Share

2

Kabanata 2

Totoo nga ang sinabi ng lalaki kagabi. Tauhan siya ni Daddy.

Kasalukuyan siyang part timer sa construction company ng aming pamilya. Anila, graduate na ang lalaki sa kursong engineering at nagre-review na lamang para sa darating na board exam. If that's the case, he's probably around 23.

Tinusok ko ang hotdog at nag-angat ako ng tingin sa nakakatanda kong kapatid na si Ate Ruby na kaedad ng lalaki.

Pinanood ko ang ginawang paghampas ng kapatid ko sa braso ng lalaking bisita sabay humalakhak. Humalakhak din si Dad at Mom.

My sister and that guy last night are already close? Ganoon kabilis? Kagabi lang sila nagkakilala ah.

Habang nagtatawanan sila ay hindi ako makasabay. Hindi ko alam kung ano na ba ang pinag-uusapan nila at ano ang dahilan ng paghalakhak nilang lahat.

I feel like an outsider here!

Nananatili ang matalim na titig ko sa lalaki.

Anger dripped on me as I watched him get along with my family. He blends well with them. Kung ibang tao ang makakakita sa eksena ngayon, maiisip nilang sila ang pamilya at ako ay hindi parte.

Na ako pa ang magmumukhang bisita imbes na siya.

I hate him. Iyon ang napagtanto ko sa lahat ng ito.

Binagsak ko ang tingin sa aking plato at pinilit ang sariling kumain habang patuloy sila sa kwentuhan.

"Kumusta naman ang pagtatrabaho mo sa kumpanya, hijo?" rinig kong tanong ni Dad.

"Masaya po. Marami akong natutunan dahil sa mga turo niyo, Engineer. It's an honor to work in your company. Lubos din ang pasasalamat ng iba dahil ang kumpanya niyo po ay nakapagbigay ng maraming trabaho dito sa Escala."

Ngumiti si Dad. Galak na galak sa narinig.

"I am happy to hear that, Rafael. Maraming may mga potensyal dito sa Escala na hindi dapat sinasayang. Kaya rin dito ko naisipang itayo ang kumpanya dahil sigurado akong magtatagal ito rito dahil sa mga masisipag na katulad mo."

"Tingin ko hindi lang po iyon ang dahilan, Engineer. Dahil na rin sa magandang pamumuno ninyo kaya matibay at tatagal ang kumpanya."

Umarko ang kilay ko sa narinig.

I can't help but scoffed. He knows how to play with words, huh? Expert na expert. Tss.

Dad let out a santa claus laugh. Hinaplos ni Mommy ang braso ni Daddy at hindi magkamaway ang ngiti nito sa bisita.

"I'm very pleased to hear that from you, hijo. Sigurado ako na kapag ang anak kong si Ruby na ang mamamahala ay mas lalago at titibay ang kumpanya," lintanya ni Dad.

"I will still need your guidance, Dad. Iba pa rin ang pamamahala mo," tugon ni Ate Ruby.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Rafael sa kapatid ko.

"Sigurado akong mapapatakbo ni Ruby ng maayos ang kumpanya, Engineer. She's smart and capable."

Nagkatinginan sila ni Ate Ruby. "Nambola pa!"

Ngumisi si Rafael.

"Totoo naman," aniya at nagkibit-balikat.

Kumunot ang noo ko habang pinapanood sila.

Tuwang-tuwa naman sila Dad na pinagmamasdan ang dalawa.

"I hope that Rafael will be with you once you handle the company, hija. Sigurado akong malaking asset si Rafael sa kumpanya," hayag ni Dad.

Ngumiti si Ate Ruby at nilingon si Rafael.

"What do you think about that, Raf?" she asked.

"We'll see about that," he replied, playfully.

Binagsak ko ang tingin sa aking plato.

He's...flirting with my sister! What the hell?

"I'm sure your parents are proud of you. Kung sana ay narito pa sila sa mundo ay sigurado akong ipagmamalaki ka nila ng husto," Mommy said beside me, her voice is laced with proudness and concern.

Hindi ako nag-angat ng tingin. Nanatili sa plato ko ang aking atensyon.

So... his parents are gone. Isip-isip ko.

"Salamat po. Sana nga ay masaya sila para sa akin."

Magsasalin na sana ako ng tubig sa baso ko nang inunahan ako ng kapatid kong si Danzel.

Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero nasanay akong hindi na tawagin siyang "Kuya" dahil malapit lang naman ang edad namin.

"His mother died after birth. Her father died of cancer when he was in highschool," biglang bulong niya sa akin habang sinasalinan ng tubig ang baso ko.

"They were not entirely poor. His father was a police officer. But since his father died, he has to work to provide for himself," dagdag niya pa nang natapos sa pagsasalin.

Nilingon ko siya.

"Bakit sinasabi mo sa akin 'yan? Hindi naman ako interesado," I whispered and rolled my eyes.

Natawa siya.

"I'm just sharing since it's your first time meeting him. Why are you so grumpy today?" bulong niya.

"Buy me art mats so I won't be," hamon ko sa kapatid.

Nawala ang ngisi niya at umiling.

"You know, I can't."

Alam ko.

Nilipat ko ang tingin sa harap. Kung saan nahagip ko ng tingin si Rafael na habang umiinom ng tubig ay nahagip din kami ni Dan ng tingin.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Anong tinitingin-tingin mo dyan?

"You're not living in your Tita's house anymore?" Danzel curiously asked this Rafael this time.

Lumipat ang tingin ng lalaki sa kapatid ko at binaba ang baso para sagutin ito.

"Hindi na. Kumuha na ako ng apartment. Malaki na ang naitulong sa akin nila Tita Sabel."

Tumango si Dan.

"Kung ganoon, mag-isa ka lang sa apartment mo ngayon?" he asked. "Or you're living with...someone?" dugtong ni Dan sa panunuyang tono. May laman ang tanong.

Rafael smirked at him and chuckled a bit. "Hindi. Mag-isa lang ako."

"Hindi ako naniniwala,” lintanya ni Dan sa kaniya. “You broke up with Kara?”

“Hindi kami naging magkarelasyon, Danzel,” paliwanag ni Rafael at nakangising umiling-iling.

“Okay. Sabi mo eh!"

Kibit-balikat ni Dan at ngisi. May kung anong pinapahiwatig ang pagngisi niya rito.

Mas lalong lumawak naman ngisi ng huli at mas napailing.

“You have a girlfriend, hijo?” tanong naman ngayon ni Dad nang marinig ang pinag-uusapan nila.

“Wala po, Engineer,” mabilis na sagot ng lalaki.

“That’s surprising. Wala ka pang nagugustuhan? Or you have a high standard? Sa talino at sipag mo ay hindi ako magugulat kung oo.”

Bumagal ang pagnguya ko sa kinakain, nawawalan ng gana dahil sa usapan.

Are we going to talk about this man for the entire breakfast?

“Hindi naman po, Engineer.”

Napatango-tango si Dad. May munting ngiti sa labi niya.

“Pero aminin mo, hijo. Maganda nga namang makakuha ka ng kapareha na katulad mong matalino at masipag din,” sambit naman ni Mommy.

Nakita ko ang paglipat ni Dad ng tingin kay Ate Ruby.

“What do you think of your mother’s idea, anak? Do you think an intelligent and hardworking woman is good for Rafael?”

Ngumiti si Ate Ruby kay Dad.

“Yes. I agree with that, Dad," kaswal na sagot ni Ate.

"May kilala ka bang babae na ganoon, hijo?" Dad shot another question.

Ngumisi si Rafael. "The only intelligent and hardworking woman I know is Ruby, Engineer."

Humalakhak naman si Daddy. “Right! Right!”

Pinanood ko ang ngiti ni Dad habang sinusulyapan si Ate Ruby at ang lalaki. Kumunot ang noo ko.

I can't believe I'm witnessing all of these!

This man is obviously flirting with Ate Ruby!

"Bakit hindi ka na lang dito manatili sa amin, hijo? You are welcome here. Para naman hindi ka nag-iisa at makatipid ka rin sa gastusin."

Medyo naalarma ako sa biglaang alok ni Mommy.

Kanina pa ako walang imik at hindi nakikisali sa usapan nila pero dahil narinig ko iyon, mabilis na nilingon ko ang ina para magprotesta.

"Mom, you don't know him yet! Bago palang natin siya nakilala. Bakit ipapatuloy niyo siya agad dito sa atin?" apila ko.

Nilipat ni Mommy ang tingin sa akin. Wala na ang ngiti at napalitan ng kunot na noo.

"What are you saying, Maia? Matagal na naming kilala si Rafael. Hindi na siya iba dito. Hindi mo iyon alam dahil ayaw mo namang sumama sa amin tuwing pupunta kami rito. Mas pinipili mong....," iling niya at hindi na tinuloy ang pangungusap.

What?

Matagal na silang magkakilala lahat? That answers why Ate Ruby and the guy seems so close! Hindi ko alam!

"And don't be rude, Maia. Bakit ganyan ang tabas ng dila mo?" mariing sambit ni Mom.

I gripped my utensils hard. Napalingon ako sa lalaki ng tumikhim ito.

"I appreciate the offer, Ma'am. Pero hindi na po. Naiintindihan ko po ang anak niyo. Kakakilala pa lang po namin kaya hindi pa siya kumportable," his low baritone voice echoed in my ears.

Bumagsak ang tingin ko sa aking plato. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Ibig niya bang sabihin kapag kumportable na ako ay pwede na siya rito? As if!

"Don't mind her, hijo. Hindi siya ang masusunod sa bahay na ito. You can stay here. Marami kaming kwarto. Huwag mo na kaming tanggihan. Para naman may makasama ka. My daughter here is interested in your crafts so it will be easy for the both of you to talk about your crafts if you're here with us," Dad said.

Nag-angat ako ng tingin kay Dad. Sinundan ko ang tingin niya. And I realized it was my sister he is referring to.

Of course, Maia! Alangan namang ikaw ang tinutukoy? Bakit? Interesado ka ba sa craft ng Rafael na iyan? Hindi, diba?

Tumango naman si Ate Ruby. "Right. You should stay here, Raf," segunda niya. "We have a library here so I'm sure you will be able to review for your board exam. Sumabay ka na sa akin magreview. I'm sure Maia will soon get used to having you around."

Tinapik ni Dan ang balikat ni Rafael at sumang-ayon din.

Pasimpleng bumuga ako ng hangin at sumandal sa aking upuan.

Great! Ngayon nagmumukhang ako lang ang ayaw siya rito!

Sa gitna ng patuloy na pag-aya sa kaniya ng pamilya ko ay nahagip niya ako ng tingin.

His eyes pierced through me for a moment. He, then, looked away to grip his glass of water and sipped on it. Nang binaba niya ay iyon tila may malalim siyang iniisip.

Umirap na lang ako dahil siguradong akong hindi na siya makakatanggi sa mga alok nila Daddy sa kaniya.

Sinong hindi makakatanggi doon? Titira siya nang walang bayad dito. Pabor na pabor iyon sa kaniya.

And who knows! Baka gamitin niya rin iyong tsansa para mapalapit sa kapatid ko at mapa-ibig ito! So he could get into our company!

Iniisip ko palang iyon ay nanunuot na ang galit ko sa lalaki.

Hindi ako magtataka kung malalaman ko na lang na tinanggap niya ang alok nila Dad.

But to my surprise, I did not see him for 2 consecutive days. Not that I'm counting!

Nadatnan ko si Dan na nasa sala at may kausap sa cellphone isang araw. Lumapit ako at saktong natapos na siya sa tawag.

"Dan..." tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako. "Hmm? What is it?"

Sinipat niya ng tingin ang kaniyang relo. At may kinuhang susi sa bulsa. Mukhang aalis.

"Where's that guy the other day? I didn't see him around," tanong ko na.

"Raf? Nasa kanila. Bakit?" tanong niya at sinipat ang phone nang may nag-text sa kaniya.

I noticed they called him "Raf". Close na nga sila.

I shifted my weight.

"Ibig sabihin, tumanggi siya sa alok niyo nila Daddy na dito manatili?" I asked in an energetic voice.

He stopped typing on his phone and glanced at me. Kumunot ang noo niya habang ako ay maaliwalas ang mukha. I can't contain it!

"You look happy," puna niya. "Oo. Tumanggi siya. But he will visit here whenever Dad needs him."

Ngumuso ako. At least he will not stay here, right? That's still good news!

Nanliit ang mata ni Dan sa akin.

"You were rude when you expressed how you dislike him being around here, Maia. Sa harap pa ni Rafael. Hindi maganda iyon."

Kumunot ang noo ko. What about it?

"Why? Totoo naman ah. Kakikilala ko pa lang sa kaniya. Normal naman na hindi ako kumportable sa kaniya."

"Still. You shouldn't not say that when he's around. You should think about his feelings."

Ngumiwi ako. Feelings? Pakialam ko sa feelings ng lalaking iyon?

Hindi na nasundan ang pag-uusap namin dahil nagpaalam na siya para umalis.

Ganoon nga ang nangyari sa sumunod na mga araw.

Bumibisita si Rafael sa bahay. Minsan ay nasa opisina siya ni Daddy. Minsan nasa sala sila at nag-uusap tungkol sa isang nilulutong proyekto. Hindi rin nagtatagal ay umaalis din. Mabuti na rin iyon para hindi kami magkaroon ng interaksyon.

There was one time though when we bumped into each other. Paalis akong kitchen at siya ay papasok dahil mukhang nautusan ni Dad.

Kumunot ang noo niya nang nagkatinginan kami. We did not greet each other. Nagkatinginan lang pero hindi nag-imikan. And I prefer that.

Kung ganoon ang magiging set-up habang narito ako sa Escala, hindi ako magrereklamo. I'm fine with that. I can handle that.

Just...not him living here.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sinthea V
gandaaaaa ng storyyy
goodnovel comment avatar
Affeyly
Parang Vince and Eury! Maganda!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status