Kabanata 20"Oh? Anong nangyari sa noo mo?" nag-aalalang dalo sa akin ni Macy pagkapasok at pagkaupo ko.Hindi naman malalim ang sugat sa noo ko at maayos naman na ito. Nilagyan na lang ni Manang ng band-aid kaya agaw pansin. Lalo na sa noo pa."Nadisgrasya ka?" dagdag na tanong niya."Maliit na accident lang. Muntik na kasi akong makasagasa ng pusa pero nakapreno naman agad ako. Kaso tumama ang noo ko sa manibela. Kaya…" I said and shrugged my shoulders."Talaga?! Nagamot na ba iyan?" Ngumiti ako at tumango. "Oo. Don't worry.""Mabuti naman. Nako! Kinabahan ako sa'yo! Sabi na nga ba dapat talaga nagpasundo ka na lang sa driver niyo eh!" aniya."Ayos na ako, Macy. Huwag kang mag-alala."Naputol ang kwentuhan naming dalawa nang dumating na ang propesor namin.Umayos kami ng upo at nagsimula na ang klase.Maayos naman ang una at dalawang klase. Nag-quiz kami at palagay ko'y hindi naman ako mangungulelat. Ngunit ang panghuli naming klase para sa araw na iyon ay ang mahirap. Ang Oblicon
Kabanata 21Kalaunan, nakaabot din kay Dan ang nangyari noong nakaraan. Pinapagalitan ako nito pero mas namayani ang pag-aaalala niya sa akin."Don't do that ever again, Maia!" mataas ang tonong saad niya."I will!" saad ko."I'm serious, Maia," sambit niya.Ngumiti ako sa pag-aaalala nito. I am close with him. Dahil siguro malapit lang ang edad namin kaya ganoon. Dati tuwing napapagalitan ako nila Daddy, siya ang unang dadalo sa akin. My sister is more in a right side while Dan is always in my side."I promise! Besides, I'm grounded, Dan. I can't go out whenever I want to," saad ko sa kapatid.He just sighed over the phone. Nang natapos kaming kumain ni Macy sa canteen ng school ay lumabas na kami. It's Tuesday. Kapag tuesday ay magaan ang mga subject namin. Tulad ngayon, ang isang propesor namin ay absent."Nabusog ako! Sarap ng turon na binebenta nila. May langka!" turan ni Macy habang naglalakad kami.She's right! Masarap ang turon na kinain namin. "Mahal nga lang pero keri na,"
Kabanata 22"Group yourselves into five. Accomplish this task and passed the final paper next Monday," wika ng isa naming propesor sa isang subject nang mag Thursday na.Magkakagrupo kami ni Macy, Mark, Anthony at Elisa. Mabuti na lang sila ang kagrupo ko dahil komportable ako sa kanila.Bago kami magtungo sa next class namin kay Sir Norman ay nag-huddle kami para pag-usapan kung kailan kami gagawa."Bukas after class. Pwede kayo?" Elisa asked.Sabay-sabay na pumayag sila. Napatingin sila sa akin nang hindi ako nagsalita."Hindi ka pwede, Maia?" tanong ni Mark."Hindi naman pero magpapaalam pa ako," tanging nasambit ko.Pero tingin ko naman ay papayagan naman ako. Tungkol naman ito sa schoolworks."Sige. Ganito. Pag-usapan natin sa GC kung saan tayo gagawa. Pwede naman sa amin o kaya dito sa school para accessible sa lahat. Basta i-check niyo palagi ang group chat," bilin ni Elisa na leader namin.Tumango kami. Habang naglalakad ako ay binasa ko ang chat sa akin ni Andrei.Andrei Sua
Kabanata 23Nagpalakpakan ang mga kaklase namin matapos naming mag-present. Umupo kaming apat na nakangiti."Good job, guys!" sambit ni Mark.Nag-apiran kami dahil maganda ang naging resulta ng aming group work. We managed to present it so well that our professor did not have any questions anymore.Matapos ang huling klase ay nagyayaan ang grupo namin na pumunta sa coffee shop. Of course I joined them! Sumaglit lang ako dahil alam nilang hindi ako pwedeng magtagal."Let's start?" tanong ni Rafael nang makaupo na siya sa tabi ko. Tumango ako. Binuklat niya ang libro at ako naman ay hinanda ko ang notebook ko."Let's start with this Negotiorum Gestio and Solutio Indebiti," aniya. Tukoy sa dalawang quasi-contract.Tumango ako at nakinig sa kaniya nang mag-explain na siya."Did you understand?" tanong niya matapos ipaliwanag ang concept ng dalawa."Kinda," I said.I bit the end of the ballpen and nodded slowly, not confident. Medyo nakakalito.His eyes went down to my mouth while I'm bi
Kabanata 24"That's a good start, Maia. Ipagpatuloy mo iyan. Paniguradong matutuwa sila Daddy," ani Ate Ruby.Habang nag-aalmusal kasi kaming tatlo nila Ate Ruby at Rafael ay naibalita ni Rafael sa kapatid ko ang magandang resulta ng recitation ko.Ngumiti ako. "You think so?" I muttered."Of course," aniya at ngiti rin.Binaling niya ang tingin kay Rafael. "Thank you for teaching Maia, Raf.""Wala iyon. Mabilis…naman siyang turuan," sambit ni Rafael at sinulyapan ako.Tinaasan ko siya ng kilay. After what happened yesterday, hindi na maalis sa alaala ko ang nangyari. Pakiramdam ko tuloy lahat ng sasabihin niya may kung anong meaning!Oh my god, Maia! Polluted na ata ang utak mo!Ate Ruby glanced at me. Kaya naman napaupo ako ng matuwid."Did you already tell our parents about it?" tanong niya.Umiling ako. "You should," she urged.Iyon nga ang ginawa ko.Ang nalalabing oras ko sa umaga bago ang klase ko mamayang hapon ay ginamit ko para tawagan saglit sila Mommy at Dad."That's gr
Kabanata 25Umuwi na sila Daddy at Mommy. Sa hapag ay marami itong mga kwento tungkol sa pinunta nila sa Palawan.Nagpatuloy pa rin ang study session namin ni Rafael. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi na kami magkatabi. Magkaharap na lang kami. He's really serious about us not getting so close especially when we are alone. Naging mabilis ang mga araw. Hanggang sa nasanay na lang ako sa set-up namin. There are also times that he brings me food. "Ano 'to?" tanong ko noong nakaraan nang bigyan niya ako ng isang tupperware. Sa araw na iyon ay siya ang naghatid sa akin sa school."Pagkain. Baon mo. Niluto ko 'yan."Tumaas ang isang kilay ko at binagsak ang tingin sa tupperware. Ngumuso ako para hindi umalpas ang ngiti.Simula no'n ay palagi siyang may pabaon sa akin. Minsan dahil madalas na hindi siya ang naghahatid sa akin, napapansin kong nasa loob na ng bag ko ang tupperware. Kaya ang ending, hindi na ako nakakabili sa canteen ng school.His food was delicious and well, healthy. Malak
Kabanata 26Habang nagliligpit ako matapos ang study session namin ay napansin ko ang paninitig ni Rafael.Tinaasan ko siya ng kilay dahil parang may gusto siyang sabihin."Why?" I asked. "May sasabihin ka?"He sighed."Babalik na ako sa apartment ko," balita niya.I blinked a bit and stared at him. "Noong dito ako tumira at naayos na ang problema sa apartment may tumira roon pansamantala. Nasabihan ako ng may-ari ng upahan na umalis na ang tumira roon kaya pwede na akong bumalik."I slowly nodded my head. I'm not sure if that's a great idea. Sasabihin ko rin sana ngayon ang plano ko na itigil na namin ang study session namin para maibuhos niya ang sarili sa pagre-review kaso…mukhang hindi magandang sabihin iyon ngayon.Hinagilap ni Rafael ang kamay ko. His hand claimed mine. Pinanood ko kung paano tinabunan ng malaki at malapad niyang kamay ang akin. "Magkikita pa rin tayo," aniya.I know. Sa study session na balak ko ring tapusin na. Gusto ko sanang isatinig.Akala ko ay iyon a
Kabanata 27Rafael:Where are you? I'm at the review center.Binasa ko ng paulit-ulit ang chat niyang iyon. Kanina pa iyon. About 4 hours ago. Ngayon ko lang nabasa.Instead of replying, I checked his feed. There, I saw a couple of pictures. Kaka-upload lang nito. Naka-tag si Rafael sa post ni Kara Gonzales kaya nakita ko.Wala sa sariling binusisi ko ang mga pictures na magkakasama silang magkakaibigan sa isang tingin kong review center hanggang sa natigil ako sa isang litrato. It was a picture of Kara and Rafael together. Nag selfie si Kara habang katabi si Rafael na nagbabasa ng libro. Sa sumunod na picture ay nakatingin na si Rafael sa camera. "Maia…" tawag ni Elisa sa akin dahil dumadami na ang customer.Tiim bagang na isinilid ko ang phone at tinulungan na ang kagrupo sa pagbebenta.After the scene earlier, I noticed how my mood changed. Lumilipad ang utak ko sa mga nalaman at sa nakita ngayong pictures nila Kara at Rafael. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin