Share

5

Author: marcella_ph
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Kabanata 5

Hindi ako napagalitan ni Ate Ruby. Rafael explained to her that it was his fault.

He lied.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Baka gustong magpaka-hero.

Nagtagal ang titig sa akin ni Ate Ruby na para bang sinubukan niyang basahin ang mata ko. I thought she would inform our parents about what happened. Kaya hinintay ko sila Daddy noong gabing iyon at kinabukasan na kausapin at pagalitan ako pero hindi dumating. I figured Ate Ruby did not tell them. And even Rafael.

Hindi na naging madalas ang pagpunta ni Rafael sa bahay mula ng araw na iyon. Dahil na rin siguro abala ang mga tao sa kumpanya. I heard they have a huge project. So even Daddy is busy these days.

"Ate, si Daddy po?" tanong ko kay Ate Rosa na pinapalitan ngayon ang bedsheet ko.

"Nasa baba. Mukhang paalis na."

Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa hagdan.

"Dad!" tawag ko nang natanaw itong nasa may pinto at paalis na.

Hindi ko pinansin ang kasama niyang si Rafael. Halos isang buwan na matapos ang nangyari noong nakaraan pero tanda ko pa rin.

Inangat ni Dad ang tingin sa akin nang marinig ako. Nang makababa at makalapit na ako ay hinabol ko muna ang aking hininga.

"What is it? Busy ako, Maia. If it's food, ask the maids to assist you."

"No, Dad. Papaalam po sana ako na lalabas ako saglit? Nababagot na kasi ako. Gusto kong manood ng sine sa mall."

Kumunot ang noo nito. Akala ko hindi ako papayagan pero kinuha niya ang wallet niya sa bulsa at may nilabas na pera.

Inabot niya sa akin iyon.

"Walang mall dito sa Escala. Sa kalapit na bayan, meron. Call Harold para mahatid ka," aniya.

Pinapayagan ako!

Ngumiti ako, nagagalak.

"But remember you're not allowed to buy art mats, Maia. Don't test me," paalala nito sa akin.

Ngumiti ako.

"Yes, Dad. I remembered. Thank you!" I said and kissed his cheek as goodbye and thank you.

"Buy books, too. Malapit na ang pasukan. Magbasa-basa ka," pahabol ni Dad. "Os'ya. Papanhik na kami ni Rafael."

Tumango ako at saka pa lang sinulyapan ang kasama niya. Nakasuot ito ng blue v-neck t shirt at pants. I caught him staring at me when I glanced at him.

He immediately looked away. Nang nakasakay na sila sa sasakyan, kinawayan ko si Dad. Hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.

I am in a good mood today! Hindi naging mahigpit si Dad sa akin. Magandang simula iyon. Kapag nagpatuloy ito, baka magbago ang isip nila Dad at ibalik ako sa Manila. I still have more than a month before the class starts to change their mind.

Katulad ng plano, nagtungo ako sa mall. Hinatid ako ni Kuya Harold.

"I-tetext na lang po kita kapag papasundo na po ako," saad ko.

Tumango ito. Kaya pumasok na ako sa loob ng mall dito sa kabilang bayan ng Escala.

It was bigger than I thought. Mabilis na pinuntahan ko ang sinehan. Nakapili ako ng papanoorin pero maghihintay pa ako ng saglit kaya kumain muna ako.

Nang oras na ay pumasok na ako sa sinehan. I watched a foreign action film. It was fun and exciting! Not really my genre but I enjoyed it a lot.

Nang natapos sa sinehan ay nagtungo ako sa isang kilalang milktea shop.

"So you won't buy art mats? It's your chance!"

Ka-video call ko ngayon si Kola habang narito ako sa milktea shop at nakatambay.

"Ayoko. I don't want to take advantage of this."

I was tempted to do it but I know things will be chaotic once Dad finds out.

Ngumisi si Kola.

"Wow! Wow! Ikaw ba yan, Maia?" aniya sabay tawa.

Inirapan ko siya.

"I have to be a good girl here, Kola. Para maisipan ni Dad na ibalik ako sa Manila."

"Well, sabagay. Bakit ba kasi? Ayaw mo ba talaga diyan sa Escala? Bakit? Walang gwapo?" usisa niya.

"Sinong gwapo? Ako?"

I heard a voice from Kola's background. Nagpakita naman ang pinsan ni Kola na si Peter sa screen.

Ngumiti ito nang nakita ako.

"Go away!"

Natawa ako dahil sa pagpapaalis ni Kola sa pinsan.

"Pinag-uusapan ninyo ay tungkol sa gwapo kaya dapat nandito ako," giit ni Peter sa pinsan.

Kola raised her middle finger to him. Humalakhak ako.

I miss this!

Nilingon ako ni Kola.

"So ano nga? May gwapo ba dyan sa inyo? Any potential crush?"

Umirap ako. Wala nga akong nakakahalubilo dito bukod sa mga kasambahay at driver. Well, may sumagi sa isip ko pero wala siya sa list dahil hindi siya qualified.

"Wala."

"Ay! Ang tipid ng sagot. Parang may tinatagong gwapo," asar niya.

Napairap ako.

"You have a crush, Maia?" si Peter naman ngayon.

"Wala! There's no gwapo here. Kung sana ay meron, hindi na dapat ako na-bobored dito," I hissed.

"Ay! Ano ba yan! Balak ko pa sanang pumunta na diyan. Wala naman palang gwapo. Bakit pa ako pupunta?"

Naalerto naman ako.

"Really? You will visit me here? Kailan?!" I cannot contain the excitement in my voice.

"Sama ako," saad ni Peter.

"Doon ka nga! Asungot!" pantataboy sa kaniya ni Kola. Nilingon ako ni Kola para sagutin. "Baka bago ang pasukan. I-cha-chat kita kung kailan."

"Sige! I will inform my parents about that," eksayted kong saad.

"Ako? Hindi mo ako iimbitahan, Maia?" tanong ni Peter sa akin.

Natawa ako ng bahagya. "Of course, you can come!"

"That's a deal, then!"

Dahil sa nalamang bibisita sila ay mas lalong naging maganda ang mood ko.

Umuwi ako sa bahay na masaya. Kahit ang mga kasambahay ay pansin iyon.

"Mukhang maganda ang araw mo, Maia, ah," puna ni Ate Rosa.

Ngumiti ako. "Oo ate. Bibisitahin kasi ako ng mga kaibigan ko sa susunod."

"Nako! Maayos iyan para hindi ka na nabuburyo rito."

Tumango ako. "Ano po palang ulam mamaya sa dinner?"

Habang hindi pa oras ng dinner, nanatili muna ako sa aking kwarto at nang oras na ay saka ako bumaba.

Timing naman na kararating lang nila Daddy at Mommy.

Bumagal ang pagbaba ko sa hagdan namin nang mapansin kung sino ang kasama nila Dad.

It is Rafael.

Nandito siya? Well. Whatever!

Inangat nito ang tingin sa akin at nagtagal iyon saglit bago binalik ang atensyon kay Dad at Mom.

I kissed my parents' cheek to greet them.

Bumaling si Mommy kay Rafael.

"You should eat with us, hijo. Maraming hinandang pagkain ang mga kasambahay kaya huwag ka nang tumanggi pa," aya niya.

Tahimik naman ako sa gilid. Balak sumabay sa kanila papunta sa dining area. It would be weird if I would leave them anyway.

"Yes. Yes. Have dinner with us, hijo," aya rin ni Dad at tinapik ang balikat nito.

Hindi ko sinulyapan si Rafael pero sa gilid ng mata ko ay alam kong sinulyapan niya ako bago siya pumayag.

Nauna akong naglakad dahil habang patungo kami sa dining area ay nagkwekwentuhan sila sa likod ko.

I sit in my usual spot. Nagsiupuan na rin sila. Dumating na rin sila Ate Ruby at Dan.

We started eating. Nagsimula rin silang pag-usapan ang tungkol sa proyekto. And Rafael will always be involved in their talk.

Ngumuya ako at tahimik silang pinanood at pinapakinggan. Nang makahanap na ng tyempo ay nilingon ko si Daddy.

"Dad, my friends will probably visit me soon. Can I reserve a room for them?"

Uminom muna si Daddy.

"Friends? Kola Montecillo?"

Tumango ako. He remembered Kola.

"Yes. Kasama niya ang pinsan niya. Kaibigan ko rin," sambit ko.

"Yes, hon. Kola Montecillo. Anak ni David," paalala naman ni Mom.

Tila may naalala naman si Daddy.

"Oh! Right. I know her father. Alright. Inform the maids to prepare a room for them," aniya.

Ngumiti naman ako ng malawak. Mas lalong na-eksayt!

Dahil doon, natulog akong masaya.

Ang kasabihan ng matatanda, kapag masyado daw masaya, may delubyong mangyayari. I used to think that it's not true.

Isang katok ang narinig ko kinabukasan kaya nilingon ko ang pinto habang hindi maganda ang pakiramdam. Mukhang totoo pa nga ata ang kasabihan ng mga matatanda.

"Baba na, Maia. Mag-aalmusal na. Kumpleto na sa baba," sambit ng kasambahay namin.

"Opo. Bababa na po," walang ganang sagot ko.

For some reason, I feel different today. Hindi ko alam. Baka dahil late ako natulog kagabi.

To my surprise, I saw Rafael sitting when I entered the dining area.

Nandito na naman siya? Kagabi, nandito rin siya, ah? Pero baka dahil sa trabaho o pinatawag siya ulit ni Dad.

Nagkatinginan kami pero ako ang unang umiwas ng tingin.

Tinikom ko ang labi ko at umupo na. Nagsimula na ang lahat mag-almusal at magkwentuhan.

Bumagsak ang tingin ko sa aking piniggan. It has 2 slices of bread. Kanina pa ito roon. Hindi ko ginagalaw. Sa malapit ay ang peanut butter at kape.

I heard that my parents requested a simple breakfast. Coffee, bread and peanut butter. Marami raw kasi silang nakain kagabi kaya hindi na meal and rice ang ipinahanda ngayong umaga.

"Oh? Why aren't you eating, Maia?" si Mommy nang sa kalagitnaan ng pag-uusap sa hapag ay napansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

Dahil sa tanong sa akin ni Mommy, nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Ano? Gusto mo bang paglagyan ka pa ng peanut butter ni Manang? Hindi ka na bata, Maia. Just eat," Mom ordered.

Ramdam ko ang pares ng mga mata na nakatutok sa akin. And I was right because when I directed my eyes in front of me, I saw Rafael watching me intently.

"What's wrong, Maia?"

Umiling ako sa nagtanong na si Dan. "Busog kasi ako."

Maingay na bumuntong hininga si Daddy sa kabisera ng table. Kung kanina ay maganda ang mood niya ay ngayon nagbago ito.

"Why are you being stubborn? Pinayagan kitang lumabas kahapon. Bakit tila nagrerebelde ka na naman? Pati pagkain aayawan mo!"

I sighed.

"Dad, hindi naman po sa gano—"

"Eat, then. Huwag kang magsayang ng pagkain. There are people out there who cannot even eat food 3 times a day. So be thankful and eat," mariin niyang putol sa sinasabi ko.

Uminit ang pisngi ko at umurong ang dila ko sa mga gusto pa sanang sabihin.

"S-Sorry, Dad...Mom..." I muttered silently. "I will....eat."

Dad sighed heavily. Umiling siya at kinuha muli ang binagsak niya kaninang kubyertos sa kaniyang plato.

"I'm sorry you witnessed that, hijo," ani Mom kay Rafael.

I refused to see Rafael's reaction. Kaya binagsak ko ang tingin sa aking plato at sa peanut butter sa malapit.

"Ayos lang po."

"Eat, Maia," rinig kong utos ni Mom nang mapansin siguro ang paninitig ko lang sa tinapay at peanut butter.

Parang may tumutusok sa puso ko. I swallowed hard. Labag man sa loob, sinimulan kong lagyan ng peanut butter ang tinapay ko. Dahan-dahan ang galaw ko. Still thinking if I should do this or not but...then, I have no choice but to.

Habang ginagawa ko iyon ay humupa na ang tensyon at bumalik na sila sa pag-uusap.

When I'm done putting the peanut butter, I slowly eat the bread. Bits by bits.

Ang bawat pagnguya ay mahirap. Pero linunok ko at inubos para wala na silang masabi.

Nang i-angat ko ang tingin ko, nadatnan ko si Rafael na mataman na pinapanood ako sa gitna ng kwentuhan nila. Nakakunot ang noo niya.

Nang nahuli ko siya ay nilipat niya ang tingin sa katabi kong si Mommy. Making me think that it's probably just my imagination.

When our breakfast session ended, I waited until Dad stood up. Nang tumayo na siya ay hudyat iyon para sa akin na tumayo na rin. Hindi pa nakakahakbang si Dad, humakbang na ako agad para magmartsa palabas. Hindi na nakapagpaalam pa dahil nagmamadali.

"Maia, where's your manners? Hindi ka pa nagpapaalam," ani Mommy nang palabas na ako.

"Pasensya ka na sa kaniya, Rafael. She's…like that," aniya pa.

"Ayos lang po. Walang problema."

I just ignored them and continued heading out of the dining area.

Hinahabol ko na ang hangin nang dumating na ako sa kitchen. Walang kasambahay doon dahil nasa may dirty kitchen marahil sila o kaya ay nakaantabay na para asikasuhin ang mga plato sa dining area.

Napahawak ako sa poste saglit dahil nahihirapan na talaga akong huminga. Sumisikip na ang dibdib ko.

Sinubukan kong lumapit patungo sa cabinet kung nasaan ang emergency medicine namin. Pero sa bawat segundo ay mas lalo akong nahihirapan.

Pinagpapawisan na rin ang noo ko.

Nakalapit na ako ngunit bumigay na ang mga binti ko kaya napaupo ako sa sahig, habol-habol ang hininga.

Shit!

I heard some footsteps. I just wish it was one of our maids so I can ask for help.

Nanlalabo ang mata ko kaya hindi ko masiguro kung sino iyon.

Isang malutong na mura ang narinig ko galing sa kung sino. Wala pang limang segundo ay may kamay na na humawak sa balikat ko para bahagyang i-ayos ako.

"Anong nangyari?!"

Habang naghahabol ng hangin ay mas naging malinaw na kung sino ang dumalo sa akin. He's squatting to check on me.

And...it is Rafael. Of all people, siya pa talaga! Shit!

"Don't…hold me…" I managed to say even when I'm already struggling.

Pinaalis ko ang kamay niya sa akin gamit ang nanghihinang kamay.

He ignored what I just said. He checked my pulse and cursed loudly again.

"Anong gamot ang kailangan mo?" mariin niyang tanong. Kalmado man pero dahil sa diin, iniisip kong galit siya.

Kumunot ang noo ko.

"I…can f-find…it myself. I don't need your help."

Kahit medyo nanlalabo ang tingin ko, alam kong mariin ang titig niya sa akin.

"Anong gamot ang kailangan mo?" mariing ulit niya. Binabalewala lang ang sinabi ko.

I couldn't breathe. Sa bawat segundo ay nahihirapan ako.

Bumulong siya ng matigas ng mura.

"Maia," mariing tawag niya sa akin. Umigting ang panga niya at tumayo.

I tried to search for him and I saw him started browsing the emergency medicine kit where the medicines are. Lumapit siya sa akin.

May nakita siyang inhaler doon kaya pinagamit niya iyon sa akin. Nakatulong naman iyon.

But I need the medicine! I might die if I will let my stubborn gets in the way!

"Anong gamot, Maia?" he asked so firmly.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na sinabi ang gamot.

Mabilis niyang nahanap iyon. Aligaga siya. Kumuha siya ng tubig at pinainom sa akin ang gamot.

He scooped me and put me in the stool. Tumama ang likod ko sa table. Nanghihina pa ako sa nangyari. Pinunasan niya ang bibig ko gamit ang tissue.

Seryosong seryoso siya. He's gripping the edge of the table behind me, cornering and watching me.

"Allergic ka sa peanuts," he muttered after a minute of silence. He's not asking. He's stating that.

Hindi ako umimik. I tried to breathe better. I focused on making sure that I'm breathing fine. Halos dalawang minuto iyon. Siya ay nanatili pa rin na nasa harap ko at mataman na pinapanood ko.

His eyes were too serious watching me as if he's trying to figure out something.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanila na bawal ka sa peanut butter?" he asked in a serious tone after minutes of silence.

"They know. They just...…forgot," sambit ko nang nakabawi na.

Natahimik siya. He pursed his lips tight.

Nakarinig ako ng ingay. Sigurado akong mga kasambahay na iyon.

Mabilis na inayos ko ang sarili. Tinulak ko si Rafael at nagpatianod naman siya.

Bumaba ako sa stool at saka siya sinulyapan na para bang walang nangyari.

"Don't…tell my family about this."

Kumunot ang noo niya.

"Bakit? Muntik nang may mangyari sa'yo," mariin niyang hayag.

"And? Did something happened? Wala naman. It's just allergy," ani ko. "Besides, even if you inform them, they will forget it again."

Because it happens now so it will happen again.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sinthea V
kawawa naman si maia. hanap ka bagong pamilya beh
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
kawawa namn si miaa na oop sya.ganyan talaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Forbidden Kiss   6

    Kabanata 6"Mabuti at pumayag ka rin sa wakas, hijo!"Pinanood ko ang liwanag at saya sa mukha ni Mommy.Nandito kami ngayon sa sala at sa harap namin ay si Rafael na may mga bitbit na mga bag."Bakit ayaw mo sa isa sa mga kwarto rito?" tanong ni Dad sa lalaki.Naghahalukipkip naman na nasa gilid ako."Ayos na po ako sa kwartel sa likod kung saan din natutulog sila Harold at Ben, Engineer," mababa ang boses na sagot ni Rafael."Nako! Dapat talaga ay sa isa sa mga kwarto ka namin manatili. Pero mukhang hindi ka na mapipilit," ani Mom. "Pero kung sakaling magbago ang isip mo, hijo. Magsabi ka agad."Tumango ang lalaki. "Maraming salamat po.""Anyway, we're happy for your decision to stay here. Kung hindi pa nagkaproblema sa linya ng tubig ang apartment mo, mukhang hindi mo pa ata tatanggapin ang alok namin," saad ni Dad."Mabuti pala at nagkaroon ng problema," ani ni Danzel at ngumisi.Humalakhak si Dad. Nagtawanan sila roon habang ako ay tahimik at hindi natutuwa. And I have no intentio

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   7

    Kabanata 7"I hate him," mutawi ko sa kaibigan.Narito ako sa veranda at nakaupo sa silya rito. Natanaw ko ang pagdidilig ni Ate Ruby at Rafael. "Is he that bad?" tanong ni Kola sa kabilang linya. "Yes. He's doing that because he wants to get close with my sister.""Baka naman totoo talagang nagkaroon ng problema sa apartment niya kaya siya pumayag nang tumira sa inyo? You know?""No. I'm sure he's planning on something, Kola."Naikwento ko kasi sa kaibigan ang tungkol kay Rafael. Simula nang nakilala ko siya hanggang sa pag-aaway namin noong isang araw."Stop!" natatawang pigil ni Rafael nang tinutok ni Ate Ruby sa kaniya ang hose.Nabasa si Rafael kaya naghiganti. Tinutok niya rin ang hose sa direksyon ni Ate Ruby.Napuno ng halakhak at tili ang hardin namin dahil sa biruan nila. Umikot ang mata ko. I heard Kola sighed."I don't know what's really happening. Wala ako diyan para ma-witness ang lahat. Pero…...what's your plan?" Niyakap ko ang aking tuhod at napaisip sa sinabi niy

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   8

    Kabanata 8"Mag-sorry ka sa kaniya, Maia," udyok ni Dan sa akin matapos ang eksena sa sala.Nandito kami ngayon sa aking kwarto. Sinundan niya ako para lang sabihin iyon."Why would I do that? Wala akong ginawang kasalanan," giit ko at umupo sa aking kama. "He started it! I just explained myself!""He only wants you to focus on your studies. Concern lang siya sa'yo. That's all he wanted to say. But you made it complicated."Umirap ako at padarag na umupo sa aking kama. Nanatili namang nakatayo si Dan."I don't need his concern nor his opinion. Hindi ko siya kamag-anak."Kumunot ang noo niya. "Why do you hate him so much? Simula nang nakilala mo siya ay palagi na lang masama ang timpla mo. What's the problem, Maia?"Nag-iwas ako ng tingin. May sagot ako sa utak ko pero hindi ko iyon isinatig. "He's annoying," I said to sum up it all.Huminga ng malalalim si Dan. "What's annoying about him? I don't see anything. Mabuting tao si Rafael.""Of course, you won't notice anything weird abou

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   9

    Kabanata 9Ina-add nga ako sa fcebook nila Earl at Rica. Maging ang iba nilang kaibigan. Nakakausap ko sila sa chats. May group chat kasi sila at sinali nila ako.Binaba ko ang phone ko sa mesa at sinipat ko ang relo dito sa kitchen. Mag-aalas singko pa lang. Nasa may kusina kami ni Dan at nakatambay. Binaling ko ang tingin sa kapatid."Di ka umalis ngayon?" tanong ko. I sipped on my juice as I waited for his response.Sabado ngayon pero umalis sila Dad para sa meeting kasama ang Mayor ng Escala. Si Ate Ruby naman ay kasama nila. Ang naiwan lang sa bahay ay si Dan, Rafael at ako. Pati syempre ang isa naming kasambahay na si Manang Luisa. Si Ate Rosa at Kuya Harold kasi ay day off ngayon. Habang si Kuya Ben naman ay kasama nila Dad pag-alis. Nagkibit-balikat si Dan. "Hindi. Sabado kaya mga abala ang mga kaibigan ko.""Iyon bang nakausap natin noong nakaraan sa school ang kaibigan mo?""No. But they are also my friends."Ngumuso ako at tumango. "Kailan mo sila nakilala? Noong tuwing

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   10

    Kabanata 10"We're here!" Pinatay ko ang tawag nang matanaw ko mula sa veranda ng kwarto ko ang isang taxi sa labas ng aming gate. Mabilis akong bumaba para lumabas ng bahay. Nagtawag na rin ako ng mga tao para buhatin ang mga dalang gamit ng mga bisita.Bumagal ang paghakbang ko nang madatnan si Rafael sa may hardin at mukhang nagsisimula pa lang magdilig ng mga halaman.Natanaw niya rin ang taxi sa labas. Sinulyapan niya ako nang maramdaman ang presensya ko.Hindi ko siya pinansin at dire-diretso ang lakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya ng tingin sa akin."Kola! Peter!" eksayted kong tawag sa dalawa.Pinagbuksan ko ng gate sila. Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay agad akong niyakap ni Kola."Oh my god! I miss you!" she said."I miss you too!"Pagkatapos no'n ay napatingin naman ako kay Peter. Tumaas ang isang kilay niya. He opened his arms to ask me to hug him, too.Tumawa ako at h******n rin ang kaibigan. "Gumaganda ka lalo."Umirap ako sa kaniya. Hindi ko alam kung asar

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   11

    Kabanata 11 I woke up late. Late din kasi akong nakatulog kagabi. Kaya naman para akong lantang gulay. Habang sila Kola at Peter ay punong puno ng energy at eksayted na makalibot sa buong Escala. "Ayos ka lang?" tanong ni Peter sa akin habang nananghaliaan kami. Dahil weekdays, kami lang ang nandito sa hapag. Kanina pa raw sila gising at ako na lang ang hinihintay. Mabuti na lang at kaibigan ko naman sila kaya hindi ako nahiya na mag-tatanghali na nang nagising ako. "Yup!" I replied. "Bakit ba kasi nahirapan kang nakatulog kagabi? May insomnia ka?" si Kola. Umiling ako. May sumagi sa isip. "Wala. Nahirapan lang talaga." "Sure ka kaya mo? Pwede naman nating ipagpabukas ang paglilibot," aniya. "Hindi. Ngayong araw na. Kaya ko naman." Ganoon nga ang ginawa namin. Napagplanuhan namin na hapon kami maglilibot. I asked for a driver to roam us around. Wala si Kuya Ben dahil kasama nila Dad kaya si Kuya Harold ang kasama namin. "Hindi ka pa nakakalibot sa buong Escala, Maia? Ka

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   12

    Kabanata 12 When my parents found out about the coconuts that the Vega gave, they did not said anything which is unusual. Hindi na lang ako nangusisa pa. Habang masaya naman ang mga kasambahay at agad nagplano na gagawa ng buko salad. "Your father is a great businessman, hija. Do you plan to follow his steps?" tanong ni Daddy habang naghahapunan kami. "Yes po, Tito. But I'm not closing doors to other career possibilities." Tumango si Daddy. "How about you, hijo?" Tumikhim si Peter. "I'm pursuing accountancy right now. Both of my parents are lawyers, Sir." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Daddy nang marinig ang sinabi ni Peter. "Really? I didn't know that. That's a good career choice. I hope to meet your parents soon." Ngumiti si Peter. "I am sure your grades are high," Mommy muttered. "Ang alam ko si Kola ay nangunguna sa kanilang klase sa Maynila." Tumawa si Kola at umiling. Nilingon ako ni Daddy. "Sana ay gayahin mo sila Maia. Kita mo? Magaganda ang kanilang grado a

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Forbidden Kiss   13

    Kabanata 13"I will miss you!" ani at yakap sa akin ni Kola. Kasama ko ngayon si Dan at hinatid namin rito sa airport sila Kola at Peter."I will miss you too, Kola!" nakangiting kong sagot. Si Peter naman ang niyakap ko pagkatapos. "Escala is a beautiful place, Maia. Enjoy your time here. Make a lot of friends para hindi ka ma-bored. Okay?" Tumango ako kay Peter. Medyo di sanay."Salamat sa pagdalaw. Mag-iingat kayo."Naglakad na sila dahil oras na nila para umalis. Kinawayan ko sila.Sa halos isang linggo na kasama ko sila ay nakalimutan ko ang lahat ng bumabagabag sa akin. Kaya paniguradong ma-mimiss ko sila. "Let's go, Maia," aya ni Dan. Tumango ako nang hindi ko na matanaw ang dalawang kaibigan.Lumabas na kami sa airport. Pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ni Dan ito."Yes?" Sa gilid ko ay may katawagan sa telepono si Dan habang nagmamaneho. "Sige. Kukunin ko. Tutungo ako riyan ngayon."Nang natapos siya ay inisang lingon niya ako."Sasaglit lang ako sa site. Dad

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Forbidden Kiss   40

    Kabanata 40Anong ginagawa niya rito?That question was running in my head while I approached the group.I’ve never expected that I will see him again. Not today. Not at this party. "Ah, there you are, hija," Mr. Aleno said, his eyes twinkling with warmth when I finally reached them.He extended his hand, and we exchanged a firm handshake. "Happy birthday, Mr. Aleno," I greeted.He smiled warmly."Thank you," he replied. "I was worried you wouldn't make it because you're probably busy. Buti ay nakarating ka. Are you enjoying the party, hija?""Of course, I don't want to miss your birthday, Mr. Aleno. And yes, I am enjoying the party."Mr. Aleno chuckled, his eyes crinkling at the corners. "That's good to hear.”But his face turned into worry. “If only your mother and father were here, I'm sure they would have enjoyed it too. They like parties like this. Is your father still sick?"I nodded. "My Dad was recovering from the stroke. He's in Escala with Mom, kaya hindi sila nakapunt

  • Forbidden Kiss   39

    Kabanata 39 “What?” iritadong kong saad. Padarag na naibaba ko ang dokumentong binabasa at nilingon ang naka-loud speak na phone dahil sa narinig. “You heard me right. Mom and Dad are planning to visit the La Mesa at the end of the month,” ulit na balita sa akin ni Dan. At the end of the month? “They are not happy with the current state of the company, Maia. Sinusubukan kong pigilan sila. They even want to go there next week. Napigilan ko lang dahil sa kalagayan ngayon ni Dad. But they have decided to really come visit before this month ends.” Pinikit ko ang mata ko ng mariin. That is not good! I…didn't expect this. Alam ko namang mapapagalitan ako. Pero hindi sa ganitong luluwas talaga sila dito sa Manila. Lalo na sa kalagayan ni Dad ngayon. I sighed and gritted my teeth. Kung gano'n, apat na linggo na lang ang meron ako para makaisip ng paraan sa problema? 4 damn weeks! “Kaya naman ang sabi ko sa'yo, luluwas ako para matulungan ka. I can help you. I can

  • Forbidden Kiss   38

    Kabanata 38 “Damn it!” Iritadong umupo ako sa aking swivel chair dito sa aking opisina. Katatapos lang ng meeting with the investors and shareholders and it didn't end well. Padarag kong binagsak ang lintek na sales report sa aking mesa. Halos hawiin ko pa ang lahat na nakalagay sa desk ko sa sobrang iritasyon. “I heard what happened." Nag-angat ako ng tingin sa kaibigan. Pagkapasok namin ng sekretarya ko ay nadatnan ko na siya rito sa opisina ko, nakaupo sa upuang nasa harap ng desk ko. I didn't even bother to greet her because of what just happened during the meeting. Masyado akong preoccupied sa nangyari. “How was it?” she asked. Ang secretary ko ay nakatayo sa may aking gilid, naghihintay ng susunod na aksyon ko. Saksi rin ito sa nangyaring madugong meeting kanina. Mukhang nasabi na rin nito ko kay Kola na nagkaroon bigla ng meeting kaya ngayon ay nakuryos ang huli sa kung anong nangyari. “From the looks of it, mukhang hindi naging maganda ang nangyari,” Kola

  • Forbidden Kiss   37 (Part 2)

    Kabanata 37 (Part 2)I stared blankly at the table in front of me. Tuyo na ang luha mula pa kagabi. Hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog buhat nang dumating sila Dad sa kwarto ko para isawalat ang eskandalong umiikot na sa buong Escala.Hinawakan ni Tristan ang kanang kamay ko habang nakaupo kami ngayon sa sofa dito sa living room. Pilit siyang ngumiti sa akin.“Hey, everything’s going to be alright,” pagpapakalma niya sa akin.Dumating siya kaninang umaga para bumisita saglit ngunit kalaunan, nalaman niya ang nangyari. He immediately canceled his plans today just to be with us.Dumating si Ate Ruby kaya napatingin kami sa kaniya.“Sila Tito?” tanong ni Tristan sa kapatid ko.Ate Ruby sighed.“They're still on the phone, canceling the supposed meeting today,” balita nito. Kaninang umaga ay halos hangin ako sa magulang. They look so disappointed and mad. They didn't even talk to me. “Maybe we should do this some other day? Palipasin muna ang…nangyari?” Tristan suggested, worriedly.“

  • Forbidden Kiss   37 (Part 1)

    Kabanata 37 (Part 1)Maga ang mata ko kakaiyak kagabi. I slept late last night, that's why I woke up late today. It's already past 10. Tumulak na sila Dad sa trabaho noong tulog pa lang ako.Tristan:Goodmorning! Pagkauwi ko kagabi, nakatulog agad ako. Naparami ata ang inom ko. Did you get home safely?Nag-reply naman ako sa kaniya. Ibababa ko na sana ang phone ko pero may nakita akong message galing kay Rafael. Mukhang kanina pa iyon.Manang pours my cereal with milk as I read Rafael's message.Rafael:Let's talk later.I gritted my teeth and chose not to reply. Instead, I placed my phone on the table and gazed at the bowl in front of me.I don't want to talk to him. It would only make things harder between us. Breaking up with him last night was not planned, but it felt right. Dahil bukod sa gusto kong abutin ang pangarap ko, I don't want to continue our relationship while holding grudges against him.Dahil ang totoo, galit pa rin ako…sa nangyari noong kaarawan ko. Galit pa rin ako

  • Forbidden Kiss   36 (Part 2)

    Kabanata 36 (Part 2)“Alright. It's settled, then. We're allowing you to meet Edna Jimenez abroad this coming December and enter Art School soon. But I want you to finish this sem first,” Dad said with finality.“T-Talaga po, Dad?” I asked excitedly.Ngumiti si Mommy sa akin habang si Dad ay tumango at uminom sa kaniyang kopita.Parang pinihit ang puso ko pero sa pagkakataong ito, dahil sa saya nang makita sa mata nila ang pagsang-ayon.“I'm happy for you, Maia!” nakangiting saad sa akin ni Ate Ruby.Ngumiti ako. Tumatalon ang puso ko ngayon sa sobrang tuwa. Finally! They let me pursue what I really want! “T-Thank you, Dad and Mom,” ani ko sa kanila. Nilingon ko rin ang katabi ko. “Thank you, Tristan.”Ngumiti siya ng marahan.“Anything for you, Maia,” he muttered softly.Matapos ang saglit pang usapan, they called it a night. Hinatid namin si Tristan sa labas pero nasiraan ang sasakyan niya at tipsy na rin siya kaya naman nagdesisyon sila Dad na ihahatid na lang si Tristan pabalik s

  • Forbidden Kiss   36 (Part 1)

    Kabanata 36 (Part 1)After I changed into my pajamas, I saw Rafael’s name on my phone. He's calling.Kumunot ang noo ko at sinagot ang tawag.“Hello?” sagot ko at umupo sa kama.“Maia…” his deep voice almost tickles me. Ilang araw kong hindi narinig ang boses niya dahil panay ang chat lang namin kaya…nakakapanibago.“I heard you...went out with Tristan earlier?” he asked.Bahagya akong nagulat na nalaman niya iyon. I wonder who told him that? Pero hindi ko na tinanong.“Yes.”“Anong ginawa niyo?” Nilingon ko ang bintana ng kwarto ko at tinanaw ang langit sa kabila nang umiindayog na kurtina dahil sa hangin.Lumalamig na dahil ilang araw na lang ay mag-Di-Disyembre na.“Kumain lang kami sa labas,” sagot ko. “Hindi mo nabanggit sa akin na lalabas pala kayo.”Kumunot ang noo ko. He sound critical. I don't like it.“I forgot. Biglaan lang din kasi,” dahilan ko.Hindi siya umimik. I heard him sighed over the phone instead. It’s like something is bothering him.“I don't have class in the u

  • Forbidden Kiss   35

    Kabanata 35Umupo ako sa stool matapos kong hainan ang sarili. Nagsimula akong kumain. Kanin at ulam na ang kinakain ko ngayon imbes na kape at tinapay.I glanced at the wall clock. It's already 10:30 am. I woke up late today. Probably because of all the emotions I had last night. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa. Hiniling ko na sana pagkagising ko ay magiging ayos na ako pero hindi. Gano'n pa rin.It feels like the pain and sadness gets so deep in my heart and penetrates my soul. And that a good sleep and loud cry are not enough to make it disappear. It was only one night. It took only one night to change everything. Sa isang iglap, para akong bumalik muli sa umpisa. Habang kumakain ako ay pumasok si Ate Rosa sa kusina. Bahagya pa siyang nagulat nang madatnan ako."Oh? Nandiyan ka na pala," aniya. She's all smiles. She's in a good mood. Ibang-iba sa akin.Tipid na tumango ako. "Pumasok na po sila?" Tukoy ko kila Dad.Nagtungo siya sa sink para ibaba ang hawak na baso."Oo

  • Forbidden Kiss   34

    Kabanata 34Pagkapasok ko ay pinasadahan ko ng tingin ang mesa dito sa kusina. Nang i-angat ko ang tingin kay Ate Rosa na may kausap na tatlong babae ay nakatunog na ako.“Sige. Ito ang bilhin ninyo. Mamayang alas tres ay dadating na ang ibang tutulong sa pagluluto. Tutulong din kayo roon.”“Opo,” sagot ng tatlong babaeng kausap ni Ate Rosa. Nagpaalam na ang mga ito at umalis na.“Oh, Maia, nariyan ka pala,” puna ni Ate Rosa nang makita ako.Bumalik siya sa ginagawang paghihiwa ng carrots. “Ano pong meron?” tanong ko kahit may ideya na ako kung bakit abala ang lahat.“Naghahanda sa selebrasyon para mamaya, Maia. Utos ng magulang mo.” Halos magliwanag ang mukha ko sa narinig.Ikukumpirma ko pa nga sana kung para ba sa birthday ko iyon ngunit may pumasok na driver sa kusina kaya napunta roon ang atensyon ni Ate Rosa. Binati muna ako ng driver bago niya sinabi ang sadya niya sa kasambahay.“Rosa, ilang mga upuan at mesa raw ba ang kailangan para maitawag na kay Berting?” Sa huli, nagp

DMCA.com Protection Status