KANINA PA AKO nakatitig dito sa hawak kong magazine. Miss ko na siyang makita sa mga television interviews niya, sa mga runway shows na pinapalabas sa TV o kaya sa YouTube pati sa mga online articles tungkol sa modeling career niya.
Huminga ako nang malalim habang sinasalubong ang matiim na titig sa akin ni Damon Montesoir sa cover ng Men's Health magazine na hawak ko ngayon. Sobrang nalulungkot ako sa nangyari sa kaniya. Hindi ko akalain na magiging ganoon ang career niya bandang huli. Inilipat ko ang tingin sa mga posters, pictures at magazine covers niya na nakadikit dito sa pader ng kuwarto ko. Sobrang gwapo niya. Sobrang perfect. Sayang. It had been two years after the incident na kinasangkutan niya na talagang nagpagulat sa akin, sa mga tagahanga niya at sa mundo ng modeling industry. Kinuha ko ang newspaper na nakapatong sa mesa at binasa ang mga headline patungkol sa kaniya noon.
Shocking news: Damon Montesoir is involved in a car accident in Manila City
The downfall of Damon: All his endorsements end their contracts with him
The world of fashion and modeling industry are shocked about Damon Montesoir's car accident
Why we need to talk about Filipino-Spanish model Damon Montesoir and his accident
Sumikip ang dibdib ko. Dalawang taon na pero sobrang nasasaktan pa rin ako para kay Damon. Anim na taon ko na siyang hinahangaan. Hindi ko nga alam kung paghanga pa nga ba ito. Agad akong napatingin sa pinto nang may kumatok.
"Pasok," sabi ko. Pinatong ko na sa mesa ang mga hawak ko. Sinalubong ako ng irap ni Jeanne. Pinsan ko siya. Tumabi siya sa 'kin.
"Sus, nagdrama ka na naman dito sa kuwarto mo. Ano 'to? Pagda-drama tribute for second year anniversary ng aksidente niya?" sabi niya at tinuro ang pader ko na puro mukha ni Damon ang nakadikit.
"Tsk," sabi ko at inirapan ko rin siya pabalik.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata niya. "Emma, wala na ngang balita sa kaniya for two years after ng nangyari. Alam mo naman ang mga balita patungkol sa kaniya dahil abang na abang ka sa nangyari sa kaniya noon. Sinama-sama mo pa 'ko sa ospital kung saan siya naka-confine. May napala ka ba?" paalala niya sa 'kin.
Napakagat-labi ako. Umabsent pa 'ko that time sa school para lang subukang makita siya kaso hindi ko naman siya nakita. Pinaabot ko na lang 'yong letter na sinulat ko para sa kaniya sa isang lalaki sa loob ng hospital.
"Kaya kung ako sa 'yo, Emma, itigil mo na 'yan, okay? Naiintindihan pa kita dati noong mga panahong sikat siya pero ngayon na two years nang walang balita sa kaniya tapos nagkakaganyan ka. Diyos ko naman. Nakakatulog ka pa ba?"
"Nakakatulog naman ako. Minsan lang talaga ay naiisip ko 'yong nangyari sa kaniya. Nalulungkot lang ako," malungkot na sabi ko. Napayuko pa ako.
"Minsan mo lang iniisip? Tignan mo nga 'tong kuwarto mo puro posters niya. Halika na. Kakain na tayo. Hinihintay na tayo ni Mama sa labas."
Hinila niya ako palabas ng kuwarto ko at nagpahila naman ako. Dito ako nakatira kay Tita Cita na mama ni Jeanne. Pitong taon ng biyuda si tita at hindi na siya naghanap ng iba. Ako naman ay malas. Namatay 'yong mama ko pagkapanganak sa akin tapos 'yong tatay ko hindi niya matanggap dahil mahal na mahal niya si mama kaya nagpakalunod siya sa alak at namatay siya noong six years old palang ako. Si Tita Cita na ang kumupkop sa 'kin. Pinaramdam sa 'kin ni tita na parang may mga magulang pa rin ako. Pinag-aral niya ako pero huminto ako noong fourth year college kasi maraming pinagkakagastusan si tita. Si Jeanne na lang muna ang pinag-aral niya. Ayos lang naman sa 'kin kasi si Jeanne naman talaga ang dapat niyang unahin dahil anak niya 'yon. Sa ngayon, naghahanap ako ng bagong trabaho dahil kulang pa ang perang naipon ko sa pagko-call center para sa tuition fee ko dahil gusto ko talagang makapagtapos. Seasonal account lang kasi ang in-apply-an ko at halos two months lang 'yon.
"Naku, Ma. Si Emma nagpa-drama tribute na naman para kay Damon sa kuwarto niya," napatingin ako kay Jeanne habang ngumunguya ako ng pagkain.
Natawa naman si tita. "Hay, Emma. In love ka na talaga kay Damon. Kailan ba mawawala 'yang nararamdaman mo sa kaniya?"
Ngumiti na lang ako at hindi na lang sumagot. Hindi naman kasi nila ako maiintindihan. Ewan ko rin ba sa sarili ko. Sa malayuan ko pa nga lang nakikita si Damon pero grabe na 'tong nararamdaman ko sa kaniya.
Unang beses na nakita ko siya ay noong traffic sa EDSA habang nakasakay ako sa UV at saktong tumigil sa gilid ng malaking billboard. Natulala ako sa model sa billboard. Siya 'yon. Sanay naman na 'kong nakakakita ng mga billboard ng models pero nakuha talaga niya ang atensiyon ko. Kakaiba siya. Sobra. Sana ay okay lang siya ngayon. Sana talaga.
SOBRANG INIT HABANG naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada. Nagpasa ako ng resumé sa mga kilalang fastfood restaurants. Sana matanggap ako. First time ko lang magpasa ng resume sa mga fastfood at lahat talaga ng mga nakikita ko sa loob ng mall o kaya sa gilid ng kalsada ay pinasok ko at nagpasa ako ng resumé. Naubos nga 'yong sampung ginawa ko. Sana naman isa sa sampung pinagpasahan ko ay may tumanggap sa akin for initial interview. Nahihiya na rin kasi ako kay tita dahil pati personal kong pangangailangan ay siya pa ang nagpo-provide. May business kasi 'yon si tita sa palengke. Nagbebenta siya ng karne, isda at gulay. Malakas ang benta sa puwesto niya pero ngayon ay medyo kulang 'yon dahil may mga gastusin sa bahay.
Napahinto ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang billboard sa kabilang kalsada.
Welcome back, Ana Marie Ramorez! We are proud of you!
Natigilan ako. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Nakita kong kahalikan siya ni Damon noon sa isang online article dati. Sikat na pala siya. First ever Filipina na naging Victoria's Secret model. Bigla ko na naman tuloy naalala si Damon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at natapat ako rito sa isang mamahaling restaurant. Kahit nandito ako sa labas ay alam kong maganda sa loob. Ang cozy at elegant ng dating. Halatang pang-mayaman.
Mag-apply din kaya ako rito? Napailing ako. 'Wag na lang mukhang hindi naman ako bagay d'yan. Nakita kong may lumabas na isang matandang babae. Maganda siya kahit matanda na. Simple lang 'yong suot niya pero halata mong mayaman. May dala siyang mamahaling bag. Hermes ang tatak. Tinignan ko lang siya hanggang sa binubuksan niya na ang kotse na nakaparada sa parking lot ng restaurant. Ang ganda rin ng kotse. Nagsalubong ang mga kilay ko nang biglang may lalaking nakatakip ang bibig pati ilong at tanging mga mata niya lang ang makikita. Bigla siyang lumapit sa matandang babae at mabilis na hinila ang Hermes bag ng matanda. Nagulat ako. Holdaper siya! First time ko lang makakita ng ganito sa personal at malapitan.
"Let go of my bag! Help! Help me!" sigaw ng matanda.
Pilit inaagaw ng lalaki ang bag ng babae. Naawa ako sa matanda kaya nilapitan ko sila.
"Kuya, maawa po kayo sa matanda," sabi ko. Masamang tumingin sa akin ang lalaki.
"Please, young lady. Help me!" naiiyak na sabi ng babae nang tinutukan ito ng kutsilyo sa may leeg.
Nanlaki ang mga mata ko. "Kuya, 'wag n'yo po siyang sasaktan! Saklolo! Guard tulungan n'yo po kami!" sigaw ko.
Tuluyan nang nahablot ng lalaki ang bag ng matandang babae. Nagulat ako dahil lumapit sa akin ang lalaki at naramdaman ko ang matulis na bagay na sinaksak niya sa tagiliran ko. Nanlabo ang paningin ko nang makita kong naging kulay pula ang white shirt ko sa bandang tagiliran. Nakatakbo na ang lalaki.
"Oh my god, young lady! You're bleeding! Help us! Help us!" sigaw ng matanda. Sobrang sakit ng tagiliran ko. Agad na may lumapit na guard.
"Where are you? We were screaming for help. Oh my god, help her please! Take her inside my car," histerikal na sabi niya. Naramdaman kong inaalalayan ako ng guard hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse ng babae.
"I'm very sorry, young lady. I'm really sorry," ani ng matanda at unti-unti akong nanghina hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
NAGISING AKO SA isang magandang silid. Tumingin ako sa kabuuan ng kuwarto at puro malalaking vase ang nakikita ko. May mga paintings din. White curtains. White ceiling. Lahat ay halos kulay puti. Maaliwalas ang silid. Teka, nasaan ba 'ko? Ano ba'ng nangyari? Umupo ako sa kama at napakagat-labi ako nang maramdaman ko ang kirot sa bandang tagiliran ko. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sinaksak ako ng lalaking holdaper sa tagiliran. Pero nasaan ako ngayon? Dahan-dahan akong umalis sa kama at napansin ko ang puting bestida na suot ko. A silk white dress na hanggang ibaba ng tuhod ko. Inalalayan ko ang sarili ko sa paglalakad habang nakahawak ako sa tagiliran ko. Ramdam kong ginamot na ang sugat ko. Pero sino ang gumamot?
Lumabas ako ng kuwarto at namangha ako sa nakita ko rito sa labas. Mansion pala ito. Sobrang laki. Wala akong makitang maliliit na mga bagay sa paligid ko dahil puro malalaki ang mga naka-display. Ang kikintab din ng mga pader at halatang nililinis talaga. Namangha pa ako dahil may malaking chandelier na nakasabit sa ceiling. Patuloy ako sa paglalakad nang dahan-dahan para tignan ang kabuuan ng mansion. Napatingin ako sa saradong pinto na katabi ng kuwartong nilabasan ko kanina. Mukhang maraming kuwarto rito. Hindi naman kataka-taka dahil mansion 'to.
Ilang saglit kong tinignan ang pinto ng kuwarto na 'yon bago ako naglakad papunta sa malaking portrait frame na nakasabit dito sa makintab na pader na katapat ng hagdan pababa. Black and white ang portrait. Tinignan ko nang malapitan para makita ko kung sino-sino ang nasa portrait. Isang matandang lalaki pero halatang guwapo noong kabataan pa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong matandang babae sa portrait. Siya 'yong na-holdap kanina! Inilipat ko ang tingin sa isang lalaki. Nakangiti ito. Guwapo siya. Huli kong tinignan ang isa pang lalaki na nasa portrait. Seryoso ang mukha. Pamilyar ang mukha niya.
Bago ko pa ma-proseso sa utak ko kung saan ko siya nakita ay nakarinig ako ng mga hakbang mula sa likuran ko palapit sa akin.
"Who are you?" matigas ang boses ng taong nasa likuran ko. Boses ng lalaki' yon.
Napasinghap ako at mabilis na lumingon. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya 'to. Siya 'tong nakikita ko sa harap ko ngayon.
Muli akong napatingin sa lalaking tinitignan ko sa portrait picture at binalingan ko ng tingin ang lalaking kaharap ko ngayon. Siya nga. Napangiti ako. Sa wakas.
Damon.
ILANG BESES NA yata akong kumukurap pero hindi talaga ako nananaginip. Nasa harapan ko na si Damon! Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ngiti ba ang ginagawa ko dahil feeling ko ay nakangiwi ako na hindi ko maintindihan. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-white shirt siya, blue maong shorts at blue slippers. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kaniya at napalunok ako dahil galit na galit siyang nakatingin sa 'kin. May ginawa ba 'kong mali?"Who are you? Pa'no ka nakapasok dito?" galit na tanong niya at salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa 'kin.Kinabahan ako bigla. Hindi naman ganitong eksena ang ini-imagine ko noon bago ako matulog at paggising ko sa umaga sa oras na makita ko siya ng harapan."Hindi ko rin po alam," sag
DAMN THAT WOMAN... that beautiful woman with beautiful curly hair.Umakyat ako ng kuwarto ko at dumiretso ako rito sa bathroom dahil nag-iinit ang ulo ko. Where the hell my mother got that woman? One of the things I didn't like about my mom was she was too kind to everyone. Gaya na lang ngayon, bigla-bigla na lang siyang nagpapapasok ng kung sino-sino rito sa mansion. Based on the facial expression of that woman, I was sure namumukhaan niya 'ko kahit iba na ang hitsura ko ngayon. Napangisi ako.Kilala niya ako sa dati kong mukha.Two years... two years after the incident ay wala na. Bigla na lang naglaho ang lahat. Wala na 'kong mga endorsements. Iniwan nila ako na parang maruming hayop. Araw-gabi akong pinag-uusapan sa social media and modeling industry noon. Pati mga babae ko
TAKANG-TAKA AKO HABANG tinitignan ko si Liam na kumakain nang magana. Bakit pakiramdam ko ay parang gusto ako ng aso ni Damon? Hays, lalo tuloy akong napatingin kay Liam. Kung gusto rin sana ako ng amo mo ay mas matutuwa ako!"What's with that look?"Napaangat ako bigla ng tingin nang marinig kong magsalita si Damon. Nakatitig pala siya sa 'kin. Kapag tinititigan niya 'ko ng ganiyan ay lalo ko siyang nagiging crush! Kaya dapat talaga walang makaalam sa mansion na 'to na may crush ako sa kaniya. Hindi ako dapat magpahalata na marami akong alam tungkol sa kaniya. Hindi naman sa ayaw ko na sa kaniya ngayon, sadyang nahihiya lang kasi ako. Mahihiya ang mga naglalakihang posters at printed pictures sa kuwarto ko kapag nalaman niyang may gusto ako sa kaniya noon pa.Napatuwid ako ng tayo. "Ha?"
SOBRANG SAYA NG gising ko! Tuwang-tuwa ako sa nangyari kahapon. Kinausap ako ni Damon nang hindi na siya galit sa 'kin tapos nagbibiruan pa kami. Napayakap ako sa unan. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang lapit ko na lang kay Damon samantalang dati ay nakikipagsiksikan pa 'ko sa maraming tao para lang makita siya. Napangiti tuloy ako lalo nang maalala ko 'yong unang beses na pumunta ako sa autograph signing ng magazine issue niya five years ago..."Emma! Magdahan-dahan ka nga. Sumama ako sa 'yo rito kasi gustong-gusto mong makita si Damon ng personal pero kung hihilain mo 'ko nang hihilain iiwan kita rito!" naiinis na sabi sa 'kin ni Jeanne.Napatingin ako bigla sa kaniya. "Sorry na, gusto ko lang naman makita si Damon. Tara na."Hinawakan ko ang braso niya. Hindi ko na siya hini
I TOOK A deep breath. Tatlong oras na 'ata akong nandito sa swing. Tatlong oras ko na rin iniisip si Emma. Honestly, I hated the way she made me think of her without her knowing it. I also hated myself for telling her something personal about myself and about my issues. I have never told anyone about what happened to me. I didn't have any idea why it was so easy for me to tell her those things and I would lie if I told myself that I didn't like her responses because I did like it. It seemed like she knew me. She knew what I feel at all and I didn't like that. I didn't like the thought of a woman who knew something about me.Nasanay akong kilala ako ng mga babae sa kama and I already knew that I cannot have her. That beautiful girl with long curly hair was not my type. She was too innocent. She was too kind to me. She was too young. She was to---I shrugged my mind off. Walang magandang mangyayari kung iisipin ko siy
FEELING KO AY walang humihinga sa 'ming dalawa rito sa loob ng kotseng minamaneho niya. Pasimple ko siyang tinignan. Kita ko ang kanang bahagi ng mukha niya. 'Yong walang peklat. Nakasuot siya ng black cap na paharap tapos 'yong mahaba niyang buhok ay nakatali. Ang guwapo niya. Nakasuot siya ng plain white shirt at maong shorts tapos naka tsinelas siya. Ang cute ng toes niya. Ang pink! Napangiti tuloy ako."What are you smiling at?"Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. Nagulat kasi ako. Diretso 'yong tingin niya pero bigla-bigla siyang nagsasalita. "Wala. Salamat sa paghahatid sa 'kin," sagot ko.Tinuro ko na sa kaniya pagkasakay ko rito 'yong ruta ng bahay ni tita. Hindi naman ganoon kalayo. Napansin kong mahigpit ang hawak niya sa manibela at ingat na ingat siyang mag-drive. Ang alerto rin ni
I CAN'T FUCKING sleep!Kanina pa 'ko galaw nang galaw dito sa kama ko. Paiba-iba ako nang ayos ng higa pero hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan 'yong ginawa ko kanina kay Emma sa kotse. Sobrang tamis ng mga labi niya. Ang lambot. I was so glad I had the privileged to be her first kiss. I didn't know what has gotten into me. Hindi ko dapat siya iniisip! Ilang araw lang naman siya nandito sa mansion kaya bakit iniisip ko siya?Tumayo ako at dumiretso sa glass window nitong kuwarto ko. Tumingin ako sa kawalan. I can't stop thinking about her beautiful face. Her sweet lips. Her smile. Her talkative mouth. She was a talkative girl. Sa ilang araw na nandito siya ay pansin kong kasundo na niya agad 'yong mga kasambahay namin lalo na si Manang Dehlia. Pati nga si Liam ay kasundo na niya agad even my parents. Samantalang 'yong ibang mga naging babae ko noon ay ayaw n
"KUYA, SURE KA talaga sa sinasabi mo? Hindi ka po nagbibiro?"Ilang ulit kong tanong sa guard at ilang beses na rin niya akong sinasagot nang paulit-ulit. Natawa na siya sa 'kin. Nakukulitan na 'ata siya. Ngayon na kasi ang araw na mag-a-apply ako sa restaurant nila Damon. Kung apply nga bang matatawag 'to dahil hired na ako. For formality na lang siguro itong ngayon at para ma-interview na rin ako."Yes po, Ma'am. Kanina ka pa hinihintay sa HR. Ni-request ni Ma'am Estela sa HR na maaga silang pumasok para in case maaga kang pupunta rito, hindi ka na maghihintay."Nag-move na ako sa another question. "E, after lunch na po ako ngayon nakarating. Baka inip na inip na sila. Nakakahiya po. Okay lang po kaya 'yon?""Okay l