Kabanata 15"Kanina pa tingin ng tingin sa'yo iyang grupo ng basketball players," bulong sa akin ni Macy.Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Nang nilingon ko ang sinasabi niya ay tama nga siya.Nang sinulyapan ko ang grupo nila ay tinulak ng grupo ang isang kasama nila at kinantyawan ito."Mukhang tipo ka ni Andrei," ani Macy.Nilingon ko siya."Andrei?"Natigil siya sa kinakain. Kuryos sa usapan."Andrei Suarez. MVP ng basketball team ng Escala. Bukod sa athletic 'yan, matalino pa. Pinsan siya ng mga Vega. Kilala mo ba sila?"Vega..."Yup. I saw their coconut plantation.""Ang lawak diba? Property nila iyon. Si Andrei, kamag-anak nila. Kaya gwapo at matalino. Financial Management ang kurso niya. Magaling sa pera."Napatango ako. Pinsan pala ito ng mga Vega.Lumapit si Macy at may gustong idugtong na ayaw niyang marinig ng iba.Hinanda ko naman ang tenga ko."At ang sabi…magaling din daw humalik," aniya at hagikgik.Ngumisi ako sa kaniya. She really reminds me of Kola!"Ewan k
Kabanata 16"Read and research."Iyon ang huling paalala ni Sir Norman sa amin bago siya magpaalam at i-dismiss kami."Hay! Grabe! Wala akong maintindihan sa lesson natin ngayon," mutawi ni Macy matapos lumabas ng propesor.Sinang-ayunan siya ng mga kaklase naming nakarinig no'n.Sinara ko ang notebook ko at nagsimula na magligpit.Kung sila ay walang naintindihan, paano pa kaya ako?"Maia, pupunta kaming library para manghiram at mag-aral ng Oblicon. Sama ka?" aya sa akin ni Macy."Tama! Sama ka sa amin," aya rin ni Mark, kaklase namin.Umiling ako."Hindi na. Tingin ko meron sa aming libro ng Oblicon. Doon na lang ako sa amin mag-aaral."Magaling naman magturo si Sir Norman pero hindi ko talaga maintindihan. Masyadong malawak ang Obligation and Contracts para sa IQ kong mababa.Kaya kailangan kong aralin ito sa bahay dahil mukhang babagsak pa ata ako sa subject ni Sir.At iyon nga ang ginawa ko. Pagkadating sa bahay ay nagpalit ako agad ng damit.Naglakad ako at pinihit ang pinto ng
Kabanata 17Sabado ng ala una nang dumating si Kara sa amin. As usual, wala sila Mommy at Daddy at may pinuntahan.Pero hindi na pinaalis ni Manang si Kara dahil may gusto raw ibigay si Mommy dito.Kaya naman nanatili na lang si Kara sa bahay. May dala ito na kung ano na mukhang pagkain.Umirap ako at nagtungo sa library nang mag-alas kwatro na.I need to really review Oblicon. Humihirap na kasi ang leksyon kaya kailangang bigyan ng pansin. This time, my goal is to really review and not to get distracted.Iniwan ko ang phone ko sa kwarto para talagang hindi ma-distract.Nang pinihit ko ang pinto ng aming library ay nakarinig ako ng tawanan.Bumungad sa akin si Rafael na abala sa drawing table habang si Kara ay nasa upuan malapit. Tumatawa si Kara habang si Rafael ay nakangisi.Umarko ang kilay ko sa nadatnang eksena. Nang mapansin ako ay isang lingon ang iginawad nila sa akin.Napawi ang ngisi ni Rafael nang makita ako."Hi, Maia!" nakangiting bati sa akin ni Kara. Galing pa sa tawa.
Kabanata 18Madilim na ang langit nang nagpaalam na ako sa kanila. Hinatid ako ni Macy dito sa may South Falls kung saan nakaparke ang sasakyan ko malapit."Mukhang uulan, Maia. Sigurado ka bang hindi ka na lang magpapasundo sa driver niyo?" tanong ni Macy.Umiling ako. "Hindi na. Lowbat na rin kasi ako at alam ko naman ang daan pabalik."Tumango siya. May pag-aalinlangan pa rin sa mata. Gusto niya pang ibigay sa akin ang payong niya pero tinanggihan ko dahil mas kakailanganin niya iyon pabalik."Salamat, Macy. Pakisabi rin sa mga magulang mo."Ngumiti siya at tumango ako. Tinapik niya ang balikat ko."Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, sana maging maayos iyan. Pwede kang bumalik ulit dito kahit kailan mo gusto. Welcome ka sa amin. Okay?" she said.My eyes watered a bit with what she said. It comforted me so much!Tumango ako. Bago pa ako maging emosyonal, nagpaalam na ako at naglakad na papunta sa sasakyan.Pumasok ako at nakita ko siyang kumaway.Pinaandar ko na ang sasakyan palayo
Kabanata 19Late akong nagising. I woke up around 10 AM. Wala sa sariling bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Wala roon sila Manang at Ate Rosa.Lumabas muli ako para tingnan kung nasa hardin ba sila dahil wala sila dirty kitchen at kwartel.Pagkalabas ko, bumungad sa akin si Rafael na topless. Tanging faded jeans lang ang suot niya habang abala sa pagsasaayos ng aming hardin.In one swift move, he managed to carry the large pot. Sinipat niya ako ng tingin nang makita ako.Ang sinag ng araw ay tumama sa hubad na katawan niya. It defined his bronze skin even more.Tumikhim ako at pinigilan ang sariling pasadahan siya ng tingin. Pinanatili ko ang sarili na sa mukha niya lang nakatingin kahit pa…mahirap. Kaya sa huli, hindi ako nagtagumpay.His shoulders are broad. Every piece of his upper body is perfectly sculpted and...solid. His muscles are all in the right places. Ni walang kahirap-hirap niyang binuhat ang malaking paso. It even seems like he didn't use any effort when he lif
Kabanata 20"Oh? Anong nangyari sa noo mo?" nag-aalalang dalo sa akin ni Macy pagkapasok at pagkaupo ko.Hindi naman malalim ang sugat sa noo ko at maayos naman na ito. Nilagyan na lang ni Manang ng band-aid kaya agaw pansin. Lalo na sa noo pa."Nadisgrasya ka?" dagdag na tanong niya."Maliit na accident lang. Muntik na kasi akong makasagasa ng pusa pero nakapreno naman agad ako. Kaso tumama ang noo ko sa manibela. Kaya…" I said and shrugged my shoulders."Talaga?! Nagamot na ba iyan?" Ngumiti ako at tumango. "Oo. Don't worry.""Mabuti naman. Nako! Kinabahan ako sa'yo! Sabi na nga ba dapat talaga nagpasundo ka na lang sa driver niyo eh!" aniya."Ayos na ako, Macy. Huwag kang mag-alala."Naputol ang kwentuhan naming dalawa nang dumating na ang propesor namin.Umayos kami ng upo at nagsimula na ang klase.Maayos naman ang una at dalawang klase. Nag-quiz kami at palagay ko'y hindi naman ako mangungulelat. Ngunit ang panghuli naming klase para sa araw na iyon ay ang mahirap. Ang Oblicon
Kabanata 21Kalaunan, nakaabot din kay Dan ang nangyari noong nakaraan. Pinapagalitan ako nito pero mas namayani ang pag-aaalala niya sa akin."Don't do that ever again, Maia!" mataas ang tonong saad niya."I will!" saad ko."I'm serious, Maia," sambit niya.Ngumiti ako sa pag-aaalala nito. I am close with him. Dahil siguro malapit lang ang edad namin kaya ganoon. Dati tuwing napapagalitan ako nila Daddy, siya ang unang dadalo sa akin. My sister is more in a right side while Dan is always in my side."I promise! Besides, I'm grounded, Dan. I can't go out whenever I want to," saad ko sa kapatid.He just sighed over the phone. Nang natapos kaming kumain ni Macy sa canteen ng school ay lumabas na kami. It's Tuesday. Kapag tuesday ay magaan ang mga subject namin. Tulad ngayon, ang isang propesor namin ay absent."Nabusog ako! Sarap ng turon na binebenta nila. May langka!" turan ni Macy habang naglalakad kami.She's right! Masarap ang turon na kinain namin. "Mahal nga lang pero keri na,"
Kabanata 22"Group yourselves into five. Accomplish this task and passed the final paper next Monday," wika ng isa naming propesor sa isang subject nang mag Thursday na.Magkakagrupo kami ni Macy, Mark, Anthony at Elisa. Mabuti na lang sila ang kagrupo ko dahil komportable ako sa kanila.Bago kami magtungo sa next class namin kay Sir Norman ay nag-huddle kami para pag-usapan kung kailan kami gagawa."Bukas after class. Pwede kayo?" Elisa asked.Sabay-sabay na pumayag sila. Napatingin sila sa akin nang hindi ako nagsalita."Hindi ka pwede, Maia?" tanong ni Mark."Hindi naman pero magpapaalam pa ako," tanging nasambit ko.Pero tingin ko naman ay papayagan naman ako. Tungkol naman ito sa schoolworks."Sige. Ganito. Pag-usapan natin sa GC kung saan tayo gagawa. Pwede naman sa amin o kaya dito sa school para accessible sa lahat. Basta i-check niyo palagi ang group chat," bilin ni Elisa na leader namin.Tumango kami. Habang naglalakad ako ay binasa ko ang chat sa akin ni Andrei.Andrei Sua