Share

3

Kabanata 3

I was bored the whole time. Palaging ganito sa mga sumunod na tatlong Linggo.

Nabubuhay lang ako tuwing kausap ko ang kaibigan na si Kola sa tawag tuwing gabi.

She told me stories about her escapades in Siargao. Last week kasi ay tumulak na silang pamilya para magbakasyon. Natutuwa naman ako tuwing nagkwekwento siya. I can imagine how beautiful Siargao is and how I wanted so much to paint it.

Kung sana lang talaga ay may gamit ako.

Dahil sa mga kwento niya ay napa-search tuloy ako sa internet para tingnan ang mga litrato ng Siargao.

It was beautiful and majestic!

I wonder if there is a beach near here in Escala too?

Nakaka-isang buwan at isang linggo na ako rito pero hindi pa rin ako nakakalibot.

"Sila Daddy po?" I asked our maid. Galing ako sa syesta at nang nagising ay naisipang bumaba.

Mukhang naghahanda ang kasambahay para sa dinner mamaya. It's still early though. It's still 4PM.

"Umalis, hija. Kasama ang Mommy mo. Mamaya pa ang dating. Mga alas sais ay paniguradong nandito na sila. May kailangan ka ba?" tanong sa akin ng matanda.

Umiling ako habang pinapanood silang abala sa paghahanda ng mga rekados.

"Wala naman po. I'm just…bored. Sila Ate Ruby po nasaan?"

"Hindi ko napansin pero siguro ay lumabas din."

Tumango ako. I heard they have friends here so maybe that's why. I don't know anyone here so…it's understandable that I cannot meet anyone

Nagpaalam ako at umalis na sa dirty kitchen.

I'm bored! This is so boring! Hindi ko maistorbo si Kola dahil nasa byahe na raw sila para sa susunod naman na destinasyon na pupuntahan.

Kung mananatili naman ako sa bahay o sa aking kwarto nang walang ginagawa, maiinip lang ako.

Kaya sa huli, napag-isipan kong lumabas na lang ng bahay. Wala kaming security dahil anila, safe naman daw dito sa Escala at kilala ang pamilya namin rito kaya hindi na kailangan ng ganoon.

Sa isang gate ako dumaan at nang makalabas, inangat ko saglit ang tingin sa aming bahay.

Saka ko palang naisip na magpaalam kila Dad na maglilibot lang ako saglit.

Kinapa ko ang bulsa ng suot kong short pero hindi ko makapa ang phone ko.

Oh shit! Naiwan ko nga pala sa kwarto!

Should I go back?

Nakita kong lumabas ang isa sa mga kasambahay namin na si Ate Rosa. My eyes widened.

Nakita kong kinuha nito ang isang hose para diligan ang mga halaman. Nagtago ako para hindi ako makita.

Wala naman akong masamang ginagawa pero bakit kinabahan ako?

Bahala na nga! Hindi ko na babalikan ang phone ko. Uuwi naman ako agad bago pa dumating sila Daddy.

Nagsimula akong tahakin ang daan hanggang sa makalayo na sa aming bahay. Nawili naman ako sa mga bahay na nadaanan nang lumabas na sa subdivision. May mararangya at may simple.

Nangangati tuloy akong magpinta.

Nagtagal ang mata ko sa nadaanan na isang field. Medyo malawak ito at may mga kambing roon. Natuwa ako kaya tumigil ako para pagmasdan ang pagkaberde ng lugar at ang kambing na kumakain ng damo.

This is something I cannot see in Manila.

Sayang lang at hindi ko dala ang phone ko para kuhanan ng litrato ang magandang tanawin.

Naglakad pa ako habang titig na titig pa rin sa field. Tumigil lang ako nang nakalagpas na roon. Mabuti na lang at hindi mainit dahil hapon na. Maganda rin ang ihip ng hangin. Sariwa.

Nakailang liko ako tuwing may dalawang daan na makikita.

Hanggang sa natanaw ko ang isang parke. Mabilis na tumungo ako roon at umupo sa isa sa mga swing. Tinulak-tulak ko ang sarili habang nililibot ang mata sa paligid.

Mayroon akong nakitang mga batang naghahabulan at nag-aaway pero magkakabati rin.

Mayroon rin na isang pamilya na mukhang nag-bo-bonding. May dalawa silang batang anak na binabantayan.

Ngumiti ako ng tipid.

Hindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating ko pero pakiramdam ko ay hindi naman sobrang layo.

Imbes na maglakad pa ay nanatili na lang ako sa parke. Napagod na rin kasi ang paa ko kakalakad. Inubos ko na lang ang oras ko sa panonood sa mga bata at ilang matatanda na tumatambay din.

Ngunit bumalik ako sa reyalidad nang bigla na akong nangati. May mga lamok na kasing dumadapo sa balat ko. Hindi ko din napansin na madilim na pala!

Napatayo ako galing sa pagkakaupo sa swing.

Sinipat ko ng tingin ang relo ko at nakitang lagpas alas sais na!

"Shit!"

Umalis ako sa parke at tinungo ang daan ko kanina para makauwi.

Pero dahil nakalayo na ako sa parke at wala nang ilaw sa dinadaanan ko ay nahirapan ako.

Madilim kaya hindi ko alam kung tama ba itong dinadaanan ko! But I'm sure this is the right path!

Tumigil ako. Sinubukan kong ilibot ang mata pero wala akong makitang kabahayan.

Nasaan na ba ako? Bakit walang mga tao at bahay sa parteng ito? Hindi ito ang natatandaan kong nadaanan ko kanina.

Naestatwa na ako sa kinatatayuan, hindi na alam ang gagawin. Masyado akong nagpabaya at hindi tinignan ang oras. Ngayon, eto. Nahihirapan akong makabalik.

Paniguradong nasa bahay na sila Daddy at 'pag nalaman nila na wala pa ako ay baka mag-aalala sila at mapagalitan pa ako.

Napa-skwat ako at niyakap ang aking tuhod. Natatakot dahil sobrang dilim. Natatakot dahil baka kung anong mangyari sa akin dito.

Should I ask for help?

May ilaw na nanggaling sa may likuran ko. Lumingon ako at may nakitang tricycle!

Nabuhayan naman ako ng loob at mabilis na tumayo. Tumigil ang tricycle sa gilid ko nang siguro'y napansin ako.

"Oh. Miss, madilim dito. Nawawala ka ba?" tanong ng matandang driver.

Mabilis na umaliwalas ang mukha ko.

"O-opo. Nawawala ako."

"Kung ganon ay sumakay ka na. Dadalhin kita sa inyo," alok ng driver. Natuwa ako.

Pero saglit lang iyon. Because I saw how his eyes checked me. Ngumisi ito na hindi mapagkakatiwalaan.

O baka masyado lang akong judgmental?

Hindi naman sigurong masamang driver ito. I heard the people here in Escala are good people!

"Saan ka ba at nang mahatid kita sa patutunguhan mo?" tanong niya.

Maybe I was just overthinking.

"Ah. Address. Sa…ano po…" hindi ko masabi ang eksaktong address dahil hindi ko naman alam ang address ng bahay namin!

Bago ko pa masabi na sa mansion ng mga Asuncion ang bahay ko ay isang malakas na busina ang narinig namin kaya napalingon kami kung saan nanggaling iyon.

Mukhang palapit pa lang ito. Masyadong maliwanag ang ilaw na nanggaling doon pero nasisiguro kong galing sa motorbike iyon. Lalo na sa tunog.

"Puta. May asungot pa! Masosolo ko na sana!"

Nilingon ko ang driver dahil sa bulong niya. I'm not sure if I heard it right.

Kumunot ang noo ko. Nagtagal ang titig ko sa driver kaya hindi ko napansin na wala nang tunog ng motor akong narinig.

"Mang Adoy…"

I saw how the driver stiffened.

"Oh! I-Ikaw pala iyan, Raf. Akala ko naman kung sino," ani ng driver at pilit na tawa.

Nilingon ko ang tinitingnan niya sa sobrang kuryoso.

Umawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang palapit. Sa likod niya ay ang motor.

Bakit nandito ang isang ito?

Rafael did not find humor in what the driver said. Instead, his eyes immediately found mine. His eyes were so intense that I could feel the coldness in it. Pabalik-balik din ang igtingnan ng panga niya.

"Nako, eh, nakita ko dito itong babae. Mukhang nawawala. Ihahatid ko sana sa kanila," paliwanag agad ng driver at bahagyang tumawa.

But I sense fear in his voice. Napansin ko rin na kilala niya si Rafael.

“Ako na ang bahala dito, Mang Adoy. Pumanhik na kayo," seryosong saad ni Rafael nang hindi sinusulyapan man lang ang driver.

His eyes are just fixed on me. Para bang makakatakas ako kung mawawala ang tingin niya sa akin.

"O-osiya. Sige, Raf. M-Mauuna na ako," ani ng driver. Nagkamot siya ng ulo bago ako sinulyapan.

"Ah. Pasensya ka na, Miss. Mauna na ko. Raf, pasensya na ulit."

Tumango ako sa matanda. "Sige po."

The driver nodded and immediately started his tricycle's engine. Agad itong umalis hanggang sa hindi ko na matanaw ang kaniyang tricycle.

Naghari ang katahimikan. Ramdam ko ang mga titig sa akin ng kasama ko.

"Ayos ka lang ba?" I heard him asked. Malumanay. Taliwas sa mapanganib na tono niya kanina sa driver.

Saka ko siya sinulyapan. He's towering over me. Alam kong matangkad siya pero mas lalo kong nadepina ngayon kung gaano siya katangkad.

6 footer or more. He's...massive.

"Bakit ikaw ang nandito? Hinahanap na ba ako? Pinadala ka ba dito nila Dad para iuwi ako?" sunod-sunod na tanong ko.

Naiirita pa rin ako sa kaniya. I don't want to interact with him but if my family is looking for me, then I have to.

Tauhan siya ni Daddy at baka nga ipinadala siya rito. Siguro pinaghahanap na ako sa buong Escala at nagkataon lang na siya ang nakakita sa akin.

"Nag-aalala na ba sila sa akin?" I asked again. Inisiip ko pa lang na nag-aalala sila Daddy ay umiikot na ang tiyan ko sa tuwa.

Matagal siyang hindi nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Tila binabasa ako. His eyes surveyed me a bit before he sighed.

At nang bumuka naman ang bibig niya ay hindi niya sinagot ni isa man lang sa mga tanong ko.

"Tara na. Iuuwi na kita sa inyo."

I'm sure my parents are already looking for me. Ilang oras rin akong wala sa bahay. Paniguradong nag-aalala na sila. Kaya nang tumalikod siya at humakbang na, sinundan ko siya.

"Dala mo ba ang phone mo? Nagpaalam ka ba na aalis ka at kung nasaan ka ngayon?"

Nasa likod niya ako, nakasunod. Bakit niya natanong iyon? Isn't it obvious? Kaya nga ako pinapahanap sa kaniya dahil hindi ako nagpaalam. But still, I answered him.

"Naiwan ko sa kwarto kaya hindi ako nakapagpaalam," tipid kong sabi.

"Dapat nagpapaalam ka pa rin bago ka umalis. Kahit man lang sa kasambahay n’yo. Paano kung hindi kita nadaanan?" aniya. "Baka kung ano na ang nangyari."

Umarko ang isang kilay ko.

Wow. Concern?

Umikot ang mata ko.

"Yeah. But you see, nothing happened. At saka pa mukhang mababait naman ang tao rito."

Tumigil siya at hinarap ako. Napatigil din tuloy ako. Bahagyang nagulat.

"Paano mo naman nasabi? Ngayon ka palang bumisita dito sa Escala," aniya.

Kumunot ang noo ko. My head tilted a bit.

"Ibig mo bang sabihin ay hindi mababait ang mga tao dito?"

Pinikit niya ang mata.

"Hindi iyon ang pinupunto ko," aniya na parang nahihirapan.

Dinilat niya ang mata at dumirekta iyon sa akin.

"Sa susunod, magpaalam ka sa magulang mo bago ka umalis. Dalhin mo ang phone mo at huwag kang basta kakausap at sasama kung kani-kanino. Mas maganda kung may kasama ka kung lalabas ka man. Hindi iyong ganito. Hindi mo alam ang pasikot-sikot dito sa Escala. Maliligaw ka."

Kasama? Ni wala nga akong kaibigan dito, kasama pa.

I rolled my eyes.

"Can you stop with your lines and just bring me home? Pinadala ka para hanapin ako at maiuwi, hindi para pagalitan ako."

“Hindi kita pinapagalitan. I’m suggesting something that is good for you," aniya sa matigas na ingles.

“Then, thank you for the suggestion. I will mentally note that,” saad ko at irap. “Now, can we just go home?”

Huminga siya ng malalim na parang nahihirapan siyang kausapin ako.

Bumalik siya sa paglalakad. Wala sa sariling sumunod ako sa kaniya hanggang sa nalapitan na namin ang motorbike niya.

Sumakay siya roon nang walang kahirap-hirap at kinuha ang isang itim na helmet.

Titig na titig naman ako sa kaniyang motor. Sinulyapan niya ako nang hindi pa rin ako gumagalaw. Saglit na tumaas ang isang kilay niya.

"Sumakay ka na," turan niya.

Agad lumukot ang mukha ko.

"What? Do you expect me to ride on that?" hindi ko na napigilang sabihin. Tunog nandidiri ang pagkakasambit ko no'n.

Nakasakay naman na ako sa motorbike dati pero seryoso ba? Sasakay ako sa likod niya?

“Anong problema sa motorbike ko?” aniya.

"Can you call Kuya Harold or Kuya Ben so they can pick me up from here?" I suggested instead. "I'm sure you can contact them. I can wait for them here."

"Bakit ginagawa mong kumplikado ito? Nandito ako. Wala si Harold o si Ben dito. Kaya naman kitang iuwi sa inyo gamit ang motor ko."

Kumunot ang noo ko. Naiirita na.

"Kaya rin naman akong iuwi ni Kuya Harold o ni Kuya Ben gamit ang sasakyan," giit ko, iritado at medyo mataas na ang boses.

Nanatiling nakatunghay siya sa akin kaya nagpatuloy ako.

"Look, you'll just have to call them to pick me up. Anong mahirap do'n?" I hissed.

"Ako ang nakakita sa'yo kaya ako ang mag-uuwi sa'yo," malamig na saad niya. "Pag-aawayan ba natin ang tungkol diyan?"

He's annoying.

"Sumakay ka na. Gabi na. Kailangan mo nang umuwi sa inyo."

Nanatili akong nakatayo. Nagdadalawang isip kung sasakay ba ako o hindi.

I can imagine a scene in my head. Nasa likod niya ako at nakahawak sa kaniya.

An eyesore! Iniisip ko pa lang nagtataasan na ang balahibo ko.

Sa lahat pa kasi ng dadating ay siya pa talaga!

"Bakit? First time mo? Hindi ka marunong sumakay? Do you want me to help you?" he muttered slowly. May halong panunuya roon.

Para bang hinuhusgahan niya ako.

"What? No!" bayolenteng saad ko. "I know how to ride a motor. Nakasakay na ako sa motor ni Peter dati."

That's true! Si Peter, dati kong manliligaw na ngayon ay kaibigan ko, ay sinakay ako sa motorbike niya. Kaya hindi na bago sa akin ito pero iba kasi ngayon.

Iba ang sitwasyon. Ibang tao ito.

Mabilis na nawala ang ngisi sa mukha ni Rafael. Sa isang iglap, napalitan ito ng pagkaseryoso.

"Marunong ka naman pala. Sumakay ka na kung ganoon," aniya.

"Kahit na! Ayoko ngang sumakay diyan sa likod mo! Bakit ba kasi hindi mo na lang tawagan sila Kuya Harold para sasakyan ang gamitin?" na-pu-frustrate ko nang sabi.

Nanliit ang tingin niya sa akin. "May problema ka sa pagsakay sa likod ko?"

"It's weird!"

"Anong weird doon? Sasakay ka lang naman sa likod ko. Unless you have feelings for me. May feelings ka ba sa akin?" madilim niyang tanong.

What? What the fuck?

"Wala!" bayolenteng singhal ko sa kaniya. Naiisip ko palang ay kinikilabutan na ako.

Ang feelings na mayroon lang ako sa kaniya ay inis at poot. Iyon lang.

"Gano'n naman pala eh. Sumakay ka na nang makauwi ka na sa inyo."

"Fine!" iritadong pagpayag ko.

Sa kagustuhan kong makauwi na, kinain ko ang pride ko at sumakay na sa kaniyang likod.

I should not think too much!

Inabot niya sa akin ang nag-iisang helmet na meron siya nang walang sinasabi.

Tinanggap ko iyon.

Bahala siya kung ayaw niyang siya ang magsuot nito.

Hinawakan ko ang gilid ng kaniyang damit nang natapos nang isuot ang helmet. He started the engine. Kaya naghintay na ako na paandarin niya na ng tuluyan pero hindi dumating.

Kumunot ang noo ko.

"Wrap your arms around me properly. Mahuhulog ka kung ganyan lang ang hawak mo. Akala ko ba nakasakay ka na ng motor? Hindi ba ‘yan naituro sa’yo?"

Bumagsak ang tingin ko sa paraan ng paghawak ko sa kaniya.

"Bakit ba kasi? Kailangan ba? Hindi naman lubak ang daan!" giit ko.

Alam kong probinsya ang Escala pero sa nakikita ko kanina hindi naman lubak-lubak ang daan.

"Hindi nga. But I need to drive fast. Mauubusan na ako ng gas. So wrap your hands around me, Maia. Properly. Kung gusto mong makauwi na."

Pinikit ko ng mariin ang mata ko.

"Whatever!"

I wrapped my arms around him. My hands rested on his hard warm chest like robot.

My face heated up so bad. Iritado sa pwesto namin ngayon. Nangangalay ang upper body ko dahil iniiwasan kong madikit ang dibdib ko sa kaniyang malapad na likod.

Okay. Now I feel like…this is wrong. Gusto kong umurong.

Pero bago ko pa iyon mabawi, agad na niyang pinaandar ang motorbike. Medyo nagulat ako roon kaya napasubsob ako sa likod niya.

Ang pag-iiwas ko kanina ay hindi na nagawa ng tuluyan dahil tumama na ang dibdib ko sa kaniyang likod.

Napamura ako sa isip. He's taking advantage of this!

Nang makabawi ay medyo niluwagan ko na ang hawak ko sa kaniya. Pero hindi niya ito hinayaan. Binalik niya ito sa pwesto kanina at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo.

Great!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status