Alam niyang nagmumukha siyang katawa-tawa dahil nakapostura pa siya with high-heeled shoes para lang mamulot uli ng mga nagkalat na mga gamit at damit ng mga modelo. Pinagtitinginan pa siya ng ibang modelo habang wala sa sariling pinupulot ang mga kalat ng mga ito. Hindi niya alintana ang mga makahulugang tingin or kung ano mang pinagsasabi ng iba. Mas nakapokus ang isip at nararamdaman niya kay Kyle at sa sakit na nararamdaman ng puso.
Kanina pa rin sumasakit ang mga paa niya dahil sa haba ng takong ng sapatos na suot. Kung andu'n lang siguro si Venus ay dinamayan na rin siya nito pero laging may out of town pictorials ang babae. Nanghihinang napaupo siya sa isang kahon sa tabi habang hinuhubad ang sapatos.
Gusto niya sanang tawagan ang lola niya pero hindi niya muna gagawin iyon dahil baka may masabi siyang hindi dapat dahil sa estado ng nararamdaman niya ngayon.
Give up na ba, Tasyang?
Umiling-iling siya habang nasa mukha ang dalawang kamay
Dumiretso siya ng uwi sa bahay ng mga del Espania. Kinandado muna niya ang puso para huwag munang makaramdam nang kung ano habang sinusulat ang resignation letter niya. Nag-impake na rin siya ng gamit para umuwi na sa kanila nang araw ding iyon. Alam niyang magugulat ang lola niya kapag nakitang bitbit na niya ang lahat ng mga gamit.Natigilan siya nang makita ang panggayuma na libro ng lola niya habang inaayos ang mga gamit. Biglang parang piniga uli ng malalaking mga kamay ang puso niya. Maya-maya ay nawala uli ang ekspresyon sa mukha niya at basta na lang itinapon sa basurahan ang libro na iyon. Itinapon niya pati na ang pink rubbber shoes at masquerade mask na isinuot niya sa party. Iniwan niya sa cabinet ang lahat ng mga damit na binili ni Klyde para sa kanya. Mabuti na lang at nasa studio pa rin ang gown na gawa ni Venus. Sasabihan niya na lang ang model na kaibigan tungkol doon.Nagpatawag siya ng taxi. Gusto niya sanang magpaalam nang personal kay Mrs. del Espa
Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan. Ilang minuto na lang at nasa Pilipinas na siya. Ilang taon na nga ba mula nang umalis siya ng bansa? Mag-aanim na taon na pala mula nang lumipad siya papuntang London.Mula nang malaman niyang si Reina Grande pala ang tunay niyang ina ay nagiging maayos ang takbo ng buhay niya. Ipinadala siya nito sa London para mag-aral. At dahil na rin sa kahiligan at sa kompanyang meron ang ina ay nag-aral siya sa College of Fashion sa bansang iyon.Hindi madaling tanggapin na si Reina Grande pala ang inang umabandona sa kanya. Naroon ang hinanakit niya sa ina dahil pinabayaan siya nito ng mahigit dalawampung taon pero sa paliwanag nito at ng lola niya ay naintindihan niya ang lahat.Nang mamatay sa aksidente ang ama niya ay may kasama itong ibang babae. Buntis na noon ang ina niya sa kanya. Hindi naging madali rito ang natuklasan na ang asawa nito ay namatay at may kasama pang kabit. Nang ipanganak siya ng ina ay
Sa ikatlong araw ng balik niya sa bansa ay sinamahan siya ni Shirley na bumisita sa bayan nila. Ang bahay ng lola niya ay nabawi nila sa bangko pero walang nakatira doon sa loob ng ilang taon. Ang anak ni Aling Meding kasi ay pinag-aral nila sa Maynila at doon na nagtatrabaho. May pumupunta sa bahay nila para maglinis isang beses isang linggo. Wala naman kasi silang kamag-anak na pwede nilang patirahin muna sa bahay habang wala sila dahil may sariling bahay din ang mga ito. Ang iba naman ay nasa Maynila kagaya ng Ate Joy niya.Dumiretso sila ng bahay. Gusto niyang maiyak nang makita ang bahay na iyon. Andami niyang magagandang alaala du'n. Bigla pa siyang napatakbo nang makita ang lumang bike. Doon na talaga siya naiyak habang maingat na hinawakan iyon. Para bang kahapon lang nu'ng huli niyang sinakyan iyon. Bigla ay nakita niya ang eksena kung saan ay napasubsob ang mukha niya sa ebak ng kalabaw nang matumba ang bike. Napatawa siya nang maalala iyon. Nawala rin naman agad an
Kanina pa siya tapos ayusan ng makeup artist ng kompanya ng Mama niya. Nakaupo siya sa harap ng salamin at parang tumatagos lang ang tingin sa sariling repleksiyon. Maayos na itinali ang buhok niya at walang iniwan ni isang hibla para hindi matakpan ang makinis niyang balikat. Ang mahabang gown na suot niya ay kulay pula na backless. Kahit lagpas tuhod ang haba nu'n ay mahaba naman ang slit ng damit sa left side niya kaya't mai-expose rin ang isang hita niya kapag naglalakad siya. Napahawak siya sa kwintas na bigay ng Mama niya. May maliit na diamond pendant iyon na tinernuhan din ng diamond earrings. Para siyang nakipagtitigan sa isang estranghero habang nakatingin sa reflection niya. Hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata niya kahit sabihin pang halos lahat ay nasa kanya na nang mga oras na iyon. Ibang-iba na siya sa babaeng binu-bully dahil sa hindi kaaya-ayang mukha. Isang napakagandang babae na ang nakikita niya sa salamin. Isang larawan ng babaeng wala nang m
Agad na sumalubong sa kanya si Jethro nang bumalik na siya sa bulwagan." I just saw Kyle," worried ang tinging ibinigay ng lalaki sa kanya.Tumango lang siya habang napahawak sa noo. Siya na ang kumapit sa braso ng lalaki nang parang mawalan siya ng lakas." Are you okay? Hindi ko alam na inimbitahan pala siya ng Mama mo."" It's okay, Jeth," napilitan na siyang ngumiti rito para bigyan ito ng assurance na okay nga lang siya.Alam ng pamilya niya ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Kyle. Si Jethro ay itinuring na rin niyang kapatid. Kinupkop ito ng ina niya at pinag-aral. Si Jethro ay anak ng matalik na kaibigan ng ina na matagal nang pumanaw." By the way, kumusta na kayo ni Kath? Bakit hindi mo siya kasama?" Iniba na niya ang topic para makalimutan din saglit na nasa tabi-tabi lang si Kyle.Si Kath ay ang girlfriend nito na naging malapit na rin sa kanya. Hinihintay na lang talaga nilang ayain ito ng kasal ni Jethro. Mas ba
Pormal na siyang ipinakilala ng Mama niya sa lahat ng empleyado ng Dashing Ash Agency. Ipinakita nito sa kanya ang sarili niyang office sa kompanya. Hindi makapaniwalang inilibot niya ang paningin sa malaking kwarto na iyon. May mini-sofa pa nga iyon. " Wow! I love it, Ma! Thank you." " I'm glad nagustuhan mo. Isasama kita sa lahat ng meeting ko sa mga clients and pwede kang mag-observe muna and when you're ready, you can help me manage our company already." Ngumiti siya at hinawakan ang braso ng ina. " Starting today lay agi mo na akong makikita dito. I'm willing to learn everything to help you. So, ano ang una kong gagawin?" " Now that you said that, we will have a meeting today for a collaboration proposal so be ready after an hour." " Sure, Ma. Doon ba sa conference room? Pwede ninyo na muna akong iwan dito if you have things to do pa. Daanan na lang kita mamaya sa office mo para sabay na tayong pumunta ng conference room."
Tumutunog ang mga takong ng sapatos sa bawat paghakbang niya. Nagmamadaling naglalakad siya habang papasok sa loob ng building ng Dashing Ash Agency. Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman siya inoobliga ng ina na pumunta ng maaga sa office dahil ayaw pa niyang tumanggap ng posisyon sa kompanya hangga't wala pa siyang masyadong alam tungkol sa pamamalakad.Gaya ng suhestiyon ng ina ay sumasama siya sa mga business meetings and conference para lang mag-obserba. Kapag wala rin naman itong meetings ay nagde-design naman siya ng mga damit.Nakikihalubilo rin siya sa mga models at iba pang empleyado ng kompanya nila para maging maayos din ang relasyon niya sa mga ito. Sumakay na siya ng elevator at pinindot na ang numero ng floor. Bumukas ang elevator sa 6th floor kung saan andu'n ang office niya. Nagulat pa siya nang sa pagbukas nu'n ay bumungad sa kanya ang nakatayong si Kyle na parang naghintay na bumukas ang pinto ng elevator ka
Bago pa man siya nakalipad ng London ay nalaman na niyang buntis siya ng ilang buwan. Halo ang emosyong naramdaman niya nu'ng mga panahong iyon. Dama niya ang kasiyahan, kalungkutan at matinding takot nang malaman niyang nagbunga ang maikling sandaling pinagsaluhan nila ni Kyle.Wala siyang nagawa kundi aminin sa lola niya ang lahat pwera lang sa parteng inakusahan sila ni Kyle na manloloko at pera lang ang habol niya rito kaya ginawa niya ang lahat para mapansin nito. Sinabi niya lang na hindi nag-work ang relasyon nila kaya sila naghiwalay. Pareho lang ang sinabi niya sa lola at ina niya. Gusto ng lola niya na ipaalam kay Kyle iyon para mapanagutan siya. Sa tulong ng ina niya ay nakumbinsi nila ang matanda na mas makabubuting walang alam ang lalaki dahil aalis rin naman sila ng Pilipinas.Masayang-masaya ang ina nang malaman niya. Kabaliktaran ng reaksiyon ng lola niya ay hindi man lang nito nabanggit na papanagutin si Kyle. Hinayaan siya nito sa desisyon niya basta
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m