Warning: Mature Content 🔞SimulaHinilamos ko ang mukha ko gamit ang aking palad. Problemadong-problemado na nakaupo rito sa toilet."Maia?" paos ang boses na bungad ni Kola nang tumawag ako sa kaniya. "Oh? Ang aga ata mong napatawag. Hindi ba kayo late umuwi kagabi?"Wala na akong panahon para mag-explain."I need morning after pills, Ko," mabilisan kong sabi. Pinagtabi ko ang aking hita nang maramdaman ang kirot sa aking gitna. I'm sore from what happened last night! Shit!"Pills? Bakit? Don't tell me…" hindi niya matapos-tapos sabihin.I remained silent. Feeling the pain between my thighs."Oh my god, Maia! May nangyari sa inyo ni Rafael?" eksaheradang tanong niya. Nawala na ang kaninang paos na boses. Pinikit ko ang mata. "Just recommend me morning after pills, please," I said, irittated and panicking a bit."Oh my god! Oh my god!" Hindi na siya magkandaugaga sa kabilang linya."Well, I h-have here. Tamang-tama may pupuntahan ako sa Tiara Tower. Dadaan na lang ako sa condo nin
Kabanata 1Habang nasa veranda ng aking kwarto, tulala akong pinagmasdan ang madilim na langit. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko na wala na ako sa Manila at nandito na ako sa Escala."Maia, nariyan na ang mga bisita ng Daddy mo. Kakain na!"Hindi ko nilingon ang pinto nang kumatok ang isa sa mga kasambahay. Hindi rin naman nito hinintay ang sagot ko at mukhang umalis na.Hindi ba pwedeng dito na lang ako at magmukmok? I don't think I can face anyone right now! Akala ko kakatok ulit ang kasambahay pagkatapos ng ilang minuto na hindi pa rin ako bumaba pero hindi. Walang dumating."Cheer up, Maia Asuncion!"Binaluktok ko ang legs ko at niyakap ito habang nakaupo sa kama."Mainit pa ang ulo sa'yo ng magulang mo sa ngayon. Syempre, fresh pa ang atraso mo pero sigurado ako na kapag nagtagal-tagal, makakalimutan na nila ang pagbabawal nila sa'yo na bumili ng art materials. Hang in there, okay? Kung gusto mo bilhan pa kita e," she chuckled.It is a call with my best friend, Kola Montecill
Kabanata 2 Totoo nga ang sinabi ng lalaki kagabi. Tauhan siya ni Daddy. Kasalukuyan siyang part timer sa construction company ng aming pamilya. Anila, graduate na ang lalaki sa kursong engineering at nagre-review na lamang para sa darating na board exam. If that's the case, he's probably around 23. Tinusok ko ang hotdog at nag-angat ako ng tingin sa nakakatanda kong kapatid na si Ate Ruby na kaedad ng lalaki.Pinanood ko ang ginawang paghampas ng kapatid ko sa braso ng lalaking bisita sabay humalakhak. Humalakhak din si Dad at Mom. My sister and that guy last night are already close? Ganoon kabilis? Kagabi lang sila nagkakilala ah. Habang nagtatawanan sila ay hindi ako makasabay. Hindi ko alam kung ano na ba ang pinag-uusapan nila at ano ang dahilan ng paghalakhak nilang lahat. I feel like an outsider here! Nananatili ang matalim na titig ko sa lalaki. Anger dripped on me as I watched him get along with my family. He blends well with them. Kung ibang tao ang makakakita sa eksen
Kabanata 3I was bored the whole time. Palaging ganito sa mga sumunod na tatlong Linggo. Nabubuhay lang ako tuwing kausap ko ang kaibigan na si Kola sa tawag tuwing gabi.She told me stories about her escapades in Siargao. Last week kasi ay tumulak na silang pamilya para magbakasyon. Natutuwa naman ako tuwing nagkwekwento siya. I can imagine how beautiful Siargao is and how I wanted so much to paint it.Kung sana lang talaga ay may gamit ako.Dahil sa mga kwento niya ay napa-search tuloy ako sa internet para tingnan ang mga litrato ng Siargao.It was beautiful and majestic!I wonder if there is a beach near here in Escala too?Nakaka-isang buwan at isang linggo na ako rito pero hindi pa rin ako nakakalibot."Sila Daddy po?" I asked our maid. Galing ako sa syesta at nang nagising ay naisipang bumaba.Mukhang naghahanda ang kasambahay para sa dinner mamaya. It's still early though. It's still 4PM."Umalis, hija. Kasama ang Mommy mo. Mamaya pa ang dating. Mga alas sais ay paniguradong na
Kabanata 4 Tinigil niya ang motorbike nang makarating na kami sa labas ng gate ng aming bahay. Mabilis akong bumaba, napapaso sa lapit namin. Tinanggal ko rin ng mabilisan ang helmet.Kumunot ang noo ko nang tinanaw ang labas ng aming bahay. Napansin ko na may mga tao roon. Rinig na rinig ang halakhakan kahit nasa labas pa lang kami. "Mga Engineer at Architect sa kumpanya ninyo. Narito sila para i-celebrate ang isang malaking proyekto niyo." Nilingon ko si Rafael nang sinabi niya iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit abala kanina ang mga kasambahay? "Tara na," aya niya at una nang pumasok. Tahimik na sumunod ako. Bumungad sa akin ang siguro'y hindi lalagpas sa labinglima na mga bisita. Mas marami ito kumpara noon. Nasa may pwesto sila sa labas at kumakain, nagkwekwentuhan at ang iba ay nag-iinuman. Habang naglalakad, natanaw ko sila Daddy at Mommy. May kausap na grupo at tumatawa. They don't look bothered or worried at all. Nagtaka ako. Hindi ito ang eksenang inaasahan kong m
Kabanata 5Hindi ako napagalitan ni Ate Ruby. Rafael explained to her that it was his fault. He lied.Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Baka gustong magpaka-hero.Nagtagal ang titig sa akin ni Ate Ruby na para bang sinubukan niyang basahin ang mata ko. I thought she would inform our parents about what happened. Kaya hinintay ko sila Daddy noong gabing iyon at kinabukasan na kausapin at pagalitan ako pero hindi dumating. I figured Ate Ruby did not tell them. And even Rafael.Hindi na naging madalas ang pagpunta ni Rafael sa bahay mula ng araw na iyon. Dahil na rin siguro abala ang mga tao sa kumpanya. I heard they have a huge project. So even Daddy is busy these days."Ate, si Daddy po?" tanong ko kay Ate Rosa na pinapalitan ngayon ang bedsheet ko."Nasa baba. Mukhang paalis na."Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumaba ako sa hagdan. "Dad!" tawag ko nang natanaw itong nasa may pinto at paalis na.Hindi ko pinansin ang kasama niy
Kabanata 6"Mabuti at pumayag ka rin sa wakas, hijo!"Pinanood ko ang liwanag at saya sa mukha ni Mommy.Nandito kami ngayon sa sala at sa harap namin ay si Rafael na may mga bitbit na mga bag."Bakit ayaw mo sa isa sa mga kwarto rito?" tanong ni Dad sa lalaki.Naghahalukipkip naman na nasa gilid ako."Ayos na po ako sa kwartel sa likod kung saan din natutulog sila Harold at Ben, Engineer," mababa ang boses na sagot ni Rafael."Nako! Dapat talaga ay sa isa sa mga kwarto ka namin manatili. Pero mukhang hindi ka na mapipilit," ani Mom. "Pero kung sakaling magbago ang isip mo, hijo. Magsabi ka agad."Tumango ang lalaki. "Maraming salamat po.""Anyway, we're happy for your decision to stay here. Kung hindi pa nagkaproblema sa linya ng tubig ang apartment mo, mukhang hindi mo pa ata tatanggapin ang alok namin," saad ni Dad."Mabuti pala at nagkaroon ng problema," ani ni Danzel at ngumisi.Humalakhak si Dad. Nagtawanan sila roon habang ako ay tahimik at hindi natutuwa. And I have no intentio
Kabanata 7"I hate him," mutawi ko sa kaibigan.Narito ako sa veranda at nakaupo sa silya rito. Natanaw ko ang pagdidilig ni Ate Ruby at Rafael. "Is he that bad?" tanong ni Kola sa kabilang linya. "Yes. He's doing that because he wants to get close with my sister.""Baka naman totoo talagang nagkaroon ng problema sa apartment niya kaya siya pumayag nang tumira sa inyo? You know?""No. I'm sure he's planning on something, Kola."Naikwento ko kasi sa kaibigan ang tungkol kay Rafael. Simula nang nakilala ko siya hanggang sa pag-aaway namin noong isang araw."Stop!" natatawang pigil ni Rafael nang tinutok ni Ate Ruby sa kaniya ang hose.Nabasa si Rafael kaya naghiganti. Tinutok niya rin ang hose sa direksyon ni Ate Ruby.Napuno ng halakhak at tili ang hardin namin dahil sa biruan nila. Umikot ang mata ko. I heard Kola sighed."I don't know what's really happening. Wala ako diyan para ma-witness ang lahat. Pero…...what's your plan?" Niyakap ko ang aking tuhod at napaisip sa sinabi niy