Kabanata 14 (Part 1)Pinaalis ko ang kamay niya sa chin ko nang marinig na ang boses nila Ate Rosa palapit sa kusina. Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Nagpatianod naman siya. Tila nawalan ng lakas."Wala! Wala kang dapat gawin! Dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi naman ako maniniwala sa'yo. You can fool my parents but not me!"Umigting ang panga niya at pinagmasdan akong mabuti."You hate me so much…" he whispered like he just realized it now. "Yes! Good that you know!" I sneered. He sighed. Bago pa kami maabutan nila Ate Rosa ay nagmartsa na ako paalis roon."Salamat po," sambit ko kay Kuya Harold."Magtext ka na lang kapag susunduin ka na, Maia."Tumango ako at lumabas na ng sasakyan.Today is my first day here at Escala University.Maraming mga estudyante na naglalakad at pumapasok sa gate kaya pumasok na rin ako.May ilang napapatingin sa akin marahil dahil hindi ako pamilyar sa kanila.Hawak-hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang sked ko. Tinungo ko
Kabanata 14 (Part 2)"Mabuti ay dumalaw ka, hija!" salubong ng kararating lang na sila Mommy sa bisitang dumating.It's Kara."Abala po kayo tuwing araw kaya gabi na po ako pumunta para dumalaw ulit. Last time po ay hindi ko kayo naabutan.""Nabanggit nga sa amin ni Manang," ani Dad."Ano iyang dala mo, hija?" tanong ni Mommy."Chicken fillet po. Gawa ko," saad ng babae, nakangiti."Nako! Nag-abala ka pa, hija," ani ni Dad. "Tara at pumasok ka. Tamang-tama't maghahapunan na kami."Tahimik naman ako sa likod nila. Nang gumalaw na sila para magtungo sa hapag ay parang gusto ko na lang hindi sumabay sa kanila.Dahil sa sunog at hilaw na chicken na naluto ko ay nawalan ako ng gana. But Manang insisted on putting those on our dining table. Para daw malaman nila Dad ang effort kong magluto.Nang naglakad na sila Daddy patungong dining area ay nahagip ng mata ko si Rafael. I caught him already looking at me.I looked away and followed my parents.Nang makarating sa dining area ay sabay-sabay
Kabanata 15"Kanina pa tingin ng tingin sa'yo iyang grupo ng basketball players," bulong sa akin ni Macy.Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Nang nilingon ko ang sinasabi niya ay tama nga siya.Nang sinulyapan ko ang grupo nila ay tinulak ng grupo ang isang kasama nila at kinantyawan ito."Mukhang tipo ka ni Andrei," ani Macy.Nilingon ko siya."Andrei?"Natigil siya sa kinakain. Kuryos sa usapan."Andrei Suarez. MVP ng basketball team ng Escala. Bukod sa athletic 'yan, matalino pa. Pinsan siya ng mga Vega. Kilala mo ba sila?"Vega..."Yup. I saw their coconut plantation.""Ang lawak diba? Property nila iyon. Si Andrei, kamag-anak nila. Kaya gwapo at matalino. Financial Management ang kurso niya. Magaling sa pera."Napatango ako. Pinsan pala ito ng mga Vega.Lumapit si Macy at may gustong idugtong na ayaw niyang marinig ng iba.Hinanda ko naman ang tenga ko."At ang sabi…magaling din daw humalik," aniya at hagikgik.Ngumisi ako sa kaniya. She really reminds me of Kola!"Ewan k
Kabanata 16"Read and research."Iyon ang huling paalala ni Sir Norman sa amin bago siya magpaalam at i-dismiss kami."Hay! Grabe! Wala akong maintindihan sa lesson natin ngayon," mutawi ni Macy matapos lumabas ng propesor.Sinang-ayunan siya ng mga kaklase naming nakarinig no'n.Sinara ko ang notebook ko at nagsimula na magligpit.Kung sila ay walang naintindihan, paano pa kaya ako?"Maia, pupunta kaming library para manghiram at mag-aral ng Oblicon. Sama ka?" aya sa akin ni Macy."Tama! Sama ka sa amin," aya rin ni Mark, kaklase namin.Umiling ako."Hindi na. Tingin ko meron sa aming libro ng Oblicon. Doon na lang ako sa amin mag-aaral."Magaling naman magturo si Sir Norman pero hindi ko talaga maintindihan. Masyadong malawak ang Obligation and Contracts para sa IQ kong mababa.Kaya kailangan kong aralin ito sa bahay dahil mukhang babagsak pa ata ako sa subject ni Sir.At iyon nga ang ginawa ko. Pagkadating sa bahay ay nagpalit ako agad ng damit.Naglakad ako at pinihit ang pinto ng
Kabanata 17Sabado ng ala una nang dumating si Kara sa amin. As usual, wala sila Mommy at Daddy at may pinuntahan.Pero hindi na pinaalis ni Manang si Kara dahil may gusto raw ibigay si Mommy dito.Kaya naman nanatili na lang si Kara sa bahay. May dala ito na kung ano na mukhang pagkain.Umirap ako at nagtungo sa library nang mag-alas kwatro na.I need to really review Oblicon. Humihirap na kasi ang leksyon kaya kailangang bigyan ng pansin. This time, my goal is to really review and not to get distracted.Iniwan ko ang phone ko sa kwarto para talagang hindi ma-distract.Nang pinihit ko ang pinto ng aming library ay nakarinig ako ng tawanan.Bumungad sa akin si Rafael na abala sa drawing table habang si Kara ay nasa upuan malapit. Tumatawa si Kara habang si Rafael ay nakangisi.Umarko ang kilay ko sa nadatnang eksena. Nang mapansin ako ay isang lingon ang iginawad nila sa akin.Napawi ang ngisi ni Rafael nang makita ako."Hi, Maia!" nakangiting bati sa akin ni Kara. Galing pa sa tawa.
Kabanata 18Madilim na ang langit nang nagpaalam na ako sa kanila. Hinatid ako ni Macy dito sa may South Falls kung saan nakaparke ang sasakyan ko malapit."Mukhang uulan, Maia. Sigurado ka bang hindi ka na lang magpapasundo sa driver niyo?" tanong ni Macy.Umiling ako. "Hindi na. Lowbat na rin kasi ako at alam ko naman ang daan pabalik."Tumango siya. May pag-aalinlangan pa rin sa mata. Gusto niya pang ibigay sa akin ang payong niya pero tinanggihan ko dahil mas kakailanganin niya iyon pabalik."Salamat, Macy. Pakisabi rin sa mga magulang mo."Ngumiti siya at tumango ako. Tinapik niya ang balikat ko."Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, sana maging maayos iyan. Pwede kang bumalik ulit dito kahit kailan mo gusto. Welcome ka sa amin. Okay?" she said.My eyes watered a bit with what she said. It comforted me so much!Tumango ako. Bago pa ako maging emosyonal, nagpaalam na ako at naglakad na papunta sa sasakyan.Pumasok ako at nakita ko siyang kumaway.Pinaandar ko na ang sasakyan palayo
Kabanata 19Late akong nagising. I woke up around 10 AM. Wala sa sariling bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Wala roon sila Manang at Ate Rosa.Lumabas muli ako para tingnan kung nasa hardin ba sila dahil wala sila dirty kitchen at kwartel.Pagkalabas ko, bumungad sa akin si Rafael na topless. Tanging faded jeans lang ang suot niya habang abala sa pagsasaayos ng aming hardin.In one swift move, he managed to carry the large pot. Sinipat niya ako ng tingin nang makita ako.Ang sinag ng araw ay tumama sa hubad na katawan niya. It defined his bronze skin even more.Tumikhim ako at pinigilan ang sariling pasadahan siya ng tingin. Pinanatili ko ang sarili na sa mukha niya lang nakatingin kahit pa…mahirap. Kaya sa huli, hindi ako nagtagumpay.His shoulders are broad. Every piece of his upper body is perfectly sculpted and...solid. His muscles are all in the right places. Ni walang kahirap-hirap niyang binuhat ang malaking paso. It even seems like he didn't use any effort when he lif
Kabanata 20"Oh? Anong nangyari sa noo mo?" nag-aalalang dalo sa akin ni Macy pagkapasok at pagkaupo ko.Hindi naman malalim ang sugat sa noo ko at maayos naman na ito. Nilagyan na lang ni Manang ng band-aid kaya agaw pansin. Lalo na sa noo pa."Nadisgrasya ka?" dagdag na tanong niya."Maliit na accident lang. Muntik na kasi akong makasagasa ng pusa pero nakapreno naman agad ako. Kaso tumama ang noo ko sa manibela. Kaya…" I said and shrugged my shoulders."Talaga?! Nagamot na ba iyan?" Ngumiti ako at tumango. "Oo. Don't worry.""Mabuti naman. Nako! Kinabahan ako sa'yo! Sabi na nga ba dapat talaga nagpasundo ka na lang sa driver niyo eh!" aniya."Ayos na ako, Macy. Huwag kang mag-alala."Naputol ang kwentuhan naming dalawa nang dumating na ang propesor namin.Umayos kami ng upo at nagsimula na ang klase.Maayos naman ang una at dalawang klase. Nag-quiz kami at palagay ko'y hindi naman ako mangungulelat. Ngunit ang panghuli naming klase para sa araw na iyon ay ang mahirap. Ang Oblicon
Kabanata 48 "...and marry me." Umawang ang labi ko at mabilis na nag-angat ng tingin sa kaniya. Laglag ang pangang tiningnan ko siya. "What?!" Ngayon, hindi ko na napigilan, tumaas na ang tono ko. I get it, okay. I need his help. But really? In this way? Umigting ang panga niya nang nakita ang bayolenteng reaksyon ko. He pursed his lips. Gamit ang dalawang kamay niya sa mesa ay tinulak niya ang sarili para makaahon. Hinila niya ang upuan at preskong umupo na roon na para bang hindi siya nagbitaw ng nakakalokong salita. "Did I hear it right? You want me to marry you?" ulit ko dahil baka nagkamali lang ako ng rinig. He sat there and looked at me. His face is now all serious. He is watching how surprised and bothered I am. "Yes," he replied firmly. Huminga ako ng malalim. I can't help but scoff at that idea. Anong kalokohan ito? Maiintindihan ko ang una niyang kondisyon dahil totoong malaking tulong iyon sa kumpanya. Pero ito? Ano? Gusto niya ako? Imposible iyon
Kabanata 47 Kaya sa huli, late ako ng lagpas isang oras sa meeting. When I entered the restaurant, giniya ako sa tamang table. Pero nagulat ako nang makitang walang Rafael na nakaupo sa assigned table. Sa halip, sa tabing table nito, naroon si Rafael na may kasamang dalawang matanda. Rafael gazed at me when he saw my presence. “This way, Ma’am,” ani ng server at hinila ang upuan para sa akin. Nagtataka man ay umupo ako. Lokohan ba ito? Bakit nasa kabilang table si Rafael? Akala ko ba meeting namin ito? Tinaasan ko siya ng kilay nang nanatili ang titig niya sa akin. He just sighed and gave his attention to the two gentlemen he's with. They look familiar though. At dahil nasa katabing mesa lang sila, naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Well, you are at age, Engineer Valiente. Dapat bumubuo ka na ng pamilya. Or maybe you have a girlfriend now?" the old man chuckled. "Maybe Engineer want to keep it private? Well, it's also nice if you announce it. Be proud. People will look
Kabanata 46 Nagising ako na nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Sa una ay kumunot ang noo ko at inisip na baka guni-guni ko lang. Pero nang suyudin ko ang paligid, mabilis na napabalikwas ako ng upo nang tuluyang magregister sa akin na hindi nga talaga pamilyar ang lugar na ito. Ginala ko ang tingin. This…is definitely not my room! Nasaan ako? I tried to recall what happened last night. The last scene I could remember was me dancing on the dancefloor and walking out of it and bumping into a…man. “Shit!” Halos sabunutan ko ang buhok. What did I do?! Mabilis na umalis ako sa malambot na puting kama at saka ko nakita ang suot kong parehas pa rin naman sa suot ko kagabi. What the hell happened? Nasa…condo ba ako ng lalaking kasama ko kagabi? Halo-halo na ang mga tanong sa isip ko. Pero wala na akong oras pa para sagutin ang bawat tanong na iyon. All I need to do first is to escape from this place! Dali-daling inayos ko ang suot. I wore my sandals lying on the floor and
Kabanata 45 Three days have passed by since our last interaction and I am still not doing anything to reach out to Rafael again. Nang nakibalita si Ate Ruby ay wala akong naibigay na sagot. Pumasok kami ni Kola sa isang restaurant malapit sa building ng head office ng LA MESA para maglunch. "Sige na kasi! Hindi iyong puro ka trabaho. Mag unwind ka rin. Kahit hindi ka magtatagal sa bar, promise!" patuloy na kumbinsi sa akin ni Kola sa tabi ko. She's been telling me to attend her party at the bar. Ayoko dahil abala ako. “I'm busy, Kola,” ani ko. “Come on! Minsan lang naman ‘to. Pagbigyan mo na ‘ko.” Ngunit natigil ako sa paghakbang kaya napatigil rin siya. As soon as we entered the restaurant, I saw Rafael three tables away, eating alone. "Oh? Bakit?" Umarko ang kilay ko. Bakit napadpad ang lalaking ito dito? Ang layo ng firm niya rito, ah. Nag-iwas ako ng tingin nang nagtama saglit ang titig namin. "I'm craving salmon," saad ko kay Kola bago pa kami daluhan nan
Kabanata 44 “Wala pa rin?” tanong ko, nakikibalita. Umiling si Rio sa harap ko. I checked my email again. Ilang beses ko na chineck pero wala pa rin! Ang last reply ay katulad nang nauna. Hindi daw ma-e-entertain ang meeting na nire-request ko. I sighed, trying to calm myself. “Abala siguro ata si Engineer Valiente,” saad ni Rio. “Why? Does he work 24 hours?” I shot back, medyo mainit ang tono. Tumikhim naman siya. Nakakairita na. Mag-iisang Linggo na pero wala pa ring progress sa plano ko. Hindi rin naman epektibo ang pagsadya ko sa kaniya sa kaniyang firm. “Kukuha ako ng impormasyon, Miss,” sa halip na suwesyon ni Rio. Kumunot ang noo ko. “Impormasyon?” tanong ko, napatingin sa sekretarya. “Naisip ko na baka sobrang abala si Engineer Valiente. Kaya naisip kong maghanap ng impormasyon sa mga lakad niya sa mga susunod na mga araw. Doon baka makatyempo ka at makausap siya,” aniya. Napatuwid ako ng upo. Oo nga naman. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? “You’re right. Do that
Kabanata 43 "He...what?" Ilang araw kong hinintay ang balita kung may na-set na bang date for the meeting, tapos eto? Eto ang malalaman ko? Binasa ko ang pinakitang email sa akin ng aking secretary at halos pumutok ang ugat ko sa aking ulo. "I tried to book a meeting a couple of times for 3 consecutive days, Miss. But his secretary replied the same way. It said it wouldn't be entertained as Mr. Valiente was busy with other important things." Nagtagis ang ngipin ko. I... can't believe he said that! For some reason, I feel offended. Oo, marahil iba na siya ngayon. But I didn't know that this would go this far. "It didn't say that it would be scheduled the other days. Instead, it said that...it won't be entertained?" I said in a very heavy way as I read the reply Rafael's secretary sent to our invitation for a meeting. Ayaw niyang mangyari ang meeting? What does that mean? Huminga ako ng malalim at kumalma. I feel like I wasted my three days waiting for the meeting to happen. I
Kabanata 42 Hinilot ko ang sentinido ko habang nakaupo sa isang sofa. That scene with Mr. De Vera drains me. Masyado ba akong harsh? What if my plan won't go well and ending, kailangan kong lapitan ang matanda? Damn it. "You okay?" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Ate Ruby na nakatayo sa harap ko. Her flowy purple dress moved elegantly as she moved. She placed a glass of water on the table between us. "Drink," she motioned and sat on the sofa in front of me. "I have no time for a little chit-chat, Ate Ruby," I said, impatient. Tipid na ngumiti si Ate Ruby at nilingon ang gilid niya. Sinundan ko ng tingin iyon at nakita ang asawa nitong kababalik lang galing sa paghatid sa pamangkin ko sa kwarto. Naghalukipkip ito habang sinasandal ang gilid ng katawan sa pader. Pinagmamasdan kami. Zacarias Vega did not age a bit. He looked so ripped. Matangkad at maganda ang katawan. Kaunti lang ang interaksyon namin noon sa Escala. Mabibilang lang sa daliri. Isa roon iyong n
Kabanata 41 “So…you two met?” Kumunot ang noo ko kay Kola. Iyon agad ang bungad niya nang magkita kami ngayon para maglunch sa isang restaurant malapit sa building namin. I sighed. Late na nga siya at kararating lang, iyon pa ang bungad niya. “Thanks," I said to the waiter who just finished placing all our orders on our table. Hinintay ko munang makaalis ang waiter bago binalingan ang kaibigan. “Alam mo na invited siya sa party?” nanliliit ang tingin na tanong ko sa kaniya at uminom sa aking baso ng tubig. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Yeah? I saw Valiente's name on the guest list.” Nagcheck ba ako ng guest list? Hindi ko matandaan. Siguro dahil pinagawa ko lang kay Rio. What’s only important to me is to know whether any of the big names were in the party. Ni hindi sumagi sa isip ko na magtatagpo ang landas namin ni Rafael sa party na iyon. “And you didn't tell me?” iritadong saad ko kay Kola. She looked at me confused. “I thought you already knew?” Kumunot ang noo ko.
Kabanata 40 Anong ginagawa niya rito? That question was running in my head while I approached the group. I’ve never expected that I will see him again. Not today. Not at this party. "Ah, there you are, hija," Mr. Aleno said, his eyes twinkling with warmth when I finally reached them. He extended his hand, and we exchanged a firm handshake. "Happy birthday, Mr. Aleno," I greeted. He smiled warmly. "Thank you," he replied. "I was worried you wouldn't make it because you're probably busy. Buti ay nakarating ka. Are you enjoying the party, hija?" "Of course, I don't want to miss your birthday, Mr. Aleno. And yes, I am enjoying the party." Mr. Aleno chuckled, his eyes crinkling at the corners. "That's good to hear.” But his face turned into worry. “If only your mother and father were here, I'm sure they would have enjoyed it too. They like parties like this. Is your father still sick?" I nodded. "My Dad was recovering from the stroke. He's in Escala with Mom, ka