Share

KABANATA 82

Naghilamos siya ng mukha saka napagpasyahang lumabas ng kwarto. Alam niyang magtataka ang lola niya kapag hindi na siya lumabas uli. Kinatok siya kanina ni Shirley at ipinasabi niyang ito na muna ang gumawa ng dahilan sa lola niya. Mabuti na lang at hindi na nangulit pa si Shirley at hinayaan na muna siya.

Mga kalahating oras yata siyang nagkulong sa kwarto at walang ginawa kundi umiyak. Inayos niya ang salamin sa mata para mapagtakpan ang pamumugto ng mga mata. Paglabas niya ay ang mga magulang na lang ni Shirley at ilang kamag-anak nila ang naiwan.

" Bakit umalis agad ang boss mo?" Agad na tanong ng lola niya.

" B-babalik pa po kasi siya ng Maynila at gagabihin na siya masyado sa daan," iyon lang ang naisip niyang palusot at iniiwasang mapatingin sa mga mata ng matanda.

" Ganu'n ba?" Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot niya pero hindi na rin nagtanong pa.

Ibinuhos niya ang atensiyon sa pagliligpit nga mga kalat at paghuhugas ng mga pinggan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status