Kabanata 13"I will miss you!" ani at yakap sa akin ni Kola. Kasama ko ngayon si Dan at hinatid namin rito sa airport sila Kola at Peter."I will miss you too, Kola!" nakangiting kong sagot. Si Peter naman ang niyakap ko pagkatapos. "Escala is a beautiful place, Maia. Enjoy your time here. Make a lot of friends para hindi ka ma-bored. Okay?" Tumango ako kay Peter. Medyo di sanay."Salamat sa pagdalaw. Mag-iingat kayo."Naglakad na sila dahil oras na nila para umalis. Kinawayan ko sila.Sa halos isang linggo na kasama ko sila ay nakalimutan ko ang lahat ng bumabagabag sa akin. Kaya paniguradong ma-mimiss ko sila. "Let's go, Maia," aya ni Dan. Tumango ako nang hindi ko na matanaw ang dalawang kaibigan.Lumabas na kami sa airport. Pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ni Dan ito."Yes?" Sa gilid ko ay may katawagan sa telepono si Dan habang nagmamaneho. "Sige. Kukunin ko. Tutungo ako riyan ngayon."Nang natapos siya ay inisang lingon niya ako."Sasaglit lang ako sa site. Dad
Kabanata 14 (Part 1)Pinaalis ko ang kamay niya sa chin ko nang marinig na ang boses nila Ate Rosa palapit sa kusina. Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Nagpatianod naman siya. Tila nawalan ng lakas."Wala! Wala kang dapat gawin! Dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi naman ako maniniwala sa'yo. You can fool my parents but not me!"Umigting ang panga niya at pinagmasdan akong mabuti."You hate me so much…" he whispered like he just realized it now. "Yes! Good that you know!" I sneered. He sighed. Bago pa kami maabutan nila Ate Rosa ay nagmartsa na ako paalis roon."Salamat po," sambit ko kay Kuya Harold."Magtext ka na lang kapag susunduin ka na, Maia."Tumango ako at lumabas na ng sasakyan.Today is my first day here at Escala University.Maraming mga estudyante na naglalakad at pumapasok sa gate kaya pumasok na rin ako.May ilang napapatingin sa akin marahil dahil hindi ako pamilyar sa kanila.Hawak-hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang sked ko. Tinungo ko
Kabanata 14 (Part 2)"Mabuti ay dumalaw ka, hija!" salubong ng kararating lang na sila Mommy sa bisitang dumating.It's Kara."Abala po kayo tuwing araw kaya gabi na po ako pumunta para dumalaw ulit. Last time po ay hindi ko kayo naabutan.""Nabanggit nga sa amin ni Manang," ani Dad."Ano iyang dala mo, hija?" tanong ni Mommy."Chicken fillet po. Gawa ko," saad ng babae, nakangiti."Nako! Nag-abala ka pa, hija," ani ni Dad. "Tara at pumasok ka. Tamang-tama't maghahapunan na kami."Tahimik naman ako sa likod nila. Nang gumalaw na sila para magtungo sa hapag ay parang gusto ko na lang hindi sumabay sa kanila.Dahil sa sunog at hilaw na chicken na naluto ko ay nawalan ako ng gana. But Manang insisted on putting those on our dining table. Para daw malaman nila Dad ang effort kong magluto.Nang naglakad na sila Daddy patungong dining area ay nahagip ng mata ko si Rafael. I caught him already looking at me.I looked away and followed my parents.Nang makarating sa dining area ay sabay-sabay
Kabanata 15"Kanina pa tingin ng tingin sa'yo iyang grupo ng basketball players," bulong sa akin ni Macy.Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Nang nilingon ko ang sinasabi niya ay tama nga siya.Nang sinulyapan ko ang grupo nila ay tinulak ng grupo ang isang kasama nila at kinantyawan ito."Mukhang tipo ka ni Andrei," ani Macy.Nilingon ko siya."Andrei?"Natigil siya sa kinakain. Kuryos sa usapan."Andrei Suarez. MVP ng basketball team ng Escala. Bukod sa athletic 'yan, matalino pa. Pinsan siya ng mga Vega. Kilala mo ba sila?"Vega..."Yup. I saw their coconut plantation.""Ang lawak diba? Property nila iyon. Si Andrei, kamag-anak nila. Kaya gwapo at matalino. Financial Management ang kurso niya. Magaling sa pera."Napatango ako. Pinsan pala ito ng mga Vega.Lumapit si Macy at may gustong idugtong na ayaw niyang marinig ng iba.Hinanda ko naman ang tenga ko."At ang sabi…magaling din daw humalik," aniya at hagikgik.Ngumisi ako sa kaniya. She really reminds me of Kola!"Ewan k
Kabanata 16"Read and research."Iyon ang huling paalala ni Sir Norman sa amin bago siya magpaalam at i-dismiss kami."Hay! Grabe! Wala akong maintindihan sa lesson natin ngayon," mutawi ni Macy matapos lumabas ng propesor.Sinang-ayunan siya ng mga kaklase naming nakarinig no'n.Sinara ko ang notebook ko at nagsimula na magligpit.Kung sila ay walang naintindihan, paano pa kaya ako?"Maia, pupunta kaming library para manghiram at mag-aral ng Oblicon. Sama ka?" aya sa akin ni Macy."Tama! Sama ka sa amin," aya rin ni Mark, kaklase namin.Umiling ako."Hindi na. Tingin ko meron sa aming libro ng Oblicon. Doon na lang ako sa amin mag-aaral."Magaling naman magturo si Sir Norman pero hindi ko talaga maintindihan. Masyadong malawak ang Obligation and Contracts para sa IQ kong mababa.Kaya kailangan kong aralin ito sa bahay dahil mukhang babagsak pa ata ako sa subject ni Sir.At iyon nga ang ginawa ko. Pagkadating sa bahay ay nagpalit ako agad ng damit.Naglakad ako at pinihit ang pinto ng
Kabanata 17Sabado ng ala una nang dumating si Kara sa amin. As usual, wala sila Mommy at Daddy at may pinuntahan.Pero hindi na pinaalis ni Manang si Kara dahil may gusto raw ibigay si Mommy dito.Kaya naman nanatili na lang si Kara sa bahay. May dala ito na kung ano na mukhang pagkain.Umirap ako at nagtungo sa library nang mag-alas kwatro na.I need to really review Oblicon. Humihirap na kasi ang leksyon kaya kailangang bigyan ng pansin. This time, my goal is to really review and not to get distracted.Iniwan ko ang phone ko sa kwarto para talagang hindi ma-distract.Nang pinihit ko ang pinto ng aming library ay nakarinig ako ng tawanan.Bumungad sa akin si Rafael na abala sa drawing table habang si Kara ay nasa upuan malapit. Tumatawa si Kara habang si Rafael ay nakangisi.Umarko ang kilay ko sa nadatnang eksena. Nang mapansin ako ay isang lingon ang iginawad nila sa akin.Napawi ang ngisi ni Rafael nang makita ako."Hi, Maia!" nakangiting bati sa akin ni Kara. Galing pa sa tawa.
Kabanata 18Madilim na ang langit nang nagpaalam na ako sa kanila. Hinatid ako ni Macy dito sa may South Falls kung saan nakaparke ang sasakyan ko malapit."Mukhang uulan, Maia. Sigurado ka bang hindi ka na lang magpapasundo sa driver niyo?" tanong ni Macy.Umiling ako. "Hindi na. Lowbat na rin kasi ako at alam ko naman ang daan pabalik."Tumango siya. May pag-aalinlangan pa rin sa mata. Gusto niya pang ibigay sa akin ang payong niya pero tinanggihan ko dahil mas kakailanganin niya iyon pabalik."Salamat, Macy. Pakisabi rin sa mga magulang mo."Ngumiti siya at tumango ako. Tinapik niya ang balikat ko."Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, sana maging maayos iyan. Pwede kang bumalik ulit dito kahit kailan mo gusto. Welcome ka sa amin. Okay?" she said.My eyes watered a bit with what she said. It comforted me so much!Tumango ako. Bago pa ako maging emosyonal, nagpaalam na ako at naglakad na papunta sa sasakyan.Pumasok ako at nakita ko siyang kumaway.Pinaandar ko na ang sasakyan palayo
Kabanata 19Late akong nagising. I woke up around 10 AM. Wala sa sariling bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Wala roon sila Manang at Ate Rosa.Lumabas muli ako para tingnan kung nasa hardin ba sila dahil wala sila dirty kitchen at kwartel.Pagkalabas ko, bumungad sa akin si Rafael na topless. Tanging faded jeans lang ang suot niya habang abala sa pagsasaayos ng aming hardin.In one swift move, he managed to carry the large pot. Sinipat niya ako ng tingin nang makita ako.Ang sinag ng araw ay tumama sa hubad na katawan niya. It defined his bronze skin even more.Tumikhim ako at pinigilan ang sariling pasadahan siya ng tingin. Pinanatili ko ang sarili na sa mukha niya lang nakatingin kahit pa…mahirap. Kaya sa huli, hindi ako nagtagumpay.His shoulders are broad. Every piece of his upper body is perfectly sculpted and...solid. His muscles are all in the right places. Ni walang kahirap-hirap niyang binuhat ang malaking paso. It even seems like he didn't use any effort when he lif