Kabanata 7"I hate him," mutawi ko sa kaibigan.Narito ako sa veranda at nakaupo sa silya rito. Natanaw ko ang pagdidilig ni Ate Ruby at Rafael. "Is he that bad?" tanong ni Kola sa kabilang linya. "Yes. He's doing that because he wants to get close with my sister.""Baka naman totoo talagang nagkaroon ng problema sa apartment niya kaya siya pumayag nang tumira sa inyo? You know?""No. I'm sure he's planning on something, Kola."Naikwento ko kasi sa kaibigan ang tungkol kay Rafael. Simula nang nakilala ko siya hanggang sa pag-aaway namin noong isang araw."Stop!" natatawang pigil ni Rafael nang tinutok ni Ate Ruby sa kaniya ang hose.Nabasa si Rafael kaya naghiganti. Tinutok niya rin ang hose sa direksyon ni Ate Ruby.Napuno ng halakhak at tili ang hardin namin dahil sa biruan nila. Umikot ang mata ko. I heard Kola sighed."I don't know what's really happening. Wala ako diyan para ma-witness ang lahat. Pero…...what's your plan?" Niyakap ko ang aking tuhod at napaisip sa sinabi niy
Kabanata 8"Mag-sorry ka sa kaniya, Maia," udyok ni Dan sa akin matapos ang eksena sa sala.Nandito kami ngayon sa aking kwarto. Sinundan niya ako para lang sabihin iyon."Why would I do that? Wala akong ginawang kasalanan," giit ko at umupo sa aking kama. "He started it! I just explained myself!""He only wants you to focus on your studies. Concern lang siya sa'yo. That's all he wanted to say. But you made it complicated."Umirap ako at padarag na umupo sa aking kama. Nanatili namang nakatayo si Dan."I don't need his concern nor his opinion. Hindi ko siya kamag-anak."Kumunot ang noo niya. "Why do you hate him so much? Simula nang nakilala mo siya ay palagi na lang masama ang timpla mo. What's the problem, Maia?"Nag-iwas ako ng tingin. May sagot ako sa utak ko pero hindi ko iyon isinatig. "He's annoying," I said to sum up it all.Huminga ng malalalim si Dan. "What's annoying about him? I don't see anything. Mabuting tao si Rafael.""Of course, you won't notice anything weird abou
Kabanata 9Ina-add nga ako sa fcebook nila Earl at Rica. Maging ang iba nilang kaibigan. Nakakausap ko sila sa chats. May group chat kasi sila at sinali nila ako.Binaba ko ang phone ko sa mesa at sinipat ko ang relo dito sa kitchen. Mag-aalas singko pa lang. Nasa may kusina kami ni Dan at nakatambay. Binaling ko ang tingin sa kapatid."Di ka umalis ngayon?" tanong ko. I sipped on my juice as I waited for his response.Sabado ngayon pero umalis sila Dad para sa meeting kasama ang Mayor ng Escala. Si Ate Ruby naman ay kasama nila. Ang naiwan lang sa bahay ay si Dan, Rafael at ako. Pati syempre ang isa naming kasambahay na si Manang Luisa. Si Ate Rosa at Kuya Harold kasi ay day off ngayon. Habang si Kuya Ben naman ay kasama nila Dad pag-alis. Nagkibit-balikat si Dan. "Hindi. Sabado kaya mga abala ang mga kaibigan ko.""Iyon bang nakausap natin noong nakaraan sa school ang kaibigan mo?""No. But they are also my friends."Ngumuso ako at tumango. "Kailan mo sila nakilala? Noong tuwing
Kabanata 10"We're here!" Pinatay ko ang tawag nang matanaw ko mula sa veranda ng kwarto ko ang isang taxi sa labas ng aming gate. Mabilis akong bumaba para lumabas ng bahay. Nagtawag na rin ako ng mga tao para buhatin ang mga dalang gamit ng mga bisita.Bumagal ang paghakbang ko nang madatnan si Rafael sa may hardin at mukhang nagsisimula pa lang magdilig ng mga halaman.Natanaw niya rin ang taxi sa labas. Sinulyapan niya ako nang maramdaman ang presensya ko.Hindi ko siya pinansin at dire-diretso ang lakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya ng tingin sa akin."Kola! Peter!" eksayted kong tawag sa dalawa.Pinagbuksan ko ng gate sila. Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay agad akong niyakap ni Kola."Oh my god! I miss you!" she said."I miss you too!"Pagkatapos no'n ay napatingin naman ako kay Peter. Tumaas ang isang kilay niya. He opened his arms to ask me to hug him, too.Tumawa ako at h******n rin ang kaibigan. "Gumaganda ka lalo."Umirap ako sa kaniya. Hindi ko alam kung asar
Kabanata 11 I woke up late. Late din kasi akong nakatulog kagabi. Kaya naman para akong lantang gulay. Habang sila Kola at Peter ay punong puno ng energy at eksayted na makalibot sa buong Escala. "Ayos ka lang?" tanong ni Peter sa akin habang nananghaliaan kami. Dahil weekdays, kami lang ang nandito sa hapag. Kanina pa raw sila gising at ako na lang ang hinihintay. Mabuti na lang at kaibigan ko naman sila kaya hindi ako nahiya na mag-tatanghali na nang nagising ako. "Yup!" I replied. "Bakit ba kasi nahirapan kang nakatulog kagabi? May insomnia ka?" si Kola. Umiling ako. May sumagi sa isip. "Wala. Nahirapan lang talaga." "Sure ka kaya mo? Pwede naman nating ipagpabukas ang paglilibot," aniya. "Hindi. Ngayong araw na. Kaya ko naman." Ganoon nga ang ginawa namin. Napagplanuhan namin na hapon kami maglilibot. I asked for a driver to roam us around. Wala si Kuya Ben dahil kasama nila Dad kaya si Kuya Harold ang kasama namin. "Hindi ka pa nakakalibot sa buong Escala, Maia? Ka
Kabanata 12 When my parents found out about the coconuts that the Vega gave, they did not said anything which is unusual. Hindi na lang ako nangusisa pa. Habang masaya naman ang mga kasambahay at agad nagplano na gagawa ng buko salad. "Your father is a great businessman, hija. Do you plan to follow his steps?" tanong ni Daddy habang naghahapunan kami. "Yes po, Tito. But I'm not closing doors to other career possibilities." Tumango si Daddy. "How about you, hijo?" Tumikhim si Peter. "I'm pursuing accountancy right now. Both of my parents are lawyers, Sir." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Daddy nang marinig ang sinabi ni Peter. "Really? I didn't know that. That's a good career choice. I hope to meet your parents soon." Ngumiti si Peter. "I am sure your grades are high," Mommy muttered. "Ang alam ko si Kola ay nangunguna sa kanilang klase sa Maynila." Tumawa si Kola at umiling. Nilingon ako ni Daddy. "Sana ay gayahin mo sila Maia. Kita mo? Magaganda ang kanilang grado a
Kabanata 13"I will miss you!" ani at yakap sa akin ni Kola. Kasama ko ngayon si Dan at hinatid namin rito sa airport sila Kola at Peter."I will miss you too, Kola!" nakangiting kong sagot. Si Peter naman ang niyakap ko pagkatapos. "Escala is a beautiful place, Maia. Enjoy your time here. Make a lot of friends para hindi ka ma-bored. Okay?" Tumango ako kay Peter. Medyo di sanay."Salamat sa pagdalaw. Mag-iingat kayo."Naglakad na sila dahil oras na nila para umalis. Kinawayan ko sila.Sa halos isang linggo na kasama ko sila ay nakalimutan ko ang lahat ng bumabagabag sa akin. Kaya paniguradong ma-mimiss ko sila. "Let's go, Maia," aya ni Dan. Tumango ako nang hindi ko na matanaw ang dalawang kaibigan.Lumabas na kami sa airport. Pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ni Dan ito."Yes?" Sa gilid ko ay may katawagan sa telepono si Dan habang nagmamaneho. "Sige. Kukunin ko. Tutungo ako riyan ngayon."Nang natapos siya ay inisang lingon niya ako."Sasaglit lang ako sa site. Dad
Kabanata 14 (Part 1)Pinaalis ko ang kamay niya sa chin ko nang marinig na ang boses nila Ate Rosa palapit sa kusina. Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Nagpatianod naman siya. Tila nawalan ng lakas."Wala! Wala kang dapat gawin! Dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi naman ako maniniwala sa'yo. You can fool my parents but not me!"Umigting ang panga niya at pinagmasdan akong mabuti."You hate me so much…" he whispered like he just realized it now. "Yes! Good that you know!" I sneered. He sighed. Bago pa kami maabutan nila Ate Rosa ay nagmartsa na ako paalis roon."Salamat po," sambit ko kay Kuya Harold."Magtext ka na lang kapag susunduin ka na, Maia."Tumango ako at lumabas na ng sasakyan.Today is my first day here at Escala University.Maraming mga estudyante na naglalakad at pumapasok sa gate kaya pumasok na rin ako.May ilang napapatingin sa akin marahil dahil hindi ako pamilyar sa kanila.Hawak-hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang sked ko. Tinungo ko