Share

KABANATA 81

Siya at si Shirley ang nag-asikaso ng lahat ng mga bisita ng lola niya. Laking pasasalamat niya talaga at andu'n ang kaibigan. Ayaw niya kasing mapagod ang lola sa espesyal na araw nito. Pumunta rin ang mga magulang ni Shirley sa kanila. Halos lahat yata ng nasa bayan ay present dahil nabalitaan ng mga itong umuwi siya. Sa liit ng lugar nila ay halos magkakilala lang ang lahat ng mga tao sa kanila.

Kahit walang tigil siya sa pag-aasikaso ay hindi naman siya nakaramdam ng pagod lalo't nakikita niyang masayang-masaya ang lola niya. May mga pagkakataon lang na parang hinihingal ito kahit walang ginagawa. Nang tanungin niya ang anak ni Aling Meding kung bakit ganu'n ang lola niya ay sinabi lang nitong sinusumpong daw ito ng hika na siyang ipinagtataka niya dahil hindi naman hikain ang lola niya.

Dahil umaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao sa kanila, maaga ring nagsiuwian ang mga iyon. Konting bisita na lang ang naiwan nang mag-alas singko ng hapon. Nasa kusina siya nang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status