Agad na sumalubong sa kanya si Jethro nang bumalik na siya sa bulwagan.
" I just saw Kyle," worried ang tinging ibinigay ng lalaki sa kanya.
Tumango lang siya habang napahawak sa noo. Siya na ang kumapit sa braso ng lalaki nang parang mawalan siya ng lakas.
" Are you okay? Hindi ko alam na inimbitahan pala siya ng Mama mo."
" It's okay, Jeth," napilitan na siyang ngumiti rito para bigyan ito ng assurance na okay nga lang siya.
Alam ng pamilya niya ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Kyle. Si Jethro ay itinuring na rin niyang kapatid. Kinupkop ito ng ina niya at pinag-aral. Si Jethro ay anak ng matalik na kaibigan ng ina na matagal nang pumanaw.
" By the way, kumusta na kayo ni Kath? Bakit hindi mo siya kasama?" Iniba na niya ang topic para makalimutan din saglit na nasa tabi-tabi lang si Kyle.
Si Kath ay ang girlfriend nito na naging malapit na rin sa kanya. Hinihintay na lang talaga nilang ayain ito ng kasal ni Jethro. Mas ba
Pormal na siyang ipinakilala ng Mama niya sa lahat ng empleyado ng Dashing Ash Agency. Ipinakita nito sa kanya ang sarili niyang office sa kompanya. Hindi makapaniwalang inilibot niya ang paningin sa malaking kwarto na iyon. May mini-sofa pa nga iyon. " Wow! I love it, Ma! Thank you." " I'm glad nagustuhan mo. Isasama kita sa lahat ng meeting ko sa mga clients and pwede kang mag-observe muna and when you're ready, you can help me manage our company already." Ngumiti siya at hinawakan ang braso ng ina. " Starting today lay agi mo na akong makikita dito. I'm willing to learn everything to help you. So, ano ang una kong gagawin?" " Now that you said that, we will have a meeting today for a collaboration proposal so be ready after an hour." " Sure, Ma. Doon ba sa conference room? Pwede ninyo na muna akong iwan dito if you have things to do pa. Daanan na lang kita mamaya sa office mo para sabay na tayong pumunta ng conference room."
Tumutunog ang mga takong ng sapatos sa bawat paghakbang niya. Nagmamadaling naglalakad siya habang papasok sa loob ng building ng Dashing Ash Agency. Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman siya inoobliga ng ina na pumunta ng maaga sa office dahil ayaw pa niyang tumanggap ng posisyon sa kompanya hangga't wala pa siyang masyadong alam tungkol sa pamamalakad.Gaya ng suhestiyon ng ina ay sumasama siya sa mga business meetings and conference para lang mag-obserba. Kapag wala rin naman itong meetings ay nagde-design naman siya ng mga damit.Nakikihalubilo rin siya sa mga models at iba pang empleyado ng kompanya nila para maging maayos din ang relasyon niya sa mga ito. Sumakay na siya ng elevator at pinindot na ang numero ng floor. Bumukas ang elevator sa 6th floor kung saan andu'n ang office niya. Nagulat pa siya nang sa pagbukas nu'n ay bumungad sa kanya ang nakatayong si Kyle na parang naghintay na bumukas ang pinto ng elevator ka
Bago pa man siya nakalipad ng London ay nalaman na niyang buntis siya ng ilang buwan. Halo ang emosyong naramdaman niya nu'ng mga panahong iyon. Dama niya ang kasiyahan, kalungkutan at matinding takot nang malaman niyang nagbunga ang maikling sandaling pinagsaluhan nila ni Kyle.Wala siyang nagawa kundi aminin sa lola niya ang lahat pwera lang sa parteng inakusahan sila ni Kyle na manloloko at pera lang ang habol niya rito kaya ginawa niya ang lahat para mapansin nito. Sinabi niya lang na hindi nag-work ang relasyon nila kaya sila naghiwalay. Pareho lang ang sinabi niya sa lola at ina niya. Gusto ng lola niya na ipaalam kay Kyle iyon para mapanagutan siya. Sa tulong ng ina niya ay nakumbinsi nila ang matanda na mas makabubuting walang alam ang lalaki dahil aalis rin naman sila ng Pilipinas.Masayang-masaya ang ina nang malaman niya. Kabaliktaran ng reaksiyon ng lola niya ay hindi man lang nito nabanggit na papanagutin si Kyle. Hinayaan siya nito sa desisyon niya basta
May dinner meeting daw sila para sa photo shoot nila ni Kyle next week. Ang Mama niya ang hindi magkandaugaga na pumili ng damit na susuotin niya. Pumili ito ng damit na isa sa mga gawa nito. Hindi ito kasama sa dinner meeting na iyon pero parang ito pa ang excited.Kumunot ang noo niya nang ibigay nito sa kanya ang isang maroon na damit na may malambot na tela. Hindi umimik na kinuha na rin niya ang damit at isinuot iyon habang naghihintay ang ina sa kwarto niya.Tamang-tama lang ang kasya ng damit sa katawan niya. Nai-emphasize nu'n ang kurbada ng katawan niya. Nang makita siya nang ina ay lumuwang ang ngiti nito." Ma, this is a dinner meeting at hindi date," natatawang sabi niya nang makita ang reaksiyon ng ina. Para kasi itong ina ng isang teenager na first time na makikipag-date." I know pero gustung-gusto ko lang ang pagkakagawa ng damit dahil ikaw talaga ang naisip ko nang gawin ko iyan. I designed that after nating magkita sa party noon."
Hindi niya alam king bakit kailangan pa talaga nilang bumiyahe para pumunta sa isang resort na may famous cave sa isang isla malapit doon para sa photoshoot nila ni Kyle. Gusto niya sanang sa studio lang din gagawin at bahala na ito at iba pang photo editors na maglagay ng kung anu-anong background sa likod ng pictures nila.Hindi ang biyahe ang ayaw niya kundi ang isiping makakasama na naman niya si Kyle. May kasama silang tatlong tutulong para sa pictorials nila. Madaling araw na naman silang bumiyahe at sa van nina Kyle sila sumakay. Tandang-tanda pa niya ang van na iyon. Buhay pa pala iyon?Umupo siya sa harap at nilagyan niya ng mga gamit ang tabi para huwag siyang tabihan ng lalaki. Hindi naman ito sumubok na tumabi sa kanya. Sa katunayan, after nu'ng sapilitang dinner nila ay hindi na niya ito nakikitang dumadalaw sa building nila. Ngayon lang uli sila nagkita ng lalaki at halos ayaw pa siyang pansinin nito.So, affected ka? Tudyo naman ng utak niya.
Mahigit isang oras na ang lumipas pero ang lakas ng ulan ay hindi pa rin tumitigil. Mas lumalakas pa yata lalo ang buhos nu'n pati na ang hampas ng mga hangin. Mabuti na lang at medyo elevated ang kwebang kinaroroonan nila ngayon. Pumasok pa sila sa pinakadulo nu'n para hindi mabasa ng ulan na nadadala ng hangin sa bukana ng kweba.Ginaw na ginaw na siya. Sino ba naman ang hindi giginawin, eh, naka-swimsuit lang siya? Bakit kasi hindi siya nagdala ng pampalit. Kinuha niya ang basang towel at ibinalabal iyon pero mas nakadagdag lang iyon sa lamig.May nakuhang flashlight si Kyle sa isang bag na ginamit nila kanina. Nakatulong na rin ang liwanang na galing doon. Naghalungkat pa ito sa bag at inilabas nito ang mga biscuits at canned juice na laman ng isa pang bag. May nakita itong isang malaking tela na ginamit nilang background kanina sa pictorial sa beach." Here, use this," saka lang ito tumingin sa kanya nang iabot ang tela.Mabilis na kinuha niya iyon a
Hindi pa man lumapat ang mga labi nito ay kusa nang umawang ang bibig niya. Hindi niya napigilan ang mahinang ungol nang maramdaman ang bibig nitong malayang sinakop ang kanyang mga labi. Umangat ang isang kamay niya para dumako sa batok ng lalaki.Kumilos si Kyle para tuluyang dumagan sa kanya habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Hindi maikakaila ang parehong pananabik na nararamdaman nila para sa isa't-isa. Panay ang likot ng dila ng lalaki sa loob ng bibig niya. Hinayaan niya itong sipsiping mabuti ang dila niya habang dumidiin naman ang kapit ng mga kamay niya sa leeg nito.Bigla siyang napaungol nang bigla itong kumilos sa ibabaw niya. Ibinuka nitong mabuti ang mga hita niya kaya't awtomatikong napadiin ang kanina pang naninigas nitong sandata sa hiwa niya.Naghiwalay saglit ang mga bibig nila nang hubarin nito ang tanging saplot na tumatakip sa mga dibdib niya. Tumitig pa muna ito sa kanya bago sabik na sinakop ng bibig ang isang dibdib niya. N
Nakita pa niya kung paano alalayan ni Kyle si Claire pasakay ng bangka pero sa kanya pa rin nakatuon ang tingin nito. Iniiwasan niya ang parang nagpapaliwanag na tingin nito. Tumagilid siya para sa dagat ibaling ang tingin habang nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok. Napahigpit ang hawak niya sa telang ibinalot sa sarili dahil sa malamig na hangin. " Wala ka man lang shirt. Lalamigin ka niyan," narinig pa niyang sabi ni Claire kay Kyle. " It's okay, Claire. I'll just use this towel." Hindi niya mapigilang mapaismid sa mga narinig. Iyon na yata ang pinakamahabang bente minutos na biyahe nila. Mabuti na lang at mas naging madali ang paglaot nila dahil kalmado na ang panahon at ang dagat. Pakiramdam niya ay magkaka-stiff neck pa siya dahil hindi na niya halos iginalaw ang leeg sa takot na mapatingin sa dalawa. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pag-alala si Claire na para bang ang tagal nitong hindi nakita si Kyle. Nang malapit na sila baybay