akong laban sa babaeng iyon sa puso ni Gabriel,” umiiyak na sabi niya sa kanyang Uncle Jaypee nang makipagkita siya rito dahil parang sasabog na ang utak niya sa nerbiyos. “Ano pa ba ang kinakatakot mo? Magkakaanak na kayo ni Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka family oriented si Gabriel. Sa palagay mo sisirain nya ang maganda ninyong pamilya para lang sa babaeng iyon?” “Pero may anak rin sila, Tito. In the first place, ako ang sumira ng pamilya nila.” “So, nagi-guilty ka, ganun b
UMIWAS si Olivia ng tingin kay Gabriel dahil pakiramdam niya ay ipagkakanulo siya ng kanyang mga mata, “I’m sorry pero wala na tayong dapat pag-usapan, Gabriel. Matagal mo nang tinapos ang lahat sa atin, simula nang magdesisyon kang. . .umalis nang walang paalam,” Muli niyang naalala ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya. Wala yatang gabing hindi siya umiiyak sa labis na paghihinagpis. Ayaw na niyang maulit pa iyong muli. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang ibinabaon ng buhay sa hukay. Kung hindi dahil kay Stacey, malamang ay nagpakamatay na siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Mas lalo na nang malaman niyang nagpakasal na ito kay Arlyn. God, hindi niya kayang pangalanan ang sakit na naramdaman niya nuon. Actually, hindi naman nawala ang sakit na iyon. Hanggang ngayon na
“GABRIEL, bumalik na tayo sa Amerika. Mas okay na iyong buhay natin dun, hindi ba?” Nagmamakaawang sabi ni Arlyn, kailangang makumbinsi niya si Gabriel na bumalik na sila sa Amerika. Hindi na talaga siya kampante sa mga nangyayaring ito. What if bumalik na lahat ng mga alaala nito? Kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya saka waring gulong-gulo ang isipang lumabas ng kuwarto. Sinundan niya ito. “San ka pupunta?” Hindi ito sumasagot sa halip ay mabilis na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Tinangka niyang pumasok sa loob ng kotse nito ngunit mabilis nito iyong ini-lock. &ld
AS much as possible ay gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya kaya naman minabuti ni Gabriel na ituon na lamang ang kanyang pansin sa kanilang mga negosyo para hindi sumasagi sa isipan niya si Olivia. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana. Ang balak lang naman sana niya ay magtake out ng maipapasalubong niya para kay Arlyn pauwi nang hindi sinasadyang makita niya duon si Olivia kasama ng isang mestisong lalaki. At ewan ba niya kung bakit nakaramdam siya ng selos pagkakita sa lalaking kasama nito. Ngunit syempre pa ay hindi siya nagpahalata. Pilit pa ang kanyang ngiti nang lapitan ang dalawa. “Hi. . .” bati niya sa mga ito. “Gabriel,” kaswal na bati sa kanya ni Olivia pero ramdam niyang
“KANINA habang tinititigan ko si Rocco, bigla kong narealize, God, sasayangin ko ba iyong natitirang buhay ko sa piling ng taong hindi ko naman talaga mahal? Aaminin ko, sumama ako sa kanya sa takot na baka tumanda akong mag-isa. Ngayon ko narealize na napaka-stupido pala ng mga dahilan ko nun. . .pero mas gugustuhin ko pa palang tumandang mag-isa kesa naman hindi naman ako masaya sa piling nya.” Hindi umiimik si Olivia. Nakatingin lang siya kay Tonet na nakakailang shots na ng whisky at naidetalye na yata sa kanya ang buong kwento ng buhay nito. Pinili nyang mag-juice na lang dahil as much as possible ay ayaw na niyang uminom lalo pa at katabi niya sa pagtulog si Stacey. Ayaw niyang makasanayan nitong amoy alak siya. Gusto niyang maging mabuting huwaran para sa kanyang anak.&
“YOU LOOK STUNNING,” Sabi ni Gabriel habang nakatitig kay Olivia. God, kung wala lang ibang tao marahil ay hinalikan na niya ito. Halata niyang kabadong-kabado ito habang isinasayaw niya. Umiiwas rin itong makipagtitigan sa kanya but he can’t help it. Nangako siya sa sariling magpofocus na lamang sa pamilya niya ngunit kaninang makita niya ito ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Para siyang sinisindihan na hindi niya maintindihan sa init na nararamdaman. “Boyfriend mo na ba ang lalaking iyon?” Tanong niya, damn, he really wanted to kiss her. “What’s between me and Danny is none of your business,” sagot nito sa kanya, hindi pa rin nito magawang salubungin ang tingin niya.&n
GALIT na binitiwan ni Olivia ang braso ni Arlyn saka bahagya itong tinabig para pumuwesto sa harap ng salamin. Subukan lang ng babaeng ito na awayin siya, hinding-hindi niya ito uurungan, sa isip-isip niya habang nagreretouch ng kanyang make up. Mula sa salamin ay nakita niyang pairap itong lumabas ng powder room. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa inasal nito. Alam niyang nagalit ito nang husto nang yayain siyang sumayaw ni Gabriel. Sabagay, maski naman siya ay nagulat sa ginawang iyon ni Gabriel. Bakit nga ba siya ang niyaya nitong sumayaw at hindi si Arlyn? Muli ay naalala niya ang napakabango nitong scent. Kanina habang nakapatong ang kamay niya sa balikat