May dinner meeting daw sila para sa photo shoot nila ni Kyle next week. Ang Mama niya ang hindi magkandaugaga na pumili ng damit na susuotin niya. Pumili ito ng damit na isa sa mga gawa nito. Hindi ito kasama sa dinner meeting na iyon pero parang ito pa ang excited.
Kumunot ang noo niya nang ibigay nito sa kanya ang isang maroon na damit na may malambot na tela. Hindi umimik na kinuha na rin niya ang damit at isinuot iyon habang naghihintay ang ina sa kwarto niya.
Tamang-tama lang ang kasya ng damit sa katawan niya. Nai-emphasize nu'n ang kurbada ng katawan niya. Nang makita siya nang ina ay lumuwang ang ngiti nito.
" Ma, this is a dinner meeting at hindi date," natatawang sabi niya nang makita ang reaksiyon ng ina. Para kasi itong ina ng isang teenager na first time na makikipag-date.
" I know pero gustung-gusto ko lang ang pagkakagawa ng damit dahil ikaw talaga ang naisip ko nang gawin ko iyan. I designed that after nating magkita sa party noon."<
Hindi niya alam king bakit kailangan pa talaga nilang bumiyahe para pumunta sa isang resort na may famous cave sa isang isla malapit doon para sa photoshoot nila ni Kyle. Gusto niya sanang sa studio lang din gagawin at bahala na ito at iba pang photo editors na maglagay ng kung anu-anong background sa likod ng pictures nila.Hindi ang biyahe ang ayaw niya kundi ang isiping makakasama na naman niya si Kyle. May kasama silang tatlong tutulong para sa pictorials nila. Madaling araw na naman silang bumiyahe at sa van nina Kyle sila sumakay. Tandang-tanda pa niya ang van na iyon. Buhay pa pala iyon?Umupo siya sa harap at nilagyan niya ng mga gamit ang tabi para huwag siyang tabihan ng lalaki. Hindi naman ito sumubok na tumabi sa kanya. Sa katunayan, after nu'ng sapilitang dinner nila ay hindi na niya ito nakikitang dumadalaw sa building nila. Ngayon lang uli sila nagkita ng lalaki at halos ayaw pa siyang pansinin nito.So, affected ka? Tudyo naman ng utak niya.
Mahigit isang oras na ang lumipas pero ang lakas ng ulan ay hindi pa rin tumitigil. Mas lumalakas pa yata lalo ang buhos nu'n pati na ang hampas ng mga hangin. Mabuti na lang at medyo elevated ang kwebang kinaroroonan nila ngayon. Pumasok pa sila sa pinakadulo nu'n para hindi mabasa ng ulan na nadadala ng hangin sa bukana ng kweba.Ginaw na ginaw na siya. Sino ba naman ang hindi giginawin, eh, naka-swimsuit lang siya? Bakit kasi hindi siya nagdala ng pampalit. Kinuha niya ang basang towel at ibinalabal iyon pero mas nakadagdag lang iyon sa lamig.May nakuhang flashlight si Kyle sa isang bag na ginamit nila kanina. Nakatulong na rin ang liwanang na galing doon. Naghalungkat pa ito sa bag at inilabas nito ang mga biscuits at canned juice na laman ng isa pang bag. May nakita itong isang malaking tela na ginamit nilang background kanina sa pictorial sa beach." Here, use this," saka lang ito tumingin sa kanya nang iabot ang tela.Mabilis na kinuha niya iyon a
Hindi pa man lumapat ang mga labi nito ay kusa nang umawang ang bibig niya. Hindi niya napigilan ang mahinang ungol nang maramdaman ang bibig nitong malayang sinakop ang kanyang mga labi. Umangat ang isang kamay niya para dumako sa batok ng lalaki.Kumilos si Kyle para tuluyang dumagan sa kanya habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Hindi maikakaila ang parehong pananabik na nararamdaman nila para sa isa't-isa. Panay ang likot ng dila ng lalaki sa loob ng bibig niya. Hinayaan niya itong sipsiping mabuti ang dila niya habang dumidiin naman ang kapit ng mga kamay niya sa leeg nito.Bigla siyang napaungol nang bigla itong kumilos sa ibabaw niya. Ibinuka nitong mabuti ang mga hita niya kaya't awtomatikong napadiin ang kanina pang naninigas nitong sandata sa hiwa niya.Naghiwalay saglit ang mga bibig nila nang hubarin nito ang tanging saplot na tumatakip sa mga dibdib niya. Tumitig pa muna ito sa kanya bago sabik na sinakop ng bibig ang isang dibdib niya. N
Nakita pa niya kung paano alalayan ni Kyle si Claire pasakay ng bangka pero sa kanya pa rin nakatuon ang tingin nito. Iniiwasan niya ang parang nagpapaliwanag na tingin nito. Tumagilid siya para sa dagat ibaling ang tingin habang nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok. Napahigpit ang hawak niya sa telang ibinalot sa sarili dahil sa malamig na hangin. " Wala ka man lang shirt. Lalamigin ka niyan," narinig pa niyang sabi ni Claire kay Kyle. " It's okay, Claire. I'll just use this towel." Hindi niya mapigilang mapaismid sa mga narinig. Iyon na yata ang pinakamahabang bente minutos na biyahe nila. Mabuti na lang at mas naging madali ang paglaot nila dahil kalmado na ang panahon at ang dagat. Pakiramdam niya ay magkaka-stiff neck pa siya dahil hindi na niya halos iginalaw ang leeg sa takot na mapatingin sa dalawa. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-alala si Claire na para bang ang tagal nitong hindi nakita si Kyle. Nang malapit na sila baybay
Parang hindi siya nawala nang ilang taon nang ilibot niya ang tingin sa loob ng malaking building ng Dynasty. Pakiramdam niya ay kahapon lang nu'ng huling beses niyang tumungtong sa Dynasty bago siya lumipad ng London. Ayaw na sana niyang bumalik pa sa lugar na nagpapaalala lang ng kahibangan niya dati pero nakiusap ang ina niyang samahan niya ito. Dumating na kasi si Mrs. del Espania last week at ngayon ang schedule ng pictorial ng dalawang nagmamay-ari ng pinakamalikng modeling agency ng Pilipinas. Hindi naman siya makahindi sa ina. Hindi rin niya alam kung paano haharapin ang dating amo lalo't alam na niyang alam na nitong nagsinungaling sila ng lola niya rito. Nahihiya siyang humarap sa lola nina Clyde at Kyle. Kapapasok pa lang nila sa building ay sinalubong na agad sila ng nakangiting si Kyle. Ngayon lang niya uli ito nakita mula nang may nangyari sa kanila sa resort. Todo iwas ang ginawa niya kaya't hindi siya masyadong naglalagi sa office
Alas siyete ng gabi nila napagkasunduang magkita sa isang restaurant. Kahit ano'ng pamimilit ni Kyle ay hindi siya nagpasundo rito. Umuwi muna siya sa sarili niyang bahay. Sa ngayon ay isang beses sa isang linggo lang siya naglalagi sa bahay niya na iyon dahil nakiusap ang Mama niya na sa bahay muna siya nito tumira hanggang sa dumating ang mga apo nito. Pinagbigyan niya ang ina dahil gusto niya ring mabawi nila ang mga taong hindi sila magkasama. Naligo lang siya nang mabilisan at nagsuot ng simpleng blouse at pantalon. Naka-flat shoes lang din siya. Konting pulbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa mukha niya. Wala siya ni ano mang alahas na suot. Nagsuklay siya ng buhok at hinayaang nakalugay lang iyon. Hindi niya pinaghandaan ang "date" nilang iyon ni Kyle. Ayaw niyang isipin nitong atat na atat siya sa sapilitang date na iyon. Ayaw man niyang aminin ay may munting excitement din siyang nararamdaman pero ayaw niya lang pansinin. Tiningnan niya uli ang sarili
Inalalayan siyang tumayo ni Kyle nang paalis na sila sa restaurant. Kanina pa hindi humuhupa ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napasubo na siya kaya't nagpapadala na lang siya sa agos. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya ni Kyle sa beywang nang palabas na sila. Para maiwasang manigas ang buong katawan dahil sa ginawa ng lalaki ay lumingon siya rito at ngumiti. Tinanong siya nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya. Nagtaka pa siya nang pabuksan nito sa kanya ang pinto ng passenger's seat instead na driver's seat. " I didn't bring my car," tanging sabi nito nang paupuin siya sa passenger's seat saka kinuha ang susi sa kanya. Nagtatakang sumakay nga siya at umupo sa passenger's seat. Nang buksan nito ang pinto sa kabila at umupo sa driver's seat ay saka siya nagtanong. " Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. " Para walang reason na umuwi tayong magkahiwalay." Hi
Nagising siya sa mabangong amoy na parang may nagluluto. Kumalam agad ang sikmura niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle na may dalang tray ng pagkain. " Good morning! Breakfast in bed. Ako ang nagluto nito," proud na sabi ng lalaki. Napatingin siya sa dala nitong pagkain. Napatawa pa siya nang mahina nang makitang fried egg at hotdog lang naman pala ang ipinagmamalaki nitong hinanda para sa kanya. Dumako ang mata niya sa isang tangkay ng rosas sa tabi ng plato. Kahit ano'ng pigil niya ay kinilig siya kahit sa simpleng gesture na iyon ng lalaki. Mabilis namang nag-warning agad ang utak niya. Hawak niya sa dibdib ang kumot para itakip sa kahubdan. Ibinalabal niya iyon sa katawan niya nang ayusin ni Kyle ang pagkain sa harap niya saka umupo na rin sa kama. Napatingin siya dito nang makitang isang plato lang ang nasa harap niya. " Ikaw?" Nagtatakang tanong niya. " Susubuan mo naman ako," naglalamb