Share

KABANATA 95

Hindi niya alam king bakit kailangan pa talaga nilang bumiyahe para pumunta sa isang resort na may famous cave sa isang isla malapit doon para sa photoshoot nila ni Kyle. Gusto niya sanang sa studio lang din gagawin at bahala na ito at iba pang photo editors na maglagay ng kung anu-anong background sa likod ng pictures nila.

Hindi ang biyahe ang ayaw niya kundi ang isiping makakasama na naman niya si Kyle. May kasama silang tatlong tutulong para sa pictorials nila. Madaling araw na naman silang bumiyahe at sa van nina Kyle sila sumakay. Tandang-tanda pa niya ang van na iyon. Buhay pa pala iyon?

Umupo siya sa harap at nilagyan niya ng mga gamit ang tabi para huwag siyang tabihan ng lalaki. Hindi naman ito sumubok na tumabi sa kanya. Sa katunayan, after nu'ng sapilitang dinner nila ay hindi na niya ito nakikitang dumadalaw sa building nila. Ngayon lang uli sila nagkita ng lalaki at halos ayaw pa siyang pansinin nito.

So, affected ka? Tudyo naman ng utak niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status