Bago pa man siya nakalipad ng London ay nalaman na niyang buntis siya ng ilang buwan. Halo ang emosyong naramdaman niya nu'ng mga panahong iyon. Dama niya ang kasiyahan, kalungkutan at matinding takot nang malaman niyang nagbunga ang maikling sandaling pinagsaluhan nila ni Kyle.
Wala siyang nagawa kundi aminin sa lola niya ang lahat pwera lang sa parteng inakusahan sila ni Kyle na manloloko at pera lang ang habol niya rito kaya ginawa niya ang lahat para mapansin nito. Sinabi niya lang na hindi nag-work ang relasyon nila kaya sila naghiwalay. Pareho lang ang sinabi niya sa lola at ina niya. Gusto ng lola niya na ipaalam kay Kyle iyon para mapanagutan siya. Sa tulong ng ina niya ay nakumbinsi nila ang matanda na mas makabubuting walang alam ang lalaki dahil aalis rin naman sila ng Pilipinas.
Masayang-masaya ang ina nang malaman niya. Kabaliktaran ng reaksiyon ng lola niya ay hindi man lang nito nabanggit na papanagutin si Kyle. Hinayaan siya nito sa desisyon niya basta
May dinner meeting daw sila para sa photo shoot nila ni Kyle next week. Ang Mama niya ang hindi magkandaugaga na pumili ng damit na susuotin niya. Pumili ito ng damit na isa sa mga gawa nito. Hindi ito kasama sa dinner meeting na iyon pero parang ito pa ang excited.Kumunot ang noo niya nang ibigay nito sa kanya ang isang maroon na damit na may malambot na tela. Hindi umimik na kinuha na rin niya ang damit at isinuot iyon habang naghihintay ang ina sa kwarto niya.Tamang-tama lang ang kasya ng damit sa katawan niya. Nai-emphasize nu'n ang kurbada ng katawan niya. Nang makita siya nang ina ay lumuwang ang ngiti nito." Ma, this is a dinner meeting at hindi date," natatawang sabi niya nang makita ang reaksiyon ng ina. Para kasi itong ina ng isang teenager na first time na makikipag-date." I know pero gustung-gusto ko lang ang pagkakagawa ng damit dahil ikaw talaga ang naisip ko nang gawin ko iyan. I designed that after nating magkita sa party noon."
Hindi niya alam king bakit kailangan pa talaga nilang bumiyahe para pumunta sa isang resort na may famous cave sa isang isla malapit doon para sa photoshoot nila ni Kyle. Gusto niya sanang sa studio lang din gagawin at bahala na ito at iba pang photo editors na maglagay ng kung anu-anong background sa likod ng pictures nila.Hindi ang biyahe ang ayaw niya kundi ang isiping makakasama na naman niya si Kyle. May kasama silang tatlong tutulong para sa pictorials nila. Madaling araw na naman silang bumiyahe at sa van nina Kyle sila sumakay. Tandang-tanda pa niya ang van na iyon. Buhay pa pala iyon?Umupo siya sa harap at nilagyan niya ng mga gamit ang tabi para huwag siyang tabihan ng lalaki. Hindi naman ito sumubok na tumabi sa kanya. Sa katunayan, after nu'ng sapilitang dinner nila ay hindi na niya ito nakikitang dumadalaw sa building nila. Ngayon lang uli sila nagkita ng lalaki at halos ayaw pa siyang pansinin nito.So, affected ka? Tudyo naman ng utak niya.
Mahigit isang oras na ang lumipas pero ang lakas ng ulan ay hindi pa rin tumitigil. Mas lumalakas pa yata lalo ang buhos nu'n pati na ang hampas ng mga hangin. Mabuti na lang at medyo elevated ang kwebang kinaroroonan nila ngayon. Pumasok pa sila sa pinakadulo nu'n para hindi mabasa ng ulan na nadadala ng hangin sa bukana ng kweba.Ginaw na ginaw na siya. Sino ba naman ang hindi giginawin, eh, naka-swimsuit lang siya? Bakit kasi hindi siya nagdala ng pampalit. Kinuha niya ang basang towel at ibinalabal iyon pero mas nakadagdag lang iyon sa lamig.May nakuhang flashlight si Kyle sa isang bag na ginamit nila kanina. Nakatulong na rin ang liwanang na galing doon. Naghalungkat pa ito sa bag at inilabas nito ang mga biscuits at canned juice na laman ng isa pang bag. May nakita itong isang malaking tela na ginamit nilang background kanina sa pictorial sa beach." Here, use this," saka lang ito tumingin sa kanya nang iabot ang tela.Mabilis na kinuha niya iyon a
Hindi pa man lumapat ang mga labi nito ay kusa nang umawang ang bibig niya. Hindi niya napigilan ang mahinang ungol nang maramdaman ang bibig nitong malayang sinakop ang kanyang mga labi. Umangat ang isang kamay niya para dumako sa batok ng lalaki.Kumilos si Kyle para tuluyang dumagan sa kanya habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Hindi maikakaila ang parehong pananabik na nararamdaman nila para sa isa't-isa. Panay ang likot ng dila ng lalaki sa loob ng bibig niya. Hinayaan niya itong sipsiping mabuti ang dila niya habang dumidiin naman ang kapit ng mga kamay niya sa leeg nito.Bigla siyang napaungol nang bigla itong kumilos sa ibabaw niya. Ibinuka nitong mabuti ang mga hita niya kaya't awtomatikong napadiin ang kanina pang naninigas nitong sandata sa hiwa niya.Naghiwalay saglit ang mga bibig nila nang hubarin nito ang tanging saplot na tumatakip sa mga dibdib niya. Tumitig pa muna ito sa kanya bago sabik na sinakop ng bibig ang isang dibdib niya. N
Nakita pa niya kung paano alalayan ni Kyle si Claire pasakay ng bangka pero sa kanya pa rin nakatuon ang tingin nito. Iniiwasan niya ang parang nagpapaliwanag na tingin nito. Tumagilid siya para sa dagat ibaling ang tingin habang nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok. Napahigpit ang hawak niya sa telang ibinalot sa sarili dahil sa malamig na hangin. " Wala ka man lang shirt. Lalamigin ka niyan," narinig pa niyang sabi ni Claire kay Kyle. " It's okay, Claire. I'll just use this towel." Hindi niya mapigilang mapaismid sa mga narinig. Iyon na yata ang pinakamahabang bente minutos na biyahe nila. Mabuti na lang at mas naging madali ang paglaot nila dahil kalmado na ang panahon at ang dagat. Pakiramdam niya ay magkaka-stiff neck pa siya dahil hindi na niya halos iginalaw ang leeg sa takot na mapatingin sa dalawa. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-alala si Claire na para bang ang tagal nitong hindi nakita si Kyle. Nang malapit na sila baybay
Parang hindi siya nawala nang ilang taon nang ilibot niya ang tingin sa loob ng malaking building ng Dynasty. Pakiramdam niya ay kahapon lang nu'ng huling beses niyang tumungtong sa Dynasty bago siya lumipad ng London. Ayaw na sana niyang bumalik pa sa lugar na nagpapaalala lang ng kahibangan niya dati pero nakiusap ang ina niyang samahan niya ito. Dumating na kasi si Mrs. del Espania last week at ngayon ang schedule ng pictorial ng dalawang nagmamay-ari ng pinakamalikng modeling agency ng Pilipinas. Hindi naman siya makahindi sa ina. Hindi rin niya alam kung paano haharapin ang dating amo lalo't alam na niyang alam na nitong nagsinungaling sila ng lola niya rito. Nahihiya siyang humarap sa lola nina Clyde at Kyle. Kapapasok pa lang nila sa building ay sinalubong na agad sila ng nakangiting si Kyle. Ngayon lang niya uli ito nakita mula nang may nangyari sa kanila sa resort. Todo iwas ang ginawa niya kaya't hindi siya masyadong naglalagi sa office
Alas siyete ng gabi nila napagkasunduang magkita sa isang restaurant. Kahit ano'ng pamimilit ni Kyle ay hindi siya nagpasundo rito. Umuwi muna siya sa sarili niyang bahay. Sa ngayon ay isang beses sa isang linggo lang siya naglalagi sa bahay niya na iyon dahil nakiusap ang Mama niya na sa bahay muna siya nito tumira hanggang sa dumating ang mga apo nito. Pinagbigyan niya ang ina dahil gusto niya ring mabawi nila ang mga taong hindi sila magkasama. Naligo lang siya nang mabilisan at nagsuot ng simpleng blouse at pantalon. Naka-flat shoes lang din siya. Konting pulbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa mukha niya. Wala siya ni ano mang alahas na suot. Nagsuklay siya ng buhok at hinayaang nakalugay lang iyon. Hindi niya pinaghandaan ang "date" nilang iyon ni Kyle. Ayaw niyang isipin nitong atat na atat siya sa sapilitang date na iyon. Ayaw man niyang aminin ay may munting excitement din siyang nararamdaman pero ayaw niya lang pansinin. Tiningnan niya uli ang sarili
Inalalayan siyang tumayo ni Kyle nang paalis na sila sa restaurant. Kanina pa hindi humuhupa ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napasubo na siya kaya't nagpapadala na lang siya sa agos. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya ni Kyle sa beywang nang palabas na sila. Para maiwasang manigas ang buong katawan dahil sa ginawa ng lalaki ay lumingon siya rito at ngumiti. Tinanong siya nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya. Nagtaka pa siya nang pabuksan nito sa kanya ang pinto ng passenger's seat instead na driver's seat. " I didn't bring my car," tanging sabi nito nang paupuin siya sa passenger's seat saka kinuha ang susi sa kanya. Nagtatakang sumakay nga siya at umupo sa passenger's seat. Nang buksan nito ang pinto sa kabila at umupo sa driver's seat ay saka siya nagtanong. " Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. " Para walang reason na umuwi tayong magkahiwalay." Hi
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m