Maaga pa rin siyang nagising kinabukasan kahit parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Determinado kasi siyang ayusin ang sa kanila ni Kyle.
Gusto niyang mapansin siya ng lalaki kaya't imbes na magsuot ng mga normal niyang isinusuot ay namili siya ng damit na hindi aabot hanggang tuhod ang haba. May nakita naman siya sa cabinet niya. Isa iyon sa pinamili ni Kyle para sa kanya na itinabi niya dahil akala niya ay hindi niya talaga kayang isuot iyon. Kulay itim ang damit na hapit sa katawan niya. Pinaresan niya iyon ng sapatos na pula na may heels.
Iniulgay niya ang buhok saka nagsuot ng hikaw. Papatungan niya sana iyon ng blazer pero tinanggal din. Kung gusto niya talagang maging kasing-sexy ng Brianna na iyon, dapat ay magpakita siya ng balat. Sleeveless ang damit at maikli pero hindi naman siya mukhang babaeng nagbebenta ng aliw sa gabi.
Maganda pala ang legs ko, oh! Napatitig pa siya sa legs niyang naka-expose dahil hindi niya sinuo
Alam niyang nagmumukha siyang katawa-tawa dahil nakapostura pa siya with high-heeled shoes para lang mamulot uli ng mga nagkalat na mga gamit at damit ng mga modelo. Pinagtitinginan pa siya ng ibang modelo habang wala sa sariling pinupulot ang mga kalat ng mga ito. Hindi niya alintana ang mga makahulugang tingin or kung ano mang pinagsasabi ng iba. Mas nakapokus ang isip at nararamdaman niya kay Kyle at sa sakit na nararamdaman ng puso.Kanina pa rin sumasakit ang mga paa niya dahil sa haba ng takong ng sapatos na suot. Kung andu'n lang siguro si Venus ay dinamayan na rin siya nito pero laging may out of town pictorials ang babae. Nanghihinang napaupo siya sa isang kahon sa tabi habang hinuhubad ang sapatos.Gusto niya sanang tawagan ang lola niya pero hindi niya muna gagawin iyon dahil baka may masabi siyang hindi dapat dahil sa estado ng nararamdaman niya ngayon.Give up na ba, Tasyang?Umiling-iling siya habang nasa mukha ang dalawang kamay
Dumiretso siya ng uwi sa bahay ng mga del Espania. Kinandado muna niya ang puso para huwag munang makaramdam nang kung ano habang sinusulat ang resignation letter niya. Nag-impake na rin siya ng gamit para umuwi na sa kanila nang araw ding iyon. Alam niyang magugulat ang lola niya kapag nakitang bitbit na niya ang lahat ng mga gamit.Natigilan siya nang makita ang panggayuma na libro ng lola niya habang inaayos ang mga gamit. Biglang parang piniga uli ng malalaking mga kamay ang puso niya. Maya-maya ay nawala uli ang ekspresyon sa mukha niya at basta na lang itinapon sa basurahan ang libro na iyon. Itinapon niya pati na ang pink rubbber shoes at masquerade mask na isinuot niya sa party. Iniwan niya sa cabinet ang lahat ng mga damit na binili ni Klyde para sa kanya. Mabuti na lang at nasa studio pa rin ang gown na gawa ni Venus. Sasabihan niya na lang ang model na kaibigan tungkol doon.Nagpatawag siya ng taxi. Gusto niya sanang magpaalam nang personal kay Mrs. del Espa
Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan. Ilang minuto na lang at nasa Pilipinas na siya. Ilang taon na nga ba mula nang umalis siya ng bansa? Mag-aanim na taon na pala mula nang lumipad siya papuntang London.Mula nang malaman niyang si Reina Grande pala ang tunay niyang ina ay nagiging maayos ang takbo ng buhay niya. Ipinadala siya nito sa London para mag-aral. At dahil na rin sa kahiligan at sa kompanyang meron ang ina ay nag-aral siya sa College of Fashion sa bansang iyon.Hindi madaling tanggapin na si Reina Grande pala ang inang umabandona sa kanya. Naroon ang hinanakit niya sa ina dahil pinabayaan siya nito ng mahigit dalawampung taon pero sa paliwanag nito at ng lola niya ay naintindihan niya ang lahat.Nang mamatay sa aksidente ang ama niya ay may kasama itong ibang babae. Buntis na noon ang ina niya sa kanya. Hindi naging madali rito ang natuklasan na ang asawa nito ay namatay at may kasama pang kabit. Nang ipanganak siya ng ina ay
Sa ikatlong araw ng balik niya sa bansa ay sinamahan siya ni Shirley na bumisita sa bayan nila. Ang bahay ng lola niya ay nabawi nila sa bangko pero walang nakatira doon sa loob ng ilang taon. Ang anak ni Aling Meding kasi ay pinag-aral nila sa Maynila at doon na nagtatrabaho. May pumupunta sa bahay nila para maglinis isang beses isang linggo. Wala naman kasi silang kamag-anak na pwede nilang patirahin muna sa bahay habang wala sila dahil may sariling bahay din ang mga ito. Ang iba naman ay nasa Maynila kagaya ng Ate Joy niya.Dumiretso sila ng bahay. Gusto niyang maiyak nang makita ang bahay na iyon. Andami niyang magagandang alaala du'n. Bigla pa siyang napatakbo nang makita ang lumang bike. Doon na talaga siya naiyak habang maingat na hinawakan iyon. Para bang kahapon lang nu'ng huli niyang sinakyan iyon. Bigla ay nakita niya ang eksena kung saan ay napasubsob ang mukha niya sa ebak ng kalabaw nang matumba ang bike. Napatawa siya nang maalala iyon. Nawala rin naman agad an
Kanina pa siya tapos ayusan ng makeup artist ng kompanya ng Mama niya. Nakaupo siya sa harap ng salamin at parang tumatagos lang ang tingin sa sariling repleksiyon. Maayos na itinali ang buhok niya at walang iniwan ni isang hibla para hindi matakpan ang makinis niyang balikat. Ang mahabang gown na suot niya ay kulay pula na backless. Kahit lagpas tuhod ang haba nu'n ay mahaba naman ang slit ng damit sa left side niya kaya't mai-expose rin ang isang hita niya kapag naglalakad siya. Napahawak siya sa kwintas na bigay ng Mama niya. May maliit na diamond pendant iyon na tinernuhan din ng diamond earrings. Para siyang nakipagtitigan sa isang estranghero habang nakatingin sa reflection niya. Hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata niya kahit sabihin pang halos lahat ay nasa kanya na nang mga oras na iyon. Ibang-iba na siya sa babaeng binu-bully dahil sa hindi kaaya-ayang mukha. Isang napakagandang babae na ang nakikita niya sa salamin. Isang larawan ng babaeng wala nang m
Agad na sumalubong sa kanya si Jethro nang bumalik na siya sa bulwagan." I just saw Kyle," worried ang tinging ibinigay ng lalaki sa kanya.Tumango lang siya habang napahawak sa noo. Siya na ang kumapit sa braso ng lalaki nang parang mawalan siya ng lakas." Are you okay? Hindi ko alam na inimbitahan pala siya ng Mama mo."" It's okay, Jeth," napilitan na siyang ngumiti rito para bigyan ito ng assurance na okay nga lang siya.Alam ng pamilya niya ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Kyle. Si Jethro ay itinuring na rin niyang kapatid. Kinupkop ito ng ina niya at pinag-aral. Si Jethro ay anak ng matalik na kaibigan ng ina na matagal nang pumanaw." By the way, kumusta na kayo ni Kath? Bakit hindi mo siya kasama?" Iniba na niya ang topic para makalimutan din saglit na nasa tabi-tabi lang si Kyle.Si Kath ay ang girlfriend nito na naging malapit na rin sa kanya. Hinihintay na lang talaga nilang ayain ito ng kasal ni Jethro. Mas ba
Pormal na siyang ipinakilala ng Mama niya sa lahat ng empleyado ng Dashing Ash Agency. Ipinakita nito sa kanya ang sarili niyang office sa kompanya. Hindi makapaniwalang inilibot niya ang paningin sa malaking kwarto na iyon. May mini-sofa pa nga iyon. " Wow! I love it, Ma! Thank you." " I'm glad nagustuhan mo. Isasama kita sa lahat ng meeting ko sa mga clients and pwede kang mag-observe muna and when you're ready, you can help me manage our company already." Ngumiti siya at hinawakan ang braso ng ina. " Starting today lay agi mo na akong makikita dito. I'm willing to learn everything to help you. So, ano ang una kong gagawin?" " Now that you said that, we will have a meeting today for a collaboration proposal so be ready after an hour." " Sure, Ma. Doon ba sa conference room? Pwede ninyo na muna akong iwan dito if you have things to do pa. Daanan na lang kita mamaya sa office mo para sabay na tayong pumunta ng conference room."
Tumutunog ang mga takong ng sapatos sa bawat paghakbang niya. Nagmamadaling naglalakad siya habang papasok sa loob ng building ng Dashing Ash Agency. Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman siya inoobliga ng ina na pumunta ng maaga sa office dahil ayaw pa niyang tumanggap ng posisyon sa kompanya hangga't wala pa siyang masyadong alam tungkol sa pamamalakad.Gaya ng suhestiyon ng ina ay sumasama siya sa mga business meetings and conference para lang mag-obserba. Kapag wala rin naman itong meetings ay nagde-design naman siya ng mga damit.Nakikihalubilo rin siya sa mga models at iba pang empleyado ng kompanya nila para maging maayos din ang relasyon niya sa mga ito. Sumakay na siya ng elevator at pinindot na ang numero ng floor. Bumukas ang elevator sa 6th floor kung saan andu'n ang office niya. Nagulat pa siya nang sa pagbukas nu'n ay bumungad sa kanya ang nakatayong si Kyle na parang naghintay na bumukas ang pinto ng elevator ka