Nakita pa niya kung paano alalayan ni Kyle si Claire pasakay ng bangka pero sa kanya pa rin nakatuon ang tingin nito. Iniiwasan niya ang parang nagpapaliwanag na tingin nito. Tumagilid siya para sa dagat ibaling ang tingin habang nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok. Napahigpit ang hawak niya sa telang ibinalot sa sarili dahil sa malamig na hangin.
" Wala ka man lang shirt. Lalamigin ka niyan," narinig pa niyang sabi ni Claire kay Kyle.
" It's okay, Claire. I'll just use this towel."
Hindi niya mapigilang mapaismid sa mga narinig. Iyon na yata ang pinakamahabang bente minutos na biyahe nila. Mabuti na lang at mas naging madali ang paglaot nila dahil kalmado na ang panahon at ang dagat.
Pakiramdam niya ay magkaka-stiff neck pa siya dahil hindi na niya halos iginalaw ang leeg sa takot na mapatingin sa dalawa. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-alala si Claire na para bang ang tagal nitong hindi nakita si Kyle.
Nang malapit na sila baybay
Parang hindi siya nawala nang ilang taon nang ilibot niya ang tingin sa loob ng malaking building ng Dynasty. Pakiramdam niya ay kahapon lang nu'ng huling beses niyang tumungtong sa Dynasty bago siya lumipad ng London. Ayaw na sana niyang bumalik pa sa lugar na nagpapaalala lang ng kahibangan niya dati pero nakiusap ang ina niyang samahan niya ito. Dumating na kasi si Mrs. del Espania last week at ngayon ang schedule ng pictorial ng dalawang nagmamay-ari ng pinakamalikng modeling agency ng Pilipinas. Hindi naman siya makahindi sa ina. Hindi rin niya alam kung paano haharapin ang dating amo lalo't alam na niyang alam na nitong nagsinungaling sila ng lola niya rito. Nahihiya siyang humarap sa lola nina Clyde at Kyle. Kapapasok pa lang nila sa building ay sinalubong na agad sila ng nakangiting si Kyle. Ngayon lang niya uli ito nakita mula nang may nangyari sa kanila sa resort. Todo iwas ang ginawa niya kaya't hindi siya masyadong naglalagi sa office
Alas siyete ng gabi nila napagkasunduang magkita sa isang restaurant. Kahit ano'ng pamimilit ni Kyle ay hindi siya nagpasundo rito. Umuwi muna siya sa sarili niyang bahay. Sa ngayon ay isang beses sa isang linggo lang siya naglalagi sa bahay niya na iyon dahil nakiusap ang Mama niya na sa bahay muna siya nito tumira hanggang sa dumating ang mga apo nito. Pinagbigyan niya ang ina dahil gusto niya ring mabawi nila ang mga taong hindi sila magkasama. Naligo lang siya nang mabilisan at nagsuot ng simpleng blouse at pantalon. Naka-flat shoes lang din siya. Konting pulbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa mukha niya. Wala siya ni ano mang alahas na suot. Nagsuklay siya ng buhok at hinayaang nakalugay lang iyon. Hindi niya pinaghandaan ang "date" nilang iyon ni Kyle. Ayaw niyang isipin nitong atat na atat siya sa sapilitang date na iyon. Ayaw man niyang aminin ay may munting excitement din siyang nararamdaman pero ayaw niya lang pansinin. Tiningnan niya uli ang sarili
Inalalayan siyang tumayo ni Kyle nang paalis na sila sa restaurant. Kanina pa hindi humuhupa ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napasubo na siya kaya't nagpapadala na lang siya sa agos. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya ni Kyle sa beywang nang palabas na sila. Para maiwasang manigas ang buong katawan dahil sa ginawa ng lalaki ay lumingon siya rito at ngumiti. Tinanong siya nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya. Nagtaka pa siya nang pabuksan nito sa kanya ang pinto ng passenger's seat instead na driver's seat. " I didn't bring my car," tanging sabi nito nang paupuin siya sa passenger's seat saka kinuha ang susi sa kanya. Nagtatakang sumakay nga siya at umupo sa passenger's seat. Nang buksan nito ang pinto sa kabila at umupo sa driver's seat ay saka siya nagtanong. " Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. " Para walang reason na umuwi tayong magkahiwalay." Hi
Nagising siya sa mabangong amoy na parang may nagluluto. Kumalam agad ang sikmura niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle na may dalang tray ng pagkain. " Good morning! Breakfast in bed. Ako ang nagluto nito," proud na sabi ng lalaki. Napatingin siya sa dala nitong pagkain. Napatawa pa siya nang mahina nang makitang fried egg at hotdog lang naman pala ang ipinagmamalaki nitong hinanda para sa kanya. Dumako ang mata niya sa isang tangkay ng rosas sa tabi ng plato. Kahit ano'ng pigil niya ay kinilig siya kahit sa simpleng gesture na iyon ng lalaki. Mabilis namang nag-warning agad ang utak niya. Hawak niya sa dibdib ang kumot para itakip sa kahubdan. Ibinalabal niya iyon sa katawan niya nang ayusin ni Kyle ang pagkain sa harap niya saka umupo na rin sa kama. Napatingin siya dito nang makitang isang plato lang ang nasa harap niya. " Ikaw?" Nagtatakang tanong niya. " Susubuan mo naman ako," naglalamb
Hindi na nga siya kinukulit ni Kyle magmula nang araw na iyon. Miminsan na lang din ito mapadpad sa building nila. Dapat sana ay magsaya siya dahil kusa nang umiiwas ang lalaki sa kanya pero hindi niya maramdaman ang kasiyahang iyon. Lagi na ay nakatulala siya habang iniisip ito. Sa gabi naman ay nakikita niya ang sariling umiiyak. Hinayaan niya na lang ang sarili na maramdaman iyong lungkot. Alam niyang makaka-move on uli siya gaya nang dati. Kasalukuyang nakaupo siya sa loob ng opisina niya at natigil sa pagguhit ng design para lang matulala uli sa kawalan. Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya pagkatapos ng tatlong katok. " Ash!" Agad na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng inaanak ng Mama. " Cassie?" Hindi makapaniwalang sabi niya na tumayo na rin para salubungin ang babae. " Yep, it's me! I have something for you." Nagyakapan muna sila bago nito ibinigay sa kanya ang bitbit na pasalubong. " When did you arr
" I really want to stay pa but I have to meet my manager now. It's really nice knowing you, Kyle," paalam ni Cassie after nilang kumain. " My pleasure too, Cassie," lumapit pa si Kyle as babae para kamayan uli ito. Tahimik na nakamasid lang siya. Bumaling na rin si Cassie sa kanya at niyakap siya. " I'll call you later, Ash." " Okay. Hihintayin ko tawag mo mamaya," nakangiting sagot niya. Lumapit din ito sa Mama niya at nagpaalam bago tuluyang umalis. Nagsasalita sa gitna ang Mama niya at si Mrs. del Espania nang lapitan siya ni Kyle. " Is Cassie taken or single?" Napatingin agad siya sa mukha ng lalaki nang tumabi ito sa kanya. Nakatingin ito sa harap habang hinihintay ang sagot niya. " S-she's... She's just like you. She's afraid of commitments." Saka lang napatingin si Kyle sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti. Nakatuon din ang mga mata niya sa harap pero dama niya ang mga titig nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang magiging tema ng photoshoot nilang tatlo. Binigyan lang siya ng schedule ni Kyle at sinabing sa studio ng Dynasty gagawin ang pictorial. Casual lang na damit ang suot niya para mas madaling hubarin kapag nagpapalit siya ng mga isusuot para sa magazine. Hindi na niya ipinaalam kay Kyle ang pagdating niya dahil maaga pa lang naman. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan ba ito sa office nito or dumiretso na lang sa studio. Napagdesisyunan niyang pumunta na lang agad sa studio at doon hintayin ang kambal. Excited din siyang makita sa wakas si Clyde pagkatapos ng ilang taon. Nakatayo siya sa harap ng pinto ng studio. Naalala niyang wala nga pala siyang ID na isa-swipe para mabuksan iyon. Akmang tatawagan na lang sana niya si Kyle nang bumukas iyon. Nagsalubong agad ang tingin nila ni Kyle na papalabas rin yata sana. " Natasha?" Saka lang naghiwalay ang tingin nila ni Kyle nang may tumawag sa kanya mula sa likuran
Nakakapit sa isang braso ni Kyle ang mga kamay ni Cassie. Nasa likuran silang dalawa ni Clyde. Gusto niyang mainis sa kaibigan pero alam niyang wala naman itong kasalanan dahil wala itong alam tungkol sa kanila ni Kyle. Lumaki rin kasing liberated ang babae kaya't kapag gusto nito ang isang lalaki ay hindi ito mahihiyang gumawa ng paraan para ipaalam iyon dito. Wala naman siyang masasabing masama kay Cassie dahil mabait talaga ito kahit sa mga anak niya. " I guess tayo munang magkasangga ngayon." Napalingon siya kay Clyde na nasa tabi niya lang pala at nakatingin sa dalawang nasa unahan nila. Ngumiti lang siya nang tipid dito. " Parang ganu'n na nga. Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?" Wala siyang update sa love life ng lalaki kaya't nanghuhuli lang ang tanong niya na iyon. " Girlfriend? Sino naman ang may sabing meron?" Natatawa na itong bumaling sa kanya. Napakibit-balikat lang siya. " Don't tell me puro ka na rin lang "flings"