Naging busy na si Cassie magmula nang pumirma ito sa JLC Clothing kaya hindi na ito napapagawi sa building nila. Miminsan na lang din itong tumawag sa gabi. Kasabay naman nu'n ay hindi na rin niya nakikita si Kyle na bumibisita sa opisina nila. Kung may kailangan man ang Dynasty Agency sa kanila ay nagpapadala ito ng representative. Hindi niya maiwasang isipin na maaaring magkasama lagi ang dalawa dahil nalaman niya kay Cassie na si Kyle ang hahawak ng project ng JLC Clothing.
Nasasaktan siya sa tuwing maiisip na posibleng magkaroon ng ugnayan ang dalawa lalo pa't open na open naman si Cassie sa atraksiyong nararamdaman nito sa lalaki.
Paano nga ba kung isang araw ay sabihin nitong may relasyon na ito kay Kyle? Paano niya iyong tatanggapin? Alam niyang masasaktan talaga siya kapag nalaman niyang may iba ng babae na mauugnay kay Kyle. Siguradong doble ang sakit nu'n kung ang babaeng iyon ay ang ititunuring na niyang kapatid na si Cassie.
Kung alam kaya n
Nauna nang nagpaalam ang ina niya na magpapahinga dahil may maagang meeting pa ito kinabukasan. Naiwan silang tatlo sa sala habang umiinom ng wine. Nakaapat na bote na sila ng wine at nagsisimula nang uminit ang mga pisngi niya habang si Cassie ay mas nagiging matabil. " Do you have beer, Ash? Nakakabitin kasi ang wine," biglang tanong ni Cassie. " I don't think magandang idea na pagsabayin ang wine at beer," nasabi niya dahil hindi rin naman siya sigurado. Isang beses lang yata siyang uminom nang todo sa loob ng ilang taong pananatili niya sa London. " I think that would be fine as long as we'll drink moderately," si Kyle ang sumagot. Alanganing tumayo siya para kumuha ng beer sa fridge ng Mama niya. Laging may nakahanda silang ganu'ng inumin para sa mga bisitang kliyente at mga kaibigan. Kulang na nga lang ay magtayo ng sariling convenience store ang Mama niya sa loob ng bahay dahil kumpleto sila sa iba't-ibang klase ng pagkain at inumin. "
Hindi niya alam kung paano silang nakapasok ng bahay dahil ang tanging alam niya ay hindi siya nilulubayan ng mga halik at yakap ni Kyle. " Where's your room?" Pahingal na tanong nito nang nasa loob na sila ng bahay. Walang imik na hinila niya ang kamay ng lalaki habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga tingin. Pagkapasok ng kwarto niya ay agad na nagdikit uli ang kanilang mga labi. Kumakapit nang mabuti ang dalawang kamay niya sa batok nito habang kusang loob na iniawang na ang bibig. Mabilis na nahanap ng dila nito ang dila niya. Parang mga espadang nagkiskisan ang mga dila nila. Hindi maikakaila ang pananabik nila sa isa't-isa. Halos mapupugutan na siya ng hininga. Nagiging malikot na rin ang mga kamay ng lalaki. Kulang na lang ay punitin nito ang blouse na suot niya. Bumitiw siya sa pagkakayakap dito para mahubad nang tuluyan ang blouse. Dumako agad ang kamay ni Kyle sa hook ng bra niya habang dinidilaan nito ang leeg niya. Napapatin
Siya na ang kusang umiiwas sa lalaki pagkatapos ng gabing iyon. Kapag alam niyang nasa building nila ito ay dumidiretso na agad siya sa loob ng opisina niya. Kakalabas lang ng unang edition ng collaboration magazine nila. Mataas na agad ang sales nu'n sa unang linggo pa lang ng release. May posibilidad na kailangan nilang mag-produce uli ng maraming kopya dahil malapit na iyong ma-sold out. May meeting ang dalawang kompanya para i-discuss ang success ng collaboration nila at iyon ay kasalukuyang ginaganap sa conference room nila. Alam niyang andu'n si Kyle at Clyde. Nagpaalam siya sa ina na hindi na muna sasali sa meeting dahil tatapusin niya lang ang mga designs niya. Alam niyang gustong magtanong ng Mama niya sa kanya dahil parang nakakahalata na rin ito. Mabuti na lang at hindi pa muna siya kinukulit nito tungkol sa eksaktong detalye ng pag-iwas niya kay Kyle. Kanina pa siya nakatitig sa sketch ng damit na hind niya matapos-tapos dahil busy a
Kanina pa siya hindi mapakali. Kulang na lang ay hilain niya ang oras. Kasama niya ang Mama niya pati na si Jethro sa airport. Ngayon kasi darating ang lola at ang mga anak niya. Hindi niya inaalis ang mga mata sa bukana kung saan dumadaan ang mga pasahero. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman nang makita ang lola niya na hawak sa magkabilang kamay ang kambal niya. Mabilis na tumakbo siya papalapit sa mga ito habang panay ang kaway para mapansin siya. Ilang buwan pa lang naman mula nang huli niyang nakita ang mga ito pero pakiramdam niya ay ilang taon na silang nagkahiwalay. Lumiwanag agad ang mukha ng dalawang anak nang makita siya. "Mommy!" Sabay na sigaw ng mga ito na palundag-lundag pa. Kahit alam niyang gusto na ng mga anak na tumakbo palapit sa kanya ay hindi nito binitiwan at iniwan ang lola nila. Mabilis na niyakap niya ang lola saka nagmano rito at hinalikan sa pisngi nang tuluyan nang makalapit sa mga ito. Pagkatapos ay yumuko siya
Ipapakita ni Kyle ang mga pictures nila for approval para sa edition ng collaboration ng magazine nila next month. Hindi pwedeng hindi siya dumalo dahil pictures nilang tatlo nina Clyde at Kyle ang andu'n. Wala silang kasamang ibang head ng both companies since hindi pa naman iyon ang formal meeting para sa edition next month. Hihingin lang ni Kyle ang approval niya para sa mga pictures na ilalabas sa second edition ng magazine nila. Apat lang sila na nagmi-meeting sa loob ng conference room. Sina Kyle, Clyde, ang Mama niya at siya. Si Kyle ang nasa gitna at siyang nagpi-presenta ng mga pictures sa malaking screen. May kanya-kanyang copies din sila ng mga pictures na iyon. Kanina pa niya iniiwasang mapatingin kay Kyle kaya't nananatili ang mga mata niya sa mga larawang hawak habang nagsasalita ito sa harap. Kinakausap din siya paminsan-minsan ni Clyde na nakaupo sa harap niya at nakapagitan sa kanila ang malaking mesa. Maganda ang mga kuha nila, dumag
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun