Share

KABANATA 86

Dumiretso siya ng uwi sa bahay ng mga del Espania. Kinandado muna niya ang puso para huwag munang makaramdam nang kung ano habang sinusulat ang resignation letter niya. Nag-impake na rin siya ng gamit para umuwi na sa kanila nang araw ding iyon. Alam niyang magugulat ang lola niya kapag nakitang bitbit na niya ang lahat ng mga gamit.

Natigilan siya nang makita ang panggayuma na libro ng lola niya habang inaayos ang mga gamit. Biglang parang piniga uli ng malalaking mga kamay ang puso niya. Maya-maya ay nawala uli ang ekspresyon sa mukha niya at basta na lang itinapon sa basurahan ang libro na iyon. Itinapon niya pati na ang pink rubbber shoes at masquerade mask na isinuot niya sa party. Iniwan niya sa cabinet ang lahat ng mga damit na binili ni Klyde para sa kanya. Mabuti na lang at nasa studio pa rin ang gown na gawa ni Venus. Sasabihan niya na lang ang model na kaibigan tungkol doon.

Nagpatawag siya ng taxi. Gusto niya sanang magpaalam nang personal kay Mrs. del Espa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status