Kabanata 1
Habang nasa veranda ng aking kwarto, tulala akong pinagmasdan ang madilim na langit. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko na wala na ako sa Manila at nandito na ako sa Escala."Maia, nariyan na ang mga bisita ng Daddy mo. Kakain na!"Hindi ko nilingon ang pinto nang kumatok ang isa sa mga kasambahay. Hindi rin naman nito hinintay ang sagot ko at mukhang umalis na.Hindi ba pwedeng dito na lang ako at magmukmok? I don't think I can face anyone right now!Akala ko kakatok ulit ang kasambahay pagkatapos ng ilang minuto na hindi pa rin ako bumaba pero hindi. Walang dumating."Cheer up, Maia Asuncion!"Binaluktok ko ang legs ko at niyakap ito habang nakaupo sa kama."Mainit pa ang ulo sa'yo ng magulang mo sa ngayon. Syempre, fresh pa ang atraso mo pero sigurado ako na kapag nagtagal-tagal, makakalimutan na nila ang pagbabawal nila sa'yo na bumili ng art materials. Hang in there, okay? Kung gusto mo bilhan pa kita e," she chuckled.It is a call with my best friend, Kola Montecillo."Tingin mo makakabalik pa ako sa Manila? I miss the Art Center and the people there.""Syempre naman! Hindi ka naman mananatili diyan forever, for sure!"I sighed. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. But it's not working."Hindi ba lagpas isang linggo na kayo diyan? Still not get used to your hometown? Naglibot-libot ka na ba?""I'm too miserable to go out. Wala akong gana.""Maia, miserable na nga ang sitwasyon mo, gagawin mo pang mas miserable. You should go out and enjoy the fresh air of the province. Walang ganyan dito sa Manila kaya sulitin mo na diyan."Napailing ako sa sinabi niya."At saka, huwag kang mag-alala. Dadalaw ako diyan sa inyo. Tapos sabay nating libutin ang Escala. Welcome naman ako siguro, no?" she chuckled.Nakuha no'n ang atensyon ko. Bahagyang na-excite sa ideyang iyon."Of course! When? So I can inform my parents. I'm bored here, Ko.""Chill! Magbabakasyon pa kami. Pero basta! I'll inform you."Somehow that made me a bit happy and excited. Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sa kaibigan ng matagal pero ayoko namang makaabala sa ginagawa niya.Habang nagmumuni sa veranda ay bumaba ang tingin ko sa aking phone. I swiped to see the photos of all my artworks.Mapait akong ngumiti.Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa nangyari sa Manila. It was the reason why I'm here in our province, Escala.My parents caught me in an Art Center instead of studying for our final exam. I was dragged out of the center. And to my surprise, when we got home, all of my things — art materials and artwork were torn and slid in a trash can!Tinago ko na nga ang mga iyon para masigurong hindi makikita nila Daddy. Pero sa huli, nakita pa rin nila.My parents are not really supportive of me wanting to be an artist. Mababa ang tingin nila sa ganoong career. They want me to pursue business or anything professional that fits into their vocabulary. Not arts.Sa susunod na pasukan ay second year na ako sa college. Business ang kurso ko, katulad ng gusto nila.Pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko iyon magustuhan! Dahilan kung bakit mababa ang mga grado ko. Hindi naman bagsak pero ang gusto kasi ng mga magulang ko ay matataas katulad ng grado na nakukuha ng mga kapatid ko.Pero hindi ako matalino hindi katulad nila! I hate studying. It's not for me! And even when I tried to, it's only a waste of time. Pero hindi nila maintindihan iyon dahil ang tanging iniisip nila ay ang magandang reputasyon ng aming pamilya.From my grandparents down to our generation, we are a family of professionals. Lawyer. Doctor. Engineer. Architect. Businessman. Name it.My father, Engineer Albert Asuncion is a businessman and an engineer. He has two companies. The new construction company here in Escala and the furniture company in Manila. While my mother, Melinda Asuncion is an Accountant/Financial Advisor. Tumutulong din ito sa kumpanya lalo na pagdating sa usaping pera.Ang panganay kong kapatid na si Ate Ruby naman ay ka-ga-graduate lang sa kursong architecture. My brother, Danzel, is in his third year pursuing business management.While here I am, studying business but my heart is in arts.Because of what I did in Manila, my family decided to drag me here to Escala. Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng exam namin, dinala na nila ako agad dito. Dito na daw ako magbabakasyon at kalaunan, dito na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. And worse, while I am here, I'm not allowed to buy art materials! They don't even give me money to make sure I won't be able to do that!Sinubukan ko sa isip ko na intindihin sila pero...hindi ko maiwasang maisip kung bakit...hindi na lang nila ako suportahan sa gusto ko? Mahirap bang gawin iyon?People would probably wonder why I let my parents dictate me on what I will do. I'm almost 19 this year. I'm already old enough to decide for myself.But...I love my parents.I always want to get their attention. Noon pa man ay pakiramdam ko ay hindi ko nakukuha ang buong atensyon nila. That's why to get their attention and make them happy, I need to do what they want me to do.Kaya lang kahit anong subok...nagiging mahirap dahil…gusto ko talaga ang pagpipinta.I sighed.Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, umalis na rin ang mga bisita.Through my room's veranda, I saw my parents bid goodbye to the visitors near our gate.Ang rinig ko ay grupo iyon ng mga architect and engineer. Parte ang mga ito ng UNO Build Construction Company ng aming pamilya na dito sa Escala naka-base.Hindi muna ako bumaba para kumain dahil baka makita ako nila Daddy at mapagalitan. Kaya pinalampas ko ang isa at kalahating oras bago bumaba na.Madilim na at ang tanging bukas na lang ay ang ilaw sa kitchen nang bumaba ako.Humikab ako. I'm sleepy but I need to eat. Kumakalam na rin kasi ang tyan ko kanina pa.Sinipat ko ng tingin ang aking relo at nakitang alas diyes na pala ng gabi. My parents and siblings are probably asleep now.Pagkadating sa tahimik na kusina, kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. I sipped on it.While holding a glass of water, I went to the table to see if there was still food but I saw none. May nakatakip kasi kaya inakala ko na meron pero wala akong nadatnan.Kumunot ang noo ko. I sighed. Baka sa iba nila nilagay. Kaya tiningnan ko ang iba pa sa kitchen para makasiguro. I checked even the cabinets. Pero wala! Even the rice is all gone! May tira pero tila isang subuan na lang ata iyon!Imposible!Binaba ko ang baso sa sink sa unti-unting pumapasok sa isip.Nakalimutan ba nilang iwanan ako ng pagkain?"Anong hinahanap mo, Miss?"I muttered a curse and almost jumped when I heard a baritone voice from behind.Mabilis na napalingon ako sa hamba ng kitchen. There I saw an unfamiliar man.Matangkad at nakasuot ng simpleng jeans at puting polo ang lalaki. Seryoso ang mata ngunit may kuryosidad ang tingin niya sa akin.Iritado, kumunot ang noo ko."Who are you?!" I hissed when I realized that I haven't seen him before here sa loob ng halos dalawang linggo ko rito. Surely, hindi namin siya tauhan!His deep-set brooding eyes directed at me is distracting me.He pursed his lips. Pumaling ang ulo niya sa gilid. Giving me a full view to his strong jaw.He's older than me. I'm sure of that! Sa tangkad at tindig ng lalaki ay sigurado ako roon. His mature body and posture doesn't look like guys my age."Magandang gabi. I am Rafael. Pasensya na at mukhang..…nagulat pa ata kita. Kailangan mo ba ng tulong? Anong hinahanap mo?" mababa ang boses na aniya.Rafael?"I know no one with that name here in Escala. Paano ka nakapasok dito?!" I asked, ignoring his other questions.Hindi lubos na pinagkakatiwalaan ang estranghero."Mukhang ikaw ang bunsong anak nila Engineer," he said in a formal voice when he realized something. "Tauhan ako ng ama mo. Kasama ako sa inimbitahan ng magulang mo kanina sa hapag. Inimbitahan din nila ako na manatili dito sa inyo ngayong gabi dahil bukas ng umaga ay kakailangan ako ng Daddy mo," paliwanag niya.What? Inimbita siya nila Dad na dito manatili ngayong gabi?Kung ganoon, magaan ang loob nila Dad sa lalaking ito. I know them. Bihira silang magpatuloy ng kung sino dito sa amin."And your...name?" he asked, curiously.If he's asking me that, then my parents did not mention me to the dinner earlier. Not even my name.O baka naman dahil...wala ako sa hapag kaya ganoon?Pero ang akala ko…mababangit man lang nila ako kahit wala ako roon.Tumikhim ako sa iniisip. I glanced at the guy."You don't need to know my name. Can you just... leave and go back to…whatever room is assigned to you? Don't mind me here," iritableng saad ko.Bahagya siyang natigilan bago tumango."Oo, Miss. Babalik talaga ako sa aking silid."Saglit kumunot ang noo ko dahil nakahimig ng sarcasm sa pagkakasabi niya no'n pero pinalampas ko iyon at tumango.I just want him to leave me alone.Tatalikuran ko na sana siya para makabalik sa ginagawa nang bigla siyang magsimulang humakbang palapit sa akin. Kumunot ang noo ko.Akala ko aalis na siya?As he zoomed into my eyes, I'm quite panicking. I don't know him! Paano kung…hindi naman pala totoong bisita siya dito?Paano kung akyat bahay gang pala ang isang ito? Though, he doesn't look like one but I don't know! Baka iba na ngayong ang modus ng mga akyat bahay gang para hindi sila mahalata.Umatras ako pagilid. He noticed that. Tumaas ang isang kilay niya at tumigil saglit bago ipinagpatuloy ang paghakbang palapit.Handa ko na sana siyang sigawan kundi lang niya ako nilampasan at nagtungo sa sink sa tabi ko at binaba ang kanina pa pala niyang hawak na mug.What the hell? I thought——Damn, Maia! What are you thinking?He glanced at me. His brow shot up a bit before he sighed."Hugasan ko lang. Pagkatapos ay aalis na rin ako," paliwanag niya.Nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa katawan paakyat sa mukha ko.Ramdam ko ang pagkapahiya.I gulped and rolled my eyes.Nakita ko ang marahas na paggalaw ng panga niya habang nakatitig sa akin at hinuhugasan ang dalawang baso. Kasama na roon ang kaninang ginamit ko. His thick arms flexed in his every move.Sinulyapan ko ang sink bago pairap na nag-iwas ng tingin.Whatever!Taas noong tinalikuran ko siya at nagtungo na lang sa refrigerator para maghanap ng pagkain.Right! Food!I surveyed the inside of our large refrigerator. Nawala sa isip ko ang lalaki dahil naging abala at nakaramdam na rin ng gutom.I saw some ingredients in the fridge. There's chicken, too.Should I cook? But…I don't know how to cook.Now, it registered everything to me.I am hungry but there's nothing here to eat! My family did not leave me any food! Kahit kaunti sanang ulam pero wala!Ganoon ba ako ka-invisible sa paningin nila na hindi man lang nila napansin na wala ako sa hapag kanina?Or…are they too busy to even recognize my absence?Or…they don't care at…all?Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa gilid ng refrigerator.My chest hurts from thinking about those possibilities.Hindi. Hindi naman siguro. Pamimilit ko sa sarili. Tinulungan ko na lang sila sa isip ko.Baka dahil maraming bisita ay naubusan na ng pagkain kaya hindi na ako natirhan.Siguro ganoon. Sana ganoon."Anong hinahanap mo, Miss? Baka matulungan kita bago ako magtungo sa silid ko."Naramdaman ko ang presenya ng lalaki sa likod ko. His presence is too hard to ignore.Hindi pa rin pala siya nakakaalis.Nilingon ko siya, iritado.Iritadong-iritado.Hindi ko alam kung para saan.Kung dahil ba sa pamilya ko.Dahil sa pagkain.O dahil sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko alam."Looking for something to eat? Napansin ko na hindi ka kasama kanina sa hapag."Sa hindi malamang dahilan, mas lalong tumaas ang iritasyon ko.He noticed my absence. Kahit na kakakilala palang namin ngayon, napansin niya na wala ako kanina.Habang…ang pamilya ko…ang sarili kong kadugo ay mukhang hindi."Mukhang wala na palang pagkain mula kanina," bulong nito, seryoso na ngayon nang mapansin din ang walang lamang mesa.I feel like my eyes will start to get wet. Bago pa mangyari iyon ay tinaliman ko ang tingin sa lalaki."Hindi ba pinapaalis na kita? Bakit nandito ka pa rin? I told you I don't need your help," malamig kong utas.It sounds mean. Alam ko. Pero hindi ko mapigilan.Nagtagal ang titig niya sa akin. Hindi nakasagot.Nagtagis ang bagang ko. Padabog akong humakbang palapit sa kaniya."Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko umalis ka na! Fucking leave!" bayolenteng saad ko na nang hindi pa rin siya gumagalaw.His eyes darkened a bit and his jaw moved. Mabilis ang bawat pagtaas at baba ng dibdib ko sa biglaang pagsabog. Kumunot ang noo niya."Kung ganoon, maiwan na kita, Miss. Pasensya na kung naabala kita," aniya.Nagtiim-bagang ako.Isang pasada sa kusina ang ginawa niya bago ako tinalikuran at umalis.Nagtagal ako sa posisyon ko na iyon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.Hanggang sa naiwan na lang ako ulit akong mag-isa sa tahimik na kusina.Pinikit ko ng mariin ang mata at padabog na sinarado ko ang refrigerator.Kabanata 2 Totoo nga ang sinabi ng lalaki kagabi. Tauhan siya ni Daddy. Kasalukuyan siyang part timer sa construction company ng aming pamilya. Anila, graduate na ang lalaki sa kursong engineering at nagre-review na lamang para sa darating na board exam. If that's the case, he's probably around 23. Tinusok ko ang hotdog at nag-angat ako ng tingin sa nakakatanda kong kapatid na si Ate Ruby na kaedad ng lalaki.Pinanood ko ang ginawang paghampas ng kapatid ko sa braso ng lalaking bisita sabay humalakhak. Humalakhak din si Dad at Mom. My sister and that guy last night are already close? Ganoon kabilis? Kagabi lang sila nagkakilala ah. Habang nagtatawanan sila ay hindi ako makasabay. Hindi ko alam kung ano na ba ang pinag-uusapan nila at ano ang dahilan ng paghalakhak nilang lahat. I feel like an outsider here! Nananatili ang matalim na titig ko sa lalaki. Anger dripped on me as I watched him get along with my family. He blends well with them. Kung ibang tao ang makakakita sa eksen
Kabanata 3I was bored the whole time. Palaging ganito sa mga sumunod na tatlong Linggo. Nabubuhay lang ako tuwing kausap ko ang kaibigan na si Kola sa tawag tuwing gabi.She told me stories about her escapades in Siargao. Last week kasi ay tumulak na silang pamilya para magbakasyon. Natutuwa naman ako tuwing nagkwekwento siya. I can imagine how beautiful Siargao is and how I wanted so much to paint it.Kung sana lang talaga ay may gamit ako.Dahil sa mga kwento niya ay napa-search tuloy ako sa internet para tingnan ang mga litrato ng Siargao.It was beautiful and majestic!I wonder if there is a beach near here in Escala too?Nakaka-isang buwan at isang linggo na ako rito pero hindi pa rin ako nakakalibot."Sila Daddy po?" I asked our maid. Galing ako sa syesta at nang nagising ay naisipang bumaba.Mukhang naghahanda ang kasambahay para sa dinner mamaya. It's still early though. It's still 4PM."Umalis, hija. Kasama ang Mommy mo. Mamaya pa ang dating. Mga alas sais ay paniguradong na
Kabanata 4 Tinigil niya ang motorbike nang makarating na kami sa labas ng gate ng aming bahay. Mabilis akong bumaba, napapaso sa lapit namin. Tinanggal ko rin ng mabilisan ang helmet.Kumunot ang noo ko nang tinanaw ang labas ng aming bahay. Napansin ko na may mga tao roon. Rinig na rinig ang halakhakan kahit nasa labas pa lang kami. "Mga Engineer at Architect sa kumpanya ninyo. Narito sila para i-celebrate ang isang malaking proyekto niyo." Nilingon ko si Rafael nang sinabi niya iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit abala kanina ang mga kasambahay? "Tara na," aya niya at una nang pumasok. Tahimik na sumunod ako. Bumungad sa akin ang siguro'y hindi lalagpas sa labinglima na mga bisita. Mas marami ito kumpara noon. Nasa may pwesto sila sa labas at kumakain, nagkwekwentuhan at ang iba ay nag-iinuman. Habang naglalakad, natanaw ko sila Daddy at Mommy. May kausap na grupo at tumatawa. They don't look bothered or worried at all. Nagtaka ako. Hindi ito ang eksenang inaasahan kong m
Kabanata 5Hindi ako napagalitan ni Ate Ruby. Rafael explained to her that it was his fault. He lied.Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Baka gustong magpaka-hero.Nagtagal ang titig sa akin ni Ate Ruby na para bang sinubukan niyang basahin ang mata ko. I thought she would inform our parents about what happened. Kaya hinintay ko sila Daddy noong gabing iyon at kinabukasan na kausapin at pagalitan ako pero hindi dumating. I figured Ate Ruby did not tell them. And even Rafael.Hindi na naging madalas ang pagpunta ni Rafael sa bahay mula ng araw na iyon. Dahil na rin siguro abala ang mga tao sa kumpanya. I heard they have a huge project. So even Daddy is busy these days."Ate, si Daddy po?" tanong ko kay Ate Rosa na pinapalitan ngayon ang bedsheet ko."Nasa baba. Mukhang paalis na."Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumaba ako sa hagdan. "Dad!" tawag ko nang natanaw itong nasa may pinto at paalis na.Hindi ko pinansin ang kasama niy
Kabanata 6"Mabuti at pumayag ka rin sa wakas, hijo!"Pinanood ko ang liwanag at saya sa mukha ni Mommy.Nandito kami ngayon sa sala at sa harap namin ay si Rafael na may mga bitbit na mga bag."Bakit ayaw mo sa isa sa mga kwarto rito?" tanong ni Dad sa lalaki.Naghahalukipkip naman na nasa gilid ako."Ayos na po ako sa kwartel sa likod kung saan din natutulog sila Harold at Ben, Engineer," mababa ang boses na sagot ni Rafael."Nako! Dapat talaga ay sa isa sa mga kwarto ka namin manatili. Pero mukhang hindi ka na mapipilit," ani Mom. "Pero kung sakaling magbago ang isip mo, hijo. Magsabi ka agad."Tumango ang lalaki. "Maraming salamat po.""Anyway, we're happy for your decision to stay here. Kung hindi pa nagkaproblema sa linya ng tubig ang apartment mo, mukhang hindi mo pa ata tatanggapin ang alok namin," saad ni Dad."Mabuti pala at nagkaroon ng problema," ani ni Danzel at ngumisi.Humalakhak si Dad. Nagtawanan sila roon habang ako ay tahimik at hindi natutuwa. And I have no intentio
Kabanata 7"I hate him," mutawi ko sa kaibigan.Narito ako sa veranda at nakaupo sa silya rito. Natanaw ko ang pagdidilig ni Ate Ruby at Rafael. "Is he that bad?" tanong ni Kola sa kabilang linya. "Yes. He's doing that because he wants to get close with my sister.""Baka naman totoo talagang nagkaroon ng problema sa apartment niya kaya siya pumayag nang tumira sa inyo? You know?""No. I'm sure he's planning on something, Kola."Naikwento ko kasi sa kaibigan ang tungkol kay Rafael. Simula nang nakilala ko siya hanggang sa pag-aaway namin noong isang araw."Stop!" natatawang pigil ni Rafael nang tinutok ni Ate Ruby sa kaniya ang hose.Nabasa si Rafael kaya naghiganti. Tinutok niya rin ang hose sa direksyon ni Ate Ruby.Napuno ng halakhak at tili ang hardin namin dahil sa biruan nila. Umikot ang mata ko. I heard Kola sighed."I don't know what's really happening. Wala ako diyan para ma-witness ang lahat. Pero…...what's your plan?" Niyakap ko ang aking tuhod at napaisip sa sinabi niy
Kabanata 8"Mag-sorry ka sa kaniya, Maia," udyok ni Dan sa akin matapos ang eksena sa sala.Nandito kami ngayon sa aking kwarto. Sinundan niya ako para lang sabihin iyon."Why would I do that? Wala akong ginawang kasalanan," giit ko at umupo sa aking kama. "He started it! I just explained myself!""He only wants you to focus on your studies. Concern lang siya sa'yo. That's all he wanted to say. But you made it complicated."Umirap ako at padarag na umupo sa aking kama. Nanatili namang nakatayo si Dan."I don't need his concern nor his opinion. Hindi ko siya kamag-anak."Kumunot ang noo niya. "Why do you hate him so much? Simula nang nakilala mo siya ay palagi na lang masama ang timpla mo. What's the problem, Maia?"Nag-iwas ako ng tingin. May sagot ako sa utak ko pero hindi ko iyon isinatig. "He's annoying," I said to sum up it all.Huminga ng malalalim si Dan. "What's annoying about him? I don't see anything. Mabuting tao si Rafael.""Of course, you won't notice anything weird abou
Kabanata 9Ina-add nga ako sa fcebook nila Earl at Rica. Maging ang iba nilang kaibigan. Nakakausap ko sila sa chats. May group chat kasi sila at sinali nila ako.Binaba ko ang phone ko sa mesa at sinipat ko ang relo dito sa kitchen. Mag-aalas singko pa lang. Nasa may kusina kami ni Dan at nakatambay. Binaling ko ang tingin sa kapatid."Di ka umalis ngayon?" tanong ko. I sipped on my juice as I waited for his response.Sabado ngayon pero umalis sila Dad para sa meeting kasama ang Mayor ng Escala. Si Ate Ruby naman ay kasama nila. Ang naiwan lang sa bahay ay si Dan, Rafael at ako. Pati syempre ang isa naming kasambahay na si Manang Luisa. Si Ate Rosa at Kuya Harold kasi ay day off ngayon. Habang si Kuya Ben naman ay kasama nila Dad pag-alis. Nagkibit-balikat si Dan. "Hindi. Sabado kaya mga abala ang mga kaibigan ko.""Iyon bang nakausap natin noong nakaraan sa school ang kaibigan mo?""No. But they are also my friends."Ngumuso ako at tumango. "Kailan mo sila nakilala? Noong tuwing