Nagpaalam siya kay Kyle na uuwi siya sa kanila. Gusto niya kasing andu'n siya sa birthday ng lola niya. Hindi pa siya nakakauwi kahit isang beses man lang mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Inaprubahan nito ang tatlong araw na vacation leave na ni-request niya. Gusto niya sanang imbitahan ang lalaki para maipakilala niya na rin sa lola niya pero hindi pa siya handang sabihin dito na siya ang apo ng manghuhulang kinukunsulta ng lola nito. Saka na niya pwedeng ipakilala ang lalaki sa abwela niya kapag nasabi na niya ang totoo rito.
Hinatid siya ng lalaki sa terminal Sabado ng umaga. Ipapahatid pa sana siya ni Kyle sa driver ng mga ito pero tumanggi na siya.
" Mami-miss kita," sabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa bus.
" Para namang ang tagal ko talagang mawala," natatawang sabi niya pero alam niya sa sarili na mami-miss din niya ito ng sobra.
Walang kumikilos sa kanila na parang bang may hinihintay na kung ano.
" Ahm, alis na ako
Siya at si Shirley ang nag-asikaso ng lahat ng mga bisita ng lola niya. Laking pasasalamat niya talaga at andu'n ang kaibigan. Ayaw niya kasing mapagod ang lola sa espesyal na araw nito. Pumunta rin ang mga magulang ni Shirley sa kanila. Halos lahat yata ng nasa bayan ay present dahil nabalitaan ng mga itong umuwi siya. Sa liit ng lugar nila ay halos magkakilala lang ang lahat ng mga tao sa kanila.Kahit walang tigil siya sa pag-aasikaso ay hindi naman siya nakaramdam ng pagod lalo't nakikita niyang masayang-masaya ang lola niya. May mga pagkakataon lang na parang hinihingal ito kahit walang ginagawa. Nang tanungin niya ang anak ni Aling Meding kung bakit ganu'n ang lola niya ay sinabi lang nitong sinusumpong daw ito ng hika na siyang ipinagtataka niya dahil hindi naman hikain ang lola niya.Dahil umaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao sa kanila, maaga ring nagsiuwian ang mga iyon. Konting bisita na lang ang naiwan nang mag-alas singko ng hapon. Nasa kusina siya nang
Naghilamos siya ng mukha saka napagpasyahang lumabas ng kwarto. Alam niyang magtataka ang lola niya kapag hindi na siya lumabas uli. Kinatok siya kanina ni Shirley at ipinasabi niyang ito na muna ang gumawa ng dahilan sa lola niya. Mabuti na lang at hindi na nangulit pa si Shirley at hinayaan na muna siya.Mga kalahating oras yata siyang nagkulong sa kwarto at walang ginawa kundi umiyak. Inayos niya ang salamin sa mata para mapagtakpan ang pamumugto ng mga mata. Paglabas niya ay ang mga magulang na lang ni Shirley at ilang kamag-anak nila ang naiwan." Bakit umalis agad ang boss mo?" Agad na tanong ng lola niya." B-babalik pa po kasi siya ng Maynila at gagabihin na siya masyado sa daan," iyon lang ang naisip niyang palusot at iniiwasang mapatingin sa mga mata ng matanda." Ganu'n ba?" Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot niya pero hindi na rin nagtanong pa.Ibinuhos niya ang atensiyon sa pagliligpit nga mga kalat at paghuhugas ng mga pinggan.
Kanina pa niya hinihintay si Kyle. Hindi siya umuwi agad sa bahay ng mga ito bagkus ay ginugol niya ang oras sa mall. Alas sais na ng gabi nang maisipan niyang umuwi. Kapag gabi kasi ay hindi sila laging sabay mag-dinner sa bahay ng mga del Espania dahil lagi ay nauuna nang kumakain si Mrs del Espania para makapagpahinga nang maaga. Si Clyde naman ay laging may dinner meeting sa mga clients ng kumpanya. Si Kyle lang ang laging kasabay niyang kumakain ng dinner lalo't sila ang laging magkasama sa trabaho.Nakaidlip na siya't lahat pero wala pa rin si Kyle. Bumaba kasi siya nang magising ng mga alas-nuebe ng gabi pero ang sabi ng katulong na napagtanungan niya ay hindi pa dumating si Kyle.Nang tingnan niya ang oras uli ay malapit nang mag-alas onse. Lumabas siya ng kwarto. Sakto namang nakasalubong niya si Clyde na mukhang kakauwi lang at papunta na sana ng kwarto nito." Ang sabi ng katulong ay hindi ka pa raw kumakain?" Iyon agad ang salubong na tanong ni
Maaga pa rin siyang nagising kinabukasan kahit parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Determinado kasi siyang ayusin ang sa kanila ni Kyle. Gusto niyang mapansin siya ng lalaki kaya't imbes na magsuot ng mga normal niyang isinusuot ay namili siya ng damit na hindi aabot hanggang tuhod ang haba. May nakita naman siya sa cabinet niya. Isa iyon sa pinamili ni Kyle para sa kanya na itinabi niya dahil akala niya ay hindi niya talaga kayang isuot iyon. Kulay itim ang damit na hapit sa katawan niya. Pinaresan niya iyon ng sapatos na pula na may heels. Iniulgay niya ang buhok saka nagsuot ng hikaw. Papatungan niya sana iyon ng blazer pero tinanggal din. Kung gusto niya talagang maging kasing-sexy ng Brianna na iyon, dapat ay magpakita siya ng balat. Sleeveless ang damit at maikli pero hindi naman siya mukhang babaeng nagbebenta ng aliw sa gabi. Maganda pala ang legs ko, oh! Napatitig pa siya sa legs niyang naka-expose dahil hindi niya sinuo
Alam niyang nagmumukha siyang katawa-tawa dahil nakapostura pa siya with high-heeled shoes para lang mamulot uli ng mga nagkalat na mga gamit at damit ng mga modelo. Pinagtitinginan pa siya ng ibang modelo habang wala sa sariling pinupulot ang mga kalat ng mga ito. Hindi niya alintana ang mga makahulugang tingin or kung ano mang pinagsasabi ng iba. Mas nakapokus ang isip at nararamdaman niya kay Kyle at sa sakit na nararamdaman ng puso.Kanina pa rin sumasakit ang mga paa niya dahil sa haba ng takong ng sapatos na suot. Kung andu'n lang siguro si Venus ay dinamayan na rin siya nito pero laging may out of town pictorials ang babae. Nanghihinang napaupo siya sa isang kahon sa tabi habang hinuhubad ang sapatos.Gusto niya sanang tawagan ang lola niya pero hindi niya muna gagawin iyon dahil baka may masabi siyang hindi dapat dahil sa estado ng nararamdaman niya ngayon.Give up na ba, Tasyang?Umiling-iling siya habang nasa mukha ang dalawang kamay
Dumiretso siya ng uwi sa bahay ng mga del Espania. Kinandado muna niya ang puso para huwag munang makaramdam nang kung ano habang sinusulat ang resignation letter niya. Nag-impake na rin siya ng gamit para umuwi na sa kanila nang araw ding iyon. Alam niyang magugulat ang lola niya kapag nakitang bitbit na niya ang lahat ng mga gamit.Natigilan siya nang makita ang panggayuma na libro ng lola niya habang inaayos ang mga gamit. Biglang parang piniga uli ng malalaking mga kamay ang puso niya. Maya-maya ay nawala uli ang ekspresyon sa mukha niya at basta na lang itinapon sa basurahan ang libro na iyon. Itinapon niya pati na ang pink rubbber shoes at masquerade mask na isinuot niya sa party. Iniwan niya sa cabinet ang lahat ng mga damit na binili ni Klyde para sa kanya. Mabuti na lang at nasa studio pa rin ang gown na gawa ni Venus. Sasabihan niya na lang ang model na kaibigan tungkol doon.Nagpatawag siya ng taxi. Gusto niya sanang magpaalam nang personal kay Mrs. del Espa
Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan. Ilang minuto na lang at nasa Pilipinas na siya. Ilang taon na nga ba mula nang umalis siya ng bansa? Mag-aanim na taon na pala mula nang lumipad siya papuntang London.Mula nang malaman niyang si Reina Grande pala ang tunay niyang ina ay nagiging maayos ang takbo ng buhay niya. Ipinadala siya nito sa London para mag-aral. At dahil na rin sa kahiligan at sa kompanyang meron ang ina ay nag-aral siya sa College of Fashion sa bansang iyon.Hindi madaling tanggapin na si Reina Grande pala ang inang umabandona sa kanya. Naroon ang hinanakit niya sa ina dahil pinabayaan siya nito ng mahigit dalawampung taon pero sa paliwanag nito at ng lola niya ay naintindihan niya ang lahat.Nang mamatay sa aksidente ang ama niya ay may kasama itong ibang babae. Buntis na noon ang ina niya sa kanya. Hindi naging madali rito ang natuklasan na ang asawa nito ay namatay at may kasama pang kabit. Nang ipanganak siya ng ina ay
Sa ikatlong araw ng balik niya sa bansa ay sinamahan siya ni Shirley na bumisita sa bayan nila. Ang bahay ng lola niya ay nabawi nila sa bangko pero walang nakatira doon sa loob ng ilang taon. Ang anak ni Aling Meding kasi ay pinag-aral nila sa Maynila at doon na nagtatrabaho. May pumupunta sa bahay nila para maglinis isang beses isang linggo. Wala naman kasi silang kamag-anak na pwede nilang patirahin muna sa bahay habang wala sila dahil may sariling bahay din ang mga ito. Ang iba naman ay nasa Maynila kagaya ng Ate Joy niya.Dumiretso sila ng bahay. Gusto niyang maiyak nang makita ang bahay na iyon. Andami niyang magagandang alaala du'n. Bigla pa siyang napatakbo nang makita ang lumang bike. Doon na talaga siya naiyak habang maingat na hinawakan iyon. Para bang kahapon lang nu'ng huli niyang sinakyan iyon. Bigla ay nakita niya ang eksena kung saan ay napasubsob ang mukha niya sa ebak ng kalabaw nang matumba ang bike. Napatawa siya nang maalala iyon. Nawala rin naman agad an