Share

KABANATA 87

Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan. Ilang minuto na lang at nasa Pilipinas na siya. Ilang taon na nga ba mula nang umalis siya ng bansa? Mag-aanim na taon na pala mula nang lumipad siya papuntang London.

Mula nang malaman niyang si Reina Grande pala ang tunay niyang ina ay nagiging maayos ang takbo ng buhay niya. Ipinadala siya nito sa London para mag-aral. At dahil na rin sa kahiligan at sa kompanyang meron ang ina ay nag-aral siya sa College of Fashion sa bansang iyon.

Hindi madaling tanggapin na si Reina Grande pala ang inang umabandona sa kanya. Naroon ang hinanakit niya sa ina dahil pinabayaan siya nito ng mahigit dalawampung taon pero sa paliwanag nito at ng lola niya ay naintindihan niya ang lahat.

Nang mamatay sa aksidente ang ama niya ay may kasama itong ibang babae. Buntis na noon ang ina niya sa kanya. Hindi naging madali rito ang natuklasan na ang asawa nito ay namatay at may kasama pang kabit. Nang ipanganak siya ng ina ay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status