Alas siyete ng gabi nila napagkasunduang magkita sa isang restaurant. Kahit ano'ng pamimilit ni Kyle ay hindi siya nagpasundo rito. Umuwi muna siya sa sarili niyang bahay. Sa ngayon ay isang beses sa isang linggo lang siya naglalagi sa bahay niya na iyon dahil nakiusap ang Mama niya na sa bahay muna siya nito tumira hanggang sa dumating ang mga apo nito. Pinagbigyan niya ang ina dahil gusto niya ring mabawi nila ang mga taong hindi sila magkasama.
Naligo lang siya nang mabilisan at nagsuot ng simpleng blouse at pantalon. Naka-flat shoes lang din siya. Konting pulbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa mukha niya. Wala siya ni ano mang alahas na suot. Nagsuklay siya ng buhok at hinayaang nakalugay lang iyon. Hindi niya pinaghandaan ang "date" nilang iyon ni Kyle. Ayaw niyang isipin nitong atat na atat siya sa sapilitang date na iyon.
Ayaw man niyang aminin ay may munting excitement din siyang nararamdaman pero ayaw niya lang pansinin. Tiningnan niya uli ang sarili
Inalalayan siyang tumayo ni Kyle nang paalis na sila sa restaurant. Kanina pa hindi humuhupa ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napasubo na siya kaya't nagpapadala na lang siya sa agos. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya ni Kyle sa beywang nang palabas na sila. Para maiwasang manigas ang buong katawan dahil sa ginawa ng lalaki ay lumingon siya rito at ngumiti. Tinanong siya nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya. Nagtaka pa siya nang pabuksan nito sa kanya ang pinto ng passenger's seat instead na driver's seat. " I didn't bring my car," tanging sabi nito nang paupuin siya sa passenger's seat saka kinuha ang susi sa kanya. Nagtatakang sumakay nga siya at umupo sa passenger's seat. Nang buksan nito ang pinto sa kabila at umupo sa driver's seat ay saka siya nagtanong. " Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. " Para walang reason na umuwi tayong magkahiwalay." Hi
Nagising siya sa mabangong amoy na parang may nagluluto. Kumalam agad ang sikmura niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle na may dalang tray ng pagkain. " Good morning! Breakfast in bed. Ako ang nagluto nito," proud na sabi ng lalaki. Napatingin siya sa dala nitong pagkain. Napatawa pa siya nang mahina nang makitang fried egg at hotdog lang naman pala ang ipinagmamalaki nitong hinanda para sa kanya. Dumako ang mata niya sa isang tangkay ng rosas sa tabi ng plato. Kahit ano'ng pigil niya ay kinilig siya kahit sa simpleng gesture na iyon ng lalaki. Mabilis namang nag-warning agad ang utak niya. Hawak niya sa dibdib ang kumot para itakip sa kahubdan. Ibinalabal niya iyon sa katawan niya nang ayusin ni Kyle ang pagkain sa harap niya saka umupo na rin sa kama. Napatingin siya dito nang makitang isang plato lang ang nasa harap niya. " Ikaw?" Nagtatakang tanong niya. " Susubuan mo naman ako," naglalamb
Hindi na nga siya kinukulit ni Kyle magmula nang araw na iyon. Miminsan na lang din ito mapadpad sa building nila. Dapat sana ay magsaya siya dahil kusa nang umiiwas ang lalaki sa kanya pero hindi niya maramdaman ang kasiyahang iyon. Lagi na ay nakatulala siya habang iniisip ito. Sa gabi naman ay nakikita niya ang sariling umiiyak. Hinayaan niya na lang ang sarili na maramdaman iyong lungkot. Alam niyang makaka-move on uli siya gaya nang dati. Kasalukuyang nakaupo siya sa loob ng opisina niya at natigil sa pagguhit ng design para lang matulala uli sa kawalan. Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya pagkatapos ng tatlong katok. " Ash!" Agad na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng inaanak ng Mama. " Cassie?" Hindi makapaniwalang sabi niya na tumayo na rin para salubungin ang babae. " Yep, it's me! I have something for you." Nagyakapan muna sila bago nito ibinigay sa kanya ang bitbit na pasalubong. " When did you arr
" I really want to stay pa but I have to meet my manager now. It's really nice knowing you, Kyle," paalam ni Cassie after nilang kumain. " My pleasure too, Cassie," lumapit pa si Kyle as babae para kamayan uli ito. Tahimik na nakamasid lang siya. Bumaling na rin si Cassie sa kanya at niyakap siya. " I'll call you later, Ash." " Okay. Hihintayin ko tawag mo mamaya," nakangiting sagot niya. Lumapit din ito sa Mama niya at nagpaalam bago tuluyang umalis. Nagsasalita sa gitna ang Mama niya at si Mrs. del Espania nang lapitan siya ni Kyle. " Is Cassie taken or single?" Napatingin agad siya sa mukha ng lalaki nang tumabi ito sa kanya. Nakatingin ito sa harap habang hinihintay ang sagot niya. " S-she's... She's just like you. She's afraid of commitments." Saka lang napatingin si Kyle sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti. Nakatuon din ang mga mata niya sa harap pero dama niya ang mga titig nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang magiging tema ng photoshoot nilang tatlo. Binigyan lang siya ng schedule ni Kyle at sinabing sa studio ng Dynasty gagawin ang pictorial. Casual lang na damit ang suot niya para mas madaling hubarin kapag nagpapalit siya ng mga isusuot para sa magazine. Hindi na niya ipinaalam kay Kyle ang pagdating niya dahil maaga pa lang naman. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan ba ito sa office nito or dumiretso na lang sa studio. Napagdesisyunan niyang pumunta na lang agad sa studio at doon hintayin ang kambal. Excited din siyang makita sa wakas si Clyde pagkatapos ng ilang taon. Nakatayo siya sa harap ng pinto ng studio. Naalala niyang wala nga pala siyang ID na isa-swipe para mabuksan iyon. Akmang tatawagan na lang sana niya si Kyle nang bumukas iyon. Nagsalubong agad ang tingin nila ni Kyle na papalabas rin yata sana. " Natasha?" Saka lang naghiwalay ang tingin nila ni Kyle nang may tumawag sa kanya mula sa likuran
Nakakapit sa isang braso ni Kyle ang mga kamay ni Cassie. Nasa likuran silang dalawa ni Clyde. Gusto niyang mainis sa kaibigan pero alam niyang wala naman itong kasalanan dahil wala itong alam tungkol sa kanila ni Kyle. Lumaki rin kasing liberated ang babae kaya't kapag gusto nito ang isang lalaki ay hindi ito mahihiyang gumawa ng paraan para ipaalam iyon dito. Wala naman siyang masasabing masama kay Cassie dahil mabait talaga ito kahit sa mga anak niya. " I guess tayo munang magkasangga ngayon." Napalingon siya kay Clyde na nasa tabi niya lang pala at nakatingin sa dalawang nasa unahan nila. Ngumiti lang siya nang tipid dito. " Parang ganu'n na nga. Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?" Wala siyang update sa love life ng lalaki kaya't nanghuhuli lang ang tanong niya na iyon. " Girlfriend? Sino naman ang may sabing meron?" Natatawa na itong bumaling sa kanya. Napakibit-balikat lang siya. " Don't tell me puro ka na rin lang "flings"
Naging busy na si Cassie magmula nang pumirma ito sa JLC Clothing kaya hindi na ito napapagawi sa building nila. Miminsan na lang din itong tumawag sa gabi. Kasabay naman nu'n ay hindi na rin niya nakikita si Kyle na bumibisita sa opisina nila. Kung may kailangan man ang Dynasty Agency sa kanila ay nagpapadala ito ng representative. Hindi niya maiwasang isipin na maaaring magkasama lagi ang dalawa dahil nalaman niya kay Cassie na si Kyle ang hahawak ng project ng JLC Clothing. Nasasaktan siya sa tuwing maiisip na posibleng magkaroon ng ugnayan ang dalawa lalo pa't open na open naman si Cassie sa atraksiyong nararamdaman nito sa lalaki. Paano nga ba kung isang araw ay sabihin nitong may relasyon na ito kay Kyle? Paano niya iyong tatanggapin? Alam niyang masasaktan talaga siya kapag nalaman niyang may iba ng babae na mauugnay kay Kyle. Siguradong doble ang sakit nu'n kung ang babaeng iyon ay ang ititunuring na niyang kapatid na si Cassie. Kung alam kaya n
Nauna nang nagpaalam ang ina niya na magpapahinga dahil may maagang meeting pa ito kinabukasan. Naiwan silang tatlo sa sala habang umiinom ng wine. Nakaapat na bote na sila ng wine at nagsisimula nang uminit ang mga pisngi niya habang si Cassie ay mas nagiging matabil. " Do you have beer, Ash? Nakakabitin kasi ang wine," biglang tanong ni Cassie. " I don't think magandang idea na pagsabayin ang wine at beer," nasabi niya dahil hindi rin naman siya sigurado. Isang beses lang yata siyang uminom nang todo sa loob ng ilang taong pananatili niya sa London. " I think that would be fine as long as we'll drink moderately," si Kyle ang sumagot. Alanganing tumayo siya para kumuha ng beer sa fridge ng Mama niya. Laging may nakahanda silang ganu'ng inumin para sa mga bisitang kliyente at mga kaibigan. Kulang na nga lang ay magtayo ng sariling convenience store ang Mama niya sa loob ng bahay dahil kumpleto sila sa iba't-ibang klase ng pagkain at inumin. "
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m