Share

KABANATA 102

Nagising siya sa mabangong amoy na parang may nagluluto. Kumalam agad ang sikmura niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle na may dalang tray ng pagkain.

" Good morning! Breakfast in bed. Ako ang nagluto nito," proud na sabi ng lalaki.

Napatingin siya sa dala nitong pagkain. Napatawa pa siya nang mahina nang makitang fried egg at hotdog lang naman pala ang ipinagmamalaki nitong hinanda para sa kanya. Dumako ang mata niya sa isang tangkay ng rosas sa tabi ng plato.

Kahit ano'ng pigil niya ay kinilig siya kahit sa simpleng gesture na iyon ng lalaki. Mabilis namang nag-warning agad ang utak niya.

Hawak niya sa dibdib ang kumot para itakip sa kahubdan. Ibinalabal niya iyon sa katawan niya nang ayusin ni Kyle ang pagkain sa harap niya saka umupo na rin sa kama. Napatingin siya dito nang makitang isang plato lang ang nasa harap niya.

" Ikaw?" Nagtatakang tanong niya.

" Susubuan mo naman ako," naglalamb

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status