Kabanata 4
Tinigil niya ang motorbike nang makarating na kami sa labas ng gate ng aming bahay. Mabilis akong bumaba, napapaso sa lapit namin. Tinanggal ko rin ng mabilisan ang helmet.Kumunot ang noo ko nang tinanaw ang labas ng aming bahay.Napansin ko na may mga tao roon. Rinig na rinig ang halakhakan kahit nasa labas pa lang kami."Mga Engineer at Architect sa kumpanya ninyo. Narito sila para i-celebrate ang isang malaking proyekto niyo."Nilingon ko si Rafael nang sinabi niya iyon.Iyon ba ang dahilan kung bakit abala kanina ang mga kasambahay?"Tara na," aya niya at una nang pumasok.Tahimik na sumunod ako.Bumungad sa akin ang siguro'y hindi lalagpas sa labinglima na mga bisita. Mas marami ito kumpara noon. Nasa may pwesto sila sa labas at kumakain, nagkwekwentuhan at ang iba ay nag-iinuman.Habang naglalakad, natanaw ko sila Daddy at Mommy. May kausap na grupo at tumatawa.They don't look bothered or worried at all.Nagtaka ako. Hindi ito ang eksenang inaasahan kong madatnan!I thought they would be waiting for me at the entrance of our house with worried faces. Hindi ganito.Tumigil si Rafael sa pwesto nila Daddy. Agad din siyang napansin ng mga ito. Nang makalapit ay tumigil din ako."Valiente!" tawag ng ilang mga lalaki kay Rafael nang matanaw siya.Tinanguan ni Rafael ang mga ito at saglit silang nagbatihan.Valiente? That must be his last name. Rafael Valiente."Oh! There you are! Akala ko ay hindi ka na makakarating, Raf. Bakit ka natagalan——Wait. You're with my daughter?" Daddy asked when he got a short glimpse of me behind Rafael.Kumunot ang noo ni Mommy sa akin. She's also surprised to see me.Nanlamig ang katawan ko nang may napagtanto."Is that your youngest, Sir?" someone in the group asked.Hilaw na tumawa si Daddy nang nilingon niya ang nagtanong. "Ah. Yes, Alfredo. She's Maria Aia. Maia."My parents briefly introduced me to them.I forced myself to smile and greet them back."I hope you're enjoying the night po," I said my rehearse line."Yes, we are. Nabusog na kami at heto nagkwekwentuhan na," ani ng isa sa kanila na hindi ko matandaan ang pangalan.Ngumiti ako."Paniguradong matalino rin ang bunso niyo, Engineer. Katulad ng kaniyang mga kapatid," sambit pa ng isa."Sana nga ay ganoon, Tom. Pero iba ang hilig nitong si Maia kaya distracted. Hindi tuloy tumataas sa uno ang kaniyang grado," ani Daddy. "Ewan ko ba kung kanino siya nagmana. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pagkahilig sa arts na ‘yan."Nanlamig ako. Feeling embarrassed around these people.Hilaw na tumawa ang nagtanong at sinulyapan ako."Nako, eh, Engineer, maganda rin naman ang career na iyan. Madami akong kilala na successful sa ganyan."Nag-angat ako ng tingin sa nagsabi no'n. Ngumiti siya sa akin."But it's not for the long-term. Kapag nagsawa siya sa pagpipinta ay saan siya pupulutin? Mas mabuting kursong business ang kunin niya para makatulong sa kumpanya. Pursuing arts are for those people who have no clear plans in their life.”Nag-iwas ako ng tingin. Mas lalo lang nanliliit sa usapan.Nilihis naman ng isa ang usapan."Pasensya na, Engineer, Mrs. Asuncion. Natagalan po ako. Namataan ko ang anak niyo sa daan. Kaya kasama ko siya ngayon para iuwi sa inyo," pormal na paliwanag ni Rafael sa kanila nang magkaroon na ng tyempo.Umiling si Daddy sa kaniya at tinapik siya sa balikat.Napatango-tango naman si Mommy at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang siko ko."Umalis ka? Akala ko ay nasa kwarto ka lang?" she whispered.They…...didn't know."I got bored so…I went for a walk," mahina at malamig kong sabi.Nilingon ni Mom si Rafael. Lumambot ang mukha niya rito."Pasensya ka na sa abala, hijo. Salamat sa pag-uwi niya rito. Nakakahiya sa'yo. Hindi namin alam na umalis pala siya.""Melinda is right. I'm sorry about Maia, Raf," si Daddy naman ngayon.Bumagsak ang mata ko sa aking paa. Hindi kayang tingnan sila.Instead of feeling worried about me, they feel sorry for Rafael. Dahil nakaabala ako sa lalaki."Wala po iyon, Engineer, Mrs. Asuncion. Ang mahalaga ay nakauwi siya ng ligtas sa inyo.""Right. Right!" ani Dad at tawa. "You're such a nice man, hijo."Nanuyo ang lalamunan ko."Oh siya, Maia. Pumasok ka na sa loob at magbihis. Kumain ka na rin at magtungo ka na sa kwarto mo," utos ni Mommy sa akin.Parang robot na mauubusan na ng battery, tumango ako. Gusto ko na rin talagang pumasok sa loob dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang manatali dito.Narinig kong kinuha ni Daddy ang atensyon ng mga tao."Gentleman, here's Rafael. Matalino at ang laki ng potensyal. Kaya hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko siya na magtrabaho sa kumpanya at para mai-train na rin siya habang nagrereview siya para sa board exam. I cannot waste such talent like his…..."Hindi ko na narinig ang mga sumunod na papuri ni Daddy dahil tumalikod na ako at humakbang na palayo.He only gave me a brief introduction to his people. Puro negative pa. While he gives so much positive information about how good that Rafael is.I gritted my teeth.Mabigat ang pakiramdam na nagmartsa ako paalis doon. As I marched my way out, my siblings saw me. Nagtatanong ang mga mukha nila. Pero lumagpas din agad ang tingin nila sa likod ko.Dumiretso na lang ako papasok. Mabibigat ang mga hakbang na pinakawalan ko hanggang sa paakyat na ako para makatungo sa kwarto. Ngunit natigilan dahil may nagsalita sa likod ko."Pagkatapos mong magpalit, bumaba ka agad para kumain."It is Rafael.Nilingon ko siya. Umalis siya sa grupo sa labas para pumasok dito? Dad was introducing him to the visitors."Malayo ang nilakad mo kaya kumain ka para magkaroon ka ng lakas."Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagiging pala desisyon niya."You don't have to tell me what to do," malamig kong saad.Kumunot ang noo niya.Hindi na siya nakapagsalita dahil nang dumaan ang kasambahay naming si Ate Rosa na may dala-dalang mga baso, tinawag ko ang atensyon nito."Ate Rosa!"Natigilan naman ang kasambahay at inangat ang tingin sa akin. Pabalik-balik pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Rafael."Can you bring food to my room? Doon po ako kakain," ani ko.Bumaba ang tingin niya saglit sa mga hawak bago tumango. "Sige, Maia. Aasikasuhin ko pagkatapos nito.""Thanks po."Hindi ko na muling sinulyapan si Rafael at agad na akong tumalikod para maka-akyat na sa aking kwarto.I showered with warm water. Para naman maibsan man lang ang lamig na nararamdaman ko pero hindi naman nakatulong dahil paulit-ulit lang na nag-play sa utak ko ang nangyari.Nang nakabihis na ako ng grey loose shirt and black dolphin short ay binagsak ko ang sarili sa aking kama.Tulala ako sa kisame. Binabalikan na naman ang lahat ng nangyari ngayong araw.Hindi alam nila Dad na umalis ako dahil naging abala sila sa mga bisita. Kaya hindi sila nag-alala. Iyon na lang inisip ko bilang pampalubag loob sa sarili.Isang katok ang nagpalingon sa akin sa pinto.Si Ate Rosa.Bumangon ako at binuksan ang pinto.Bahagya akong nagulat nang imbes na si Ate Rosa ang nadatnan ko ay si Rafael ang bumungad sa akin.His eyes surveyed me for a bit. Bago niya tinigil ang tingin sa mukha ko.Sinipat ko ng tingin ang tray na hawak niya. May laman iyon na pagkain."Bakit ikaw ang nagdala nito?" malamig na tanong ko sabay angat pabalik ng tingin sa mukha niya.Naalala ko kung paano siya pinuri ni Daddy kanina. At pag dating sa akin ay kapalpakan ko ang sinabi ni Daddy sa mga tao.Kinuyom ko ang kamao."Abala ang mga kasambahay n’yo sa mga bisita."Nagtaas ang kilay ko."At ikaw ay hindi?"I heard how the visitors called him earlier. Nakita ko kung gaano siya ka in-demand. Nakita ko kung gaano siya gustong makausap ng mga tao sa labas."The people outside are calling you. My parents, too. They need you outside," mapait kong sambit.At ako ay hindi. My parents didn't even want me to stay. Pinapasok ako agad. Hindi na sinabing bumaba at bumalik para makihalubilo sa bisita.Nagtagal ang titig niya sa akin bago umimik."I'm sure they can enjoy the night without me," aniya. "Ito na ang dinner mo. Babalikan ko na lang ulit ang tray mamaya pagkatapos mong kumain."Bumagsak ang tingin ko sa tray na hawak niya. Galit ko iyong tiningnan.I don't understand. Bakit ang dali niyang nakuha ang loob ng magulang ko? Bakit tuwing na sa paligid siya ay grabe ang atensyon na binibigay nila Dad sa kanya?Habang ako ni isang beses ay walang narinig na papuri mula sa kanila. Kahit isa man lang! Kahit nga pilit baka tanggapin ko pa pero wala! Pero pagdating kay Rafael ay madali para sa kanilang purihin ito."Bakit? Ayaw mo nito? May iba kang gustong kainin?" tanong ni Rafael nang nagtagal ang mariing titig ko sa laman ng tray."Are you the one who prepared this?" I asked instead without looking at him."Oo. Niluto ko ang itlog dahil hindi masarap kapag malamig. Ang adobo ay galing sa kusina—""Ayoko na pala kumain," putol ko sa sinasabi niya.Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya.Nakakunot ang kaniyang noo."Kailangan mong kumain. Ayaw mo ba nito? What do you want? I can ask your maids to prepare it. O kung abala sila ay ako ang maghahanda.""Sabi ko, ayokong kumain," ulit ko.He sighed."Hindi ka pa kumakain, Maia. Masamang magpalipas ng gutom," aniya. Bahagya niyang inurong patungo sa akin ang tray. "Here. Eat your food."Kumunot ang noo ko."Ayoko.""You should eat," aniya. “Ano ba ang gusto mo para maihanda ko—”Namula ako sa inis."Bakit ba ang kulit mo? Sabing ayoko nga!" sigaw ko at tabig sa tray na hawak niya.Nawala ito sa kamay niya at bumagsak ito sa sahig. Gumawa ito ng ingay. Umalingawngaw iyon sa pangalawang palapag ng bahay namin. Ang pagkain ay nagkalat na ngayon sa sahig. Ang plato ay kubyertos ay tumilapon.Sinulyapan niya iyon at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Nang binaling niya sa akin ang tingin ay madilim na ang ekspresyon ng mukha niya.Nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa galit."Bakit mo ginawa iyon?" sambit niya. Medyo mataas na ang tono at salubong na ang mga kilay."Ipinipilit mo kasi! Ayoko nga sabing kumain!"His eyes are bloodshot. I can see his anger and frustrations in his eyes."Bakit? Kanina ay nagpautos kang magpadala ng pagkain. Ngayon, ayaw mo na?""Bakit? Hindi ba pwedeng magbago ang isip ko? E sa biglang ayoko na e!""Kaya tinabig mo ang tray?" malamig at galit niyang sabi. “Kailangan mo ba talagang gawin iyon?”"Kasi pinipilit mo sa akin!""I did not! I was asking you what you want to eat if you don't like what I prepared! Dahil hindi ka pa kumakain!""Ano ngayon kung hindi pa ako kumakain? At sinabi ko na, hindi ba? Ayoko na ngang kumain!"Natigil siya sa sinabi ko. He looks at me in awe. Para bang hindi niya maintindihan ang argumento ko."Bakit ba kasi ikaw ang nag-asikaso at nagdala n’yan dito? Ikaw ba ang inutusan ko? Ikaw ba si Ate Rosa?"Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag kahit pa medyo nagulat sa ginawa niya."Iyan ba ang dahilan kung bakit tinabig mo? 'Yan ba ang dahilan kung bakit biglang ayaw mo nang kumain? Dahil ayaw mong ako ang maghanda at magdala nito sa'yo?" tanong niya na parang naliwanagan na siya sa dahilan ng galit ko.Kinuyom ko ang kamao. Galit na mata ang pinukaw ko sa kaniya."Oo!" I almost shouted. "Ayokong ikaw ang gumawa nito! Hindi naman ikaw ang inutusan ko kaya bakit nandito ka? Dapat nasa labas ka at hindi dito!"His jaw moved."What's happening here?"Umangat baba ang dibdib sa hingal dahil sa mga binitawan kong salita at sa galit na nararamdaman sa kaniya.Sinulyapan ko ang dumating at nakitang ang nasa malayo ay si Ate Ruby. Rafael did not glance at her. Instead, he looks at me with his menacing eyes full of frustrations and other emotions I refuse to name.Nang nakalapit si Ate Ruby ay pinasadahan niya ng tingin ang sahig kung nasaan bumagsak ang tray at mga pagkain.Nang inangat ni Ate Ruby ang tingin sa aming dalawa saka siya nilingon ni Rafael."Anong nangyari?""Nadulas lang sa kamay ko, Ruby," paliwanag ni Rafael.Kabanata 5Hindi ako napagalitan ni Ate Ruby. Rafael explained to her that it was his fault. He lied.Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Baka gustong magpaka-hero.Nagtagal ang titig sa akin ni Ate Ruby na para bang sinubukan niyang basahin ang mata ko. I thought she would inform our parents about what happened. Kaya hinintay ko sila Daddy noong gabing iyon at kinabukasan na kausapin at pagalitan ako pero hindi dumating. I figured Ate Ruby did not tell them. And even Rafael.Hindi na naging madalas ang pagpunta ni Rafael sa bahay mula ng araw na iyon. Dahil na rin siguro abala ang mga tao sa kumpanya. I heard they have a huge project. So even Daddy is busy these days."Ate, si Daddy po?" tanong ko kay Ate Rosa na pinapalitan ngayon ang bedsheet ko."Nasa baba. Mukhang paalis na."Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumaba ako sa hagdan. "Dad!" tawag ko nang natanaw itong nasa may pinto at paalis na.Hindi ko pinansin ang kasama niy
Kabanata 6"Mabuti at pumayag ka rin sa wakas, hijo!"Pinanood ko ang liwanag at saya sa mukha ni Mommy.Nandito kami ngayon sa sala at sa harap namin ay si Rafael na may mga bitbit na mga bag."Bakit ayaw mo sa isa sa mga kwarto rito?" tanong ni Dad sa lalaki.Naghahalukipkip naman na nasa gilid ako."Ayos na po ako sa kwartel sa likod kung saan din natutulog sila Harold at Ben, Engineer," mababa ang boses na sagot ni Rafael."Nako! Dapat talaga ay sa isa sa mga kwarto ka namin manatili. Pero mukhang hindi ka na mapipilit," ani Mom. "Pero kung sakaling magbago ang isip mo, hijo. Magsabi ka agad."Tumango ang lalaki. "Maraming salamat po.""Anyway, we're happy for your decision to stay here. Kung hindi pa nagkaproblema sa linya ng tubig ang apartment mo, mukhang hindi mo pa ata tatanggapin ang alok namin," saad ni Dad."Mabuti pala at nagkaroon ng problema," ani ni Danzel at ngumisi.Humalakhak si Dad. Nagtawanan sila roon habang ako ay tahimik at hindi natutuwa. And I have no intentio
Kabanata 7"I hate him," mutawi ko sa kaibigan.Narito ako sa veranda at nakaupo sa silya rito. Natanaw ko ang pagdidilig ni Ate Ruby at Rafael. "Is he that bad?" tanong ni Kola sa kabilang linya. "Yes. He's doing that because he wants to get close with my sister.""Baka naman totoo talagang nagkaroon ng problema sa apartment niya kaya siya pumayag nang tumira sa inyo? You know?""No. I'm sure he's planning on something, Kola."Naikwento ko kasi sa kaibigan ang tungkol kay Rafael. Simula nang nakilala ko siya hanggang sa pag-aaway namin noong isang araw."Stop!" natatawang pigil ni Rafael nang tinutok ni Ate Ruby sa kaniya ang hose.Nabasa si Rafael kaya naghiganti. Tinutok niya rin ang hose sa direksyon ni Ate Ruby.Napuno ng halakhak at tili ang hardin namin dahil sa biruan nila. Umikot ang mata ko. I heard Kola sighed."I don't know what's really happening. Wala ako diyan para ma-witness ang lahat. Pero…...what's your plan?" Niyakap ko ang aking tuhod at napaisip sa sinabi niy
Kabanata 8"Mag-sorry ka sa kaniya, Maia," udyok ni Dan sa akin matapos ang eksena sa sala.Nandito kami ngayon sa aking kwarto. Sinundan niya ako para lang sabihin iyon."Why would I do that? Wala akong ginawang kasalanan," giit ko at umupo sa aking kama. "He started it! I just explained myself!""He only wants you to focus on your studies. Concern lang siya sa'yo. That's all he wanted to say. But you made it complicated."Umirap ako at padarag na umupo sa aking kama. Nanatili namang nakatayo si Dan."I don't need his concern nor his opinion. Hindi ko siya kamag-anak."Kumunot ang noo niya. "Why do you hate him so much? Simula nang nakilala mo siya ay palagi na lang masama ang timpla mo. What's the problem, Maia?"Nag-iwas ako ng tingin. May sagot ako sa utak ko pero hindi ko iyon isinatig. "He's annoying," I said to sum up it all.Huminga ng malalalim si Dan. "What's annoying about him? I don't see anything. Mabuting tao si Rafael.""Of course, you won't notice anything weird abou
Kabanata 9Ina-add nga ako sa fcebook nila Earl at Rica. Maging ang iba nilang kaibigan. Nakakausap ko sila sa chats. May group chat kasi sila at sinali nila ako.Binaba ko ang phone ko sa mesa at sinipat ko ang relo dito sa kitchen. Mag-aalas singko pa lang. Nasa may kusina kami ni Dan at nakatambay. Binaling ko ang tingin sa kapatid."Di ka umalis ngayon?" tanong ko. I sipped on my juice as I waited for his response.Sabado ngayon pero umalis sila Dad para sa meeting kasama ang Mayor ng Escala. Si Ate Ruby naman ay kasama nila. Ang naiwan lang sa bahay ay si Dan, Rafael at ako. Pati syempre ang isa naming kasambahay na si Manang Luisa. Si Ate Rosa at Kuya Harold kasi ay day off ngayon. Habang si Kuya Ben naman ay kasama nila Dad pag-alis. Nagkibit-balikat si Dan. "Hindi. Sabado kaya mga abala ang mga kaibigan ko.""Iyon bang nakausap natin noong nakaraan sa school ang kaibigan mo?""No. But they are also my friends."Ngumuso ako at tumango. "Kailan mo sila nakilala? Noong tuwing
Kabanata 10"We're here!" Pinatay ko ang tawag nang matanaw ko mula sa veranda ng kwarto ko ang isang taxi sa labas ng aming gate. Mabilis akong bumaba para lumabas ng bahay. Nagtawag na rin ako ng mga tao para buhatin ang mga dalang gamit ng mga bisita.Bumagal ang paghakbang ko nang madatnan si Rafael sa may hardin at mukhang nagsisimula pa lang magdilig ng mga halaman.Natanaw niya rin ang taxi sa labas. Sinulyapan niya ako nang maramdaman ang presensya ko.Hindi ko siya pinansin at dire-diretso ang lakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya ng tingin sa akin."Kola! Peter!" eksayted kong tawag sa dalawa.Pinagbuksan ko ng gate sila. Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay agad akong niyakap ni Kola."Oh my god! I miss you!" she said."I miss you too!"Pagkatapos no'n ay napatingin naman ako kay Peter. Tumaas ang isang kilay niya. He opened his arms to ask me to hug him, too.Tumawa ako at h******n rin ang kaibigan. "Gumaganda ka lalo."Umirap ako sa kaniya. Hindi ko alam kung asar
Kabanata 11 I woke up late. Late din kasi akong nakatulog kagabi. Kaya naman para akong lantang gulay. Habang sila Kola at Peter ay punong puno ng energy at eksayted na makalibot sa buong Escala. "Ayos ka lang?" tanong ni Peter sa akin habang nananghaliaan kami. Dahil weekdays, kami lang ang nandito sa hapag. Kanina pa raw sila gising at ako na lang ang hinihintay. Mabuti na lang at kaibigan ko naman sila kaya hindi ako nahiya na mag-tatanghali na nang nagising ako. "Yup!" I replied. "Bakit ba kasi nahirapan kang nakatulog kagabi? May insomnia ka?" si Kola. Umiling ako. May sumagi sa isip. "Wala. Nahirapan lang talaga." "Sure ka kaya mo? Pwede naman nating ipagpabukas ang paglilibot," aniya. "Hindi. Ngayong araw na. Kaya ko naman." Ganoon nga ang ginawa namin. Napagplanuhan namin na hapon kami maglilibot. I asked for a driver to roam us around. Wala si Kuya Ben dahil kasama nila Dad kaya si Kuya Harold ang kasama namin. "Hindi ka pa nakakalibot sa buong Escala, Maia? Ka
Kabanata 12 When my parents found out about the coconuts that the Vega gave, they did not said anything which is unusual. Hindi na lang ako nangusisa pa. Habang masaya naman ang mga kasambahay at agad nagplano na gagawa ng buko salad. "Your father is a great businessman, hija. Do you plan to follow his steps?" tanong ni Daddy habang naghahapunan kami. "Yes po, Tito. But I'm not closing doors to other career possibilities." Tumango si Daddy. "How about you, hijo?" Tumikhim si Peter. "I'm pursuing accountancy right now. Both of my parents are lawyers, Sir." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Daddy nang marinig ang sinabi ni Peter. "Really? I didn't know that. That's a good career choice. I hope to meet your parents soon." Ngumiti si Peter. "I am sure your grades are high," Mommy muttered. "Ang alam ko si Kola ay nangunguna sa kanilang klase sa Maynila." Tumawa si Kola at umiling. Nilingon ako ni Daddy. "Sana ay gayahin mo sila Maia. Kita mo? Magaganda ang kanilang grado a